You are on page 1of 5

PAGADIAN DIOCESAN SCHOOLS

HOLY CHILD’S ACADEMY


Pagadian City

T E A C H E R ‘S L E A R N I N G P L A N I N
ARALING PANLIPUNAN 10

Teacher’s Name: Christine Joy D. Tubal Lesson #: 3.2 Topic: Epekto ng paglabag sa Karapatang pantao
Content Standards: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa: sa kahalagahan ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang
perspektibo na may kaugnayan sa samu’t saring isyu sa gender
Performance Standards: Ang mga mag-aaral ay nakapagpaplano ng symposium na tumatalakay sa kaugnayan ng
karapatang pantao at pagtugon sa responsibilidad bilang mamamayan tungo sa pagpapanatili ng isang pamayanan
at bansa na kumikilala sa karapatang pantao.
Learning Competencies: Ang mga mag aaral ay:
1. Nasusuri ang epekto ng paglabag sa karapatang pantao. AP10IKPIIIa-2
a. Makabigay ng iba’t ibang epekto ng paglabag sa Karapatang Pantao sa pamamagitan
ng Concept Map; at
b. Makalahad ng mga solusyon dahil sa epekto sa paglabag ng Karapatang Pantao;
c. Makagawa ng sariling slogan batay sa mga mahahalagang ginagampanan ng
Karapatang Pantao sa lipunan.
Reference/s: Soriano, Celia D., Antonio, Eleanor D., Dallo, Evangeline M., Imperial, Consuelo M., Samson, Maria
Carmelita., (2016) Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan),
REX Book Store,Inc.
Values: Kakayahang Tumugon
INTRODUCTION

Gawain 1. Hulaan Mo!

Panuto: Suriing mabuti ang bawat larawan at pagkatapos sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano sa palagay ninyo ang ipinapahayag ng bawat larawan?


2. May malaki ba itong epekto sa ating kasalukuyang panahon ngayon?

INTERACTION

TALA NG KONSEPTO

Epekto sa Paglabag ng Karapatang Pantao

Ang epekto sa pamayanan, bansa, at sa daigdig ang paglabag sa mga karapatangpantao tulad ng mga
sumusunod:

1. Kahirapan
Dahil sa panlalamang ng iisang pangkat ng tao sa larangan ng ekonomiya, nagkakaroon ngpaglabag sa
karapatang pantao. Ang isang bunga nito ay kahirapan. Ang kawalan ngsapat na ikabubuhay ang
pangunanahing larawan ng kahirapan. Nagkakaroon ng hindipantay na pagbibigay ng pangangailangan
ng bawat tao at nagkukulang ang karamihan nito.

2. Kaguluhan at Karahasan

Nagiging bunga ng mga pagkakaiba sa ideolohiya at sa kalakaran ng lipunan angkaguluhan at


karahasan tuwing ito ay isinusulong at idinidikta ng isang pangkat ng lipunansa iba pang pangkat. Isang
halimbawa nito ay ang terorismo. Ito ay ang paggamit ngpananakot at dahas upang isulong ang nais
na kaayusan ng isang pangkat ng lipunan.

3. Kawalan ng Moralidad

Nawawalan ng pamantayan para sa kabutihan ng lahat kapag may paglabag sakarapatang pantao.
Hindi nakikita ang mabuti sa masama o ang tama sa mali at nawawalanna ng galang para sa mga mahahalagang
elemento ng lipunan, lalo na sa pamilya, tao ogrupong lumalabag sa mga karapatan ng iba.

Anu-ano ang mga halimbawa ng Paglabag sa mga Karapatang Pantao?

Maraming anyo at halimbawa ng paglabag sa mga karapatang pantao ang araw-araw nanagaganap sa halos lahat
ng bahagi ng mundo. Nadidinig, napag-aalaman at napapanood pa natinang mga paglabag na ito. Ating
tatalakayin ngayon ang tatlo sa mga pinakamaraming halimbawa ngmga paglabag sa karapatang pantao. At
unawain natin ang mga taong naging biktima ng mgaganitong paglabag. Pag-isipan din natin kung paano
nating matutulungan ang mga biktima sa mgahalimbawang tatalakayin.

Gawain 2. Concept Map

Panuto: Tukuyin at magbigay ang mga Epekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao. Iligay ito sa loob ng Concept
Map.

Mga Epekto sa Paglabag ng


Karapatang Pantao

Gawain 3. Itala Mo!


Gawain 3.
Panuto: Gamit ang hiwalay na papel, gumawa ng islogan na nagpapakita na may mahalagang ginagampanang
papel ang karapatang pantao sa ating lipunan.

Pamantayan o Rubrics sa paggawa ng isang islogan:


Nilalaman - 10
May tugma - 5
Pagkamalikhain - 10
Kalinisan - 5
Kabuoang puntos: 30

Pamprosesong Tanong

1. Sa iyong palagay, bakit kailangang isulong ang pagkakapantay-pantay sa pagitan ng pagkakaroon ng karapatang pantao
sa ating lipunan? Patunayan ang iyong sagot. Ipaliwanag ito sa loob ng dalawang pangungusap lamang.

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

INTEGRATION

Closure/ Synthesis:
Gawain 4. Sandaling Isipin :

Reflection Guide

Bilang isang mamamayan na nagmamalasakit sa kapakanan ng ibang tao, ano-ano ang maaari mong
imungkahing paraan para maprotektahan o higit na mapangalagaan ang mga karapatang pantao? Ipaliwang ang
iyong sagot sa loob ng dalawang pangungusap.

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

INTERVENTION

Post- Assessment

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang letra ng wastong sagot.

_____1. Aling dokumento ang ipinasa noong 1628 sa England na naglalaman ng Karapatan na hindi
pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliamento?
A. The First Geneva Convention B. Petition of Right
C. Bill of Rights D. Cyrus Cylinder
_____2. Likas sa bawat indibidwal ang kanyang karapatan. Paano tayo napagkalooban ng mga karapatan?
A. Ito ay itinakda ng mga batas. B. Ito ay simbolo ng pamahalaan.
C. Ito ay pinagtibay ng ating mga Pangulo. D. Ito ay pinaglaban ng bawat mamamayan.
_____3. Ang UDHR (Universal Declaration of Human Rights) ay isang mahalagang hakbang sa kasaysayan
ng daigdig na kumikilala sa karapatang pantao. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit mahalaga ang
Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao?
A. Iniiwasan nito ang diskriminasyon.
B. Itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.
C. Pinangangalagahan nito ang maliliit na bansang tulad ng Pilipinas.
D. Sinisiguro nitong walang nagaganap na paglabag sa mga karapatang pantao.
_____4. Nagsagawa ng pagpupulong ang labing anim na Europeong bansa at ilang estado sa Amerika sa
Geneva at Switzerland noong 1864. Kinilala ito na The First Geneva Convention. Ano ang pangunahing
layunin ng dokumentong ito?
A. Sumunod sa paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na naglalaman ng mga
karapatan ng mamamayan.
B. Isinaalang-alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may mga sakit na sundalo.
C. Pagbibigay proteksiyon sa mga mamamayan
D. Pagbibigay pagkain sa mga nagugutom na bata.
_____5. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan ng Statutory Rights?
A. Ang karapatan ni Adelyn na kilalaning anak ng kanyang tunay na mga magulang.
B. Ang pagsapi ni Allen sa grupong Sakdalista.
C. Ang pagbibigay ng 20% pribilehiyo sa mga Senior Citizen at mga mag-aaral sa lahat ng pampasaherong
sasakyan.
D. Ang pagpili ni Ryan sa simbahang Iglesia Ni Kristo bilang kanyang relihiyon.
_____6. Ano ang nakasaaad sa dokumentong Bill of Rights na ipinatupad noong Disyembre 15, 1791?
A.Nagbibigay proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang taong
nanirahan sa bansa.
B. Sumusunod sa kapangyarihan ng hari.
C. Pagbabawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan.
D. Pagtatag ng relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng Judaismo, Hinduismo, Kristyanismo,
Buddhismo, Taoismo, Islam at iba pa.
_____7. Ano ang tawag sa komisyong itinatag ang United Nations sa pamumuno ni Eleanor Roosevelt noong
1948?
A. Declaration of the Rights of Man B. Human Rights Commission
C. Universal Declaration of Human Rights D. The First Geneva Convention
_____8. Kailan nagsisimula ang karapatan ng isang nilalang sa mundong ibabaw?
A. Pagkasilang B. Pagmamamatay C. Pagkinasal D. Kapag nagka-edad na
_____9. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagbibigay ng tamang paglalarawan ng mga karapatang sibil?
A. Ito ay may kaugnayan sa ating pakikitungo sa ating kapwa.
B. Ito ay nagbibigay proteksyon kung tayo ay lumalabag sa batas.
C. Ito ay tungkol sa paghahanap ng mapagkakakitaan upang mabuhay.
D. Ito ay may kinalaman sa ating karapatang mabuhay nang matiwasay at malaya.
_____10. Sinong hari ng Persia ang sumakop sa lungsod ng Babylon at nagdeklara ng pagkapantay-pantay ng
lahi noong 539 B.C.E? A. Haring Cyrus B. Haring Solomon C. Haring Alexander D. Haring Abraham

You might also like