You are on page 1of 33

Ang

Kontemporaryong
Isyu sa Lipunan at
Daigdig
ARALIN 2

ANJ
BALIK-
ARAL:
Ang kontemporaryong isyu ay mga isyu sa
kasalukuyan na nangangailangan ng agarang
pagtugon upang tayong lahat ay
makapamuhay ng maayos at matiwasay
habang nakakaangkop sa pagbabago ng
panahon.

ANJ
PANIMULA
:Batayan sa pag-aaral ng mga isyu at
hamong panlipunan ang pag-unawa sa
1
bumubuo ng isang lipunan,
2
ugnayan, at kanyang kultura. 3

ANJ
Article
Analysis
Sa artikulong isinulat ni Leila B. Salaverria na nailathala sa
Philippine Daily Inquirer noong Disyembre 5, 2012 tinalakay
niya ang resulta ng pag-aaral ng Corruption Perceptions Index
of Transparency International sa Pilipinas. Sa nasabing pag-
aaral, nagtala ang Pilipinas ng iskor na tatlumpu’t apat (34) sa
kabuuang 100 kung saan ang 100 ay may deskripsyon na
“very clean”.

ANJ
Article
Analysis
Bahagyang tumaas ang marka ng Pilipinas noong 2013 sa iskor
na tatlumpu’t anim (36). Kung tutuusin, mababa pa rin ang
markang ito kung ihahambing sa mga bansang Denmark,
Finland, New Zealand, Sweden, at Singapore na may
matataas na marka at itinuturing na “very clean”. Nagbibigay
ito ng mensahe na ang Pilipinas ay isa pa rin sa mga bansa sa
daigdig na may malaganap na korapsyon sa pamahalaan.

ANJ
Article
Analysis
Ang isyu ng korapsyon ay hindi lamang nararanasan sa ating
bansa. Sa katunayan, ayon sa nasabi ring pag-aaral, higit na
mataas ang marka ng Pilipinas kung ihahambing sa mga
karatig-bansa sa Asya tulad ng Vietnam, Indonesia,
Bangladesh, at ng North Korea na kasama sa “five most
corrupt countries” sa daigdig. Subalit hindi ito dahilan upang
itigil natin ang paglaban sa korapsyon.

ANJ
Article
Analysis
Ayon kay Rosalinda Tirona, ang pangulo ng Transparency
International sa Pilipinas, kailangan pa ang mas maraming
pagkilos upang labanan ang korapsyon. Ngunit, hindi lamang
korapsyon ang dapat na bigyang pansin kundi ang
transpormasyon ng lipunang Pilipino upang makamit ang
tunay na pagbabago.

ANJ
Pamprosesong Tanong:
1. Paano nakakaapekto ang korapsiyon sa pangaraw-
araw na pamumuhay ng mga Pilipino?

2. Ano-ano ang mga maaring naging salik sa patuloy


na paglaganap ng kurapsiyon sa ating bansa?

3. Magbigay ng katangian ng kurapsiyon sa loob ng


tahanan at paaralan.

ANJ
LIPUNAN
Tumutukoy sa mga taong sama-
samang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na
may iisang batas, tradisyon, at
pagpapahalaga.

ANJ
“Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung
saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito
ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo
ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay
na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan
ay makakamit kung ang bawat pangkat at
institusyon ay gagampanan nangmaayos ang
kanilang tungkulin.”

- EMILE DURKHEIM
ANJ
“Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng
kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng
mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa tunggalian
na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na
kumokontrol sa produksyon. Bunga nito, nagkakaroon ng
magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na
nakabatay sa yaman at kapangyarihan.”

- KARL MARX
ANJ
“Ang lipunan ay binubuo ng tao na may
magkakawing na ugnayan at tungkulin.
Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang
kaniyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng
lipunan. Makakamit ang kaayusang
panlipunan sa pamamagitan ng maayos na
interaksiyon ng mga mamamayan.”

- CHARLES
ANJ
LIPUNAN
Magkakaiba man ang pagpapakahulugan sa
lipunan, makikita na ang mga sosyologong ito
ay nagkakaisa na ang lipunan ay binubuo ng
iba’t ibang institusyon, ugnayan, at kultura.
Bilang mag-aaral, mahalagang maunawaan mo
kung ano-ano ang bumubuo sa lipunan.

ANJ
Mga Elemento ng Istrukturang
Panlipunan

Institution Status
Social
Group Roles

ANJ
1 INSTITUSYO
N relihiyon,
Ang pamilya,
edukasyon, ekonomiya, at
pamahalaan ang
itinuturing na mga
institusyong panlipunan.

ANJ
2 SOCIAL
GROUP
Ang mga institusyong panlipunan ay
binubuo naman ng mga social group.
Tumutukoy ang social group sa dalawa o
higit pang taong may magkakatulad na
katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa
bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang
panlipunan. May dalawang uri ng social
group: ang primary group at secondary
group (Mooney, 2011).

ANJ
2 SOCIAL
GROUP
● Ang primary group ay tumutukoy sa
malapit at impormal na ugnayan ng mga
indibidwal. Kadalasan, ito ay mayroon
lamang maliit na bilang. Halimbawa
nito ay ang pamilya at kaibigan.
● Sa kabilang banda, ang secondary
group ay binubuo ng mga indibiduwal
na may pormal na ugnayan sa isa’t isa.

ANJ
3 STATUS
Kung ang mga institusyong
panlipunan ay binubuo ng mga
social groups, ang mga social
groups naman ay binubuo ng
iba’t ibang status. Ang status ay
tumutukoy sa posisyong
kinabibilangan ng isang
indibiduwal sa lipunan.

ANJ
3 STATUS
Ang ating pagkakakilanlan o
identidad ay naiimpluwensiyahan
ng ating status. May dalawang uri
ng status: ito ay ang ascribed
status at achieved status .

ANJ
3.1 ASCRIBED
STATUS
● Nakatalaga sa isang indibidwal
● Hindi ito kontrolado ng isang
indibidwal
Halimbawa: Kasarian
“Si Jaja ay ipinanganak na babae.”

ANJ
3.2 ACHIEVED
STATUS
● Nakatalaga sa isang indibidwal sa
bisa ng kanyang pagsisikap
● Maaaring mabago ng isang
indibidwal ang kanyang achieved
status
Halimbawa: Pagiging Doctor
“Matapos ang sampung taon sa
Kolehiyo si Paul ay naging Doctor.”

ANJ
4 GAMPANIN
May (ROLES)
posisyon ang bawat
indibiduwal sa loob ng isang
social group. Ang bawat
posisyon ay may kaakibat na
gampanin o roles.

ANJ
4 GAMPANIN
(ROLES)
Tumutukoy ang mga
gampaning ito sa mga
karapatan, obligasyon, at
mga inaasahan ng lipunan
na kaakibat ng posisyon
ng indibiduwal.

ANJ
Tukuyin kung anong elemento ng istrukturang panlipunan
Gawain 1 nabibilang ang mga sumusunod na kontemporaryong isyu:

1. Househusband 6. Domestic Violence


2. Minimum Wage 7. Drinking at Driving
3. Age Discrimination 8. RH Law
4. LGBT 9. Genetic Engineering
5. Divorce 10. Hazing

ANJ
Humanap ng isang larawan ng may kaugnayan sa mga sumusunod na

Gawain 2 elemento ng istrukturang panlipunan at bumuo ng isang sanaysay na


mamarkahan ng sumusunod na rubrik:

RUBRIK SA PUNTOS
1. Institusyon (Institution) PAGWAWASTO

Kawastuhan 7
2. Social groups Nilalaman 6
3. Status (social status) Organisasyon 4

4. Gampanin (roles) Pagkamalikhain 3

KABUUAN 20

ANJ
Pamprosesong Tanong:

Ano ang kahalagahan ng ating kamalayan sa kaugnayan


ng mga istrukturang panlipunan at paano ito
makakatulong sa lipunang ating ginagawalan?

ANJ
PAGLALAHAT
Mahalagang maunawaan ang kung ano-ano
ang bumubuo sa lipunan bilang batayan sa
pag-aaral ng mga isyu at hamon sa pag-
unawa sa kaugyan nito sa kultura. Ang
lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-
samang naninirahan sa isang organisdong
komunidad na may iisang batas, tradisyon at
pagpapahalaga.

ANJ
PAGTATAY
1
A
Araw-araw ay tone-toneladang basura ang naiipon sa bawat barangay. Mula sa basura sa bahay,
paaralan, pabrika at maging sa mga pampublikong lugar ay halu-halong uri ng basura ang
makikita. Paano mo nararapat tugunan ang isyu ng polusyon dahil sa di tamang pagtatapon ng
basura?

A. huwag pakialaman sapagkat tayo ay may kanya-kanyang basura sa tirahan


B. huwag bumili ng bumili upang hindi magkaroon o dumami ang mga basura
C. idikit ang mga poster upang matauhan ang mga taong tapon ng tapon ng basura
D. simulan ang pagtatapon ng kahit pinakamaliit na kalat sa tamang basurahan

ANJ
PAGTATAY
2
A
Si Arden ay isa sa mga anak na may magulang na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Bilang anak,
nakikita nya ang kanyang tatay kung paano nakapananakit sa kanyang nanay at kung paano magpatagu-
tago sa mga alagad ng batas kapag may oplan panghuhuli. Hindi nya ninanais na habangbuhay maging
ganun ang kanyang ama. Kung ikaw si Arden, nanaisin mo din ba na tumigil ang iyong ama sa ganung
gawain?

A. hindi, upang hindi nya ibaling sa akin ang kanyang galit at makaiwas sa posibleng pananakit
B. hindi, sapagkat siya ay may sariling buhay kung kaya’t magdedesisyon sya sa kanyang sarili
C. oo, sapagkat ayoko sya mapahamak o mapatay ng mga pulis na humahabol sa kanya
D. oo, upang bumalik ang dating maayos na kalusugan at pag-iisip at maayos na pakikitungo sa iba

ANJ
PAGTATAY
3
A
Ang Contractualization ay isang seryosong problema ng bansa. Dahil dito, madaming Pilipino ang hindi
magkaroon ng permanenteng trabaho na nagiging sanhi ng lalong kahirapan at kagutuman ng maraming
pamilya. Madaming mga pulitiko ang nangako at patuloy na nangangako na aalisin ang ganitong
sistema. Sino ang hindi apektado sa sistemang ito?

A. mga kabataang hindi nagpatuloy pumasok sa kolehiyo at nagtrabaho na agad


B. mga manggagawang higit sa tatlumpung gulang na bihira na matanggap sa kompanya
C. mga kabataang nagpupursige sa pag-aaral sa kabila ng matinding kahirapan
D. mga mangagawang naghihintayan at nagnanais na magkakasama silang tropa sa isang kompanya

ANJ
PAGTATAY
4
A
Patuloy ang pagdami ng mga miyembro ng LGBT. Laganap ang mga babae at lalaki na unti-unting
nagbabago ng kanilang sexual orientation at sadyang nagkakagusto sa kapwa kapareho ng kasarian. Dahil
dito, madami ang nagsusulong na gawing legal ang “same sex marriage”. Paano mo ipapakita ang suporta
para sa grupong LGBT?

A. patuloy na paghihikayat sa mga myembro ng LGBT na sumali sa mga gay o lesbain contest upang
patunayan ang sarili
B. palagiang gawing leader sa mga pangkatang gawain ang mga bakla o tomboy upang wala na gawain
ang iba
C. palakasin ang kanilang loob sa mga pagkakataong kinukuha silang speaker o tagapamahayag sa mga
symposium
D. pasamahin sila sa mga kampanya na nagpapakita na ang mga myembro ng LGBT ay hindi pabigat sa
lipunan

ANJ
PAGTATAY
5
A
Si Anthony kagaya ng ibang mag-aaral ay mahilig sa mga computer games. Kakaibang kasiyahan
ang madalas na dahilan kung bakit di nila mapigilan ang maglaro nito. Ang sobrang pagkahilig sa
ganitong laro ay isang halimbawa ng personal na problema o isyu. Ito ay maaaring makaapekto sa
inyong komunidad maging sa pakikitungo sa iba kung ____________.

A. ikaw ay maghapong magkukulong sa kwarto at maglalaro lamang


B. ikaw ay manghihikayat pa ng mga kaklase upang umabsent at makipaglaro din sa iyo
C. ikaw ay magkaksakit dahil sa ilang beses na pagpapalipas ng gutom dahil sa games
D. ikaw ay mauubusan ng pera kakalaro sa computer shop kesa sa bahay ninyo

ANJ
SANGGUNIAN
Araling Panlipunan 10 – Learning Module by PEAC
Araling Panlipunan 10 - Alternative Delivery Mode (ADM)
Araling Panlipunan 10 - Most Essential Learning Competencies (MELC)

MARIA AURORA M. FLORESCA


Guro

ANJ

You might also like