Professional Documents
Culture Documents
PAGSASANAY C
Huwag Maniwala sa AlDub:
Ang Paglaban at Pag-Ibig ay Laging nasa Tamang Panahon
Raymond Palatino
Una sa lahat, salamat at andito kayo kahit may AlDub ngayon. Huwag gawing obvious ang
pagsilip sa AlDub hashtag.
Pangalawa, salamat sa College Editors Guild of the Philippines (CEGP) para sa karangalan
na maging keynote speaker. Saludo ako sa CEGP, matayog na sandigan ng kilusang kabataan
sa bansa na patuloy ang paglaban hindi lamang para sa karapatang magpahayag kundi kasama
rin ang demokratikong karapatan ng mamamayan.
Nagagalak akong makita kayo na aktibong kalahok sa pagtitipong ito. Ibig sabihin kasi
may extra effort kayo na inilalaan para sa pag-aaral. Hindi naman lahat pinipiling maging bahagi
ng student paper; hindi lahat nauunawaan ang halaga ng tinatawag natin sa akademya na
extracurricular activity. Kung ako ang inyong tatanungin, at ako ay nagsasalita sa punto de bista
ng isang guro, kasing halaga ng pormal na kurikulum o minsan nga higit na mabisang learning
tool ang mga aktibidad sa labas ng klasrum. Kapag aktibo kayo sa mga ganitong samahan,
lumalawak ang inyong network, nabubukas sa inyo ang maraming oportunidad, at nadadagdagan
ang inyong praktikal na kaalaman sa maraming bagay.
Marahil ngayon ay napansin na ninyo ang inyong espesyal na status bilang mga mag-aaral
sa kolehiyo. Sa ating bansa, mataas ang drop-out rate mula kinder, elementary, at hayskul. Ang
problema natin ay hindi lamang ang maikling high school system kundi ang mas pundamental
na usapin na marami ang hindi nakakatapos ng hayskul. Alam yan ng DepEd pero tinuloy pa rin
nito ang pagpapatupad ng programang K to 12, isang reporma na maaaring magpalubha sa halip
na resolbahin ang krisis sa edukasyon. Kung hindi K to 12, ano ang alternatibo? Ano ang ating
isusulong?
Bigla kong naalala ang 1987 Constitution dahil nakasaad dito na dapat libre ang hayskul.
Sa 1973 Constitution, nakalagay dun na elementary lang ang libre. Panahon na siguro upang
isakatuparan ang matagal nang sinisigaw ng mga kabataan na libreng edukasyon kahit sa kolehiyo.
Imposible? Sundin ang nakasulat sa konstitusyon na dapat ang pinakamataas na gastusin
ng pamahalaan ay nakalaan sa edukasyon. Ayusin muna ang mga pangunahing problema sa
batayang edukasyon tapos pag-usapan natin kung paano hakbang-hakbang na ipapasok ang
mga nilalaman ng K to 12.
1
Sana bago matapos ang pagtitipong ito ay maaari na kayong makapagbigay ng inyong
sariling kasagutan sa mga tanong na ito: Bakit ba tayo nag-aaral? Bakit ba tayo nagsusulat?
Tila simple, napakasimpleng mga tanong, hindi ba? Pero sa totoo, hindi. Sabi ng mga
nakakatanda, kailangang mag-aral para magkaroon ng magandang kinabukasan. Susi raw ang
edukasyon para makuha natin ang trabahong ating inaasam. Tama. Subalit hindi ba ito makitid
na pananaw? Bakit natin ililimita ang misyon ng edukasyon sa paghahanda sa atin kung paano
magtrabaho sa hinaharap? Wala namang problema kung tuntungan ang edukasyon upang
maabot ang ating mga pangarap pero bakit kailangang nasa unahan ang mga indibidwal na
mithiin? Mainam sana kung ang pokus ng lahat, kung ang tinataguyod ng mga paaralan ay hindi
indibidwalismo o kompetisyon kundi panlipunang kagalingan din.
Iwan muna natin ang usaping ito at babalikan natin ito mamaya. Samantala, pag-usapan
natin ang pagsusulat.
Mayroon akong pagtingin na nasa peligro ang batayang kasanayan sa pagsusulat. At ang
banta ay nanggagaling sa popular na teknolohiya na ang tawag natin ay internet. Oo, maraming
positibo ang mababanggit patungkol sa internet—mabilis na komunikasyon, instant na palitan ng
impormasyon—at marami pa itong potensiyal na pwedeng magamit sa pag-aaral; subalit dapat
din nating kilalanin na may epekto ito na hindi nakakabuti.
Maaaring sabihin na lahat naman ng disruptive technology ay may ganitong katangian tulad
ng mga pagbabagong idinulot ng libro, makinilya, at TV noon. Tama ulit. Subalit nasa maagang
yugto pa lang tayo ng internet at kaugnay na teknolohiya sa tinatawag nilang Knowledge o
Information Economy. Ibig sabihin, mahalaga na matukoy agad natin ang mga binabagong gawi
at aktitud ng internet sa ating pang araw-araw na buhay upang maagap din tayong makapag-
adjust o makahanap ng karampatang aksiyon o reaksiyon.
Bilang mga millennial o henerasyong nagkaisip sa panahong halos mainstream na ang
paggamit ng smartphone, maaaring hindi na kakaiba sa inyo ang paggamit ng internet o paglahok
sa social media. Dapat nating maunawaan na lahat ito ay naging popular sa nakalipas na dalawang
dekada lamang. Subalit sa maikling panahong ito, nagbunsod na ito ng maraming pagbabago sa
mundo ng tao. Wala tayong kakulangan ng mga babasahing pumupuri sa IT; ang kailangan natin
ay mga kritikal na talakayan hinggil dito.
Mayroon akong mga mungkahing paksa kung paano natin ilulugar ang mga pagbabagong
ito sa distribusyon at pagdebelop ng kaalaman sa lipunan:
– Ang internet bilang search, email, blog, social media at app o kung paano umusbong,
yumabong, at naging bonggang plataporma ang internet sa mundo. Kaugnay nito, ang
social media bilang gatekeeper ng impormasyon. At ang susunod na default technology:
paggamit ng apps na gagabay sa ating bawat pagkilos;
– Pagbasa sa panahon ng realtime, instant info o kung magiging mas prangka tayo: may
nagbabasa pa ba o simpleng tumitingin na lang ng mga visual?;
– Ang bilis o instant ay pinagkakamali bilang totoo;
– Malikhaing pagsulat gamit ang 140 characters. Malikhain ba ito? Pagsulat ba ito?;
– Kailan kulang at sobra ang impormasyon? Bakit trending samantalang kay bilis naman
makalimutan?;
Napapanahon at kapaki-pakinabang 10
ang napiling paksa