You are on page 1of 3

A.G. Villaroya Technological Foundation Institute, Inc.

Loilo St., Zone 5 Bulan, Sorsogon


S.Y. 2020-2021

PANGALAN: PETSA:
BAITANG/PANGKAT: MARKA:
GURO: ZYRA D. NANTIZA TELEPONO: 09100225603
Junior High School
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
KARAPATAN AT TUNGKULIN
Unang Linggo (Ikalawang Markahan) – LEARNING ACTIVITY SHEETS

PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga Karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan.
PANGNILALAMAN
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o
PAMANTAYAN SA PAGGANAP naobserbahang paglabag sa mga karapatang tao sa pamilya,paaralan, barangay/pamayanan o
lipunan/bansa

MOST ESSENTIAL LEARNING Natutukoy ang mga Karapatan at tungkulin ng tao. ESP9TT-lla-5.1
COMPETENCIES

ARALIN 1: KARAPATAN AT TUNGKULIN

Kailan masasabing iginagalang ang karapatan? Sa anong paraan ipinakikita ito? Ano ang kailangan upang matamasa ito nang may pananagutan?
Napag-aralan mo sa Baitang 7 na may pantay na karapatan ang lahat ng tao. Natutuhan mo rin na ang batayan ng pagiging pantay niya sa kaniyang
kapuwa ay ang taglay niyang dignidad. Nag-uugat ang dignidad na ito sa kaniyang kakayahang mag-isip at makapili ng mabuti at pagiging bukod-
tangi. Ano naman ang batayan ng pagiging pantay ng karapatan ng lahat ng tao? Ano ba ang karapatan?

Karapatan bilang Kapangyarihang Moral


Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa
kaniyang estado sa buhay. Moral ito dahil hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan o puwersahan
ang mga bagay na kailangan niya sa buhay. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito. Kapag nilabag
ang karapatang ito, magkakaroon siya ng damdamin ng pagsisisi.
Bilang kapangyarihang moral, ang karapatan ay pakikinabangan ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos. Dahil sa
karapatang ito, may obligasyon ang tao na akuin at tuparin ang kaniyang mga tungkulin.

Mga Uri ng Karapatan


Kailangan ang mga karapatan sa maayos na pakikipag-ugnayan sa kapuwa. May anim na uri ng karapatang hindi maaalis ( inelienable)
ayon kay Santo Tomas de Aquino (Quito, 1989). Ang mga ito ay ang karapatang mabuhay, magkaroon ng mga ari-arian, mag-asawa, maging malaya,
sumamba at maghanapbuhay.

Karapatan sa buhay. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito, hindi mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan.
Dapat itong mangibabaw sa ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib. Halimbawa, sa panahon ng taggutom, kalamidad o gera,
kailangang bigyan ng pagkain ng may-ari ng grocery o tindahan sa palengke ang taong nagugutom. Ipinakita dito na nalilimitahan ng karapatan sa
buhay ang karapatan sa pribadong ari-arian. Kapag hindi nakatugon sa pangangailangang ito ang may-ari ng grocery o tindahan, magkakaroon siya
ng bigat ng konsensiya.
Halimbawa nito ang karapatan ng fetus na ipinanganak, kaya ipinagbabawal ang sapilitang aborsyon. Binigyang-diin ito ni Papa Juan XXIII sa
kaniyang pahayag:

Karapatan sa pribadong ari-arian. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at
makapagtrabaho nang produktibo at nakikibahagi sa lipunan. Sa kabilang dako, magiging isang pang-aabuso ang karapatang ito kung naaapi o
naaagrabiyado ang mga manggagawa sa suweldo o mga benepisyo.

Karapatang magpakasal. May karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal. Nagsimula ito noong panahon ng slavery, na
kailangang humingi ang slave ng pahintulot sa kaniyang amo upang makapag-asawa. Mayroong mga pasubali sa karapatang ito. Halimbawa,
kailangan ng kabataang nasa edad ng 17 o pababa ang pahintulot ng magulang upang mapangalagaan siya sa anomang kapahamakan. Pinag-iingat
din sa pag-aasawa ang mga may nakahahawang sakit o may sakit sa isip, kahit taglay pa rin nila ang karapatang magpakasal.

Karapatang pumunta sa ibang lugar. Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho
o komportableng buhay o ligtas sa anomang panganib, tulad ng paglikas ng mga taga-Syria upang takasan ang kamatayan o pananakot sa kamay ng
Islamic State. Nagbibigay din ng asylum ang ibang bansa sa mga taong pinarurusahan o binibilanggo nang walang katarungan.

Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya. May karapatan ang bawat tao na piliin ang relihiyon na makatutulong sa kaniya upang
mapaunlad ang kaniyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa. Hindi maaaring gawing obligasyon ang pagkakaroon o paglipat sa
isang partikular na relihiyon upang matanggap sa trabaho o maging opisyal ng pamahalaan.

Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay. May obligasyon ang lipunan o pamahalaan na magbigay ng trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga
mamamayan upang mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay. May karapatang magtrabaho sa ibang bansa ang mga mamamayan kung walang
oportunidad sa kanilang bansa na mapaunlad ang kanilang estado sa buhay batay sa kanilang pangangailangan.
Ang mga karapatang kinilala ni Santo Tomas de Aquino at ng Pacem in Terris ay masasalamin sa Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga
Karapatan ng Tao (Universal Declaration of Human Rights). Ibinatay ang mga karapatang kinilala ng Pandaigdig na Pagpapahayag sa dignidad ng
tao, patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat kasapi ng sangkatauhan bilang pundasyon ng kalayaan, katarungan, at kapayapaan sa buong mundo.
Saan nagsisimula ang mga karapatang pantao? Narito ang sagot ni Eleanor Roosevelt, pinuno ng pangkat na bumuo ng Deklarasyon:
Ang mga karapatang pantao ay nagsisimula sa mundo ng indibidwal na tao – sa
maliit na pamayanan kung saan siya nakatira, sa paaralang pinapasukan niya, sa factory, sakahan, o opisina kung saan siya nagtatrabaho. Ito ang mga
lugar kung saan dapat asahan ng bawat babae, lalaki, o bata ang pantay na katarungan, oportunidad, at dignidad nang walang diskriminasyon. Kung
walang kabuluhan ang mga karapatang ito sa mga lugar na iyon, wala ring kahulugan ang mga ito sa anomang bahagi ng mundo. Kung walang
nagkakaisang kilos ang mga mamamayan
upang itaguyod ang mga karapatang ito sa mga lugar na nabanggit, mahihirapan tayong matamasa ang kaunlaran sa buong mundo.
Tungkulin bilang Obligasyong Moral

Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ano naman ang tungkulin? Ito ang obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang
isang gawain. Moral ang obligasyong ito dahil ito ay nakasalalay sa malayang kilos-loob ng tao. Kaya tulad ng karapatan, ang subheto ng tungkulin
ay tao lamang. Tulad ng karapatan, batay rin sa Likas na Batas Moral ang mga tungkulin. Kaya kailangang tuparin ang mga tungkulin dahil ito ay
nararapat at nakabubuti. Kasama ito sa pagiging moral ng tao. Moral na gawain ang pagtupad ng tungkulin dahil ang moral ang siyang nagpapanatili
ng ating buhay-pamayanan (Dy, 2013). Samakatuwid, ang pagtalikod o hindi pagtupad sa mga tungkulin ay pagsalungat sa buhay-pamayanan na may
malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan.

Mga Tungkulin

May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin na tutugon sa angkop na karapatan:

1. Sa karapatan sa buhay, may tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang kaniyang kalusugan at ang kaniyang sarili sa mga panganib ng
katawan at kaluluwa. May tungkulin siyang paunlarin ang kaniyang talento at kakayahan – sa aspektong pangkatawan, pangkaisipan (sa
pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti) at moral. Obligasyon ng bawat isa ang pagpapagamot kung may sakit o pumunta sa ospital kung kailangan.
Kailangang iwasan ang mga isport na mapanganib, na maaaring humantong sa kamatayan tulad ng car racing, wrestling, o boxing.

2. Sa karapatan sa pribadong ari-arian, may tungkulin ang tao na pangalagaan at palaguin ang anomang ari-arian niya at gamitin ito upang
tulungan ang kapuwa at paunlarin ang pamayanan. Isang halimbawa nito ang pagtulong sa mga nasalanta ng baha sa pamamagitan ng
pagbibigay ng pagkain, damit, o pera, mga bagay na tunay nilang kailangan.

3. Sa karapatang magpakasal, may kaakibat na tungkulin na suportahan ang pamilya at gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao
ang mga ito. Kasama rito ang pagiging mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa eskandalo na magiging sanhi ng pagsira ng pangalan ng
pamilya, at pagsasabuhay ng mga birtud bilang isang pamilya. Ginagarantiya ng pamahalaan at estado ang karapatang ito sa pamamagitan ng batas na
nag-iingat sa karapatan ng asawang babae at mga anak sa abusadong asawang lalaki.

4. Sa karapatang pumunta sa ibang lugar, may tungkulin na igalang ang mga pribadong boundary. Kaakibat ng karapatang ito ang tungkulin na
kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa. Mahalaga ang paggalang na ito kahit sa pagitan ng mag-asawa o
magkaibigan.

5. Sa karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya, may tungkulin na igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba. Kahit
magkakaiba ang mga relihiyon, may pagkakapareho rin ang mga ito – ang pagsamba sa isang nilalang na higit na makapangyarihan sa tao. Kasama sa
tungkuling ito ang paggalang sa paraan ng pag-alaala sa mga patay at ninuno.

6. Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay, may tungkulin ang bawat isa na magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita ng
kahusayan sa anomang gawain.
Mahalaga ang katapatan ng mga empleyado sa kanilang trabaho – ibig sabihin, nakapokus sa gawain at hindi pinalilipas ang oras nang walang
ginagawa. Kasama sa karapatang ito ang karapatang mag-alsa (strike) kung may inhustisya sa pagsusuweldo at ang pagiging bukas ng mga
empleyado sa diyalogo sa kompanya o arbitration.
Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat tao sa buong mundo na pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at kapayapaan
ay nangangailangan ng patas na pagbibigay-halaga sa karapatan at tungkulin upang makabuo ng batayang moral kung saan lahat ng lalaki at babae ay
mamumuhay nang mapayapa at makakamit ang kanilang kaganapan bilang tao. Ito ang dahilan kung bakit binuo rin ng United Nations ang
Pangkahalatang Pagpapahayag ng mga Tungkulin ng Tao (Universal Declaration of Human Responsibilities) noong 1997.

I. Pagtataya
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat pahayag.

1. Ano ang tinutukoy na kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado
sa buhay?
a. Tungkulin b. Karapatan c. Karunungan d.Dignidad

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng tunay na kabuluhan sa paggawa ng tungkulin?
a. Nag-aaral si Miguel nang mabuti at nakikinig sa talakayan upang matuto
b. Ginagawa ni Arnel ang gawaing bahay upang makapagpahinga si inay
c. Inaayos ni Yuri ang sirang gripo ng tubig upang hindi maakasaya ito
d. Naglilinis si Hannah sa paaralan upang purihin ng kaniyang guro

3. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ipinahihiwatig
nito?
a. Nakasalalay ito sa malayang isip ng tao
b. Nakabatay ito sa Likas na Batas Moral
c. Nakasalalay ito sa taglay na kilos-loob ng tao
d. Nagkakaroon ito ng epekto sa sarili at sa mga ugnayan kung hindi ito tinututupad

4. Ano ang ibig sabihin nito? “May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan”.

a. Tungkulin nating pangalagaan ang karapatan upang igalang tayo ng kapuwa


b. Tungkulin nating alagaan ang karapatan ng kapuwa upang makatulong sa kanila
c. Tungkulin nating isagawa ang ating gawain ayon sa alam nating nararapat dahil tayo ay may karapatan at dignidad bilang tao
d. Tungkulin nating pahalagahan ang karapatan sa paggawa ng ating obligasyong gawin o hindi gawin ang isang bagay ayon sa Likas na
Batas Moral

5. Sino sa mga mag-aaral ang gumagawa ng kaniyang tungkulin na mapangalagaan ang kaniyang sarili?
a. Si Ed na nagiging magaling sa klase kahit kaunti lang ang tulog dahil sa pag-aaral.
b. Si Marlo na hindi tumitigil sa pagsasanay ng gymnatics para manalo sa paligsahan
c. Si Jessie na ginagawa ang lahat na gustong gawin upang magiging masaya palagi.
d. Si Jean na naging maingat sa kaniyang mga posts sa social media upang mapangalagaan ang kaniyang pagkatao.

II. Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Isulat ang naiisip mo na mga karapatan at tungkulin ng isang tao ayon sa mga aspektong hinihingi sa talahanayan.

Aspekto Mga Karapatan ng Tao Mga Tungkulin ng Tao


Sa Pamilya Hal.: Mahalin at alagaan Hal.: Tumulong sa gawaing bahay
1.
1. 2.
2. 3.
3.

Sa Paaralan Hal.: Magtanong sa guro kung may hindi Hal.: Sundin ang alituntunin ng paaralan
naiintindihan 1.
1. 2.
2. 3.
3.
Sa Baranggay/Pamayanan Hal.: Mamuhay nang mapayapa Hal.: Maglinis sa paligid
1.
2. 1.
3. 2.
3.
Sa Bansa/Lipunan Hal.: Bumuto tuwing halalan Hal.: Pumili ng karapat-dapat na mamuno
1.
1. 2.
2. 3.
3.
Sa Espirituwalidad Hal.: Sumamba Hal.: Humingi ng gabay sa Panginoon at manalangin

1. 1.
2. 2.
3. 3.

Gawain 2
Panuto: Pag aralan ang sitwasyon sa ibaba. Sagutin ang tanong at tukuyin kung anong karapatan ang maaring napapaloob dito.

1. Si Marcia, isang 15 taong gulang na batang babae, ay panganay sa limang magkakapatid. Wala silang ama at ang kanilang ina ay payat at
masasakitin. Dahil dito si Marcia ang tumatayong tagapagtaguyod ng kanilang pamilya. Siya ay kumikita ng pera sa pagiging serbedora sa isang
restawran. Ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki ang 13 taong gulang na si Edwin ay tumutulong din sa pagsuporta sa pamilya sa
pamamgitan ng paglilinis ng mga sapatos. Sina Marcia at Edwin ay parehong nagtatrabaho ng 8 oras araw-araw.

Sina Marcia at Edwin ba ay pinagkaitan ng ilan sa mga payak na Karapatan?


Anong Karapatan, kung mayroon man, ang ipinagkakait sa kanila?Ipaliwanag.

Sanggunian
Gayola Sheryll T. et.al. Edukasyon sa Pagpapkatao 9 Fep Printing Corporation 2015, Meralco Avenue, Pasig City
https://www.google.com

You might also like