You are on page 1of 3

Specific Instructions:

 Answer the questions below in at least ten (10) sentences each. You may write your
answer in either English or Filipino.

1. What are the pros and cons of cultural imperialism as you've experienced as a
resident of a country that has undergone intense exposure to a different foreign
culture?

Hindi naman bago sa atin ang katotohanang sinakop tayo ng iba’t-ibang bansa,
bukod pa rito ay naimpluwensyahan din ang Pilipinas ng mga karatig bansa nito dahil sa
pakikipagkalakaran. Bilang isang Filipino na lumaki sa sa panahon ng makabagong
panahon kung saan napaliligiran ng teknolohiya, masasabi kong iba ang aking karansan
kumpara sa karanasan ng mga nakakatanda sa akin. Ang mga karanasang ito ay mayroong
malaking impluwensya sa aking pagkatao at sa nakikita ko marami namang magagadang
ambag ito sa aking buhay ngunit marami rin ang hindi maganda. Dahil sa teknolohiyang
dala ng makabagong panahon, namulat ko ang aking sarili sa iba’t-ibang kultura partikular
na ang kultura ng Amerika, Japan, at Korea. Base sa aking obsebasyon, ang talong bansa
ring ito ang naglalaban-laban upang maging angat sa buong bansa pagdating sa kultura.
Ang magagandang ambag ng mga kulturang ito sa aking buhay ay unang-una, mas naging
bukas ako sa katotohanang marami at iba’t-iba ang kultura na mayroon sa buong mundo at
nararapat lamang na alamin ito upang magkaroon ng kaalaman at maiwang makabastos ng
ibang lahi. Binuksan din nito ang aking isipan na huwag maging mapanghusga—hindi
porke iba ang kinasanayan ng ibang lahi ay mali na sila. Isa pang magdang dulot nito ay
nagkaroon tayo ng pagkakataon na maranasan ang kultura ng iba at matuto sa kanila. Isa
itong opurtunidad para sa atin na matuto mula sa kanila o gumaya sa kanilang
pamamaraan at ideyolohiya. Sa kabilang banda, ang nakikita ko namang hindi magandang
dulot o ambag ng imperyalismo ay nakakalimutan natin ang ating sariling kultura—mas
minamahal na natin ang kultura ng iba at mas natutuon natin an gating mga pansin sa mga
kulturang ito kaysa sa sarili atin at kung patuloy itong mangyayari, Malaki ang posibilidad
na mawala o makalimutan natin ang sarili nating kultura dahil sa puspusang pag-mamahal
at pag-idolo sa kultura ng iba. Nararapat nating tandaan na walang nakaaangat na kultura
—lahat ng kultura ay may pagkukulang at pagkakamali, maganda naman talagang maging
bukas ngunit sana nama’y hanggang doon lamang—huwag sana tayong umabot sa puntong
inabanduna na natin ang sarili nating kultura dahil sa taas ng tingin natin sa kultura ng iba.
2. How did social media disrupt freethought? (Use Philippine politics or personal
experience as an example).

Totoong nakababahala ang mga bagay na kayang gawin ng social media, isa na nga
rito ang kakayahan nito kalikutin ang ating kaisipan at tamnan ng mga ideyolohiya na mali
at hindi makabubuti hindi lamang sa ating sarili ngunit pati na rin sa ating lipunan. Ngunit,
kung iisiping mabuti, hindi naman talaga dapat nating sisihin ang social media sa mga
taglay nitong kakayahan bagkus ang dapat sisihin ay tayong mga gumagamit nito. Ang
kalayaang natamo natin sa pamamagitan ng social media na yata ang pinakamasarap at
kalayaang naranasan natin ngunit ang kalayaang ito ay may kaakibat na responsibilidad at
pag-iingat na dapat mayroon tayo sa ating mga sarili. Ang kalayaang bitbit sa atin ng social
media ay maraming pang kasama, nariyan ang madalian pagkuha ng impormasyon.
Kasama rin nito ang malayang paglalabas ng opinyon at malayang pakikipag-talastasan sa
iba’t-ibang uri ng tao. Dala rin nito opurtunidad ng pagkakaroon ng bukas na kaisipan at
maging ang liberalism mula sa lumang paniniwala at opinyon. Ngunit sa kabila ng mga ito
may dala rin ito salot at ito ay ang kalayaang makapanakit sa iba, magbigay ng
impormasyong hindi tama, baliin ang katotohanan sa likod ng balita at kasaysayan at
magpaniwala ng tao o magbali ng kaisipan. Sa aking sariling opinyon at paniniwala mali
ang tanong na “paanong nagagawa ng social media na magtanim ng iba’t-ibang kaisipan o
magbali ng kaisipan ng isang tao?” Tandaan nating ang social media ay isa lamang
instrumento—tao pa rin ang may lubos na kakayahang gawin ang mga bagay na ito,
ginagamit niya lamang social media upang magpahiwatig ng iba’t-ibang uri ng
impromasyon, opinyon at paniniwala. Ginagamit ng tao ang kalayaang dala ng social media
upang manira, magpaniwala, magbigay ng maling impormasyon, at magbali ng katotohanan
at kasaysayan. Masama ang sobrang kalayaan dahil nagdudulot ito ng hindi magandang
epekto sa lipunan. Halimbawa na lamang ang pagnonomalisa ng mga salitang “edi ikaw na
ang matalino” o “edi ikaw na ang nakapagtapos” kapag itinatama o binibigyan ng kaalaman
sa social media, ang ibig sabihin ng mga katagang ito na minamasa natin kapag itinatama
tayo. Naging bala rin sa social media nag mga salitang “respect my opinion” ito ay
nangyayari rin kapag itinatama ang mga tao sa social media o kaya naman nasasabihan na
mali ang kanilang impormasyon. Marami pang pamamaraang nagagawa ang tao upang
mamanipula nila ang iba o mabali ang kanilang paniniwala sa pamamagitan ng social
media.

3. Explain the importance of Peace Education to supposed enforcers and protectors


of human rights namely administrators of justice and government and legislative
officials.

Para sa mga taong mag-papatupad at mag-proprotekta ng karapatang pantao gaya ng


gobyerno, mga pulis, mga hukom at iba nararapat lamang na bigyang halaga ang
edukasyong pang-kapayapaan sapagkat nakaugnay pa rin ito sa karapatang pantao. Malaki
ang maitutulong ng edukasyong pang-kapayapaan sa mga taong may kapangyarihan upang
lubos nilang maitindihan at matugunan ang mga problema. Pinipigilan din nito ang mga
padalos-dalos na disisyon at pamamaraaan. Pundasyon rin ang edukasyong pang-
kapayapaan upang maiwasan o mapigilan ang mga digmaan, karahasan at mga gawing
umaapak sa karapatang pantao. Nag-bibigay rin ito ng ideya na hindi lahat ng bagay ay
dapat dumaan sa karahasan. Tinuturuan tayo ng edukasyong pang-kapayapaan na maging
kalmado at tingnan mabuti ang bawat anggulo ng namumuong gulo saka gumawa ng kilos
na hindi dapat makasasakit ng sino man. Sentro rin ng edukasyong ito ang mga paniniwala
at pagrespeto sa karapatang-pantao, kalayaan at tiwala na kailan ma’y hindi makakamit
kung gagamit ng dahas. Ipinapaintindi rin ng edukasyon ito ang kahalagahan ng
kapayapaan sa pamamaraan ng pamumuhay ng tao sapagkat kung hindi ito bibigyanh
prioridad sa oras ng kaguluhan ay maari itong magdulot ng hindi magadnang bunga sa
pamumuhay ng mga tao, hindi lamang sa pisikal ngunit maging sa emosyonal at sikolohikal
na aspekto ng buhay. Palagi nating tatandaan na hindi kapayapaan ang bitbit ng digmaan
kun’di hirap, pagdurusa at kamatayan. Kung nais natin ng tunay na kapayapaan dapat
makamit natin ito sa pag-gamit ng tamang pamamaraan.

You might also like