You are on page 1of 1

EsP 9_Quarter 2_Week 1_Notes

KARAPATAN AT TUNGKULIN
Karapatan bilang Kapangyarihang Moral
Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na
kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay.

Kailangan ang mga karapatan sa maayos na pakikipag-ugnayan sa kapuwa. May anim na uri ng karapatang hindi maaalis
(inalienable) ayon kay Santo Tomas de Aquino (Quito, 1989). Ang mga ito ay ang karapatang mabuhay, magkaroon ng
mga ari-arian, mag-asawa, maging Malaya, sumamba at maghanapbuhay.

1. Karapatan sa buhay.
Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil wala ito, hindi mapakikinabangan ng tao ang
ibang karapatan.
2. Karapatan sa pribadong ari-arian.
Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang
maayos at makapagtrabaho nang produktibo at nakikibahagi sa lipunan.
3. Karapatang magpakasal.
May karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal.
4. Karapatang pumunta sa ibang lugar.
Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng
trabaho o komportableng buhay o ligtas sa anumang panganib.
5. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya.
May karapatan ang bawat tao na piliin ang relihiyon na makatutulong sa kaniya upnag mapaunlad ana
kaniyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa.
6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay.
May obligasyon ang lipunan o pamahalaan na magbigay ng trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga
mamamayan upang mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay.

Tungkulin bilang Obligasyong Moral


Ito ang obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain.

Mga Tungkulin May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin sa tutugon sa angkop na
karapatan:
1. Sa karapatan sa buhay, may tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang kaniyang kalusugan halimbawa ay ang
kaniyang Sarili sa mga panganib ng katawan at kaluluwa. 2
2. Sa karapatan sa pribadong ari-arian. May tungkulin ang tao na pangalagaan at palaguin ang anumang ari-arian
niya at gamitin ito upang tulungan ang kapuwa at paunlarin ang pamayanan.
3. Sa karapatang magpakasal, may kaakibat na tungkulin na suportahan ang pamilya at gabayan ang mga anak
upang maging mabutig tao ang mga ito,
4. Sa karapatang pumunta sa ibang lugar, may tungkulin na igalang ang pribadong boundary. Kaakibat ng
karapatang ito ang tungkulin na kilalanin ang limitasyon ng sariling Kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa.
5. Sa karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya, may tungkulin na igalang ang relhiyon o paraan ng
pagsamba ng iba.
6. Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay, may tungkulin ang bawat isa na magpunyagi sa trabaho o
hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa anumang gawain

You might also like