You are on page 1of 4

BS PSY 1106

MGA KUMENTO NG PANGKAT 2


Dagos, Daniela
de Guzman, Bea Nicole
Fabellon, Rose Ann
Paulasa, Sophia Nicole
Ramos, Mika Allain
San Diego, Stacey Nicole
Siscar, Abigail Ruth

APAT NA KLASIPIKASYON ANG CONSTITUTIONAL RIGHTS.

Constitutional Rights
Ito yung mga karapatan na ipinagkaloob sa bawat mamamayan ng Pilipinas
na nakalathala sa Konstitusyon ng Pilipinas. Ito ay dapat kilalanin ng gobyerno at ng
buong estado at hindi dapat ipagkait kanino man. Maganda ang naidudulot nito sa
bayan at sa mamamayan sapagkat nakapaloob dito ang mga karapatan ng mga tao
na magbibigay ng katarungan sa lahat.

1. Karapatang Politikal
Aming masasabi ay maganda ang naiaambag nito dahil ang mga karapatang
ito ay inihahayag nito ang kakayahang mayroon ang isang mamamayan at ito dapat
ay magamit sa maayos at magandang paraan. Sa mga karapatang ito makikita ang
paggamit sa kapangyarihang ibinigay ng Konstitusyon sa mga mamamayan upang
maipakita ang kanilang lakas sa pagtatag ng pamahalaan at gobyernong tutulong sa
pagpapaunlad ng bansa. Ang isa sa mga halimbawa ng karapatang politika ay ang
karapatang bumoto o maghalal ng opisyal sa gobyerno dahil naipapakita dito ang
paggamit ng mga Pilipino ng kanilang kapangyarihan upang mapaganda ang
kondisyon ng aspetong politikal ng bansang Pilipinas.

2. Karapatang Sibil
Ang mga karapatang ito ay matataguriang sibil at masasabi nating napakalaki
ng importansya nito dahil nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng pamumuhay
ng mga tao ang ambag nito. Sa mga karapatang ito masasalamin ang
pagpapahalaga sa sosyal at pribadong kalayaan ng bawat mamamayan upang
mamuhay nang tahimik at sa kung anong bagay ang ninanais nilang gawin ay
nagagawa nila nang walang pumipigil basta ito ay marangal at hindi nakakapahamak
ng kapwa. Ang isa sa mga halimbawa ng karapatang sibil ay ang kalayaan sa
pananalita at pamamahayag sapagkat nasasalamin dito ang pagkakaroon ng
kalayaan sa pamumuhay sa kung ano man ninanais ng isang indibidwal nang walang
nasasaktan at nahihirapan.

3. Karapatang sosyo-ekonomiko
Mga karapatan na tumitiyak sa katiwasayan ng buhay at pang ekonomiko ng
mga mamamayan. Ito ay importante sapagkat hindi naman lahat ay ipinanganak na
may mapagkukunan ng pangangailangan o di kaya ay kayang gawin lahat ng bagay.
Ang karapatan na ito ay nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng tao pagdating sa
paggamit sa mga ilang pangangailangan sa buhay tulad na lamang sa hangin,
edukasyon, bahay at iba pa. Tinutulungan nito ang bawat indibidwal na makamit ang
mga pangangailangan nila sa mas madaling paraan. Pero dapat pa ding maging
responsable sa paggamit ng karapatan na ito sapagkat maaaring maubos ang ilan sa
mga mapagkukunan kung hindi ito gagamitin ng maayos.

4. Karapatan ng akusado
Karapatan na nagbibigay proteksiyon o seguridad sa isang naakusahan.
Nararapat lamang na bigyan ng proteksyon ang isang akusado lalo na kung wala pa
namang napapatunayan. Sabihin man na kailangan ng biktima ng agarang hustisya
kailngan pa rin na maging patas ang batas sa lahat. Paano na lamang kung finrame-
up o sinet-up pala yung isang tao sa isang krimen, hindi ba mas lalong mawawala
ang hustisya kung maling tao ang makatanggap ng parusa?  O, di kaya naman ay
may nagbabanta sa buhay ng isang akusado, kaya marapat lamang na mabigyan
sila ng proteksiyon upang maayos ang krimen o kung napatunayan na ‘guilty’ ay
mabayadan niya sa tamang paraan ang kaniyang mga kasalanan. Higit sa lahat tao
pa din siya, guilty man o hindi kaya dapat lamang na makatanggap pa din siya ng
ilan sa mga bagay na natatanggap ng mga namumuhay ng normal.

Statutory
Mga karapatan na nanggaling sa mga ginawang batas. Ito ay maaaring alisin
o palitan. Ito ay mahalaga sa karamihan sa kadahilanang marami pa ang kailangan
isaayos sa mundong ating ginagalawan. Ang isang statutory ay magandang
panatilihin kung ang layunin nito ay nakamit sapagkat kung ang mga nagtagumpay
na statutory ay aalisin pagkatapos ng magandang resulta nito ay maaaring bumalik
sa dating kalagayan ang isang lugar, uulit na naman. Ang paggawa ng mga
statutory  ay dapat ding pag-isipang mabuti ng mga mambabatas, alamin nila kung
ano ang magiging epekto nito at kung paano maiimplementa ng maayos. Ang
statutory ay isa sa mga sangkap ng pag-unlad at katiwasayan ng isang pamayanan.

KATANGIAN NG KARAPATANG PANTAO


Ang karapatang pantao ay taglay nating karapatan at nagsasaad ng kalayaan
nang walang pagkakaiba ng kasarian, nasyonalidad, pinagmulan, relihiyon, wika o
anumang kondisyon. Dito rin ay ang mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng
tao tungkol sa pagtrato sa kapwa at sa dignidad natin bilang tao.

Ang unang katangian ng karapatang pantao ay Likas sa Tao o Inherent. Ito


ay ang mga karapatang ating nakukuha simula ng tayo ay pinanganak. Sinasaad dito
ang mga karapatan nating mabuhay at mabigyan ng pangalan.

Pangalawa ay ang Pandaigdigan o Universal Ang karapatang pantao raw ay


ang karapatang tinatamasa ng lahat. Walang tinitingnan na anumang aspeto
katulad ng kasarian, sexual orientation, gender Identity, edad, katayuang ekonomiko,
etnisidad at relihiyon. Sinasabi dito na pare-pareho at pantay pantay dapat ang
pagtingin sa bawat tao.

Pangatlo ay ang Di-mahahati o Indivisible. From the word itself di mahahati


ito ay hindi maaring paghiwa-hiwalayin sapagkat ang bawat karapatang pantao ay
magkakaugnay. Hindi maaring hatiin sa iba-ibang bahagi dahil ito ay
magkakasinghalaga.

At ang huling katangian ay ang Di-maiialis o tinatawag na inalienable.


Sapagkat tayo ay sinilang na may pare parehong likas na karapatan. Kung kaya ay
hindi ito maaring tanggalin o makuha sa atin, hindi rin ito maaaring maipamigay. Ito
ay entitlements sa kabuuan ng mga bagay na dapat mayroon ang isa indibidwal
upang maging "tao".
GRUPO O KLASIPIKASYON NG MGA KARAPATAN

Ayon sa katangian
Dapat lamang na alam natin kung ano ang ating mga karapatan upang hindi
ito maagaw at maipagkait ng iba. Mayroon tayong dalawang uri ng karapatan at ang
isa rito ay ang karapatang indibidwal o personal. Ayon dito binigyan tayo ng
karapatang pumili kung paano natin nais mamuhay kagaya na lamang sa karapatang
sibil, tayo ay may kakayahang mag desisyon para sa ating sarili, kakayanang pumili
kung saan natin gustong manirahan. May karapatan din tayong makilahok sa mga
gawaing pam pamayanan. Dahil dito ayusin natin sa tama ang mga karapatan.

Ayon sa kung sino ang Tumatanggap (Recipient)

Individual Rights
Ito ay ang karapatan ng isang indibidwal na tao na makapamuhay ng
maayos sa isang lipunan. Nakapaloob rin dito ang karapatan ng isang tao na
makapamuhay ng maayos at mapayapa, pumili ng lugar kung saan siya
maninirahan at pumili ng hanapbuhay na kaniyang nais. Nakasaad din dito
ang karapatan ng isang indibidwal na makaboto ng sa tingin niya ay
nararapat sa pwesto at makiisa sa pagdedesisyon ng pamayanan.
Nakapaloob din dito ang karapatan ng isang indibidwal na magkaroon ng
kabuhayan at disenteng pamumuhay.

Collective/Group rights
Mga karapatan ng tao na magkaroon ng kapangyarihan upang
umunlad at umusbong ang lipunang kanilang kinatatayuan. Nakapaloob din
dito na magkaroon ng kapangyarihan ang isang tao upang maisaayos
panlipunan, pangkabuhayan at pangkultural na pag-unlad sa kaniyang
lipunan.

Ayon sa Pinagmumulan (Source)

Natural Rights
Mga karapatan ng isang indibidwal na tao na magkaroon ng mga ari-
arian at mabuhay ng mapayapa at maayos sa lipunang kaniyang
kinagagalawan. Nakapaloob din dito ang karapatan ng isang tao na
magkaroon ng proteksiyon at kalayaan na maghanapbuhay sa lipunan na
kaniyang kinatatayuan. Nakasaad din dito ang kalayaan sa pagbuo at
pagtatayo ng isang pamilya.

Legal Rights
Mga karapatan ng isang indibidwal na tao na magkaroon ng kalayaan
sa na maipahiwatig ang kaniyang mga saloobin at opinyon sa lipunang
kaniyang kinagagalawan. Nakapaloob din dito ang pagkakaroon ng pakialam
sa pamahalaan at karapatang bumoto sa nais nilang ihalal na indibidwal.
Ipinapahiwatig din dito ang karapatan sa pantay-pantay na pakikitungo at
pagtrato sa mga tao sa loob ng lipunan sa ilalim ng batas. Dito rin pumapasok
ang karapatan sa pagkakaroon ng mga proteksiyon at benepisyo para sa
mga tao sa lipunan. 

Ayon sa Pagpapatupad (Implementation)

Immediate
Ito ay dagliang pagpapatupad na umiikot sa mga karapatan. Ibig
sabihin, madaling naipatupad ang mga ito. Nasa maayos na kondisyon, tama
at nasunod nag mga panuntunan upang mas madaling mapagdesisyunan
ang mga marapat na ipatupad.

Incremental o Progressive
Dito naman nangyayari ang paunti-unting pagpapatupad ng mga
karapatan. May sinusunod na mga pamantayan at proseso upang alamin ang
mga bagay na maaaring makaapekto sa mga nasabing karapatan

Ayon sa Derogability

Non-derogable
Sa Non Derogable  o Absolute rights ay ito ang isang layunin na hindi
dapat mapahinto dahil buhay na nang isang tao ang nakataya dito. Nagiging
epektibo ito kapag ang isang kaso ay nangangailangan ng masusing pagiisip
dahil sa kahalagahan ng isang sitwasyon. Kailangan talaga hindi masuspindi
ang isang sitwasyon lalong lalo na kapag ang nasasakdal ay nagaasam ng
tunay na katarungan

Derogable
Ayon sa aking pagkakaintindi ay ang derogable o Relative rights ang
naglalayong ipahinto ang isang pangyayari o sitwasyon depende sa sapat na
dahilan. Maganda itong relative rights na ito para sa mga taong may
mabuting dahilan ng pagpapahinto ng isang sitwasyon. Magiging maayos ang
rights na ito sa mga pangyayaring hindi natin inaasahan.

You might also like