You are on page 1of 4

Page |1

PAGSASANAY 4

Pangalan: Angelique V. Falcon Kurso/Taon: BSA 2A Petsa: 08-13-21 Iskor ______

Tasahin ang iyong sarili.

Panuto: Ipaliwanag ang bawat katanungan upang masukat ang inyong kaalaman tungkol
sa inyong nabasa sa aralin na ito.

1. Bakit kailangan ang citizenship ng isang tao?

Kailangan ang citizenship dahil ito ay nangangahulugang ang isang tao ay may
karapatang mabuhay sa isang bansa at hindi sila maaaring tanggihang pumasok o i-deport
ng bansa iyon. Ang katayuang legal o legal status na ito ay maaaring ipagkaloob taong
isinilang sa bansa o makuha sa pamamagitan ng 'naturalization'. Ang taong may
citizenship ay may karapatang bumoto at tumakbo sa eleksyon, karapatang magkaroon ng
mga ari-arian/negosyo sa bansa, karapatang makatanggap ng libreng edukasyon o
healthcare na binibigay ng gobyerno, atbp.

2. Ano ang hangarin ng Marxism sa tao at sa ekonomiya?

Ang hangarin ng Marxism ay ang gobyerno mismo ang mamahala sa lahat ng


trabaho ng bansa. Ito ay magbibigay daan sa isang pantay na lipunan o classless society
na magpapatigil ng pagsasamantala ng mga bourgeoisie sa mga proletariat o mga
mangagawa.

3. Ano ang pinagmulan kung bakit nabuo ang Teoryang Dependensiya?

Nag-ugat ang Teoryang Dependensiya dahil sa reaksyon sa Teoryang


Modernisasyon na nangangahulugang pag-unlad ng lipunan sa pamamagitan ng iba’t
ibang kapamaraananan katulad ng pamumuhunanan, pagbabahagi ng teknolohiya, at higit
na malapit na integrasyon sa mundo ng kalakalan.\ Tutol ang Teoryang Dependensiya sa
pananaw ng Teoryang Modernisasyon na ang mahihirap na bansa ay hindi lamang
naunang anyo ng maunlad na bansa, subalit mayroon itong sariling kakanyahan at
istruktura; bukod dito ay kanilang sa napag-iiwanang kasapi sa ekonomiya ng pamilihan
sa mundo.
Page |2

4. Anu-ano ang hangarin ng nasyunalismo para sa maayos na pamumuhay ng tao?

Ang hangarin ng nasyunalismo ay makamtan at mapanatili ang kanyang sariling


soberenya o sariling pamahalaan, ang isang pamayanan ay kailangang manatili na hindi
pinanghihimasukan ng ibang nasyon; magkaroon ng sariling determinasyon (self-
determination) upang higit na mapaunlad at mapanatili ang pambansang pagkakakilanlan
batay sa ibinabahaging katangian ng lipunan katulad ng kultura at wika, relihiyon at
pulitika; paniniwala sa iisang pinanggalingan; at naglalayong panatilihin ang kultura ng
isang nasyon sa pamamagitan ng pagmamalaki sa lahat ng natamo ng isang bansa, at may
kaugnayan sa patriyotismo na kinasasangkutan ng paniniwala na ang nasyon ay
kailangang kontrolin ang gobyerno ng isang bansa at ang mga pamamaraan ng
produksyon.

5. Anu-ano ang mga pambansang simbolo ng nagpapakita ng pagkakakilanlan ng tao upang


ipakita ang nasyunalismo? Ano ang ipinapakita ng bawat simbolong ito?

Ang pambansang simbolo ay ang mga simbolo at sagisag ng Pilipinas katulad ng:
bandila – ito ay kumakatawan at sumisimbolo ng ating pagkilanlan bilang mga Pilipino;
pambansang awit – binuo noong 1898 ni Julian Felipe at ang mga lyrics ay inangkop
mula sa Epanyol na tula na Filipinas, na isinulat ni Jose Palma noong 1899; pambansang
wika (Filipino) – wikang sumisimbolo ng pagkilanlan ng ating bansa at iba pang simbolo
na nagpapakita ng kanilang pagkakakilanlan ay mahalaga upang ipakita ang
nasyunalismo.
Page |3

PAGSASANAY 5

Pangalan: Angelique V. Falcon Kurso/Taon: BSA 2A Petsa: 08-13-21 Iskor ______

Panuto: Piliin ang titik na kumakatawan sa tamang sagot sa bawat bilang.

1. Siyentipikong pag-aaral ng etnisidad, lipunan, at kultura ng tao at ang gamit nito sa


sikolohikal na pagsasanay ng katutubong karunungan na nag-ugat sa etnikong pamana at
kamalayan ng mga tao.
a. Sikolohiyang Pilipino
b. Pantawang Pananaw
c. Sosyolohiyang Pilipino
d. Sikolohiyang Pananaw
2. Siya ang nagpakilala sa konsepto ng Sikolohiyang Pilipino.
a. Virgilio Almario
b. Virgilio Enriquez
c. Virgilio Espiritu
d. Mike Enriquez
3. Kinasasangkutan ng lahat ng mga sanggunian katulad ng mga pag-aaral, libro, at
sikołohiyang makikita sa Pilipinas, ito man ay banyaga o maka-Pilipino.
a. Sikolohiyang Pilipino
b. Sikolohiya ng Pilipino
c. Sikolohiya sa Pilipinas
d. Sikolohiyang Pananaw
4. Tinutukoy nito ang lahat ng mga pananaliksik o pag-aaral at mga konsepto sa sikolohiya
na kinasasangkutan ng mga Pilipino.
a. Sikolohiyang Pilipino
b. Sikolohiya ng Pilipino
c. Sikolohiya sa Pilipinas
d. Sikolohiyang Pananaw
5. Ito ay bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyon ng mga Pilipino. Nangangahulugan
ito na tanging mga Pilipino lamang ang may kakayahang makapagsulat hinggil dito.
a. Sikolohiyang Pilipino
b. Sikolohiya ng Pilipino
c. Sikolohiya sa Pilipinas
d. Sikolohiyang Pananaw
6. Isang uri ng pagbasang kritikal na hindi lamang nakatuon sa intensvon na magpatawa
kundi tingnan ang mga bagay sa mas malalim nitong konteksto- ang pagsiyasat sa
kamalayan ng bawat Juan dela Cruz.
a. Sikolohiyang Pilipino
b. Pantayong Pananaw
c. Pantawang Pananaw
Page |4

d. Sikolohiyang Pananaw
7. Isa sa mga pinakamahalagang elemento ng pantawang pananaw.
a. Iskrip
b. Aktor
c. Katauhan
d. Midyum o daluyan
8. Alin ang hindi kabilang sa katangian ng pantawang pananaw?
a. Pagkakaroon ng kasaysayan o pinag-ugatan.
b. Intersubhektiho
c. Intertekstwal at repleksibo
d. May teoryang kanluranin
9. Isa sa mga maaaring daluyan ng pantawang pananaw
a. tanghalan, pahayagan, radio, tetebisyon
b. aktor, mga tauhan o karakter
c. iba pang anyo ng midya
d. lahat ay tama
10. Isang paraan upang subhektibong basagin ang katauhan, kaligiran, katauan, at Kaayusan
ng lipunan bilang paksa ng mga pagpapatawa at pagtuligsa.
a. Sikolohiyang Pilipino
b. Pantayong Pananaw
c. Pantawang Pananaw
d. Sikolohiyang Pananaw

You might also like