You are on page 1of 1

Aralin 10: Mga Isyu ng Karapatang Pantao 30 puntos

Matapos panoorin ang documentary sa https://www.youtube.com/watch?v=rRCy4YQWXv8 sagutin ang mga tanong sa


ibaba:

1. Anu-ano ang mga katangian ng karapatang pantao? Bigyan ng maikling paliwanag bawat isa.
May limang katangian ang karapatang pantao, ito ay ang:

- Universality
Ito ay nagsasabi na walang nakalalamang sa isa, lahat ay dapat makakuha ng pantay na pagtrato. Ang
karapatang pantao ay para sa lahat, kahit sino o nasaan ka man.

- Non-discriminatory
Ito ay pagpapawalang-bisa ng diskriminasyon laban sa isang grupo o lahi dahil lang sa kanilang katangian.
Ang hindi pagtanggap o pagtakwil ng karamihan sa mga katutubo at muslim ay isang uri ng pagtapak sa
kanilang karapatan bilang tao.

- Inalienability
Lahat tayo ay may sariling karapatan na sa atin lamang at hindi kailanman mailalagay sa kontrol ng may
makapangyarihan, mga organisasyon o bansa.

- Indivisible
Sinasabi dito na ang mga karapatang pantao ay magkakasama o tinuturing na isa at hindi dapat binibigay
nang hiwa-hiwalay. Kung ang isa ay may karapatan, ganoon rin ang lahat.

- Interrelated
Ang karapatan ay magkakaugnay-ugnay kaya kung nalabag ang isang karapatan ito ay maaaring mauwi sa
paglabag rin sa iba pang karapatan.

2. Bakit mahalaga na ipaglaban ang iyong karapatang pantao?


- Una, dahil hindi lang ito para sa ating sariling kapakanan kundi para din ito sa pagbuo ng pundasyon ng
kalayaan, hustisya, at kapayapaan sa mundo. Likas sa isang tao na pangalagaaan ang kanyang buhay nang
may dignidad at lumaki sa lipunang tatanggapin siya ng buo. Kaya kung ang karapatan na ito ay babaliwalain,
marapat lamang na ipaglaban dahil katumbas nito ang isang buhay na dapat pinahahalagahan, higit sa lahat.

3. Kung may idadagdag ka sa katinupunan ng mga karapatang pantao, ano ito at bakit?
- Kung may idadagdag ako, ito ay ang pantay na pagtugon ng opisyales sa mga hinaing ng mamamayan, mapa-
bata man o matanda. Sa panahon ngayon marami pa rin ang nagbabaliwala ng suhestiyon ng mga batang
tulad namin dahil sa akalang walang sapat na kaalaman at karanasan ang mga ito hinggil sa mga nangyayari.
Ang pagsisikap ng mga batang makapag-aral at maipakalat ang kanilang natutunan ay tinuturing lamang na
mali o haka-hakang impormasyon dahil sa kanila, hindi kailanman mas magiging tama ang opinyon ng bata
kaysa sa matatanda. Nawawalan sila ng boses at tiwala para sa kanilang sarili.

You might also like