You are on page 1of 60

ANG LIPUNAN

LAYUNIN:
1.Naipaliliwanag ang kahulugan ng
lipunan;
2. Naiuugnay ang lipunan sa mga isyu
at hamong kinakaharap ng mga tao sa
kasalukuyan;
3. Napahahalagahan ang kamalayan
ng tao bilang miyembro ng isang
lipunan.
LIPUNAN: William Mooney, 2011)
“Ang lipunan ay isang buhay na
organismo kung saan nagaganap ang
mga pangyayari at gawain. Ito ay
patuloy na kumikilos at nagbabago.
Binubuo ang lipunan ng magkakaiba
subalit magkakaugnay na pangkat at
institusyon. Ang maayos na lipunan ay
makakamit kung ang bawat pangkat at
institusyon ay gagampanan nang maayos
ang kanilang tungkulin”
LIPUNAN: Panopio, 2007
“Ang lipunan ay kakikitaan ng
tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay
nabubuo dahil sa pag-aagawan ng
mga tao sa limitadong
pinagkukunangyaman upang
matugunan ang kanilang
pangangailangan.
LIPUNAN: Panopio, 2007
Sa tunggalian na ito, nagiging
makapangyarihan ang pangkat na
kumokontrol sa produksyon.
Bunga nito, nagkakaroon ng
magkakaiba at hindi pantay na
antas ng tao sa lipunan na
nakabatay sa yaman at
kapangyarihan.”
LIPUNAN:
William Mooney, 2011)
“Ang lipunan ay binubuo ng tao na may
magkakawing na ugnayan at tungkulin.
Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang
kaniyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng
lipunan. Makakamit ang kaayusang
panlipunan sa pamamagitan ng maayos na
interaksiyon ng mga mamamayan.”
MGA ELEMENTO NG
ISTRUKTURANG
PANLIPUNAN
INSTITUSYON
Ang institusyon ay organisadong
sistema ng ugnayan sa isang
lipunan.
Pamilya Relihiyon/Simbahan

Ekonomiya Pamahalaan
SOCIAL GROUP
Tumutukoy ang social group sa dalawa o
higit pang taong may magkakatulad na
katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa
bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang
panlipunan.

primary group secondary group


primary group:
tumutukoy sa malapit at impormal na
ugnayan ng mga indibiduwal (pamilya o
kaibigan)
secondary group:
binubuo ng mga indibiduwal na may
pormal na ugnayan sa isa’t isa (amo at
manggagawa)
STATUS
Tumutukoy sa posisyong
kinabibilangan ng isang indibiduwal
sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan
o identidad ay naiimpluwensiyahan ng
ating status.
ascribed status achieved status
ascribed status
Nakatalaga sa isang indibiduwal simula nang
siya ay ipinanganak
Hindi ito kontrolado ng isang indibiduwal
achieved status
Nakatalaga sa isang indibiduwal sa bisa ng
kaniyang pagsusumikap. Maaaring mabago ng
isang indibiduwal ang kaniyang achieved status
Maaaring bang
makaapekto ang ascribed
status ng isang indibiduwal
sa kaniyang achieved
status?
GAMPANIN/ ROLES
Tumutukoy ang mga gampaning ito sa
mga karapatan, obligasyon, at mga
inaasahan ng lipunan na kaakibat ng
posisyon ng indibiduwal.

ang mga gampaning ito ang nagiging batayan


din ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang
ginagalawan.
Ang hindi pagganap sa mga
inaasahang gampanin ng isang
indibiduwal o isang grupo ay
maaaring magdulot ng ilang isyu at
hamong panlipunan.
GAWAIN 6. TIMBANGIN MO
Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang
A kung tama ang nilalaman ng una at ikalawang
pahayag;
B kung tama ang nilalaman ng unang pahayag
at mali ang ikalawa;
C kung mali ang nilalaman ng unang pahayag at
tama ang ikalawa;
D kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang
pahayag.
___1. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga
taong sama-samang naninirahan sa
isang organisadong komunidad na may
iisang batas, tradisyon, at
pagpapahalaga.
B. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong
panlipunan, mahalagang maunawaan ang
bumubuo, ugnayan, at kultura ng isang
lipunan.
___2. A. Ayon kay Karl Marx, ang
lipunan ay binubuo ng mga taong may
magkakawing na ugnayan at tungkulin.
B. Dahil sa magkakawing na ugnayan
at tungkulin ng mga tao sa isang
lipunan, makakamit ang kaayusang
panlipunan sa pamamagitan ng
maayos na interaksiyon ng mga
mamamayan
___3. A. Ang lipunan ay binubuo ng
mga institusyon. Tumutukoy ito sa
matatag at organisadong sistema ng
ugnayan sa isang lipunan.
B. May mga isyu at hamong
panlipunang umuusbong dahil sa
kabiguan ng isang institusyong
maipagkaloob ang mga inaasahan
mula rito
___4. A. Maituturing ang
pamilya bilang isang halimbawa
ng secondary group.
B. Tumutukoy ang secondary
group sa mga indibiduwal na
may malapit at impormal na
ugnayan sa isa’t isa.
___5. A. Ang primary group ay
Karaniwang nakatuon sa pagtupad
sa isang gawain ang ganitong uri ng
ugnayang panlipunan
B. Ang hindi pagganap sa
inaasahang gampanin ng isang tao
sa isang social group ay
nakapagdudulot ng isyu at hamon
na makaaapekto sa bawat isa sa
nasabing grupo.
KATUTURAN
NG KULTURA
ANDERSEN AT TAYLOR
(2007),
Ang kultura ay isang kumplikadong
sistema ng ugnayan na nagbibigay-
kahulugan sa paraan ng pamumuhay
ng isang grupong panlipunan o isang
lipunan sa kabuuan.
Sa isang lipunan, binibigyang-katwiran ng kultura
ang maganda sa hindi, ang tama sa mali at ang
mabuti sa masama.
PANOPIO (2007)

“ito ang kabuuang konseptong


sangkap sa pamumuhay ng
mga tao, ang batayan ng kilos
at gawi, at ang kabuuang
gawain ng tao”.
MOONEY (2011)

:ang kultura ay tumutukoy sa


kahulugan at paraan ng
pamumuhay na
naglalarawan sa isang
lipunan”
DALAWANG URI NG KULTURA

MATERYAL DI-MATERYAL

Binubuo ito ng mga Kabilang dito ang batas, gawi,


gusali, likhang- ideya, paniniwala, at norms
ng isang grupo ng tao. Hindi ito
sining, kagamitan, at nahahawakan subalit ito ay
iba pang bagay na maaaring makita o
nakikita at maobserbahan. Ito ay bahagi
nahahawakan at ng pangaraw-araw na
pamumuhay ng tao at sistemang
gawa o nilikha ng tao. panlipunan.
MGA ELEMENTO NG KULTURA

1. PANINIWALA (BELIEFS)

-mga kahulugan at paliwanag tungkol sa


pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo

-batayan ng pagpapahalaga ng isang


grupo o lipunan sa kabuuan.
MGA ELEMENTO NG KULTURA

2. PAGPAPAHALAGA (VALUES)

batayan ng isang grupo o ng lipunan sa


kabuuan kung ano ang katanggap-
tanggap at kung ano ang hindi
Batayan ito kung ano ang tama at mali,
maganda at kung ano ang nararapat at
hindi nararapat.
MGA ELEMENTO NG KULTURA

3. NORMS

Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na


binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang
lipunan.

nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon,


at pakikitungo ng isang indibiduwal sa
lipunang kaniyang kinabibilangan.
MGA ELEMENTO NG KULTURA
Ang folkways ay ang
Folkways pangkalahatang batayan ng kilos
ng mga tao sa isang grupo o sa
isang lipunan sa kabuuan.

Tumutukoy sa mas mahigpit na


Mores batayan ng pagkilos. Ang paglabag
sa mga mores ay magdudulot ng mga
legal na parusa.
MGA ELEMENTO NG KULTURA

4. SIMBOLO (SYMBOLS)

ang paglalapat ng kahulugan sa isang


bagay ng mga taong gumagamit dito.
Kung walang simbolo, walang magaganap
na komunikasyon at hindi rin magiging posible
ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan.
HALIMBAWA:
wika, mga pagkumpas
(gestures), at iba pang bagay
na nauunawan ng mga
miyembro ng isang lipunan.
GAWAIN 7. MODIFIED TRUE
OR FALSE
Isulat ang TAMA kung wasto ang
isinasaad ng pangungusap; kung ito ay
mali, itama ang salitang may
salungguhit upang maiwasto ang
pahayag. Isulat ang iyong sagot sa
patlang
1. Ang kultura ay tumutukoy sa
kahulugan at paraan ng
pamumuhay ng mga
mamamayan sa isang lipunan.
2. Ang paniniwala ay isang
elemento ng kultura na
tumutukoy sa mga asal, kilos
o gawi na nagsisilbing
pamantayan ng pagkilos sa
isang lipunan.
3. Ang pagpapahalaga ay
batayan ng pagkilos na
katanggap tanggap sa grupo
ng mga tao o lipunan sa
kabuuan.
4. Ang hindi pagsunod sa
norms ng isang lipunan ay may
kaukulang kaparusahan o
sanctions.
5. Ang kultura ay
naglalarawan sa
isang lipunan.
ISYUNG PERSONAL AT
ISYUNG PANLIPUNAN
ANG SOCIOLOGICAL
IMAGINATION
kakayahang makita ang
kaugnayan ng mga personal
na karanasan ng isang tao at
ang lipunang kanyang
ginagalawan
Wright Mills (1959
ISYUNG PERSONAL
Sinasabing nagaganap sa
pagitan ng isang tao at ilang
malalapit sa kanya.
-pribadong bagay na
nararapat solusyunan sa
pribadong paraan
ISYUNG PANLIPUNAN
Isang pampublikong bagay.
Karaniwang kaugnay ito ng krisis o
suliranin sa mga institusyong
panlipunan.
Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi
lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa
kabuuan
HALIMBAWA:
Kung sa isang komunidad na
may 100,000 mamamayang
maaaring maghanapbuhay ay
may isang walang trabaho,
maaring ituring ito bilang isang
isyung personal.
HALIMBAWA:
Subalit kung sa isang
lipunang mayroong 50
milyong tao at 15 milyon sa
mga ito ay walang trabaho,
maaari itong ituring na
“isyung panlipunan”.
KONKLUSYON:
Maaaring maging kongklusyon
na may kakulangan sa lipunan
o istruktura nito na nagdudulot
ng kawalan ng trabaho ng
maraming mamamayan dito.
ISYUNG PANLIPUNAN NA MAY EPEKTO
SA ISANG INDIBIDWAL

Ang mga digmaan ay maituturing na


isyung panlipunan subalit hindi
maikakaila ang epekto nito maging
sa personal na buhay ng mga tao sa
lipunang puno ng kaguluhan at
karahasan.
GAWAIN 8. PERSONAL O
PANLIPUNAN?
Gamit ang Venn diagram ay ibigay ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng isyung
personal at isyung panlipunan
GAWAIN 9:PERSONAL O
PANLIPUNAN
1. Patuloy na pagtaas ng
presyo ng mga bilihin.
2. Kakulangan ng pantustos
sa pang araw araw na
pangangailangan.
GAWAIN 9:PERSONAL O
PANLIPUNAN
3. Pagdami ng Overseas
Filipino Workers
4. Pagbubuntis ng bunsong
anak ng isang pamilya
GAWAIN 9:PERSONAL O
PANLIPUNAN
5. Pagkalugi ng isang
kumpanya dahil sa
kurapsyon.
6. Pagkakulong ng ama
dahil sa ginawang krimen.
GAWAIN 9:PERSONAL O
PANLIPUNAN
7. Madalas na pagtama ng
kalamidad sa isang
lalawigan
8. Kakulangan ng sapat na
pondo para sa mga
nasalanta ng bagyo
GAWAIN 9:PERSONAL O
PANLIPUNAN
9. Pagpatay sa mga
mamamahayag.
10. Pagtakas sa
responsibilidad bilang
magulang.
GAWAIN 9:PERSONAL O
PANLIPUNAN
11. Pagkasunog ng
kabahayan dahil sa
kapabayaan ng
kapitbahay.
GAWAIN 9:PERSONAL O
PANLIPUNAN
12. Diskriminasyon
laban sa mga miyembro
ng LGBT.
13. Kontrakwalisasyon.
GAWAIN 9:PERSONAL O
PANLIPUNAN
14. Pagbabago ng
pisikal na kaanyuan
dahil sa retoke.
GAWAIN 9:PERSONAL O
PANLIPUNAN
15. Pagtakas ng mga
rebelde.

You might also like