You are on page 1of 3

AP 10 M7

WEEK 7
ACTIVITIES

GAWAIN 1:
MGA PRINSIPYO:
Prinsipyo 12: Ang karapatan sa trabaho
Prinsipyo 2: Ang mga karapatan sa pagkakapantay-pantay at kalayaan sa diskriminasyon
Prinsipyo 1: Ang karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao
Prinsipyo 6: Ang karapatan sa pribadong buhay
Prinsipyo 16: Ang karapatan sa edukasyon

Mga dahilan:
Sa lagay n gating bansa, nararapat na palaganapin ang Prinsipyo 12 sapgkat dito magmumula ang
pang-araw-araw na pangtustos ng mga pamilya, lalo na ng mga mahihirap.

Nang dahil dito, mabubuksan ang isipan ng mga tao, matanda man o hindi na mali ang
diskriminasyon at nararapat na pantay-pantay at mabuti ang pagtrato sa lahat.

Ang prinsipyong ito ang magpapamulat sa isipan ng mga kabaranggay ko na kahit na anong
panahon, taon, kasarian, at iba pa, nararapat na i-“prioritize” ang karapatang pantao ng lahat.

Ang bawat isa sa atin ay may karapatan na magkaroon ng isang tahimik na buhay. Hindi lahat ng
pagkakataon ay alam dapat natin ang nangyayari sa buhay n gating kapwa.

Nararapat na ang bawat isa ay makapag-aral sapagkat dito mahuhubog ang pagkatao at pag-iisip ng
bawat isa sa atin na makakatulong sa hinaharap.

GAWAIN 2:
1. Sana ay matanggal na ang toxic masculinity na isyu sa kasong ito. Hindi sa lahat ng pagkakataon, ang
pagbabasketbol ay para lamang sa mga kalalakihan. Maaari itong laruin ninuman. Kaya naman, nararapat na
kausapin ang basketbolista sapagkat wala namang mali sa baklang naglalaro ng basketball.

2. Nararapat na ilayo muna sa social media platforms si Charice sapagkat maaring masira ang kaniyang
mental helath sa mga batikos na kaniyang makikita sa kaniyang devices. Mahirap na harapin ang mga ito
kung hindi ka pa handa. Kaya naman, mas maiiging iwasan na muna ito at hayaan sila sa kanilang mga
komento.

3. Nararapat na tanggapin ng mga kumpanya ang mga kababaihan kung alam naman na kakayanin nito ang
kaniyang mga tungkulin. Hindi man lahat ng mga babae ay malalalakas, sana naman ay tanggapin nila ang
pagbabagong ito na maaaring maging solusyon sa pagpapabilis ng kanilang mga nararapat na tapusing mga
gawain.

GAWAIN 3:
Bilang isang mabuting Pilipinong mag-aaral, sisikapin kong isabuhay ang mga natutunan ko sa araling ito sa
pang-araw-araw sa pamamagitan ng pagrespeto sa mga taong nasa paligid ko, kahit ano pa man ang kanilang
kasarian, edad, katayuan sa buhay, at kondisyon ng katawan. Sapagkat lahat tayo ay may mga karapatang
pinoprotektahan.
Mga karapatan na magiging susi ng kanilang kalayaan. Kahit na mayroon din akong kalayaan, lagi kong
isasaisip ang isang bagay. Hindi porket may kalayaan ako, gagawin ko ang lahat ng aking gusto kahit na
nakakasakit na ako ng mga tao.

Dahil mali iyon. Mali ang manakit ng tao. Marami man ang ayaw at bumabatikos sa mga taong kakaiba ang
kasarian, hindi ko hahayaan na matulad ako sa kanila dahil sa tulong ng modyul na ito, may naging reyalisasyon
ako. Reyalisasyon na nagpabago sa aking mentalidad at maaaring magpabago sa mentalidad ng iba.

Nang dahil sa modyul na ito, mapapasabi ako na lahat tayo ay nararapat na respetuhin dahil tayo ay anak ng
Diyos at tungkulin natin na magpakalat ng pagmamahal, pagmamalasakit, at pagtanggap sa kung ano sila. Hindi
ko papangunahan ng “prejudice” ang mga tao at rerespetuhin gaya ng nararapat na para sa kanila.

May 3, 2021
BALITA:
Sa gitna ng mainit na panahon, may mga nagtampisaw sa Manila Bay

Reaksyon: Hindi po siya gaanong nakakatuwa sapagkat kahit na mainit na ang panahon, hindi dapat sila
magkakasama sa iisang lugar na maaari ring panggalingan ng hawaan ng virus at bacteria mula sa maduming
tubig.

REFLECTION (SYNCHRONOUS):
Sa klase pong ito, mas nalaman ko pa po ang ibang mga prinsipyong nakapaloob sa Yogyakarta. Mas nalaman
kop o na ang mga karapatang ito ay nararapat na i-prioritize ng gobyerno upang maprotektahan.

5 PINILING PRINSIPYO:
1. Ang karapatan sa pribadong buhay
-Ang bawat isa sa atin ay may karapatan na magkaroon ng isang tahimik na buhay. Hindi lahat ng
pagkakataon ay alam dapat natin ang nangyayari sa buhay n gating kapwa.
2. Ang karapatan sa trabaho
-Ang lahat sa atin, kahit ano man ang estado sa buhay, ay nararapat na makapasok sa trabaho nang sa gayon
ay makatulong tayo sa mga taong nangangailangan ng pantustos sa pang-araw-araw na pamumuhay.
3. Ang karapatan sa edukasyon
-Nararapat na ang bawat isa ay makapag-aral sapagkat dito mahuhubog ang pagkatao at pag-iisip ng bawat
isa sa atin na makakatulong sa hinaharap.
4. Ang mga karapatan sa pagkakapantay-pantay na kalayaan sa diskriminasyon
-Ang bawat isa sa atin ay “deserve” na makatanggap ng respeto sa ating mga buhay. Hindi dapat tayo
makatanggap ng mga masasakit na mga salita.
5. Ang karapatan laban sa torture at sa malupit, makahayop, o mapanghiyang pagtrato o pagpaparusa
-Hindi dapat tayo nakararanas ng pananakit mula sa kapwa sapagkat masisira an gating mga karapatan kung
hahayaan lamang itong mangyari.
HUGOT:
Sana ang mga pag-iisip at mga kamay ng gobyerno ay mas lalong gumawa sapagkat kapag hinayaan ang
mga karapatan ng tao, ang bansa natin ay kawawa

May 4, 2021
BALITA:
Handa na umanong i-rollout ng mga lokal na pamahalaan ng Maynila at Makati ang mga natanggap na Sputnik
V, ang mga bakuna kontra COVID19 na galing Russia

Reaksyon: Nakakatuwa po at dumadami na muli ang supply natin ng bakuna ngunit sana po ay makatulong ito
upang maprotektahan tayo mula sa virus, hindi ang magdulot pa ng mapanganib na sintomas o sakit sa mga
babakunahan nito.

May 5, 2021
BALITA:
Nagbukas man ulit, matumal naman ang pagdating ng mga customer sa ilang negosyo gaya ng mga barberya,
salon, at kainan

Reaksyon: Nakakalungkot at nakakabahala na ang nagiging sitwasyon nating lahat araw-araw dahil mas lalong
nawawalan ng pag-asa ang mga tao dahil wala na sila halos panustos para sa kanilang pamilya.

You might also like