You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Administrative Region
Province of Surigao del Sur
Cantilan
Edukasyong II District
sa Pagpapakatao 9
PALASAO INTEGRATED
2nd QUARTER SCHOOL
Week 1 and 2

LEARNING ACTIVITY SHEET

Name_________________________________________ Score______________

Most Essentials Learning Competency:

⮚ Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao EsP9TT-IIa-5.1

⮚ Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan,


baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa EsP9TT-IIa-5.2

⮚ Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao


ang kaniyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kaniyang katwiran, ang pagkakapantay-
pantay ng dignidad ng lahat ng tao EsP9TT-IIb-5.3

⮚ Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang paglabag sa
mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa EsP9TT-IIb-5.4

Layunin:

A. Knowledge:
● Nakatutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao

B. Skill:
● Nakasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan,
baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa
● Nakasasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang
paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, o
lipunan/bansa.

C. Attitude:
● Napapatunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung
gagampanan ng tao ang kaniyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kaniyang
katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao

Ano ito?
Karapatan at Tungkulin

Kailan masasabing iginagalang ang karapatan? Sa anong paraan ipinakikita ito? Ano ang kailangan
upang matamasa ito nang may pananagutan?

Napag-aralan mo sa Baitang 7 na may pantay na karapatan ang lahat ng tao. Natutuhan mo rin na
ang batayan ng pagiging pantay niya sa kaniyang kapuwa ay ang taglay niyang dignidad. Nag-uugat ang
dignidad na ito sa kaniyang kakayahang mag-isip at makapili ng mabuti at pagiging bukod-tangi. Ano
naman ang batayan ng pagiging pantay ng karapatan ng lahat ng tao? Ano ba ang karapatan?

Karapatan bilang Kapangyarihang Moral

Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang
mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay. Moral ito dahil hindi maaaring puwersahin ng
tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan o puwersahan ang mga bagay na kailangan
niya sa buhay. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon siya ng damdamin ng pagsisisi.

Bilang kapangyarihang moral, ang karapatan ay pakikinabangan ng tao lamang dahil tao lamang
ang makagagawa ng moral na kilos. Dahil sa karapatang ito, may obligasyon ang tao na akuin at tuparin ang
kaniyang mga tungkulin.
Nakabatay ang mga karapatan sa Likas na Batas Moral na tatalakayin sa susunod na modyul. Ito ang
batayan ng mga karapatan na itinakda ng isang lipunan o pamahalaan. Ito ang batas na nagpapataw ng
obligasyon sa lahat ng tao na igalang ang mga karapatan ng isang tao.

Mga Uri ng Karapatan

Kailangan ang mga karapatan sa maayos na pakikipag-ugnayan sa kapuwa. May anim na uri ng
karapatang hindi maaalis (inelienable) ayon kay Santo Tomas de Aquino (Quito, 1989). Ang mga ito ay ang
karapatang mabuhay, magkaroon ng mga ari-arian, mag-asawa, maging malaya, sumamba at
maghanapbuhay.

1. Karapatan sa buhay. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito, hindi
mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat itong mangibabaw sa ibang karapatan kung
sakaling ito ay malagay sa panganib. Halimbawa, sa panahon ng taggutom, kalamidad o gera,
kailangang bigyan ng pagkain ng may-ari ng grocery o tindahan sa palengke ang taong nagugutom.
Ipinakita dito na nalilimitahan ng karapatan sa buhay ang karapatan sa pribadong ari-arian. Kapag hindi
nakatugon sa pangangailangang ito ang may-ari ng grocery o tindahan, magkakaroon siya ng bigat ng
konsensiya.

Halimbawa nito ang karapatan ng fetus na ipinanganak, kaya ipinagbabawal ang sapilitang
aborsyon. Binigyang-diin ito ni Papa Juan XXIII sa kaniyang pahayag:

Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng

karapatan sa kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura – ay

labag sa katotohanan at isang panloloko lamang kung ang karapatan sa

buhay, ang pinakabatayan at pangunahing karapatan at kailangan para sa

lahat ng iba pang karapatang personal, ay hindi maipagtatanggol nang may

mataas na antas na determinasyon (Pacem in Terris).

Ang paggalang sa dignidad ng buhay ay pag-aadbokasiya para sa halaga ng bawat buhay, kasama
ng mga taong nakapatay sa kanilang kapuwa.

2. Karapatan sa pribadong ari-arian. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga
ari-arian upang mabuhay nang maayos at makapagtrabaho nang produktibo at nakikibahagi sa
lipunan. Sa kabilang dako, magiging isang pang-aabuso ang karapatang ito kung naaapi o
naaagrabiyado ang mga manggagawa sa suweldo o mga benepisyo.

3. Karapatang magpakasal. May karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal.
Nagsimula ito noong panahon ng slavery, na kailangang humingi ang slave ng pahintulot sa kaniyang
amo upang makapag-asawa. Mayroong mga pasubali sa karapatang ito. Halimbawa, kailangan ng
kabataang nasa edad ng 17 o pababa ang pahintulot ng magulang upang mapangalagaan siya sa
anomang kapahamakan. Pinag-iingat din sa pag-aasawa ang mga may nakahahawang sakit o may
sakit sa isip, kahit taglay pa rin nila ang karapatang magpakasal.

4. Karapatang pumunta sa ibang lugar. Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira sa
ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o komportableng buhay o ligtas sa anomang
panganib, tulad ng paglikas ng mga taga-Syria upang takasan ang kamatayan o pananakot sa kamay
ng Islamic State. Nagbibigay din ng asylum ang ibang bansa sa mga taong pinarurusahan o binibilanggo
nang walang katarungan.
5. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya. May karapatan ang bawat tao na piliin ang
relihiyon na makatutulong sa kaniya upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao at pakikipag-ugnayan
sa Diyos at kapuwa. Hindi maaaring gawing obligasyon ang pagkakaroon o paglipat sa isang partikular
na relihiyon upang matanggap sa trabaho o maging opisyal ng pamahalaan.

6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay. May obligasyon ang lipunan o pamahalaan na magbigay


ng trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga mamamayan upang mapakinabangan nila ang
karapatang mabuhay. May karapatang magtrabaho sa ibang bansa ang mga mamamayan kung
walang oportunidad sa kanilang bansa na mapaunlad ang kanilang estado sa buhay batay sa kanilang
pangangailangan.

Ilang karapatang pang-indibidwal ang kinilala sa encyclical na “Kapayapaan sa Katotohanan”


Pacem in Terris:

1.Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib


2.Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay (pagkain,
damit, tahanan, edukasyon, pagkalingang pangkalusugan, tulong sa walang trabaho, at tulong sa
pagtanda)
3.Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinion at impormasyon
4.Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya
5.Karapatan sa pagpili ng propesyon
6.Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon)
7.Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto
8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag ng mga karapatang ito

Ang mga karapatang kinilala ni Santo Tomas de Aquino at ng Pacem in Terris ay masasalamin sa
Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao (Universal Declaration of Human Rights). Ibinatay
ang mga karapatang kinilala ng Pandaigdig na Pagpapahayag sa dignidad ng tao, patas at hindi maaalis
na karapatan ng bawat kasapi ng sangkatauhan bilang pundasyon ng kalayaan, katarungan, at
kapayapaan sa buong mundo. Saan nagsisimula ang mga karapatang pantao? Narito ang sagot ni Eleanor
Roosevelt, pinuno ng pangkat na bumuo ng Deklarasyon:

Ang mga karapatang pantao ay nagsisimula sa mundo ng indibidwal na tao – sa

maliit na pamayanan kung saan siya nakatira, sa paaralang pinapasukan niya, sa factory, sakahan, o
opisina kung saan siya nagtatrabaho. Ito ang mga lugar kung saan dapat asahan ng bawat babae,
lalaki, o bata ang pantay na katarungan, oportunidad, at dignidad nang walang diskriminasyon. Kung
walang kabuluhan ang mga karapatang ito sa mga lugar na iyon, wala ring kahulugan ang mga ito sa
anomang bahagi ng mundo. Kung walang nagkakaisang kilos ang mga mamamayan

upang itaguyod ang mga karapatang ito sa mga lugar na nabanggit, mahihirapan tayong matamasa
ang kaunlaran sa buong mundo.

Tungkulin bilang Obligasyong Moral

Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ano naman ang tungkulin? Ito ang obligasyong moral
ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain. Moral ang obligasyong ito dahil ito ay
nakasalalay sa malayang kilos-loob ng tao. Kaya tulad ng karapatan, ang subheto ng tungkulin ay tao
lamang. Tulad ng karapatan, batay rin sa Likas na Batas Moral ang mga tungkulin. Kaya kailangang tuparin
ang mga tungkulin dahil ito ay nararapat at nakabubuti. Kasama ito sa pagiging moral ng tao. Moral na
gawain ang pagtupad ng tungkulin dahil ang moral ang siyang nagpapanatili ng ating buhay-pamayanan
(Dy, 2013). Samakatuwid, ang pagtalikod o hindi pagtupad sa mga tungkulin ay pagsalungat sa buhay-
pamayanan na may malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan.

Binigyang-diin ito ni Max Scheler na kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang
matupad din ng pamayanan, pamahalaan, o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng
pagpapakatao. Ngunit mahirap isagawa ang paghubog
na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga obligasyon nito sa tao na
itinakda ng mga batas. Halimbawa, kailangan ng pakikipagtulungan sa pagitan ng Parent Teachers and
Community Association at baranggay upang maisagawa ang medical mission ng mga boluntaryong
magulang. Tulad ng binanggit sa Modyul 2, kailangan ang pananagutan ng indibidwal na kasapi ng lipunan
na maging mabuting kasapi sa pamamagitan ng pakikilahok at pakikiisa sa mahalagang gawain. Kung hindi,
hindi rin matutupad ng pamahalaan ang mga obligasyon nito sa mga mamamayan.

Mga Tungkulin

May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin na tutugon sa angkop
na karapatan:

1. Sa karapatan sa buhay, may tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang kaniyang kalusugan at ang
kaniyang sarili sa mga panganib ng katawan at kaluluwa. May tungkulin siyang paunlarin ang kaniyang
talento at kakayahan – sa aspektong pangkatawan, pangkaisipan (sa pamamagitan ng pag-aaral nang
mabuti) at moral. Obligasyon ng bawat isa ang pagpapagamot kung may sakit o pumunta sa ospital
kung kailangan. Kailangang iwasan ang mga isport na mapanganib, na maaaring humantong sa
kamatayan tulad ng car racing, wrestling, o boxing.

Mahalaga ang patuloy na pag-aaral o pagkuha ng kurso na makatutulong upang umangat ang
karera at maitaas ang antas ng pamumuhay. Kailangan din ang paglinang ng mga birtud sa
pamamagitan ng pauli-ulit o palagiang pagsasagawa ng mga bagay na makatutulong sa
paglampas sa mga pansariling kahinaan.

2. Sa karapatan sa pribadong ari-arian, may tungkulin ang tao na pangalagaan at palaguin ang anomang
ari-arian niya at gamitin ito upang tulungan ang kapuwa at paunlarin ang pamayanan. Isang halimbawa
nito ang pagtulong sa mga nasalanta ng baha sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit, o
pera, mga bagay na tunay nilang kailangan.

3. Sa karapatang magpakasal, may kaakibat na tungkulin na suportahan ang pamilya at gabayan ang mga
anak upang maging mabuting tao ang mga ito. Kasama rito ang pagiging mabuting halimbawa sa mga
anak, pag-iwas sa eskandalo na magiging sanhi ng pagsira ng pangalan ng pamilya, at pagsasabuhay
ng mga birtud bilang isang pamilya. Ginagarantiya ng pamahalaan at estado ang karapatang ito sa
pamamagitan ng batas na nag-iingat sa karapatan ng asawang babae at mga anak sa abusadong
asawang lalaki.

4. Sa karapatang pumunta sa ibang lugar, may tungkulin na igalang ang mga pribadong boundary.
Kaakibat ng karapatang ito ang tungkulin na kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong
espasyo ng kapuwa. Mahalaga ang paggalang na ito kahit sa pagitan ng mag-asawa o magkaibigan.

5. Sa karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya, may tungkulin na igalang ang relihiyon o
paraan ng pagsamba ng iba. Kahit magkakaiba ang mga relihiyon, may pagkakapareho rin ang mga ito
– ang pagsamba sa isang nilalang na higit na makapangyarihan sa tao. Kasama sa tungkuling ito ang
paggalang sa paraan ng pag-alaala sa mga patay at ninuno.

6. Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay, may tungkulin ang bawat isa na magpunyagi sa


trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa anomang gawain.

Mahalaga ang katapatan ng mga empleyado sa kanilang trabaho – ibig sabihin, nakapokus sa gawain at
hindi pinalilipas ang oras nang walang ginagawa. Kasama sa karapatang ito ang karapatang mag-alsa
(strike) kung may inhustisya sa pagsusuweldo at ang pagiging bukas ng mga empleyado sa diyalogo sa
kompanya o arbitration.
Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat tao sa buong mundo na
pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at kapayapaan ay nangangailangan ng patas na pagbibigay-
halaga sa karapatan at tungkulin upang makabuo ng batayang moral kung saan lahat ng lalaki at babae ay
mamumuhay nang mapayapa at makakamit ang kanilang kaganapan bilang tao. Ito ang dahilan kung bakit
binuo rin ng United Nations ang Pangkahalatang Pagpapahayag ng mga Tungkulin ng Tao (Universal
Declaration of Human Responsibilities) noong 1997.

May 19 na artikulo (articles) ito. Narito ang unang apat na Batayang Prinsipyo ng Sangkatauhan
(Fundamental Principles for Humanity).

Artikulo 1. Ang bawat tao, anoman ang kasarian, lahi, estado sa lipunan, opinyon sa mga isyung politikal,
wika, edad, nasyonalidad, o relihiyon ay may tungkulin na pakitunguhan ang lahat ng tao sa paraang
makatao.

Artikulo 2. Walang tao ang dapat sumusuporta sa anomang uri ng hindi makataong asal, kaya ang lahat ng
tao ay may tungkuling pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at tiwala sa sarili ng kapuwa.

Artikulo 3. Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, army o pulisya ang dapat mangibabaw sa mabuti at
masama; lahat ay dapat sundin ang pamantayang moral. Bawat isa ay may tungkuling itaguyod ang
mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng bagay.

Artikulo 4. Lahat ng tao, gamit ang kanilang isip at konsensiya, ay dapat tanggapin ang kanilang tungkulin sa
bawat isa, sa mga pamilya at pamayanan, lahi, bayan, at relihiyon nang may pagkakaisa: huwag mong
gawin sa iba ang anomang ayaw mong gawin nila sa iyo.

Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito at ang
kaniyang obligasyon na tuparin ang kaniyang tungkulin. Mahalaga sa bawat isa,

lalo na sa yugtong ito ng iyong kabataan, ang pagsasaloob ng mensaheng ito. Matutugunan mo ang tawag
sa pagbuo ng iyong pagkatao sa lipunan kung igagalang mo at ng kalipunan ang mga karapatan ng iyong
kapuwa at kung tutuparin mo nang mapanagutan ang iyong mga tungkulin. Masalimuot man ang pagtupad
ng iba’t ibang tungkulin sa bawat papel na ginagampanan mo lalo na sa lipunan, mahalagang patuloy na
tayahin ang sarili kung napaunlad mo ang mga kaloob ng Diyos sa pamamagitan ng pagtupad ng iyong
mga tungkulin at paglilingkod sa lipunan.

Gawain 1

Panuto: Bilang isang panlipunang nilalang, bahagi sa buhay ng tao ang pagkakaron ng karapatan at
tungkulin. Ano-ano kaya ang mga karapatan at tungkuling ito ng tao?

1. Isulat ang naiisip mo na mga karapatan at tungkulin ng isang tao ayon sa mga aspektong hinihingi sa
talahanayan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Aspekto Mga Karapatan ng Tao Mga Tungkulin ng Tao

Sa Pamilya Hal.: Mahalin at alagaan Hal.: Tumulong sa gawaing bahay

1. 1.

2. 2.

3. 3.

Sa Paaralan Hal.: Magtanong sa guro Hal.: Sundin ang alituntunin ng


kung may hindi paaralan
naiintindihan
1.
1.
2. 2.

3. 3.

Sa Hal.: Mamuhay nang Hal.: Maglinis sa paligid


Baranggay/Pamayana mapayapa
1.
n
1.
2.
2.
3.
3.

Sa Bansa/Lipunan Hal.: Bumuto tuwing halalan Hal.: Pumili ng karapat-dapat na


mamuno

1.
1.
2.
2.
3.
3.

Sa Espirituwalidad Hal.: Sumamba Hal.: Humingi ng gabay sa


Panginoon at manalangin

1.
1.
2.
2.
3.
3.

2. Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno.


a. Ano ang magkatuwang na kapangyarihan at obligasyon ng tao na mahalaga sa pagpapanatili ng
kaniyang maayos na buhay-pamayanan?
b. Batay sa iyong mga sagot sa talahanayan, ano ang karapatan para sa iyo? Ano naman ang
tungkulin?
c. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatan at tungkulin bilang tao?
Patunayan.

Gawain 2

Panuto:

1. Punan ang bawat kahon ng angkop na mga paglabag sa karapatang pantao. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

Sa Pamilya Sa Paaralan

Hal.: Hindi pagpapaaral sa Hal.: Pambubulas sa kamag-


anak. aral

1. 1.

2. 2.

3. 3.

Mga Paglabag
sa Karapatang
Pantao
Sa Baranggay/Pamayanan Sa Lipunan/Bansa
Hal.: Pag-aaway ng pamilya Hal.: Pagbili ng boto ng mga
na nakabubulahaw sa mga mamamayan.
kapitbahay
1.
1.
2.
2.
3.
3.

2. Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:


a. Ano ang nangyayari sa mga karapatang pantao sa kasalukuyan?
b. Ano ang nararamdaman mo sa mga nangyayaring ito sa buhay ng tao?
c. Bakit may mga paglabag sa karapatan ng tao? Ipaliwanag.
d. Ano ang nakita mong epekto ng mga paglabag na ito sa buhay ng tao? Patunayan.
e. Ano ang reyalisasyon mo matapos suriin ang mga nangyayaring paglabag sa karapatang pantao?
Ipaliwanag.
f. Sa palagay mo, may maitutulong ka ba upang maiwasan ang mga paglabag sa karapatang
pantao? Kung wala, bakit? Kung mayroon, paano?

Gawain 3b: Paghinuha ng Batayang Konsepto

Anong konsepto ang naunawaan mo tungkol sa karapatan at tungkulin?

1. Basahin ang tatlong Mahalagang Tanong:


a. Ano ang dapat gawin ng tao upang magkaroon ng tunay na kabuluhan ang karapatan?
b. Bakit moral na gawain ang pagtupad ng tungkulin?
c. Ano-ano ang dalawang obligasyon ang kaakibat ng karapatan ng isang tao?

2. Pagkatapos, isa-isang sagutin ang mga ito.

3. Mula sa mga sagot sa bawat bilang, bumuo ng isang buod na sagot sa tatlong

Mahalagang Tanong.

4.Isulat ang iyong output sa kuwaderno.

Gawain 4:
Panuto: Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa journal.

Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking Ano-anong hakbang ang aking
kaalamang pumukaw sa pagkaunawa at gagawin upang mailapat ang mga
akin? reyalisasyon sa pang-unawa at reyalisasyong ito sa
bawat konsepto at aking buhay?
kaalamang ito?
1. Tungkol sa karapatan

2. Tungkol sa tungkulin

3. Tungkol sa paglabag sa
karapatan

Post Test:

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang pinakatamang sagot.
1. Ano ang kahulugan sa pahayag ni Stan Lee (isang manunulat ng komiks na Spiderman) na, “With great
power comes great responsibility”?
A. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyong moral
B. Mas mabigat ang gawain ng taong maraming tungkulin
C. Maganda ang pagkakaroon ng kapangyarihan
D. Kung may karapatan, ipaglaban mo

2. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain. Alin sa
sumusunod ang hindi ipinahihiwatig nito?
A. Nakasalalay ito sa malayang isip ng tao
B. Nakabatay ito sa Likas na Batas Moral
C. Nakasalalay ito sa taglay na kilos-loob ng tao
D. Nagkakaroon ito ng epekto sa sarili at sa mga ugnayan kung hindi ito tinutupad

3. Si Mang Danilo ay napatalsik sa kaniyang trabaho dahil hindi niya sinunod ang mga

patakaran ng kanilang pagawaan. Nilabag ba ang karapatan niyang maghanapbuhay?

A. Oo, dahil mawalan ng ikabubuhay ang kaniyang pamilya.

B. Oo, dahil may karapatan rin siyang magpahayag sa kaniyang opinyon sa trabaho.

C. Hindi, dahil may tungkulin rin siyang sumunod sa mga patakaran at layunin sa trabaho.

D. Hindi, dahil matigas ang kaniyang ulo at napahihirapan niya ang kaniyang mga

kasamahan sa trabaho.

4. Bakit kailangan pang kumuha ng passport o visa bago makapunta sa ibang bansa gayong may karapatan
naman tayong makapunta sa ibang lugar?
A. Dahil dapat may proteksiyon ang manlalakbay at ang bansang pupuntahan
B. Dahil kailangan ang listahan sa mga taong umaalis at papasok sa isang bansa
C. Dahil dapat malaman ng pamahalaan kung saan-saang mga bansa ka pumupunta
D. Dahil nararapat magbayad ng buwis ang mga taong nais maglakbay sa ibang bansa

5. Ang sumusunod ay nagpapakita na kabuluhan sa paggawa ng tungkulin maliban sa:

A. Nag-aaral si Miguel nang mabuti at nakikinig sa talakayan upang matuto


B. Ginagawa ni Arnel ang gawaing bahay upang makapagpahinga si inay
C. Inaayos ni Yuri ang sirang gripo ng tubig upang hindi maaksaya ito
D. Naglilinis si Hannah sa paaralan upang purihin ng kaniyang guro

2. Ano ang tinutukoy ng kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga
bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay?
A. Tungkulin B. Karapatan C. Karunungan D. Dignidad

3. Sino sa mga mag-aaral ang gumagawa ng kaniyang tungkulin na mapangalagaan ang kaniyang sarili?

A. Si Ed na nagiging magaling sa klase kahit kaunti lang ang tulog dahil sa pag-aaral.
B. Si Marlo na hindi tumitigil sa pagsasanay ng gymnatics para manalo sa paligsahan.
C. Si Jessie na ginagawa ang lahat na gustong gawin upang magiging masaya palagi.
D. Si Jean na naging maingat sa kaniyang mga posts sa social media upang mapangalagaan ang
kaniyang pagkatao.

4. “May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. Tungkulin nating pangalagaan ang karapatan upang igalang tayo ng kapuwa
B. Tungkulin nating alagaan ang karapatan ng kapuwa upang makatulong sa kanila
C. Tungkulin nating isagawa ang ating gawain ayon sa alam nating nararapat dahil tayo ay may
karapatan at dignidad bilang tao
D. Tungkulin nating pahalagahan ang karapatan sa paggawa ng ating obligasyong gawin o hindi gawin
ang isang bagay ayon sa Likas na Batas Moral
9. Labingwalong taong gulang na si Jade at nag-aaral pa. Ayon sa batas, maaari ng makapag-asawa ang
edad 18 pataas. Pero hindi pa rin siya pinahihintulutang mag-asawa. Ano ang malalim na dahilan ng mga
magulang niya?

A. Hindi pa siya handa sa mga responsibilidad sa buhay may asawa at nararapat na mahubog muna
niya sa sarili ang mapanagutang pagpapasiya.
B. Hindi pa siya nakapagtapos ng pag-aaral at hindi pa niya naabot ang kaniyang pangarap sa buhay.
C. May obligasyon pa siya na mapaaral ang mga kapatid at maipaayos ang kanilang bahay.
D. Ayaw ng kaniyang mga magulang sa mapapangasawa niya.

10. Si Omar ay balak magtinda sa kantina ng paaralan. Ano ang mas mabuting itinda niya?

A. Softdrinks para malaki ang kita


B. Kendi, junk food at pandesal para sa miryenda
C. Mga ulam na gulay at prutas para sa tanghalian
D. Mga palamuti gaya ng hikaw, stickers at iba pa

Answers Key:

Gawain 1:
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Gawain 2:
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Gawain 3:
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Gawain 4:
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

References:
● Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ( Modyul para sa Mag-aaral) pahina 65-126.

You might also like