You are on page 1of 9

YUNIT 1

Neoliberalism is a policy model that encompasses both politics and economics and seeks to transfer
the control of economic factors from the public sector to the private sector. Many neoliberalism policies
enhance the workings of free market capitalism and attempt to place limits on government spending,
government regulation, and public ownership” (Kenton, 2020).

Neoliberalismo -Polisiya o patakaran na nauukol sa politika o economics na kung saan ang kontrol
dapat ng gobyerno sa ekonomiya ay nalilipat sa pribadong sektor.
*Nalilipat sa malalaking korporasyon at ang itinataguyod nito ay ang konsepto ng kapitalismo o
yung pagkamal ng tubo para sa kapakanan ng mga kapitalista o malalaking korporasyon.
Pagkamal- Pagtitipon, pagkolekta ng malalaking tubo.
*Dahil dito nagkakaroon ng malaking pagitan ang mayayaman at mahihirap. Tinitipid ang pasahod
sa nga trabahante nila.
*Sumosuporta sa kontraktwalisasyon.
*Free trade -Malayang kalakalan sa buong mundo
Disadvantage: Nasa mahihirap na bansa. Talo sila sa labanan ng Globalisasyon.

Neoliberal ang Pilipino kapag:


- siya ay kapitalistang nagtataguyod ng baratilyong pasahod at kontraktuwalisasyon at sa gayo’y
indibidwalistiko ang kanyang pananaw;
*Baratilyong pasahod- Murang pasahod (indibiwalistik ang kanilang pagtanaw- alang malasakit sa
kapwa.)
- siya ay pumapabor sa ideya na ang tao ay parang isang komoditi o produkto na puwedeng
baratin sa daigdig ng trabaho;
- siya ay masugid na tagasuporta ng misyon ng globalisasyon sa aspekto ng ekonomiya ngunit
nakatuon “ang tingin sa labas ng bansa” habang ang mga sariling produkto at kultura ng bansa ay
napag-iiwanan. (Personal kong tindig ito.) 
*Tagasuporta ng mga produktong pumapasok sa bansa natin. Mga tingin sa mga lokal products ay
"pipitsugin" lamang.

Artipisyal na Pilipino (Artipisyal- peke)

Pero may ilang kalaban ang Araling Pilipino at ito ay ang mga nakikita mo sa ibaba.  Sa palagay
mo, paano nagiging balakid sa pagtataguyod ng Araling Pilipino ang: 
- Kalituhan sa Identidad ng mga Pilipino, Neoliberalisasyon, Historical Revisionism, Fake News 
Isinusulong ni National Artist for Literature Bienvenido Lumbera ang tinatawag na Re-edukasyon
sa Pilipinas.

Magbigay ng tiyak na halimbawa sa kontekstong Pilipino kung paano nangyayari ang pagpapatuloy ng
kultura batay sa sumusunod?
●   “Namamana” o naipapasa mula sa praktika (practice)
●    Nababago at napapaunlad
●    Bilang buhay na praktika ng pagbabagong panlipunan  
● Nagagamit bilang kasangkapan ng nang-aapi at  nagsasamantala o ‘di kaya ay bilang kasangkapang
panlaban ng inaapi at pinagsasamantalahan
YUNIT 2
Wika- Kasangkapan sa pagpapahayag ng saloobin, etc
Lipunan-Konektibong pagsasama o pagkakaisa. May mga kulturang nabubuo
--Magkakaugnay
* "Wika and daluyan ng kultura at pagsasakultura. (Salazar, 1996)"
*insert slide*
Ideolohiya- Nasa isip ng isang tao. Nagmamanifest sa kanyang salita at lalo higit sa kanilang pagkilos.
Gahum- Ang gahum o hegemonya ay pangingibabaw ng mga pamantayang kanluranin at/o banyaga.
Ito ay indirektang impluwensiya o pagkontrol ng isang makapangyarihang tao, pangkat o bansa sa iba
pang tao, pangkat o bansa.
Kontra- gahum - Paglaban, hindi pagtanggap sa pag iral ng norm.

IDEOLOGICAL STATE APPARATUS (ISA)


Ang ideological state apparatus ay isang terminong nabuo ni Marxist theorist Louis Althusser na
nagsasabing ang mga institusyon tulad ng paaralan, simbahan, pamilya at midya na nagsisilbing
tagalipat/tagasalin ng mga impormasyon ay makaaapekto upang kontrolin ang kamalayan ng tao.
● Estado
● Edukasyon
● Mass Media
● Pamilya
● Relihiyon
Mga Halimbawa ng Gahum
Kulturang Machismo at Seksismo
Kulturang Kolonyal
Kultura ng Konsumerismo
Kulturang Sunud-sunuran/Pangangayupapa
Kultura ng Represyon at Pasismo

*insert slide*
-Shopping
Minamanupula ng kapitalista ang isip ng mga konsumer. (Eg. Sales, limited edition, etc)
-Sexist
-Do not question authority. -pangunguyapapa/pasismo
Government- pinatatahimik ang mga boses
Pamilya- Kung ano ung tinakda ng mga magulang
*Ang kontra-kultura o kontra-gahum ay kulturang naghahanap ng katotohanan,
katarungan at katuwiran. Pagkakapantay-pantay.
*Ang atrasadong kultura ay kailangang wasakin at palitan. Kailangang lumikha ng bagong kulturang
mapagbago at mapagpalaya. Kailangang hanguin ang mga kulturang piyudal at atrasado at
pagpanibaguhin ito.
Mga halimbawa ng kontra-gahum
Kulturang Transpormatibo
Kulturang Makabayan
Kulturang Mapagpalaya
Kultura ng Pagkakapantay-pantay
Kulturang Rebolusyonaryo
Kulturang Makamasa
Kulturang Siyentipiko

Araling Pilipino- pag-aaral ng anumang bagay na tungkol at para sa Pilipinas, at pag-aaral ng anumang
bagay na tungkol at para sa Pilipino.
*Krusyal ang paggamit ng wikang Filipino at iba pang wikang katutubo sa Pilipinas bilang wika ng
pananaliksik sa Araling Pilipino.

Pilipinolohiya- Prospero Covar


Sikolohiyang Pilipino- Virgilio Enriquez
Pantayong Pananaw- Zeus Salazar
----> advocates ng Araling Pilipino

Rodriguez Tatel (2015)- ang Pilipinisasyon bilang pagkilos na kaugnay ng Araling Pilipino ay
nakatuon sa (mga) Pilipino bilang paksa, Filipino bilang wika ng pananaliksik at talastasang
akademiko, at higit sa lahat, may saysay at kabuluhan para sa mga Pilipino.
*Panahon pa lang ni Jose Rizal, isinulong niya na ang dapat maging edukasyon ng mga Pilipino ay
tungkol at para sa atin. (Pilipinisasyon)
-Kailangang unawain ng mga mag-aaral ang kanilanh identidad bilang mga Pilipino bukod pa sa
ideyang paglaya sa anumang uri ng opresyon o pang-aalipin.

Pilipinolohiya (Prospero Covar)- kalipunan ng mga kaisipan, kilusan, at programang pang-


akademikong naglalayong kumawala sa makakanlurang oryentasyon; pagbalikwas sa "maka-
Amerikanong Philippine Studies"
*Unang panahon ng philippine studies ay problematiko. Ang ginagamit na mga konsepto ay
nakamodelo sa west partikular sa America.
* Ang pahayag na "bahala na" natin-pag inugat sa panahon ng mga ninuno malalim ang ibig
sabihin. Ito ay galing sa salitang "bathala na". Nung inaral ito ng mga taga labas, mababaw ang
kahulugan.
Pilipinolohiya- lente ng katutubo- para mas mapalutang ang yaman ng isang konsepto
Sikolohiyang Pilipino (Virgilio Enriquez)- Isa itong disiplinang nag-aaral ng psyche ng mga Pilipino.
*psyche- tumutukoy sa damdamin, paraan ng pag-iisip, at personalidad ng isang tao o grupo ng
tao.
*diwa- hindi lang laman ng isip kundi kung paano magpahayag ng damdamin bilang isang Pilipino.
(e.g "bahala na"- paraan ng pag-iisip ng mga Pilipino)
---> Pag-alma o paglaban sa banyaga na wala tayong sariling sikolohiya o pag-iisip.

Sikolohiyang Pilipino (Virgilio Enriquez) -May dalawang paraan ng pagsasakonsepto ng mga


kaisipan:
1. Indihenisasyon mula sa loob- paggamit ng sariling kultura bilang pinagmumulan ng kaalaman at
mga konseptong katutubo na naglalarawan ng buhay ng mga Pilipino.
*Likas sa atin- pamamaraan, teorya o mga konseptong likas sa ating mga Pilipino.
2. Indihenisasyon mula sa labas- pag-aangkin ng mga konseptong mula sa banyaga sa
pamamagitan ng pagsasalin at kultural na asimilasyon ng mga ito sa karanasang Pilipino.
* Pagpapatunay na flexible ang Sikolohiyang Pilipino- pwede nating i-adapt o pakinabangan nang
sa gayon ay mapalutang ang ilang metodolohiya na aakma sa ating kultura.
Halimbawa ng Ilang Paksang Maaaring Saliksikin (o Nasaliksik na) sa Araling Pilipino: 1. Selfie
Generation: Ang Danas ng mga Piling Kabataang Pinoy na Mahilig Mag-Selfie
2.Mga Awit Protesta ng Dekada '70
3. Kinikilig pa ba sina Granny?
4. Ang Tulang Loa ng Sampaloc, Quezon bilang Pagdalumat sa Seksuwalidad

*Loa -naglalaman ng mga konseptong may kinalaman sa sekswalidad.


-Binibigkas ng mga taga Quezon kapag nag-iinuman. Habang nag-iinuman, nag rerecite sila ng Loa.
-para ibukas ang damdamin ng mga kabataan para sa sex education

Pantayong Pananaw (Zeus Salazar)


Rodriguez-Tatel (2015)- Nasa panloob na pagkakaugnay-ugnay ng mga katangian, halagahan (values),
karunungan... ng isang kabuuang pangkalinangan… sa loob ng isang "nagsasariling talastasan". Ito ang
buod ng Pantayong Pananaw.

-Pagtatampok ng karanasan, kwento, kultura, at kasaysayan na inilalahad ng mga Pilipino para sa mga
Pilipino; "kinakausap ng Pilipino ang kapwa Pilipino" (Pantayong pananaw: Kasaysayan sa wika at
punto de bistang Pilipino, Agosto 19,2014)
-Kailangang ikwento ang mga ito sa wikang naiintindihan ng lahat, ang wikang Filipino.
- Samakatuwid, mahalaga ang gamit ng WIKA dito.
•Filipino- Lingua Franca, wika na kayang pag-ugnayin ang mga Pilipino kahit saan pa silang dako ng
mundo.
Pantayong Pananaw (Zeus Salazar)- Maihahambing ito sa isang closed circuit o isang "nakapinid na
pag-uugnayan" at nagkakaintindihan dahil sa isang wikang batid ng lahat ng kabilang sa circuit na ito.
Halimbawa nito ay ang mga pangkat etniko. (Salazar, 2015)

Pantayong Pananaw- Nag-uusap ang Pilipino sa kapwa Pilipino gamit ang wikang naiintindihan ng
lahat.
-para sa atin mismo, sa diwang atin, at sa wikang atin: sa loob.

Pangkaming Pananaw- Kausap ng mga Pilipino ang mga tagalabas o banyaga. -intensyon ng mga
Pilipino na ipagtanggol ang ating pagka-Pilipino (sa mga dayuhan na mali ang pagtingin sa atin)
-Ipinaliliwanag dito ang sariling kalinangan at lipunan.

Pansilang Pananaw- Kausap ng banyaga ang kapwa banyaga tungkol sa hindi nila kauri. - tayo ang
pinag-uusapan. Mga dayuhan ang nag-uusap, tayo ang topic.

Pangkayong Pananaw- Kausap ng mga taga labas o banyaga ang mga Pilipino.

1. Siya ang Ama ng Pilipinolohiya?


Prospero Covar
2. Siya ang Ama ng Pantayong Pananaw?
Zeus Salazar
3. Siya ang Ama ng Bagong Histograpiyang Pilipino?
Zeus Salazar
4. Sa anong taon nagkaroon ng educational Reform Decree?
1863
5. Ito ang tawag sa mga nakapag-aaral sa ibang bansa gaya sa Europe at
sila rin ay mga reserved na tao.
a. Illustrado
YUNIT 3

Aralin 1 - Ebolusyon ng Wikang Pambansa

Aralin 2 - Wikang Filipino: Wikang Pambansa

1897- Saligang Batas ng Biak na Bato hinggil sa paggamit ng wikang Tagalog

1931- Gamit ng wikang katutubo bilang panturo sa antas primarya mula 1932-1933; atas ito sa

Public Instruction noong panahong iyon

Agosto 16, 1934- Nagkaroon ng Kumbensiyong Konstitusyonal sa panahon ni Quezon para

isulong ng mga delegado ang pagkakaroon ng wikang pambansa 

1935- Iniatas ng Saligang Batas ng 1935 ang pagsasagawa ng hakbang ng Kongreso tungo sa

pagpili ng isang wikang katutubong magiging batayan ng wikang pambansa

Disyembre 1937-Napili ang Tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa mula sa mungkahi ng

mga miyembro ng Surian ng Wikang Pambansa.

Hunyo 1940-Nagkaroon ng kautusang ituro ang wikang pambansa bilang sabdyek (lamang)  sa mga

pampubliko at pribadong paaralan ng bansa.

1959- Ipinag-utos ni dating Kalihim ng Edukasyon Jose Romero na sisimulang tawaging Pilipino

ang wikang pambansa.

Hunyo 1974- Lumitaw noong panahong ito ang Patakarang Bilingguwal sa Edukasyon.

1978- Pagkakaroon ng 6 na yunit ng Filipino sa kolehiyo at 12 yunit ng Filipino sa kursong

Edukasyon.

Wikang Filipino na ang tawag sa wikang Pambansa dulot ng probisyon ng Saligang Batas ng 1987.

Bakit tinatawag na “makompromiso” ang wikang ito? -Dahil nag-aadapt na siya

Tagalog- Nakabatay sa 20 titik ng abakada

Filipino- Nakabatay sa 28 titik na kung tawagin ay Alpabetong Filipino

1987- Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ni dating Pangulong Cory; paggamit ng Filipino sa

mga korespondensya opisyal sa mga opisina ng pamahalaan

Hulyo 2009-Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) - Gagamitin ang unang wika 

bilang wikang panturo mula pre-school hanggang baitang 3. Gagamitin ang Filipino at Ingles bilang

wikang panturo simula Baitang 4 sa mga lugar na hindi Filipino o Tagalog ang unang wika.

Mga Katangian ng Wikang Filipino:

Ang Filipino ay nakabatay sa mga wikang umiiral sa bansa.

Ang Filipino ay buhay, dinamiko, at nagbabago.

Ang Filipino ay intelektuwalisado.

Ang Filipino ay moderno at episyente.

Ang Filipino ay batay sa kultura. 


Bilang ng mga letrang nadagdag sa wikang Filipino para maging moderno ito at makasabay sa
hinihingi ng panahon.- 8
ang wikang sinasalita sa Cebu.- sebwano
Ito ang ipinalit na tawag sa Tagalog bilang wikang pambansa noong 1959 para maihiwalay o
mailayo ang wikang pambansa sa katawagang Tagalog. - pilipino
Katangian ito ng wikang Filipino na nagagamit hindi lamang sa pangkaraniwang komunikasyon
kundi maging sa ibang larang gaya ng agham.- intelektuwalisado
Dominanteng wika ito na sinasalita sa malaking bahagi ng Gitnang Luzon at Rehiyon IV.  -
tagalog
Wikang panturo ito sa Pilipinas bukod sa wikang Filipino sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal -
ingles
Ginagamit natin ito sa pakikipagkomunikasyon at nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat
indibidwal na kabilang sa isang lugar o komunidad. - wika
Bilang ng titik sa dating Abakada.- 20
Siya ang dating pangulo na nagpalabas ng kautusan na dapat gamitin ang Filipino sa mga
korespondensya opisyal ng lahat ng tanggapan ng pamahalaan. - Cory Aquino
Sa aling wika galing ang salitang "masanting"?- Kapampangan
Kilala ang alpabetong Romano sa tawag na- Abecedario
Tawag sa sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino -baybayin
Pangulo na naglabas ng kautusan na ang linggo ng wika ay gagawing buwan ng wika- Fidel
Ramos
Ang salitang "laji" ay mula sa katutubong wika sa Batanes na kung tawagin ay- Ivatan
Unang naging tagapangulo ng SWP- Jaime C. De Veyra
Pangulo na lumagda na dapat lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay
papangalanan sa Filipino- Ferdinand Marcos
Ang kahulugan ng SWP ay- Surian ng Wikang Pambansa
Taon kung kailan itinadhana ang Filipino bilang wikang Pambansa sa Pilipinas - 1987
Ang KWF ay kumakatawan sa- Komisyon sa Wikang Filipino
Siya ang dating pangulo na nagpatupad ng dating tinatawag na Linggo ng Wika.- Ramon
Magsaysay
Tumutukoy ito sa proseso ng pagiging magkakaanyo, o uniporme ng isang wika para sa higit na
malawakang pagtanggap at paggamit nito. - estandardisasyon
Bilang ng simbolo ng patinig sa Baybayin - 3
Katangian ito ng wikang Filipino na nagbibigay ng puwang sa pagpasok ng mga salitang
katutubo at salitang banyaga sa bokabularyo ng wikang pambansa.-makompromiso
Ginagamit natin sa wikang Filipino ang mga salitang moske, spaghetti, shawarma, sashimi at
abaya dahil wala na tayong panumbas na salita sa mga ito. Patunay lang na ang wikang Filipino ay
nakabatay sa- Kultura
Ayon sa mga eksperto, ilang taon ang kinakailangan ng isang bata para ganap at kognitibo
niyang matutuhan ang kanyang unang wika o mother tongue-12
YUNIT 4
Pagdalumat sa Kulturang Popular
Ano ba ang kulturang popular/pop culture?
Ang kulturang popular ay ano mang aspekto ng gawi, pag-uugali, paniniwala, praktika, mga bagay at
“panlasa” na ginagamit at pinapraktis ng “masa”.  Sa uri ng kulturang ito, karaniwang may access ang
masa kung kaya’t tinatawag itong “culture of the people”. 
~PAG IRAL NG PAMAMAYAGPAG
~bantog, pamamayagpag, viral, tinatangkilik
PAALALA: 
Nagiging popular ang partikular na kultura kapag ito ay pumatok sa panlasa ng malaking populasyon
ng mga tao.  Sa salita ng mga millennial, kaya popular ang isang kultura ay dahil nag-trending o nag-
viral ito. 
Ipaliwanag kung paanong nagiging makinarya ng pagpapalaganap ng kulturang popular ang
sumusunod:
-Globalisasyon- kalakalan, nahahaluan tayo ng ibang kultura, elemento ng ekonomiya, economic
factor ng bawat bansa, nag eexport ng mga produkto upang mapayaman ang kanilang bansa.
-Teknolohiya- nagiging mas advance
-Mass media- social media, magazine,dyaryo, telebisyon, pelikula at rady
Mga Katangian ng Kulturang Popular:
1. Ang kulturang popular ay nakaugat sa panitikan.
~INTERACTION
2. Ang kulturang popular ay bahagi ng sosyolohiya.
3. Ang kulturang popular ay produkto ng midya/media.
*Nagiging mass/pangmalawakan, mediated (to effect a result) at overdetermined (excessively
accounted for or cause something to happen) ang ano mang kulturang popular dahil sa midya.
4. Ang kulturang popular ay bahagi ng araling kultural (cultural studies).

May apat na puntong binanggit si Devilles hinggil sa kung paanong ang kulturang popular ay
bahagi ng araling kultural. 
a.Ang kulturang popular bilang espasyo na nagsisiyasat o nagsusuri ng kasaysayan, uri, kasarian,
kapangyarihan, panlasa at pasya
ng masa.

b. Ang kulturang popular bilang sityo ng pangangapital laban sa mga konsyumer o tagasubaybay.
c. Ang kulturang popular bilang pakana ng globalisasyon.
d. Ang kulturang popular bilang bahagi ng katawan at sekswalidad.
~SA MUNDO NG ADVERTISEMENT, MERON SILANG PINANGHAHAWAKANG PRINSIPYO- SEX
SELLS
e.Ang kulturang popular bilang gahum at kontra-gahum.

Mga Anyo ng Kulturang Popular ayon kay Tolentino


-Luho ng tao bilang komoditi
-Politika ng Tunay, Politikal sa Tunay (Nagagamit ang wika (berbal at di-berbal) para isulong
ang partikular na kulturang popular.
-Intelektuwal bilang ubod ng gawaing kultural
Kultura - ideolohiya at praktis ng namamayaning kapangyarihan ng 
estado at negosyo ("Eh kasi, ito ang norm kaya go with the flow
na lang tayo perspective.")

Kultural - ano mang konsepto, gawain o pagkilos na transpormatibo


Halimbawa:  mga akda na pumupuna sa mapaniil na sistema at nagsisiwalat ng kalagayan ng lipunan
-Kultural bilang gawaing politikal
Halimbawa: 
-mga pagkilos ng feminist group laban sa sexist na pagtrato ng lipunan
-mga environmental causes

You might also like