You are on page 1of 2

ESP 9 – KWARTER 3 WEEK 1

MODYUL 9 – KATARUNGANG PANLIPUNAN


Ano ang Katarungan?
- Ang katarungan ay ang pagbibigay sa kapwa ng
nararapat sakanya.
- Ayon kay Dr. Manuel B. Dy ang katarungan ay isang
uri ng pagbibigay at hindi isang pagtanggap.
- Ang katarungan ay nauukol hindi lamang sa
ugnayan ng tao sa kanyang kapwa kundi sa ugnayan
din niya sa Kalipunan.
- Ayon kay Sto. Tomas Aquino ang katarungan ay
isang gawi na gumagamit ng kilos loob sa pagbibigay
ng nararapat sa isang indibidwal.

Pangunahing Prinsipyo ng KATARUNGAN


- Paggalang sa Karapatang Pantao
Saan Unang Natututunan ang KATARUNGAN
- PAMILYA

Katarungang Panlipunan
Kapwa: Personal o interpersonal na ugnayan mo sa tao.
Kalipunan (Socius): Ugnayan ng tao sa isang institusyon
o sa isang tao dahil sa kanyang tungkulin sa isang
institusyon.

Mga Palatandaan ng Katarungang Panlipunan


1. Tinatanggihan ng mga tao ang anumang kilos na
may pandaraya.
2. Wala sa isip ng mga namumuno ang anumang uri
ng pangungurakot o pagnanakaw sa kaban ng
bayan.
3. Walang lamangang nagaganap sa anumang
institusyon o organisasyon.
4. Pantay ang pagtingin at pagtrato sa lahat ng
mamamayan magkaiba man ang estado ng buhay.
5. Walang kinikilingan ang batas.

 Ang katarungang panlipunan ay nararanasan


kung mayroong kakayahan ang bawat indibidwal
na matupad ang kanyang potensyal sa lipunang
kinabibilangan. Bilang pabalik na ikot siya ay
nagiging aktibong taga ambag sap ag-unlad sa
Lipunan.
Gawain: Suriin ang awiting “Tatsulok” ni Bamboo at
sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Sa iyong palagay ang ang ibig sabihin ng pamagat


ng awitin?
2. Ano ang mensahe ng awitin na nais iparating
saiyo? Ipaliwanag.
3. Pumili ng isang linya sa awit na pumukaw sa iyong
kaisipan at ipaliwanag kung bakit?
4. Sumasang-ayon ka ba sa titik ng awitin na
nagsasabing “habang may tatsulok pag sila ang
nasa tuktok, di matatapos itong gulo”. Ipaliwanag
ang iyong sagot.

You might also like