You are on page 1of 1

Modyul 6: Karapatan at Tungkulin

Karapatan ay ang kapangyarihang MORAL na gawin, hawakan, pakinabangan, at angkinin ang


mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay.
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapwa na igalang ito. Kapag
nilabag ang karapatang ito, magkakaroon siya ng damdamin ng pagsisisi.
MGA URI NG KARAPATAN
1. KARAPATAN SA BUHAY. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito,
hindi mapapakinabangan ng tao ang ibang karapatan.
Halimbawa: sa panahon ng taggutom, kalamidad o gera kailangang bigyan ng pagkain ng may-ari
ng grocery o tindahan sa palengke ang taong nagugutom.
2. KARAPATAN SA PRIBADONG ARI-ARIAN. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil
kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay ng maayos at makapagtrabaho nang produktibo
at nakikibahagi sa lipunan.
3. KARAPATANG MAGPAKASAL. May karapatan ang tao na bumuo ng pamilya sa pamamagitan
ng kasal.
4. KARAPATANG PUMUNTA SA IBANG LUGAR. Kasama sa karapatang ito ang karapatang
lumipat o tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o komportableng buhay o
ligtas sa anumang panganib.
5. KARAPATANG SUMAMBA O IPAHAYAG ANG PANANAMPALATAYA. May karapatan ang
bawat tao na pumili ng relihiyon na makakatulong sa kaniya upang mapaunlad ang kaniyang
pagkatao at pakikipag-ugnayansa Diyos at kapwa.
6. KARAPATANG MAGTRABAHO O MAGHANAPBUHAY. Karapatang maghanapbuhay sa ibang
bansa
TUNGKULIN:GAWAIN, RESPONSIBILIDAD, OBLIGASYON, PANANAGUTAN SA ISANG GAWAIN.
OBLIGASYONG MORAL : gawin o hindi ang isang gawain.
MGA TUNGKULIN
1. SA KARAPATAN SA BUHAY. May tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang kaniyang
kalusugan at ang kanysang sarili sa mga panganib ng katawan at kaluluwa.
2. KARAPATAN SA PRIBADONG ARI-ARIAN. Tungkulin na pangalagaan at palaguin ang anumang
ari-arian niya at gamitin ito upang tulungan ang kapwa at paunlarin ang sarili.
3. KARAPATANG MAGPAKASAL. Tungkulin na suportahan ang pamilya at gabayan ang mga anak
upang maging mabuting tao
4. KARAPATANG PUMUNTA SA IBANG LUGAR. Tungkulin na igalang ang mga pribadog
boundary, kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapwa.
5. KARAPATANG SUMAMBA O IPAHAYAG ANG PANANAMPALATAYA. Tungkulin na igalang
ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba.
6. KARAPATANG MAGTRABAHO O MAGHANAPBUHAY. Tungkulin ng bawat isa na magpunyagi
sa trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa trabaho o hanapbuhay.
UDHR (19 na artikulo)
UNANG APAT NA BATAYANG PRINSIPYO NG SANGKATAUHAN (Fundametal PRINCIPLES FOR
HUMANITY)
ARTIKULO 1: Ang bawat tao, anuman ang kasarian, lahi, estado sa lipunan, opinyon sa mga isyung
politikal, wika, edad, nasyonalidad, o relihiyon ay may tungkulin na pakitunguhan ang Iahat ng
tao sa paraang makatao.

ARTIKULO 2: Walang tao ang dapat sumuporta sa anumang uri ng hindi makataong asaL kaya ang
Iahat ng tao ay may tungkuling pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at tiwala sa sarili ng
kapuwa.
ARTIKULO 3: Walang tao, pangkat,, organisasyon, bansa, army o pulisya ang dapat mangibabawsa
mabuti at masama; lahat ay dapat sundin ang pamantayang moral. Bawat isa ay may tungkuling
itaguyod ang mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng bagay.
ARTIKULO 4: Lahat ang tao, gamit ang kanilang isip at konsensiya, ay dapat tanggapin ang
kanilang tungkulin sa bawat isa, sa mga pamilya at pamayanan, lahi, bayan at relihiyon nang
may pagkakaisa. Huwag mong gawin sa iba ang anumang ayaw mong gawin nila sa iyo.
KAAKIBAT SA KARAPATAN NG ISANG TAO ANG OBLIGASYON NG KANIYANG KAPUWA NA
IGALANG ITO AT ANG KANIYANG OBLIGASYON NA TUPARIN ANG KANIYANG MGA TUNGKULIN.

You might also like