You are on page 1of 8

GROUP 4

Topic : Epistemolohiya sa Wikang Filipino & Laban para sa Wika ay Laban para sa Bayan
1st TOPIC :
MAIN TOPIC 1 : Epistemolohiya sa Wikang Filipino

● Ano Ang Epistemolohiya ?


○ Ang epistemolohiya ay disiplina ng isip sa walang humpay na pagtugon sa hatak
ng kalayaang itinakda ng pangangailangan.
○ Isang sangay ng pilosopiya na may kinalaman sa Karunungan, kaalaman, at
katalinuhan. Sakop din nito ang pag-aaral sa kalikasan at pinagmulan ng isang
paksa
● Ano Ang karunungan ?
○ lantay ng katotohanan na likha ng pagsusuri ng talino sa mga datos na nasa
memorya mula sa mga pamamaraang maka-agham
● Dalawang pangunahing saklaw o parametro ng siyensya
○ (1) karunungan tungkol sa tao; at
○ (2) karunungan tungkol sa natural na kalikasan
● Talino :
○ Sa siyensya, ito lumilikha at nagpapaunlad ng karunungan
○ maaaring mahubog sa karanasan ng sangkatauhan
○ Sa dinamismo ng buhay, umiiral ang diyalektikal na talino
● Karunungan ng makaagham → proseso → katotohanan → Katalinuhang
kapakipakinabang sa buhay
Ang bawat larangan ng siyensya/agham ay may katugmang disiplinang tumutuklas at lumilinang
sa mga partikular na karunungan. Ang mga karunungang maka-agham—bago kilalaning totoo-
ay isasalang muna sa mahigpit na proseso ng agham. lahat ng sangay o larangan ng siyensya-
kapag naangkin ng isip- ay katalinuhang kapaki-pakinabang sa buhay
● konsepto at dalumat - Proseso ng isip na umaayon sa organikong batas ng buhay
- May konseptong magaling at may konseptong masama
- Mabisang nakawawasak ng katangahan
SUBTOPIC 1 : HINGGIL SA EPISTEMOLOHIYA
● Paano pinagtitibay ang totoo o karunungan?
- Sa siyensya pinagtitibay ang totoo o karunungan (pagtanggap ng lipunan),
pagkatapos ng masinop na prosesong makaagham: haka, obserbasyon,
ebalwasyon, validasyon at konklusyon.
● Etimolohiya
- ugat ng kaalaman o impormasyon
● Teknolohiya
○ Nagsilbing likha mula sa talino at karunungan
○ simula at likas na galaw ng mga impormasyon/kaalaman ng mga bagay na
abstrakto/teoretikal sa kabuluhan at katuturan
● Ontolohiya
⇀ inter-aktibong galaw o magkakaugnay na kaganapan ng kaalaman

● Ang mga kaalaman/impormasyon ay likha ng buhay at nakasanib sa buhay. Hindi


pa karunungan ang mga kaalaman, impormasyon lang

● Kaibahan ng karunungan at kaalaman


Kaalaman
─ Anyo (abstrakto/konkreto) ng mga kaganapan (datos) sa buhay, nasasabat ng
sentido ng tao at natatambak sa memorya.
Karunungan
─ Lantay ng katotohanan – ay likha ng pagsusuri ng talino sa mga datos na nasa
memorya mula sa mga pamamaraang maka-agham.

● Diyalektikal
– (nag-aakitan, nagsasanib, nagpipingkian at nagbabago)
ang organikong kalikasan/ katangian ng mga bagay/ nilalang sa buhay.
● ibat-ibang kaanyuan ng diyalektika
– tesis, antitesis, at sintesis.

SUBTOPIC 2 :SIMULA AT PAGSULONG NG TALINONG PILIPINO


❖ sinaunang sibilisasyon - Pinagmulan ng karunungan o talino ng sambayanang
Pilipino (1)
❖ Islas Moniolas - Ang sinauna’t orihinal na pangalan ng kapuluan (1)
❖ Si Ptolemy, griyegong topograpistang gumawa ng mapa, ang naglapat ng pangalang
Islas Maniolas sa mapa ng mundo (2)
❖ Nagsimula ang talino ng Pilipino noong panahon ng Plestosin, 250,000—taon bago kay
Kristo . (2)
❖ Ang sinaunang mga tao sa arkipelago/kapuluan ay unggoy (Homo Erectus)
➢ Pagdiskubre ng init o apoy, sa pagkiskis ng kamay sa dalawang bato -
pinagsimulan ng etimolohiya ng talino o umpisa ng karunungan ng Pilipino.
➢ Ungol at bulyaw ng mga kamay at katawan ang wika o lengguwahe ng mga
Homo Erectus.- pinagmulan ng etimolohiya ng ngayo’y wikang Pilipino
❖ Alibata - sinaunang alphabetong Filipino at paraan ng pagsulat ng mga katutubo
- Ang tunog at mga letra, na kaangkinan ng wika, ay kinikilalang alibata.
- Sa disiplina, ito ay pagsasaayos ng mga tunog ng mga salita o baybayin.
❖ Ideomotor ang nagpapakilos sa kahulugan, kabuluhan at katuturan ng mga ginagawa
ng mga tao sa pamumuhay. Ideya ang nilalaman ng ideomotor.
❖ Paggawa ang talino: talino ang paggawa
❖ maunlad at maginhawang kabihasnan ay dulot ng:
1. Talino—paggawa
2. Kalayaan at kasarinlan
3. Masaganang likas na yaman ng kapaligiran.

SUBTOPIC 3 :ANG TALINO NG BAYAN SA SAPOT NG SIMBAHAN

❖ Expanation : Ang paglapat ng poder ng kolonyalismong Espanyol (1565) sa bansa ay


tahasang nakapaghasik ng kulturang ungas na lumawig sa loob ng 333 taon. Sa
kulturang ungas tiwalag ang talino sa pagkatao ng sambayanang Indiyo (daw).
Simbahan ang naghasik at luminang sa malaganap na katangahan.at nagpipigil sa
talino. Sa pamamagitan ng panlilinlang at pandarahas ng simbahan at gobyernong
praylokrasya nagupi o naluno ang bait/tino (good sense) ng sambayanang kayumanggi
na inalipin at binusabos

❖ Explanation : Pinapakalap ng simbahan ang Diwang toreng-garing ang katangian ng


malaganap na isipan: nasa diyos ang biyaya ang tao ang dapat magmakaawa. At ang
Kulturang Ungas na ay isang litanya ng duyan at kabaong. Ibig sabiin ang madla ay
kumakain, nagbabawas, nagugutom, gumigising—habang nagtatrabaho hindi nila
natatamasa ang makatwirang kaparte sa mga biyayang kanilang pinagpapawisan.
Sapagkat sila ay alipin-walang katwiran, walang dangal.

❖ Simbahan - masigsasig sa pagpapatatag ng kulturang ungas sa pamamagitan ng dasal,


misa, binyag, kumpisal, piyesta na kumondisyon o humutok sa kaisipang alipin

❖ Lipunang Kolonyal
➢ Taong-labas (social deviance) - tumataliwas o lumilihis sa kalakaran ng mga
Espanyol
➢ “utak de kahon” (stereotype consciousness ) - asal at pag-iisip ng mga
katutubong Pilipino na sunod-sunuran sa kalakaran

❖ 1896 - sumiklab ang digmaang Pilipino-Espanyol. Dito nagtapos ang Kulturang Ungas
na pinapalaganap ng mga Espanyol
SUBTOPIC 4 : REPUBLIKANG BASAHAN
● Isang talata mula sa tulang republikang basahan ni teodoro A. Agoncillo.
Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?
Ang tingin sa tanikala ay busilak na kalayaan?
Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y nakasusi
Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari?
Ang buhay mo’y walang patid na hibla ng pagtataksil
Sa sarili, lipi’t angkan, sa bayan mong dumaraing!
● Mekanismo ng makabagong kolonyalismo → IMF (international monetary fund) at
WB (world bank) → kabuhayan, pulitika at kultura (gawing pababa na din )

● ang “matitinding” naghaharing uri sa daigdig :


○ Amerika, ingglatera, alemanya, italya at hapon
○ Ang konsentrikong daloy ng mga negosyo ng mga “matitinding” naghaharing uri ng
daigdig ay nakatining sa sistema ng monopolyo kapitalismo.
○ IMF at WB - mga institusyong “namamahala” sa mga negosyo ng mga matitinding
naghaharing uri sa daigdig.
● Dahilan ng kontradiksyon sa sistema ng monopolyo kapitalismo, IMF at WB
○ krisis na dala nito sa mga institusyon at mga tao.
○ Ang kontradiksyon ay nagaganap sa antas ng kabuhayan, pulitika at kultura.
● Ang mga naghaharing uri sa Pilipinas ay binubo ng mga sumusunod:
○ 1. Uring kapitalista (dayuhan at lokal)
○ 2. Propitaryo-komprador (asendero-komersyante)
○ 3. Burukrata-komprador (negosyanteng Pulitiko)
○ 4. Edukador-komprador (nagnenegosyo sa edukasyon)
○ 5. Komprador-tagapamahayag (naegosaynte sa mass media)
○ 6. Banal na awtoridad (mga taong simbahan)

● Sa kasalukuyang umiiral na komersyalismo— walang puwang ang kabutihan ng


pagkatao kundi mas binibigyang halaga karunungan at talino kaya malaki ang kinalaman
ng Axiolohiya (3)
○ Axiolohiya - ang karunungan hinggil sa pagpapahalagang pantao o ang
pag-aaral ng halaga (study of Value) - ito ay ang kabutihan ng tao ang
pinapanday na talino (3)
SUBTOPIC 5 : ANG EPISTEMOLOHIYANG PILIPINO
● Wika - mukha at isip na magkakaiba sa sangkatauhan. (4)
● Sa diwa ng konteksto ng kabutihan ng sambayanang Pilipino, ang kasabihan ay
pumukaw-diwa sa katalinuhan ng bayan (4)
● Wikang Filipino :
○ Tanging saligan ng Epistomolohiyang Filipino—na batayan ng antas-antas na
pag-unlad ng talinong Pilipino.
○ hindi midyum lamang ng pagtuturo
○ Sumasalamin sa pagkatao, pagkabayan, pagkamamamayan at pagkalahi ng
mga Pilipino
● Mga balakid sa epistemolohiyang Pilipino :
○ dogmatismo - tumutukoy sa isang anti-dyalektiko pag-iisip dahil sa prinsipyo
○ panatisismo na (lason) sa matinong pag-iisip na tinatanggihan ang mga
alternatibo
● Katotohanan - karunungan ang daan sa katotohanan
○ nagpapalaya sa isip mula sa katangahan
○ masakit ang katotohanan. Ngunit nagtuturo ang totoo
● “ karunungan ay kapangyarihan! “ - Knowledge is Power by Voltaire

SUBTOPIC 6 : FILIPINOLOHIYA SA KALINANGANG PINOY


❖ Filipinolohiya
➢ kilatis ng talino ng madla na gumagana o tumutugon sa kahingian ng panahon
sa batas ng kasaysayan
➢ karunungan ng sambayanan na hango sa malawak na karanasan ng
sambayanan na sinisinop sa mga teorya, prinispyo at mga likhahuwaran ng mga
piling talino.
➢ Tanging Filipinolohiya lamang maitatampok ang pambansang kalinangan na
tunay na Pilipino sa diwa at gawa

❖ Bawat larangan ng buhay ng sambayanan ay kinaiiralan ng batas ng kontradiksyon


—mula ng sumulpot at umiral ang mga uri ng pagkatao sa sibilisasyong Pilipino.
❖ Aktibong kasangkot ang estado/gobyerno sa tunggalian ng mga uri ng mga pagkatao.
Samantalang Ekonomiya ang pangunahing problema kinasasangkutan ng tunggalian
ng mga uri ng pagkatao.
➢ Halimbawa: sigalot ng uring kapitalista , hidwaan sa lupa ng mga magsasaka at
propitaryo at mga asendero

❖ Talino - Nagmumulat sa katotohanan na pumipino sa katauhang kultural.


➢ Naiwawaksi sa katauhang bayolohikal ang likas na kabangisan sa pagkatao sa
patuloy na pag-unlad ng talino sa isip.
➢ Pawang motibasyon at intensyon ang enerhiya o ideomotor ng talino. Sa
motibasyon napupukaw ang talino.

2nd MAIN TOPIC :


Laban para sa Wika ay Laban para sa Bayan

● CHED Memorandum Order No. 20 series of 2013


○ na nagtatanggal sa asignaturang Filipino at Panitikan sa general education
curriculum ng mga kolehiyo't unibersidad
○ ginawang opsiyonal na lamang ang Filipino at Panitikan bilang mga asignatura
sa kurikulum sa kolehiyo

● Mga isyu na nabuong isyu dahil sa Kurikulum


○ pagbaba ng pagtingin ng mismong mamamayan ng bansa
○ Ang naging pagpapasya na ito ay isang halimbawa ng ating neokolonyal at
imperyalistang pag-iisip
○ Nagsilbing kontra-wika at kontra-kultura ang kurikulum

● Epekto ng kurikulum sa mag-aaral


○ Lalaki silang bawas ang pagpapahalaga sa sariling wika dahil nga naman hindi
na nila ito aaralin pagtungo sa kolehiyo.
○ Maaring magdulot ito ng kalituhan sa mga estudyante dahil mawawalan sila ng
ideya at impormasyon kung paano ang wastong paggamit ng sariling
pambansang wika.
○ Mahihirapan sa pag-intindi ng wika sa paglipas ng panahon at mas makilala ang
wikang Ingles

● Kahalagahan ng Wika sa Pagkatao at pagkakakilanlan .


○ Nagsisilbing pundasyon ng lahat para magkaroon ng komunikasyon sa mga
nakapaligid sa atin.
○ Ang wika ay kumakatawan sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang
pagkakakilanlan.
○ Ang wika ang kaluluwa ng isang bansa.
○ Sa pagsusulat o pagsasalita, ang wika ang pinakamabisang paraan upang
maihatid ang mga kaisipan at mapanatili sa madaling hakbang ang kasaysayan
at mga tala ng mga sinaunang Pilipino.
○ Sa kabuuan, ang wika ang nagsisilbing kaparaanan upang maging isang ganap
na tao ang isang tao at maging isang ganap na bansa ang isang bansa.

You might also like