You are on page 1of 53

MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO

May angking katangian ang pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa kanyang kapwa at


maging sa kanyang lipunan kaya may matatawag silang sariling mga gawing
pangkomunikasyon na sila lang din ang lubos na makakaganap. Ang komunikasyon
ang isa sa mga dahilan sa patuloy na ugnayan ng mga tao. At hindi maipagkakaila na
may ibat’ibang paraan sa pakikipagkomunikasyon ang mga Pilipino. Ayon kay Melba
Padilla Maggay (2002), na mahilig umano ang mga Pilipino sa malapitang pag-
uugnayan, na dumadama sa mga tao at bagay-bagay.

Sa talakayang ito ay pag-uusapan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga


Pilipino, at ito ay ang tsismisan, umpukan, talakayan, pagbabahay-bahay, pulong-
bayan, komunikasyong di-berbal, at mga ekspresyong lokal.

1. TSISMISAN
TSISMISAN: Istoryahan ng Buhay-Buhay ng mga Kababayan
Ang tsismisan ay isang pagbabahagian ng impormasyon na ang katotohanan ay di-
tiyak. Isa itong uri ng pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang magkakakilala o
magkapalagayang loob. Ang laman ng tsismisan ay tinatawag na tsismis. Ito ay
maaaring totoo, bahagyang totoo, binaliktad na katotohanan, dinagdagan o binawasang
katotohanan, sariling interpretasyon sa nakita o narinig, pawang haka-haka at
naimbento, o di kaya’y sadyang di-totoo.
Sa kabila ng negatibong konotasyon, ang tsismisan ay bahagi pa rin ng daynamiks na
interaksyon ng mga Pilipino sa kapwa at maaaring makapagbigay sa magkausap ng
sikolohikal na koneksiyon at kultural na ugnayan sa lipunang ginagalawan. Minsan, ito
rin ay makapagbibigay ng mga panimulang ideya hinggil sa mga isyung palaisipan at
binibigyang-pansin ng mga mamayan. Ang tsismisan ay maituturing din na isang hamon
sa pag-alam ng katotohanan, lalong-lalo na kung may katuturang panlipunan ang paksa
halimbawa na lamang kung ang tsismis na pinag-uusapan ay patungkol sa mga kurakot
na opisyal ng lipunan. Sa kabilang banda, sa tsismisan ay mapapalalim ang pag-unawa
sa mga bagay na naririnig upang mas matukoy ang mahahalagang ideya at paksa
patungo pagkakaroon ng bukas na isipan. Ito ay gawing pangkomunikasyon na
kadalasang nagdudulot ng epekto o di kaya'y pagbabago sa buhay ng tao.
Sa mundong ginagalawan, hindi maipagkakaila na nagiging daan ang tsismisan sa
paghusga ng katauhan, sa mga kamalian o di kaya'y sa mga kasalanan, at higit sa lahat
para makapanakit at makasira sa reputasyon ng ibang tao dahil may kakayahan itong
itago o lupigin ang katotohanan. Nakakasira ito ng mabuting ugnayan sa kapwa at
maaaring magdulot ng kaguluhan. Nakakalungkot isipin na may mga taong mas
pinaniniwalaan ang tsismis kaysa sa katotohanan o di kaya’y di man lang sumusubok
alamin kung tama ba ang impormasyong nakalap. Sa totoong buhay ang tsismis na
base sa katotohanan ay hindi naman kaaya-ayang pag-usapan dahil maaari itong
madagdagan at mahusgahan.

Halimbawa: Nag tsismisan ang magkapit-bahay na Nene at Lily patungkol sa pagiging


bayarang babae ni Mary na malayo naman sa katotohanan na nagdulot ng pagkasira
hindi lang sa reputasyon ng babae pati na rin sa buo nitong pagkatao na kanyang
iniingatang mabuti.
Ang tsismisan ay isa sa paraan ng pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino. Ngunit
dahil sa paggamit nito sa maling paraan ay nagdudulot ito ng kapahamakan at
kaguluhan. Napakamakapangyarihan nito dahil nagdudulot ito ng pagbabago sa buhay
ng tao gamit ang mga salitang di-tiyak o naimbento. Mahalagang isaalang-alang ang
pagtuklas sa katotohanan salikod ng tsismisang nagaganap sa lipunan.

Ang tsismis ay tinukoy bilang pinag-uusapan at sinusuri ang isang tao kapag hindi sila
nagroroon. Ngunit maaari naming gamitin ang tsismis upang malaman ang tungkol sa
mga alintuntunin ng pag-uugali sa mga grupo ng panlipunan at maging mas malapit sa
bawat isa.
Tinutulungan tayo nito sa pamamagitan ng pagpapaalam sa atin ng matutunan ang
mahahalagang impormasyon nang hindi na kailangang makipag-usap sa bawat
miyembro ng grupo
Gaya ng lahat ng bansa, mahilig magtsismisan ang mga Pilipino, ngunit may mas
negatibo na konotasyon ng salitang tsismis kumpara sa ingles na katumbas nito na
‘gossip’.
Ang gossiper ay tumutukoy lamang sa tao na mahilig makipagkwentuhan o magkalat ng
sikreto ng iba, samantalang ang tsismosa ay kilala bilang sinungaling at mapag-imbento
ng kwento. Paminsan minsan lamang kung magsabi ng katotohanan ang mga tsismosa,
at kung oo naman ang mga kwento at madalas na exaggerated.
Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismosa, pero marami rin ang mahilig
makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga tao sa mga sikreto
at baho ng iba.
Ang mali sa pagiging tsismosa ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa inggit, na
maaaring nagmumula sa kakiritan ng isip natin. Ang pangtsitsismis ay naging
pasimpleng paraan na upang makapanakit sa kapwa at mga kaaway.
Ang mga tsismis ay kadalasang ginagamit para makasakit at makapanira ng reputasyon
ng ibang tao, o kaya man ay husgahan ang kanilang katauhan, kamalian, o kasalanan.
Ang madalas na pinag-uusapan na tsismis sa komunidad ay mga sensitibong bagay
tulad ng sex, pagbubuntis ng mga hindi kasal o ‘disgrasyada’, pagiging homoseksuwal,
at pambababae, ngunit pinagtsitsismisan din ang iba’t ibang bagay tulad ng estado sa
buhay o kaya naman ay pag-aaral.
Kapag ipinahayag na ng isang tao ang tsismis sa iba, ito ay maaaring may kabalakang
maghasik ng intriga kaya't ito ay mas kakalat pa. Ang intriga ay nakakasira ng
impormasyon.
Ito ay maaaring maging sandata ng mga taong kabilang sa politiko dahil para manira ng
reputasyon ng kalaban at mas pumabor sa kanila ang sambayanan.
Kapag ipinahayag na ng isang tao ang tsismis sa iba, ito ay maaaring may kabalakang
maghasik ng intriga kaya't ito ay mas kakalat pa. Ang intriga ay nakakasira ng
impormasyon.
Ito ay maaaring maging sandata ng mga taong kabilang sa politiko dahil para manira ng
reputasyon ng kalaban at mas pumabor sa kanila ang sambayanan.
Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig sa itsinitsismis
Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang uri sa kapwa
Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlong sa isang grupo o madla

Tsismis vs. Katotohanan


Malungkoy man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga tsismis kaysa sa
katotohanan. Kahit na may mga mangilan ngilan na hindi naniniwala sa mga tsismis na
naririnig nila, marami pa rin ang mga naniniwala sa mga 'alternative facts'
Kakaunti lamang ang mga tao na nagtatanong ng totoong nangyari sa mga taong
pinag-uusapan, at mas kakaunti pa ang mga tao na sumusubok na tingnan kung tama
ang impormasyon na kanilang nasasagap.
Hindi na nakagugulat na ang madalas na paggamit ng social media ay nagdulot ng
malawakang pagkalat ng mga pekeng balita at tsismis sa bansa. Ang mga Pinoy ay
mabilis maniwala sa mga nababasa nila sa online, pinagbabasehan lamang ang mga
likes ang shares para sa kredibilidad. Bihira lamang ang mga taong inaalam ang
katotohanan.

Layunin ng Pagsasagawa
Upang makapagbigay ng sikolohikal na koneksyon at kultural na ugnayan sa lipunang
ginagalawan.
Upang makapagbigay ng panimulang ideya hinggil sa mga isyung binibigyang pansin
ng mga mamamayan.
Upang makapagbigay ng panandaliang katuwaaan at kaluwagan sa damdamin ng tao.
Makasira ng reputasyon o pagkakaibigan dahil sa pagkalat ng impormasyong hindi
beripikado.

Proseso ng Pagsasagawa
Kapag ipinahayag na ng isang tao ang tsismis sa iba, ito ay maaaring may kabalakang
maghasik ng intriga kaya't ito ay mas kakalat pa. Ang intriga ay nakakasira ng
impormasyon.
Ito ay maaaring maging sandata ng mga taong kabilang sa politiko dahil para manira ng
reputasyon ng kalaban at mas pumabor sa kanila ang sambayanan.

KAHALAGAHAN
Upang makapagbigay ng sikolohikal na koneksyon at kultural na ugnayan sa lipunang
ginagalawan
Upang makapagbigay ng panimulang ideya hinggil sa mga isyung binibigyang pansin
ng mga mamamayan
Upang makapagbigay ng panandaliang katuwaan at kaluwagan sa damdamin ng tao
Makasira ng reputasyon o pagkakaibigan dahil sa pagkalat ng impormasyong hindi
beripikado
Kakayanan sa pakikinig
Pagbili ng mahahalagang ideya at paksa
Pagtukoy ng kasinungalingan at katotohanan
Kakayanan sa pakikinig
Pagpili ng mahahalagang ideya at paksa
Pagtukoy ng kasinungalingan at katotohanan
Mas mapalalim ang pag-unawa sa iyong naririnig
Pagkakaroon ng bukas na isipan
Mas mapalalim ang pag-unawa sa iyong naririnig
Pagkakaroon ng bukas na isipan

Batayan o Sanggunian ng Paksang Tinatalakay

Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig sa itsinitsismis


Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang uri sa kapwa
Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlong sa isang grupo o madla
Legal na Aksyon
Mukha mang simpleng bagay ang pangtsitsismis, ito ay maaaring makasama kung
sumobra. Maaari itong makasira ng repuratasyon ng isang tao at lubhang makaapekto
sa kalagayan ng pinag-uusapan.
Ang mga tsismis na naglalayong makasakit ng tao at nakahahahamak ng dignidad ay
itinuturing na paninirang-puri, at may mga legal na aksyon na maaaring gawin upang
labanan ito at ipagtanggol ang sarili gaya ng pagsampa ng kasong libel o slander.
Kumonekta sa iyong tagapakinig
Ang mabisang tsismis ay hindi lamang tungkol sa iyong sinasabi, o tungkol sa kanino.
Ito ay tungkol sa kung paano mo ito sinasabi. Siyempre, maaari mong gawing malinaw
ang mga benepisyo ng tsismis sa iyong tagapakinig sa pamamagitan ng malinaw na
pagpapaliwanag kung bakit mo ibinahagi ang impormasyon.
Ngunit ang pagbabahagi ng partikular na emosyonal na mga reaksyon sa impormasyon
ay maaaring makatulong sa iyo na kumonekta sa iyong tagapakinig at maiwasan ang
mga negatibong reaksiyon.
Ang pagbabahagi ng nararamdaman mo ay maaaring hikayatin ang tagapakinig na
magreresulta nang higit pa sa iyong pag-uugali sa pag-uuri.
Epekto ng tsismis sa aspektong moral ng tao
Mapaminsala sa mga reputasyon at pagpapahalaga sa sarili at maaaring maging sanhi
ng emosyonal na pagkakabalisa.
Ang negatibong tsismis tungkol sa isang tao ay lubhang nakakapinsala sa
pagpapahalaga sa sarili at kalusugan ng isip.
Maaaring humantong sa pagkagalit at pagkamunhi ang negatibong tsismis.

PAG-UUGNAY SA TOTOONG BUHAY


Hindi na nakagugulat na ang madalas na pag gamit ng social media ay nagdudulot ng
malawakang pagkalat ng mga pekeng balita at tsismis sa bansa. Ang mga Pinoy ay
mabilis maniwala sa mga nababasa online at pinagbabasehan lamang ang mga likes at
shares para sa kredibilidad. Bihira lamang ang mga taong inaalam ang katotohanan
Malungkot mang sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipinoang mga tsismis kaysa sa
katotohanan. Kahit na may mga mangilan-ngilan na hindi naniniwala sa mga tsismis na
naririnig nila, marami pa rin ang naniniwala sa mga ‘alternative facts’.
Kakaunti lamang ang mga taong nagtatanong ng totoongnangyari sa taong pinag-
uusapan, at mas kakaunti pa ang mga tao na sumusubok na tingnan kung tama ang
mga impormasyon na kanilang nasasagap.

HALIMBAWA
Nag kwentuhan o Nag-uusap.

KONKLUSYON
Ang tsismisan ay bahagi ng kalakaran ng lipunan sa buong daigdig sa lahat ng antas ng
kasaysayan. Bagamat ang nilalaman ng tsismis ay nagbabago, ang pag sagap ng
tsismis o bali-balita bilang kaugalian ay nananatili sa paglakad ng panahon.Bilang
konsepto, ang tsismis ay problematiko. Iba ang tsismis na artipisyal atsistematikong
ipinakakalat upang magsilbi sa interes ng iilan sa tsismis na natural na produkto ng
imahinasyon at pantasya ay katumbas ng tsismis na nagtataglay ng katangian rasyonal.
Dahil samalawak na pagkakaibang ito, hindi katakataka na ang mga mananaliksik at
dalubhasa ay hindi magkasundo sa iisang depinisyon ng tsismis. Para sa nakakaraming
sikolohista, ang tsismis ay produkto ng distorsyon ng transmisyong seryal. Batay sa
ganitong pananaw ang pangunahing katangian ng tsismis ay kamalian. Ang tsismis ay
maaaring isang akala, opinyon at balita na mali at hindi beripikado subalit kumakalat sa
pamamagitan ng paglipat lipat ng bibig. Ang kamalian o distorsyon ay inaakalang
pumapasok lamang sa tsismis sa paglilipat-lipat na ito. Inuugnay ang distorsyon sa
limitasyon ng persepsiyon at gunita ng tao. Ang nagsabing ang tsismis ay nakatutulong
sa pagpapaliwanag ng isang damdamin o sitwasyon.

2. TALAKAYAN
TALAKAYAN: Masinsinang Palitan at Talaban ng Kaalaman
Ang talakayan ay proseso ng pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang
kalahok na nakatuon sa isang tukoy na paksa. Ito ay maaaring pormal o impormal, at
pwedeng harapan na gumagamit ng anumang midya. Ang pormal na talakayan ay
nakabatay sa tiyak na mga hakbang, may tiyak na mga taong namamahala at
mamumuno ng talakay. Sa kabilang banda naman, ang impormal na talakayan ay
malayang pagpapalitan ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at walang pormal na
hakbang na sinusunod. Ito ay madalas mangyari sa mga umpukan o di sinasadyang
pagkikita kung saan hindi lahat ng kalahok ay napili o mapipili na siya mismo ang
kusang mangunguna sa diskusyon.
Nagiging dahilan ang talakayan sa pagbusisi sa isang isyu o mga isyung kinakaharap
ng tao, grupo, buong pamayanan, o buong bansa para makahalaw ng aral, at
magkaroon ng linaw at pagkakaunawaan. Ito ay mahalaga sapagkat nagiging daan ito
sa pagkakaroon ng palitan ng ideya, datos, kaalaman, mga impormasyong
makatotohanan at iba pa. Sa pamamagitan ng talakayan ay mahahasa ang tao sa
pagsasalita, pagpapaliwanag, at pangangatwiran na isa sa mga kinakailangan sa
pakikipagkomunikasyon.
Sa lipunang Pilipino, mas madalas mangyari ang harapan na talakayan o di kaya’y
pangkatan kagaya na lamang sa silid-aralan na karaniwang ginagawa ng mga guro’t
mag-aaral sa araw-araw na diskusyon sa isang partikular na paksa na nagbibigay daan
sa pagkakaroon ng malayang palitan ng mga ideya, datos, impormasyon at kaalaman.
Sa pagtatalo ay inaasahan ang pagpapalitan ng magkakaibang pananaw sa
magkabilang panig para maipaglaban ang katwiran at paliwanag na minsan ay
napupunta sa pagkakaroon ng tensiyon at nagkakainitan na, ngunit, ang mga Pilipino
ay kadalasang maingat sa binibitawang mga salita.

Halimbawa: Nagkaroon ng talakayan ang klase ni Binibining Reyes patungkol sa


depresyon na isa sa mga napapanahong isyu ng lipunan.
Samakatuwid, ang talakayan ay isang paraan upang ang katotohanan ay mapatunayan
at mapanatili sa pamamagitan ng mga katanggap-tanggap na basehan at katibayan
kung saan ito ay nararapat na ibahagi ng buong katapatan at katapangan ng bawat
panig at katunggali.
Ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase sa pamamagitan ng pagtatalakayan,
nahahasa ang kakahayan ng mga mag aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag at
pangangatwiran.
Ang talakayan ay isang sitwasyong pagsasalita na ang layunin ay magpalitan ng
opinyon o ideya sa dalawang nagsasalita. Ito ay isang pangkatang pagpapahayag ng
matalinong palagay o haka-haka tungkol sa isang bagay.
Ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng pagtatalakayan,
nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag at
pangangatwiran.
Ang talakayan o debate dayalogo ay isasagawa kung kailan magkaroon ng bagay ma
hindi mapagkaunawan at nangangailangan ng paglilinaw ng magkatunggali sa layunin
upang mangingibabaw ang katotohan, kaya nararapat na ayusin ang mga salita, linawin
ang mga katibayan, iwasan ang mga agam-agam sa salita o pananaw at paniniwala.

Layunin
Ang karaniwang layon ng talakayan ay pagbusisi sa isyu o mga isyung kinakaharap ng
isang tao, isang grupo, buong pamayanan o buong bansa para makahalaw ng aral,
magkaroon ng linaw at pagkakaunawaan, maresolba ang isa o nakakawing na
problema at makagawa o makapagmungkahi ng

Uri ng Pagtatalakayan:
1. Impormal na Talakayan
Ito ay malayang pagpapalitan ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at walang pormal na
mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng lima hanggang sampung katao.
2. Pormal na Talakayan
Nakabatay sa tiyak na mga hakbang, may tiyak na mga taong mamamahala at
mamumuno ng talakay. Nakahanda ang mga sa kanilang paglalahad, pagmamatuwid o
pagbibigay ng kuro-kuro.
▪ Mga uri ng Pormal na Talakayan
1. Panel Discussion
Binubuo ng tatlo o apat na kasapi at isang pinuno na umuupo sa harapan ng mga
tagapakinig.
2. Simposyum
Kahawig ng panel discussion pero ito ay mayroong tiyak na paksang tatalakayin ng
bawat kasapi sa panel.
3. Lecture-Forum o Panayam
Ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong maglalahad ng mahalagang
suliranin. Maaaring maglahad at magtalakay ng maraming paksa at pagkatapos ay
malayang pagtatanong upang linawin ang paksang tinalakay.

Pangkatang Talakayan
1. Impormal na Debate o Pagtatalo
Karaniwang isinagawa sa loob ng klase kapag may napapanahong isyung pinag-
uusapan. Wala itong mga tuntuning sinusunod at malayang makapagsasalita ang lahat
tungkol sa panig na gusto nilang pangatwiraan.
2. Formal na Debate
Kontrolado ng mga mahigpit na tuntunin at alintuntunin ang debating ito. May dalawa
itong pangkat ng mga magtatalo para sa panig afirmatibo o negatibo. Magpapalitan sila
ng talino batay sa ilalahad na matitibay na katwiran at katibayan.

Bakit kailangan ng tao ang Talakayan?


Ang hindi pagkakaunawaan ng mga tao sa kanilang pananampalataya, teyoriya, salita
at gawa ay sadyang hindi na maiwasan sa buhay ng tao simula pa sa unang panahon
hanggang sa katapusan ng mundo, kaya kinakailangan ang patnubay at bagay upang
maiwasan ang hindi pagkakaunawaan kadalasan. Kadalasan ay naging sanhi ng
pagkakaroon ng hidwaan sa isa't isa.
Samakatuwid ang talakayan ay isang paraan upang ang katotohanan ay mapatunayan
at mapanatili pamamagitan ng mga katanggap-tanggap na basehan at katibayan kung
saan ito ay nararapat na ibabahagi ng buong katapatan at katapangan ng bawat panig
ay katunggali.
Sangkap at Proseso ng Talakayan
Unahin ang paksang inaasahan.
Ilantad nang maayos ang mga patunay.
Siguraduhin na may basehan ang tinatalakay.

Ang mag-aaral para lalong maunawaan at ma intindihan ang leskyon nila. Maari din
silang makapamahagi sa iba ng mga natutunan nila mula sa kanilang mga guro sa
tulong ng mga social media sites.
Mga Magulang dahil sa tahanan nagsisimula ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Makakatulong ito para lalong mas maunawaan at masubaybayanng mga magulang ang
mga pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral.
Susunod na Mananaliksik-makapagbibigay ng mga ideya at iba pang impormasyon
para maging hanguan sa kanilang magiging pananalisik.

KAHALAGAHAN NG PAKSA
Mahalaga ang talakayan sa pagbuo ng mabisang desisyon sapagkat sa pamamagitan
nito, maaari kang makakalap ng mga datos at impormasyon na makatutulong sa iyong
pagpapasiya.
Ang talakayan ay mabisang paraan kung saan ang dalawa o higit pang mga tao ay
nagdidiskusyon sa partikular na isyu. Maaaring pareho o magkakaiba ang opinyon ng
mga taong bahagi ng talakayan. Mas mainam kung magkakaiba ng pananaw dahil mas
marami kang matututunan kung taliwas sa alam mo na ang sinasabi ng iba. Ito 'yung
mga pagkakataon na susubok talaga sa iyong kritikal na pag-iisip. At base sa iyong
mga narinig at natutunan, makatutulong ang mga ito sa sarili mong pagpapasiya.

PAG-UUGNAY
Ang pagbibigay ng tamang uri ng mga tanong ay makahihikayat ng magandang
talakayan sa klase. Ang mga manwal ng simbahan ay puno ng mga tanong na
masusing pinag-isipan upang hikayatin ang mga miyembro ng klase na saliksikin ang
mga turo para sa mga kasagutan o pagnilayin at isagawa ang kanilang mga natutuhan.
Ang ibang tanong ay nag-aanyaya sa mga miyembro ng klase na pag-isipan ang
kahulugan ng kanilang nabasa o kaya’y ipamuhay ang kanilang natutuhan. Karaniwang
ibinibigay ang mga tanong na ito matapos na maging pamilyar na ang klase sa paksa
ng aralin. Halimbawa, matapos ibigay ang mga naunang tanong, maaari ninyong
itanong ang mga sumusunod para tulungan ang klase na pag-isipan at ipamuhay ang
kanilang natutuhan.

HALIMBAWA
Panel Discussion- binubuo ng tatlo o apat na kasapi at isang pinuno na umuupo sa
harapan ng mga tagapakinig.
Simposyum - kahawig ng panel discussion pero it ay meroong tiyak na paksang
tatalakayin ng bawat kasapi sa panel.
Lecture-Forum o Panayam - ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong
maglalahad ng mahalagang suliranin. Maaaring maglahad at magtalakay ng maraming
paksa at pagkatapos ay malayang pagtatanong upang linawin ang paksang tinalakay.

KONKLUSYON
Ang talakayan ay isinasagawa kung kalian magkaroon ng bagay na hindi mapag-
kaunawaan at nanga-ngailangan ng paglilinaw ng magkatonggali sa layunin upang
mangibabaw ang kototohanan. Proseso ng pagpapadala at pag tanggap ng mensahe
sa pamamagitan ng ‘’simbolikong cues’’ na maaaring berbal o di-berbal. Ito ay isang
karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng pagtatalakayan, nahahasa
ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatwiran.
Ang talakayan o debate dayalogo ay isinasagawa kung kailan magkaroon ng bagay na
hindi mapag-kaunawaan at nanga-ngailangan ng paglilinaw ng magkatunggali sa
layunin upang mangingibabaw ang katotohanan, kaya nararapat na ayusin ang mga
salita, linawin ang mga katibayan, iwasanang mga agam-agam sa salita o pananaw at
paniniwala. At bakit kailangan ng tao ang Talakayan, dahil hindi pagkaunawaan ng mga
tao sa kanilang pananampalataya, teyoriya, salita at gawa ay sadyang di na maiwasan
sa buhay ng tao simula pa saunang panahon hanggang sa katapusan ng mundo,kaya
kinakailangan ang patnubay at gabay upang maiwasan ang di pagka-kaunawaan
kadalasan ay naging sanhi ng pagkakaroon ng hidwaan sa isat-isa.

3. UMPUKAN
UMPUKAN: Usapan, Katuwaan at Iba pa sa Malapitang Salamuhaan
Ang umpukan ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o pangkat, pagtitipon ng
mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong kadahilanan. Ito ay hindi
planado o nagaganap na lamang dahil sa bugso ng pagkakataon. Ang mga nagiging
kalahok sa umpukan ay mga kusang lumalapit para makiumpok, mga di-sadyang
nagkakalapit-lapit o mga niyayang lumapit. Pwede itong dumako sa seryosong
talakayan, mainit na pagtatalo, masayang biruan, malokong kantiyawan, at maging sa
laro at kantahan.
Ang mga paksa sa usapan ng umpukan ay maaring tungkol sa buhay-buhay ng mga
tao, sa komunidad, pagkakaparehong interes ng mga nag-uumpukan o mga bagong
mukha at pangyayari sa paligid. Likas na rito ang kwentuhan kung saan may
pagpapalitan, pagbibigayan, pagbubukas-loob, at pag-uugnay ng kalooban. Dahil sa
gawing pangkomunikasyon na ito umuusbong at napapayabong ang diwa ng “paki” sa
kapwa dahil naki-ugnay, nakilahok, nakialam, nagbahagi at sumasagap ng mga
impormasyon sa usapan ang mga kalahok sa umpukan bilang tanda ng pagiging kasapi
ng pamayanang kinabibilangan. Bukod pa rito ay naisasalin at napapalaganap ang mga
kwento ng bayan, ang mga lokal na pananaw, mga pag-unawa sa mga nakaugalian, at
iba pang salik na panlipunan at kultural na reyalidad. Ang umpukan ay masasabing
ritwal ng mga Pilipino para mapanatili at mapalakas ang ugnayan sa isa’t isa.
Bahagi na sa buhay ng mga Pilipino ang makilahok o makibahagi sa iba’t ibang
umpukan. Nagtitipon-tipon, nagbibiruan, masayang nagkukwentuhan at nagbabahagian
ng iba’t ibang kaalaman ang karaniwan sa mga Pilipino. Minsan, kung sino ang
nakikitang dumadaan na malapit sa umpukan ay siyang napag-uusapan. Karaniwang
ginagawa ito ng mga Pilipino sa kalye o sa tabing daan, sa kanto, sa paaralan, maging
sa opisina para pag-usapan ang mga bagay-bagay. Madalas din na makikita ang
umpukan kapag may naganap na hindi inaasahang pangyayari sa pang araw-araw na
pamumuhay at pakikipagtalastasan.
Halimbawa: Nakisali sa umpukan na naganap dahil sa nangyaring aksidente ang mga
tsismosang kapit-bahay.
Ang umpukan na isa sa mga gawing pangkomunikasyon ng Pilipino ay nagbibigay daan
sa pakakaroon ng interaksiyon sa kapwa at naging dahilan sa pagkakaroon ng
mabuting ugnayan kung ito ay ginaganap sa wastong pamamaraan. Mahalagang
paraan ang pakikibagay sa mga tao sa isang komunidad ang pakikiumpok.

Ang ibig sabihin ng "umpukan" ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o
pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong
kadahilanan. Ginagamit din ang "umpukan" para ilarawan ang kakapalan o karamihan
ng tao sa isang grupo o pangkat. Maaari rin na ang "umpukan" ay mangangahulugang
buhol.
Ang ibig sabihin ng "umpukan" ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o
pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong
kadahilanan.
Ginagamit din ang "umpukan" para ilarawan ang kakapalan o karamihan ng tao sa
isang grupo o pangkat.
May mga umpukan na impormal ang talakayan kung saan ang mga tao ay nagpapalitan
ng kuro-kuro o opinyon tungkol sa isang bagay o paksa.
Isa pang halimbawa ng umpukan ay ang pakikipagtalo o debate, na maaaring kaswal
na usapan lamang, o maaari rin namang pormal na pakikipagtalo.
Dito makikita natin ang mga tao ay may kanya-kanyang katwiran batay sa kanilang mga
opinyon.
Sa umpukan madalas umuusbong ang usapang lalaki, tsismis ngunit mas angkop
tawaging balitang kutsero o kwentong-barbero.
Ang paksa sa usapan sa umpukan ah hindi planado o pinag-iisipang mabuti-maaaring
tungkol sa buhay-buhay ng mga tao sa komunidad, pagkakaparehong interes ng mga
nag-uumpukan o mga bagong mukha at pangyayari sa paligid.

Saan madalas nagaganap ang umpukan?


Paaralan
Opisina
Korte Suprema
Tambayan sa Kanto
Tabing daan

Usapan, Katuwaan at Iba pa sa Malapitang Salamuhaan


Ang ibig sabihin ng "umpukan" ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o
pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong
kadahilanan.
Ginagamit din ang "umpukan" para ilarawan ang kakapalan o karamihan ng tao sa
isang grupo o pangkat.
May mga umpukan na impormal ang talakayan kung saan ang mga tao ay
nagpapalitan ng kuro-kuro o opinyon tungkol sa isang bagay o paksa.
Isa pang halimbawa ng umpukan ay ang pakikipagtalo o debate, na maaaring kaswal
na usapan lamang, o maaari rin namang pormal na pakikipagtalo.
Dito makikita natin ang mga tao ay may kanya-kanyang katwiran batay sa kanilang mga
opinyon.
Sa umpukan madalas umuusbong ang usapang lalaki, tsismis ngunit mas angkop
tawaging balitang kutsero o kwentong-barbero.
Ang paksa sa usapan sa umpukan ah hindi planado o pinag-iisipang mabuti-maaaring
tungkol sa buhay-buhay ng mga tao sa komunidad, pagkakaparehong interes ng mga
nag-uumpukan o mga bagong mukha at pangyayari sa paligid.
Paano ito nakatutulong?
Nakatutulong ang pakikipag-umpukan sa pagkakaisa o pagkakaroon ng interaksyon sa
pagitan ng dalawang tao o sa grupo.
Dahilan sa Pagdalo sa isang Umpukan:
Pagdidiwang
Para sa negosyo
Para maiwasan ang gulo...
Nararapat lamang na magkaroon ka ng disiplina sa sarili.
Dapat ang sense of control ay nandiyan pa rin upang hindi makagawa ng karahasan.
Ayon pa nga sa isang advisory sa telebisyon, "Drink Responsibly."

KAHALAGAHAN
Nakatutulong ang pakikipag-umpukan sa pagkakaisa o pagkakaroon ng interaksyon sa
pagitan ng dalawang tao o sa grupo.

Ang umpukan ay impormal na paglalapit ng tatloo higit pang mga kakilala para maka
usapang magkakaharap. Ito ay hindi planadong nagaganap na lamang sa bugsong
pagkakataon.
Ang mga nagiging, mga di sadyang nagkakalapit lapit o mga niyayang lumapit. Sa
pagkakataong hindi kakilala ang lumalapit siya ay masasabihang isang usisero.
Ang paksa sa usapan sa umpukan ay hindi rin planado o pinag iisipang mabuti kalahok
sa umpukan ay mga kusang lumalapit para makiumpok maaring tungkol sa buhay-
buhayang mga tao sa komunidad, pagka kaparehong interes ng mga nag-uumpukan o
mga bagong mukha at pangyayari sa paligid.

PAG-UUGNAY
Ang dahilan ng umpukan ay upang pasiglahin ang demand, ang tinaguriang utak ng
tao physiological pangangailangan ay ang mga pangangailangan at sumasalamin sa
pangangailangan ng lipunan. Upang makuha ang mga indibidwal at panlipunan
kaligtasan ng buhay ng tao at pag-unlad, at dapat mangailangan ng ilang mga bagay.
Halimbawa, pagkain, pananamit, tulog, trabaho, komunikasyon at iba pa. Ang mga
kinakailangan ay masasalamin sa mga indibidwal na mga utak ng tao, sa pagbuo ng
kanyang mga pangangailangan. Demand ay isang pinagmulan ng positibong mga
indibidwal na pag-uugali. Ang iba't-ibang mga pangangailangan ng mga tao na
magsulong ng positibong mga gawain sa iba't-ibang mga lugar. Ang mas malakas na
demand, at dahil doon nagiging sanhi ng mas malakas na aktibidad, ito ay ang mga
indibidwal na aktibong kapangyarihan.
Upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga indibidwal ay nakikibahagi sa
ilang mga aktibidad, gamitin ang ilang mga pakusa
pagsisikap na makapanaig paghihirap. Mga tao sa kabila ng kahirapan sa proseso ng
ehersisyo sa kanilang kalooban, kaya hinihingi na gumaganap ng isang mahalagang
papel sa personalidad, ang personalidad pundasyon tendencies. Ang pagbuo ng tiwala
sa sarili sa isang tiyak na batayan sikolohikal na nabuo sa pamamagitan ng mga
pampasiglang demand. Kung ang mga pangangailangan ng isang tao ay hindi
maaaring nakilala, sa malaking bahagi ay pumutok sa kanilang tiwala sa sarili, na
nagreresulta sa isang umpukan.

HALIMBAWA
Pagpapalitan ng kuru-kuro o opinyon tungkol sa isang paksa
Pakikipagtalo
Debate
Kaswal na usapan
Pagbibigay katwiran

KONKLUSYON
Ang umpukan ay ang impormal na paglalapit ng tatlo o higit pang tao na magkakakilala
para mag-usap na magkakaharap. Sa pangkalahatan, ay hindi planado o nagaganap na
lang sa bugsong pagkakataon. Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay iyong mga
kusang lumapit paramakiumpok, mga di-sadyang nagkalapit-lapit, o mga biyayang
lumapit. Sa pagkakataong hindi kakilala ang lumapit, siya ay masasabing isang usisero
na ang tanging magagawa’y nanood at making sa mga nag-uumpukan; kung siya ay
sasabat, posibleng magtaas ng kilay ang mga nag-uumpukan at isiping siya ay
intrimitida, atribida o pabida. Likas na sa umpukanang kwentuhan kung saan may
pagpapalitan, pagbibigayan, pagbubukas-loob at pag-uugnay ng kalooban”. Kagaya sa
tsismisan, walang tiyak o planadong daloy ang pag-uusap saumpukan. Subalit di
kagaya sa una, ang umpukan ay puwedeng dumako rin sa seryosongtalakayan, mainit
na pagtatalo, masayang biruan, malokong kantiyawan, at maging sa laro.
4. PULONG BAYAN
PULONG-BAYAN: Marubdob na Usapang Pampamayanan
Ang pulong-bayan ay ang pagtitipon ng isang grupo ng mamamayan sa itinakdang oras
at lulan upang pag-usapan nang masinsinan ang mga suliranin, kabahalaan, programa
at iba pang usaping pangpamayanan. Madalas itong isinasagawa kapag may
programang pinaplano o isasakatuparan.
Ang gawaing pangkomunikasyon na ito ay isa sa mga pamamaraang
pangkomunikasyon ng mga Pilipino upang mapag-usapan nang maayos ang mga
bagay-bagay upang magkaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaisa. Mahalaga ito dahil
may interaksiyong magaganap na magbibigay ng pagkakataon sa mga kalahok na
makapagsalita upang maipahayag ang kanilang ideya, saloobin, at kaalaman patungkol
sa partikur na suliranin at iba pang mga kaganapan.
Sa isang partikular na lugar ay hindi maipagkakaila na may pulong-bayan na
magaganap o nagaganap. Hindi man ito madalas ngunit may pagkakataon, oras, at
lugar na inilalaan para sa gawaing ito na masasabing dadaluhan ng maraming tao. May
iba na napipilitan, hindi nakikinig sa talakayan, walang partisipasyon, ngunit may mga
mamamayan pa rin naman na handang makinig, makibahagi, at makipag-ugnayan.
Halimbawa: May gaganaping pulong-bayan sa barangay Looc kung saan ang pag-
uusapan ay patungkol sa wastong paghugas ng kamay at iba pang paraan para
maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit na makakaapekto sa bayan.
Dahil sa pulong-bayan ay magkakaroon ng malawakang talakayan ang mga kaasapi ng
lipunan, at malalaman kung saang partikular na isyu ang dapat pagtuunan ng pansin
tungo sa kapayapaan at kaunlaran. Maririnig at maibabahgi ang ibat’ibang solusyon at
mga rekomendasyon para sa ikabubuti at ikauunlad ng lugar at pamayanan.
Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang pag-usapan ang
mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago.
Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang mapag-usapan nang maayos ang mga
bagay-bagay.
Dito maaaring sabihin ng mga kalahok ang kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng
pagkakataon na magkapagsalita.
Ito ay pangkomunikasyon na pamamaraan ng mga Pilipino.
Ang mga pulong bayan ay walang partikular na lugar kung saan talaga sinimulan ito.
Ang mga recordable na mga pulong bayan ay nagsimula mahigit 300 taon na ang
nakaraan.
Si William Bradford ay isa sa mga pinakamalaking tagapamahala ng pinakamaagang
pulong bayan sa Plathfort sa plantasyon noong 1962.
Ang pulong bayan ay mas sikat aa nakaraan kaysa ngayon. Ito ay nagsimula sa
kanluran at tinukoy sa mga distrito.
Nagsimula ang pulong bayan sa maaga bago ang ika-19 na siglo.
Ang iba't ibang mga pulong bayan ay may magkakaibang istruktura at nakaayos ng
magkakaiba.
Ang ibig sabihin ng pulong-bayan ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang
bayan upang pagusapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang
pag babago. Ito ay pamamaraan ng mga pilipino upang mapag-usapan ng maayos ang
mga bagay-bagay. Dito maaring sabihin ng mga ka lahok ang kanilang saloobin.
Lahat ay ibinibigay ng pagkakataon makapagsalita. Ito ay pagkomunikasyon na
pamamaraan ng mga Pilipino.
Apat na elemento sa isang organisadong pulong:
Pagpaplano o planning
Paghahanda o arranging
Pagproproseso o processing
Pagtatala o recording.
Apat na Elemento ng isang Organisadong Pulong
1. Pagpaplano
Pagpaplano para sa organisasyon
Pagbibigay ng impormasyon, agenda o mga bagay na dapat ipaalam sa mga kasapi.
Konsultasyon sa mga bagay na dapat isangguni sa mga miyembro.
Paglulutas ng problema o solusyon.

2. Paghahanda- nakadepende sa mga tao sa pulong


Tagapangulo o Pangulo- kailangang alam niya ang agenda at kung paano patatakbuhin
ang pulong.
Kalihim- kailangang alam niyang ihanda ang katitikan (minutes of meeting) o talaan sa
nakaraang pulong.
Mga kasapi sa Pulong- kailangan nilang pag-aralan ang agenda.
3. Pagproseso- Ang pulong ay magroong rules, procedure, o standing order kung
paano ito patakbuhin.
Consensus
Quorum
Simpleng Mayorya
4. Pagtatala- Pagsulat ng minutes o tala sa pulong.

Mga dapat iwasan sa Pulong:


Pagtalakay sa napakaraming bagay
Pag-iwas sa problema
Malabong ayunin sa pulong
Kawalan ng pagtitiwala sa isa't isa
Masamang kapaligiran sa pulong
Hindi tamang oras sa pulong

Layunin ng Pulong-Bayan
Ipakita o ipabatid sa mga tagapakinig ang paksa o agenda na tatalakayin sa
pagpupulong na magaganap para sa kaalaman at kaayusan ng lahat:

Kahalagahan ng Paksa
KAHALAGAHAN
Ang pag-oorganisa ng pulong ay mahalaga upang ito ay maging epektibo at mabisa.
Kailangan alam din natin ang mga elemento sa pagbuo ng isang organisadong pulong
upang maging maayos ang daloy nito. Tumatawag tayo ng pag pupulong kung
kailangan nating makapangalap ng impormasyon, o hingin ang payo ng nakararami
para sa isang desisyon.
Mahalaga ang pulong bayan bilang isang paraan ng komunikasyon ng mga Pilipino
sapagkat dito napag-uusapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga
inaasahang pagbabago para sa ikauunlad at ikabubuti ng sambayanan.

Pag-uugnay sa totoong buhay


Ang paksang ito ay mayroong kaugnayan sa totoong buhay sapagkat ang pulong bayan
bilang isang paraan ng komunikasyon ng mga Pilipino sapagkat dito napag-uusapan
ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago para sa
ikauunlad at ikabubuti ng sambayanan.

Pagbibigay ng Halimbawa
HALIMBAWA
Ang mga tao na nag pulong-pulong sa barangay upang pag-usapan ang mga aktibidad
sa susunod na araw. Ang oras ng pamamahala ay epiktibong nagsimula sa pag
tatalagan ng mga limitasyon sa oras sa bawat paksa o aktibidad sa adyenda,
makakatulong na magtalaga ng isang taga pagtakda ng oras na may awtoridad na
ihinto ang mga tao na may babala ng kanilang oras.

Pulong Bayan ng Pangulo


Pulong Bayan sa Pagpapatibay ng Solid Waste Management
Pulong Bayan sa Pagpapasa ng Bagong Ordinansa
Sa isla ng Calauit sa Palawan, ang traditional na “saragpuan” o tipunan ng mga
tagbanua ay nagaganap sa isang malilim na lugar kung saan may malaking batong
naka ayos nang pabilog na nag sisilbinh upuan ng mga kalahok sa pulong.

Pagsusuma sa Paksa
Mahalaga ang paksang ito dahil dito natin malalamang bukod sa simpleng pakikipag-
usap na dati pa'y alam na nating isang paraan ng pakikipag-komunikasyon, meron pa
palang pulong bayan na tinuturing nating isang pormal na pamamaraan upang
maipahayag nang maigi ang mga bagay-bagay sa maraming tao.
Ang pag-oorganisa ng pulong-bayan ay mahalaga upang ito ay maging epektibo at
mabisa. Kailangang alam din natin ang mga elemento sa pagbuo ng organisadong
pulong upang maging maayos ang daloy nito.
Kasama sa maaring layon ng pulong-bayan ang pagkonsulta sa mga mamamayan,
paghimok sa kanila na sumuporta o sumama, pagpaplano kasama sila, paggawa ng
isang desisyon na binabalangkas nila o pamomobilisa sa kanila hinggil sa isang isyu,
problema, gawain o programang panlipunan.

Ang pag-oorganisa ng pulong ay mahalaga upang ito ay maging epikto at mabisa.


Tumatawag tayo ng pagpupulong kung kailangan nating makapangalap ng mga
impormasyon . Dito maaring sabihin ng mga kalahok ang kanilang mga saloobin. Ito ay
pamamaraan ng mga bagay-bagay ito ay pangkomunikasyon ng pamamaraan ng mga
Pilipino.

5. PAGBABAHAY-BAHAY
PAGBABAHAY-BAHAY: Pakikipag-kapwa sa Kanyang Tahanan at Kaligiran
Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o grupo sa mga
bahay sa isang pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon o magbigay
ng mahahalagang impormasyon. Kadalasan itong isinasagawa ng mga kinatawan ng
ahensiya ng pamahalaan, pribadong institusyon, o ng mga organisasyong hindi pang-
gobyerno at iba pa.
Ang gawing pangkomunikasyon na ito ay nakapagpapatatag ng samahan ng mga
mamayan sa isang komunidad. Isa ito sa mga instrumento ng pakikipagkamustahan sa
pamilyang dinalaw, pagbabahagi ng iniisip at saloobin sa mga bagay-bagay o sa mga
partikular na isyu, alalahanin, at programang panlipunan na saklaw ng isang buong
komunidad. Sa kabilang banda, ang pagbabahay-bahay ay mahalaga rin dahil ito ay
may tiyak na layong panlipunan na nangangailangan ng kontribusyon, pakikiisa, at
pakikipagtulungan ng mga residente ng isang komunidad. Isa itong pamamaraan para
pag-usapan ang mga sensitibong isyu sa isang pamayanan halimbawa na lamang ang
maagang pagbubuntis ng mga kabataan.
Sa araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino ang kadalasang dahilan sa pagkakaroon
ng pagbabahay-bahay ay upang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga
nasasakupan ng isang barangay o ng estado ng pamumuhay ng bawat pamilyang
naninirahan, maaaring may mga grupo na naglalayong magbigay ng tulong sa
sambayanan, at ang karaniwan sa lahat na matagal nang ginagawa ng mga Pilipino ay
ang pangangapitbahay na magmimistulang paraan ng patuloy na interaksiyon ng mga
mamamayan.
Sa pagbabahay-bahay ay nagigising ang diwa ng tao sa pagtulong at pagbibigay ng
sebisyo. Isa rin ito sa dahilan kung bakit patuloy na nabubuhay ang magandang
ugnayan at ang pagpapanatili ng interaksiyon sa kapwa. Ang Pagbabahay-bahay ay
isang gawain na nagpupunta sa iba’t- ibang lugar o tirahan upang mag siyasat ng mga
bagay-bagay na maaaring makakuha ng impormasyon
PAGBABAHAY-BAHAY- Pakikipag-kapuwa sa Kanyang Tahana’t Kaligiran
Ang pagbabahay-bahay ay isang gawain na nagpupunta sa iba't ibang lugar at tirahan
upang magsiyasat ng mga bagay-bagay na maaaring makakuha ng impormasyon.
Ang paglilibot sa bawat bahay ay mayroong iba't ibang kadahilan depende sa
pangangailangan ng isang indibidwal o grupong gumagawa nito.
Narito ang ilan sa mga maaaring dahilan ng pagbabahay-bahay:
Maaaring ipinadala ng lokal na pamahalaan upang magsiyasat sa kasalukuyang estado
ng pamumuhay ng bawat pamilyang nasasakupan.
Maaaring isang guro o grupo ng mga guro na bumibisita sa kanilang mga mag-aaral.
Maaaring nangangailangan ng mga mahahalagang impormasyon na mayroong
kaugnayan sa pag-iimbestiga.
Maaaring grup na naglalayong magbigay ng tulong sa bawat sambahayan

Halimbawa: Patuloy ang pagbabahay-bahay ng mga opisyales ng barangay upang


mamigay ng ayuda sa mga nasasakupan.
Halimbawa ng pagbabahay-bahay ay ang background investigation sa taong nais bumili
ng kotse o mag-loan ng malaking halaga. Nagsasagawa sila ng interview upang
makakuha ng iba pang impormasyon, at ma-beripika kung totoo ang lahat ng iyong
isinulat sa kanilang application form.
Katulad na lamang, halimbawa, ang pagbabahay-bahay ng mga pulis sa isang
barangay upang magsagawa ng random drug test. Naging kalakaran din noon ang
pagbabahay-bahay upang magpakilala at magbenta ng mga bagong produkto.
Ang pagbabahay-bahay ay hindi nalalayo sa kaugalian na pangangapitbahay na
matagal nang ginagawa ng mga Pilipino lalo na sa mga lugar sa rural.

Mga Layunin ng Pagbabahay-bahay


Magbigay impormasyon o kaalaman sa mga tao
Nakakatulong din iton upang puksain ang mga ilegal na gawain ng mga tao.
Maipapabatid nang maayos ang mensahe sa tao.
Mahikayat ang mga kliyente ba tanggapin ang alok o bilhin ang produktong binibenta.

Mga Paraang ginagamit sa Pagbabahay-Bahayan


Survey
Interview
Delivery
Postman
Solicit
Product Sellers
House tour
Pagbebenta ng mga Santo

KAHALAGAHAN
Ang kahalagahan ng paksang ito ay ang pakikipag interaksyon sa ibang tao. Ito ay mas
personal at impormal na kung saan mainam din itong paraan upang pag usapan ang
mga sensitibong isyu ng isang pamayanan.

PAG-UUGNAY
Ang estilo ng Pagbabahay-bahay ay maitutulad natin sa totoong buhay marahil ito ang
kadalasang nangyayari sa paligid upang mag hatid ng isyu o balita sa para mapanatili
at mapalakas ang ugnayan ng bawat isa.

HALIMBAWA
Pagbabahay-bahay ng mga pulis upang magsagawa ng drug test sa boulevard.
Pagba-background investigation sa taong nais bumili ng kotse upang makakuha ng
impormasyon kung totoo ba ang kaniyang sinabi sa kanyang application form

KONKLUSYON
Ang PAGBABAHAY-BAHAY ay ang pagpunta ng isang tao o grupo sa mga bahay
upang mag hatid ng impormasyon ,magtuto ng teknolohiya, kumonsulta sa mga
miyembro ng pamilya hinggil sa isyu o programa, mangungumbinsi sa pagsali sa isang
paligsahan o samahan, o manghimok na tumangkilik sa isang produkto, kaisipan,
gawain o adbokasiya.
6. KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
KOMUNIKASYONG DI-BERBAL: Pagpapahiwatigan sa Mayamang Kalinangan
Ito ay hindi gumagamit ng salita, bagkus naiipakita nito ang mensaheng nais iparating
sa kausap sa pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan.Ito ay pagpapalitan ng
mensahe o pakikipagtalastasan na ang daluyan o channel ay hindi lahat lamang
ng salitang tunog kundi kasama na rin ang kilos ng katawan at ang tinig na inaangkop
sa bawat mensahe.
Ito ay salitang ginamit sa pananaliksik at magbibigay kahulugan sa punong ideya ng
pag-aaral. Dito matutugunan ang katanungan ukol sa kahulugan ng mga mahahalagang
salitang ginamit.

Ang komunikasyong di-berbal ay isang anyo ng komunikasyon na hindi gumagamit ng


salita. Ito ay isang detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan
ng lahat. Isa rin itong karaniwan, at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang
ipahayag ang mensahe ng hindi ginagamitan ng salita. Ginagamitan ito ng kinesics
(kilos ng katawan), chronemics (oras), proxemics (distansya), haptics (pandama),
iconics (icon), colorics (kulay), oculesics (paggamit ng mata), objectics (bagay),
olfactorics (pang-amoy), pictics (paggalaw ng mukha), at vocalics (tunog) upang
magpahayag ng mensahe sa halip na wika.
Sa pang-araw-araw na pagpapahayag ng mensahe sa pamamagitan ng
komunikasyong di-berbal ay nakakatulong ito sa paglalahad ng emosyon o damdamin
ng isang tao sa paraan ng pagkilos lamang ng iba’t ibang parte ng katawan, simbolo, at
iba pa. Nakapag-bibigay linaw sa mga paka-hulugang nakapaloob sa mensahe at
nagbibigay-diin sa layunin at sa ideyang nais maiparating ang paggamit ng iba’t ibang
anyo ng di-berbal na komunikasyon. Bukod dito ay, napapanatili nito ang interaksiyong
resiprokal ng tagapagdala at tagatanggap ng mensahe kung saan nakabubuo ng
maganda at mabuting ugnayan sa isa’t isa.
Lingid sa kaalaman ng karamihan na ang pagiging isang Pilipino ay maraming
nakasanayang kultura na nakapaloob ang paggamit ng iba’t ibang parte ng katawan
kagaya na lamang ng pagmamano na nagpapahiwatig ng ating pagrespeto sa mga
nakakatanda. Ang komunikasyong di-berbal ay parte na ng pang araw-araw na
pakikipagtalastasan sa bawat Pilipino na ginagamit maging sa anumang uri ng
pakikipagkomunikasyon. Sa reyalidad, masasabi na ang komunikasyong di-berbal ay
ang mas madalas na ginagamit ninuman kaysa sa berbal na pamamaraan sapagkat
ang mga ideya o mensaheng nais iparating ay mas madaling maunawaan at
maintindihan kaysa sa paraang pasalita lamang. Sa mga paaralan, kadalasan sa mga
mag-aral kapag nagbabahagi ng kanyang opinyon ay ginagamit ang kumpas ng kamay
upang mas madaking maipahayag ang kanyang ideya. Maihahalintulad din ito sa mga
politikong nag-tatalumpati sa publiko at mga guro na nagtatalakay ng paksa sa sili-
aralan. Madalas din na magaganap ang di-berbal na komunikasyon sa iba’t-ibang
paraang pagpapahayag ng sariling damdamin ng tao. Kung ang isang tao ay nakangiti,
masasabi nating masaya, kung umiiyak naman, masasabi natin na malungkot siya o
may masakit na sinapit at marami pang iba. Karaniwan sa punto na ating buhay
ginagamit ang ating kamay bilang pang senyas, pagsang-ayon, pagbigay atensyon,
pag-puri, paghingi ng paumanhin at marami pang iba.
Halimbawa: Ginamit ni Ana ang ilang anyo ng komunikasyong di-berbal nung
nagpresenta siya ng kanyang deklamasyon.
Samakatuwid, mahalaga ang komunikasyong di-berbal dahil sa pamamagitan nito, mas
mapapabuti ang pakikipagtalastasan sa kapwa at mas mainam na miintindihan at
mabibigyang linaw ang mga mensahe na nais iparating nang sa gayon ay hindi ito
magdudulot ng maling interpretasyon sa halip ay magkaroon ng mabisang
komunikasyon.

Ang di berbal ay isang sistema ng komunikasyon na hindi gumagamit ng salita.


Gumagamit tayo ng mga kilos ng katawan o kalidad ng tinig upang magpahayag ng
mensahe sa halip na wika. Nangyayari lamang ang komunikasyon kapag may isang
taong nagdadala ng mensahe at may isang tumatanggap. Ang mga di berbal na
mensahe ay nakakapagpahayag ng mga kahulugang tulad ng nagagawa ng mga salita
ng isang wika.
Ang Komunikasyong Di-Berbal ay naipapakita sa pamamagitan ng galaw ng katawan,
pagtingin, tikas o tindig, ekspresyon ng mukha at paralanguage (pitch, volyum, bilis at
kalidad ng tinig).
Ito ay isang karaniwan at lahag ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag
ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita.
Gumagamit ng kilos o galaw ng katawan.
Ayon kay Albert Mehrabian (1971), 93% ng mensaheng ipinahahatid ng tao sa kanyang
kapwa ay di-berbal na komunikasyon.
Ayon kag E. Sapir, ang di-berbal na komunikasyon at isang detalyado at lihim na kodigo
na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.

Iba't ibang anyo ng Di-berbal na Komunikasyon


1. Kinesika (Kinesics)
Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw ng iba't ibang
bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa pamamagitan ng ating
kilos ay naipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating iparating sa kapwa.
Galaw ng Katawan na ginagamit sa Di-berbal na Komunikasyon:
a. Ekspresyon ng mukha- nagpapakita ng emosyon
b. Galaw ng mata- nagpapakita ng katapatan ng isang tao
c. Kumpas- galaw ng katawan
d. Tindig o Postura- tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha
kung anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap.

2. Proksemika (Proxemics)
Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ni Edward T.
Hall (1963), isang antropologo. Maaaring ang mga kalahok sa komunikasyon ay nasa
pampublikong lugar tulad ng isang nagtatalumpati sa harap ng kanyang mga
estudyante o maaari ring isang karaniwang pag-uusap sa pagitan ng dalawang
magkaibigan.
3. Pandama o Paghawak (Haptics)
Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay nagpapahiwatig
ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong malapit sa isa't isa gaya ng mga
magkakaibigan o magkakapalagayang-loob.
4. Paralanguage- Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita
Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis ng
pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at
paghinto.
Ang anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating ipahatid ay kailangang angkop
sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap.

5. Katahimikan/Hindi Pag-imik
Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita
na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasabihin. Sa pagtahimik o di
pag-imik, inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang mwnsahe na sasabihin pa ng
tagapagsalita.
May mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang kalooban
ng iba.
Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin ng isang
tao sa ibang tao.
6. Oras o Panahon- pag-aaral ng paggamit ng oras ng tao.
Ay uri ng komunikasyong hindi gumagamit ng salita, bagkus naiipakita nito ang
mensaheng nais iparating sa kausap sa pamamagitan ng kilos o galaw ng
katawan. Ito ay pagpapalitan ng mensahe o pakikipagtalastasan na ang
daluyan o channel ay hindi lahat lamang ng salitang tunog kundi kasama na
rin ang kilos ng katawan at ang tinig na inaangkop sa bawat mensahe.

KAHALAGAHAN
Ang paksang ito ay tumutukoy sa di-nakikitang bula na bumabalot sa isang tao at
itinuturing na bahagi ng kanyang pagkatao. Ang nagsabing bula ay tinatawag na
“comfort zone” na nagsisilbing proteksiyon.
Mahalaga ang komunikasyong di berbal sapagkat ito ay ginagamit para makatulong
upang lalong luminaw ang mensaheng nais iparating. Meta-communication o Second
order message. Dito ginagamit ang di berbal para makatulong upang lalong luminaw
ang mensaheng nais iparating. Ayon kay Birdwhistell, 30% lamang ang berbal at 70%
naman ang di berbal na elemento sa isang sitwasyon ng komunikasyon.
Nakakatulong ang mga di berbal sa pagbibigay-diin sa mga mensaheng berbal.
Ginagamit natin ang di berbal bilang komplemento sa ating mga mensaheng berbal. Ito
ay nakapagdarag ng ibang kahulugan na hindi ipinapahiwatig sa berbal na mensahe.
Maaari rin namang sadyang kontrahin ng mga di berbal na signal ang mga
ipinapahayag ng mensaheng berbal.

PAG-UUGNAY
Galaw ng Katawan na ginagamit sa Di-berbal na Komunikasyon. Ang ekspresyon ng
Mukha “Nagpapakita ng Emosyon” Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya ay
naka ngiti, malungkot kung umiiyak, nakasimangot kung galit o naiinis, tulala kung
naguguluhan o nabigla at ang ultimong paglabas ng dila ay may mga kahulugang
ipinapahayag. Galaw ng Mata Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag – iiba ang
mensaheng ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata. Galaw
ng katawan na ginagamit sa Di-Berbal na Komunikasyon.
Kumpas ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay at kapamaraanang
magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol, magpakita ng kasiyahan o
papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o makikipag-alitan,mga pagpapakita ng
karamdamang pisikal, emosyonal at marami pang iba.
Ang anumang sinasabi ng isang tao ay naipahahayag na may kasamang kumpas at
nakatutulong ito sa mabisang paghahatid ng mensahe. Galaw ng Katawan na ginagamit
sa Di-berbal na Komunikasyon “Galaw ng Kamay”.
Tindig o Postura Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung
anong kalseng tao ang iyong kaharap o kausap. Galaw ng katawan na ginagamit sa Di-
berbal na Komunikasyon.
Hindi laging berbal ang komunikasyon, hindi laging pasalita o pasulat. Madalas rin
tayong gumamit ng mga di-berbal na anyo ng komunikasyon. Halimbawa, kapag nahuli
ng isang ina ang kanyang anak, hindi maililihim ng bata ang kanyang kasalanan sa
kanyang mukha, mata, kilos ng katawan at kumpas ng mga kamay sa kabila ng
kanyang matigas na pagtanggi.

HALIMBAWA
Pakikipag-usap sa kapwa gamit ang mga kamay na sumisenyas sa kausap.
Pakikipag-ugnayan gamit ang iba't ibang ekspresyon ng mukha na nagpapahiwatig ng
kanyang damdamin at nararamdaman sa kausap.
Ekspresyon ng Mukha
“Nagpapakita ng Emosyon” Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya
ay naka ngiti, malungkot kung umiiyak, nakasimangot kung galit o naiinis, tulala kung
naguguluhan o nabigla at ang ultimong paglabas ng dila ay may mga kahulugang
ipinapahayag.

Galaw ng Mata
Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag – iiba ang mensaheng ipinahahayag
batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
Kumpas “Galaw ng Kamay”
Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay at kapamaraanang
magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol, magpakita ng kasiyahan o
papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o makikipag-alitan,mga pagpapakita ng
karamdamang pisikal, emosyonal at marami pang iba. Ang anumang sinasabi ng isang
tao ay naipahahayag na may kasamang kumpas at nakatutulong ito sa mabisang
paghahatid ng mensahe.
Tindig o Postura
Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung anong kalseng tao
ang iyong kaharap o kausap.

PAGSUSUMA
Inilalantad o ipinahihiwatig ng komunikasyong di berbal ang kalagayang emosyunal ng
isang tao. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe at pinananatili nito ang
interaksyong resiprokal ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe.

Nakakatulong ito sa paglalahad ng emosyon o damdamin ng isang tao.


Nakapag-bibigay linaw sa mga paka-hulugang nakapaloob sa mensahe.
Napapanatili ang proseso ng palitan, na isang tungkuling sayklikal sa pagitan ng mga
kalahok.
SIMBOLO (Iconics) – paggamit ng mga simbolo o icons upang katawanin ang isang
kaisipan.
2. KULAY– paggamit ng isang partikular na kulay na nakabatay sa isang pang-
kulturang kaisipan na kumikilala dito.
3. PANDAMA (Haptics)–iba’t ibang paraan ng paggamit ng pandama upang
makapagpabatid ng mensahe.
4.ESPASYO (Proxemics) – pinahahalagan nito ang mga pagpapakahulugan sa
espasyo o pagitan na nililikha ng tao sa kanyang kapwa. – Intimate (lubhang malapit) –
Personal (malapit) – Public (may agwat o distansya)
5. ORAS (Chronemics)
6. PARALANGUAGE – kinikilala nito ang mga pamamaraan ng pagbigkas ng isang
salita.
Apat na Aspeto ng Paralanguage :
1.Pitch - pagtaas o pagbaba ng tono ng tinig
2 . Bilis – bagal o tulin sa pagbigkas ng salita
4. Kalidad. Volyum – lakas at hina ng tinig
3– klase o uri ng tinig
7. KATAWAN (Kinesics)– mensaheng nalilikha sa pagkilos ng katawan at ng iba pang
bahagi nito.

7. EKSPRESYONG LOKAL
EKSPRESYONG LOKAL: Tanda ng Matingkad, Masigla, At Makulay na Ugnayan
at Kwentuhan
Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa
lohika at iba pang uri ng pilosopiya. Ito ay ang mga parirala o pangungusap na
ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang
kahulugan ay hindi literal at hindi naiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa
lengguwahe.
Ang gawing pangkomunikasyong ito ay mahalaga dahil nakakatulong ito sa paraan na
madaliang pagpapahayag ng ekspresyon, ideya, at pagpapahiwatig ng saloobin o
nararamdaman sa kapwa ngunit may limitadong saklaw sapagkat ito ay nakapaloob
lamang sa pambayanan o panlalawigan.
Bukod sa gay linggo, slang at jargon, ang ekspresyong lokal ay karaniwan ding
ginagamit sa pang-araw araw na pagpapahiwatig ng emosyon ng mga Pilipino.
Halimbawa, ang pagsasabi ng “sana all” ay nangangahulugan ng pagka-inggit sa iba.
Sa mga nakakatanda mas madalas silang gumagamit ng “Susmaryosep” kapag
mayroon silang nalaman o nabalitaang hindi maganda. Marami pang ibang uri ng
damdamin ang maipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng ekspresyong lokal gaya
ng panghihinayang, pagkabahala, pagkagulat, galit, saya, pagkamangha, pang
sarkastiko, pag payo at iba pa. Halos lahat ng tao ay gumagamit ng ekspresyong lokal
maliban na lamang sa batang hindi bihasa sa wika. Nagsisilbi itong panandaliang
reaksiyon sa isang bagay o sitwasyong kaniyang nararanasan.
Ilan sa mga mga Ekspresyong local : Pabebe, Walwal, Edi Wow, Walastik , Eme-eme,
Beast mode at iba
Halimbawa: Sa bawat lalawigan ng Pilipinas ay may iba’t ibang ekspresyong lokal na
ginagamit sa pagpapahiwatig ng sariling damdamin o saloobin.
Ang ekspresyon ay isang parte ng pagpapahayag ng ating damdamin na nagsisilbing
reaksyon sa isang partikular na bagay o sitwasyon. Kapag ang isang tao ay gumamit ng
ekspresyong lokal, maiintindihan at malalaman kung ano ang tiyak na nararamdaman.
Ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay isang magandang paraan
para sa patuloy na ugnayan at interaksiyon ng bawat kasapi ng lipunan. Sa
pamamagitan nito ay naipapahayag ang iba’t ibang damdamin, mensahe, at mga
kaalaman na makatotohanan o di kaya’y kuro-kuro lamang. Ang mga gawaing ito ay isa
sa mga mabisang paraan ng pakikipagkomunikasyon na nakagawian at parte na sa
pang araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
Ang eskresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa
lohika ay iba pang uri ng pilosopiya.
Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng
damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi literal na kahulugan ng bawag
salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa linggwahe.
Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika.
Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa
lohika at iba pang uri ng pilosopiya. Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit
ng mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay
hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong
hindi bihasa sa lenggwahe. Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika

KAHALAGAHAN
Sa talastasang Pilipino, ang mga lokal na eskresyon ang nagpapaigting at nagbibigay
kulay sa mga kwento ng buhay. Malayang naipapahayag ng isang tao ang bugso ng
damdamin sa ibang paraan. Makikita rin dito ang ekspresyon ng pagbati,
pagpapasalamat o pagpapaalam sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.
Ang Ekspresyong Lokal ay mahalaga sa pagpapalawig ng pandiwang katalinuhan ng
mga taong gumagamit at nakakarinig nito sapagkat napapaisip sila kung ano ang ibig
ipahiwatig ng Eksprsyong Lokal na ginamit. Ito rin ay nagpapakita ng kadalubhasaan sa
lengguwaheng ginagamit sa pakikipagusap.
Gaya lamang ng ibang paksa, mahalaga rin ang paksang ito sapagkat ang mga
expresyong lokal ay ang paraan upang mas maipahayag ang damdamin ng
pagsasalita.

Ekspresyon:
Pagpapahayag- Pangungusap
Pananalita- Kasabihan
Pagpapahiwatig- Pagpapakita

Lokal:
Pampook- Pampurok
Pambayan- Panglungsod
Pambansa- Nasyunal

Halimbawa:
Manigas ka!
Bahala na si Batman. (Bahala na)
Malay mo.
Charot
Lodi
Petmalu
Hay naku
Susmaryosep!
Edi wow

Halimbawa:
Si totoy ay naglalaro sa bakod at ng siya ay napatid at nadapa. Kung kayat siya ay
umiyak patungo kay nanay. At napailing si nanay at sabi “Susmaryosep ka totoy! Ba’t
umiiyak ka na naman at saan galling iyang sugat sa binti mo?”
Sa halimbawang ito ang ekspresyong lokal na ginamit ay ang mga salitang
“Susmaryosep” at “Totoy”. At ang mga salitang ito ay halimbawa lamang ng
napakaraming ekspresyong lokal na ginagamit ngunit di nila namamalayan na sila pala
ay gumagamit na ng ekspresyong lokal.

PAG-UUGNAY
Sa panahon ngayon makikita o maririnig natin na marami ang gumagamit ng mga
ekspresyong lokal sa ating lipunan. At ako ay saksi at isa sa mga taong ito. Kung
minsanay di nababatid ng mga taong gumagamit na pala sila ng ekspresyong lokal.
Marami na ring bagong sibol na mga ekspresyong lokal dahil sa pagyabong ng ating
kultura at ang lipunan mismo. Mga ekspresyong tulad pag tawag ng “LODI” ng mga
manunuod sa mga istremer o mga artista ay isa sa mga bagong sibol na ekspresyong
lokal na yumayabong ngayon.

Kinapapalooban ng maikli at tuwirang paksa sa ibat-ibang  larangan tulad ng pilosopiya,


relihiyon,  kalusugan, kaugalian, edukasyon, pulitika, atbp. Naghahatid ng
makabuluhang aral,  inspirasyon, at mga halimbawa na magagamit na pakikibaka sa
takbo ng ating buhay.  Kasama rin ang mga katanungang napapanahon at humihingi ng
karampatang paliwanag o pang-unawa. Mga kasagutang hinimay at sinala mula sa abot
ng pansariling karanasan, kaalaman at pananaw.  Matutunghayan din dito ang
maraming inpormasyon, naiibang ideya, panuntunan, pagtutulungan o bayanihan, at
mga pananalig mula sa ibat-ibang dako ng ating kapuluan. 

PAGSUSUMA
Sa madaling salita, ang paksang ito ay isa sa pinakamahalgang sangkap para sa ating
mga Pilipino sa pakikipag komunikasyon. Saan mang larangan mapa impormal man o
pormal hindi maipagkakaila na ang mga expresyong lokal ay siyang mas nagbibigay
buhay sa mga salitang ating ibinibigkas.
Ang mga ekspresyong lokal ay bahagi na ng ating pangaraw-araw na pakikipagtalas-
tasan. At sa pagdaan ng panahon ay lalo itong lumalawig dahil sa pagyabong ng ating
lipunan at kultura. At kung minsan ay di natin batid na v na pala o gumagawa na tayo
ng mga ekspresyong lokal. Ito ay patunay na sa pagyabong ng ating kultura at lipunan
nagbabago din ang iilan sa mga bagay sa ating paligid at isip. Na maaring maghatid ng
maganda o pangit na epekto sa atin. Ngunit kung ang ekspresyong lokal ang
pagbabatayan ay masabi natin na may magandng dulot ang mga pagbabago sa ating
kultura at lipunan.
NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYUNAL

KALAGAYAN NG EDUKASYON

Itinuturing na pinakakulelat ang Pilipinas sa kalidad ng edukasyon sa Association


of Southeast Asian Nations (ASEAN) region. Batay sa World Competitiveness Ranking
2020 (WCR) nais inasagawa ng Swiss-based Institute for Management’s Development (
IMD) business school, nasa ika-61 na pwesto ang Pilipinas sa larangan ng edukasyon
sa mahigit 63 na bansa na kabilang sa global ranking na ito. Naitala rin ang bansa sa
may pinakamababa sa Reading Literacy, at pangalawa sa huli naman sa Mathematics,
at Science sa 79 na bansa, ayon sa tala ng Programme for International Student
Assesment (PISA) taong 2019.Matatandaang ipinatupad ang K-12 basic education
program ng bansa upang mas mapataas ang kalidad ng edukasyon at maging “globally
competitive” ang mga Pilipino.
Ngunit, simula nang manalasa na ang COVID-19 pandemic sa bansa, hindi nakaligtas
ang sektor ng edukasyon; at ngayo’y isa ito sa matinding hamon na kinakaharap ng
bayan, paano nga ba magpapatuloy ang reporma sa edukasyon sa panahon ng
“bagong normal” ngayon?

Edukasyon sa ilalim ng “bagong normal”


Ngayong may kinakaharap na pandemya ang bansa, tila lalong bumigat ang
problema sa sektor ng edukasyon.Kung dati Hunyo palang ay nagbubukas na ang
klase, ngayong taong 2020 ay naantala ito dahil sa banta na dala ng COVID-19. Ang
dating nakasanayan na face-face learning ay naging online learning na lamang, ito ang
naisipang paraan para maiwasan ang pag kalat ng nasasabing virus.Unang problema
na nakita ng kagawaran ay hindi lahat ng mga guro at estudyante ay mayroong
equipments nagagamit sa online learning o distance learning.
Kaugnay nito ayon sa DepEd magkakaroon sila ng iba’t ibang paraan upang
matupad ang No Child Left Behind Act (NCLB) 2001. Inilatag ng DepEd ang mga
modalities nasatingin nila ay makatutulong sa distance learning.Kabilang dito ang online
learning, self learning module, mayroon din sa pamamagitan ng TV, radio, at ang
tinatawag ng kagawaran na self-learning kits; depende umano ito sa kakayanan at
kailangan ng bata. Mayroon namang magulang at mga guro ang agad na umalma sa
online learning, dahil ito anila ay para lamang umano sa may mga pera, silang
mayroong mga gadget at internet sa bahay.

Terminolohiya
Pandemya- ay isang epidemya ng nakakahawang sakit na kumakalat sa pamamagitan
ng mga populasyon sa isang malawak na rehiyon; halimbawa, isang lupalop, o kahit
pandaigdigan.
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong
coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng
hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang
sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman.
Virus- isang ahenteng nakahahawa na nagpaparami lamang sa loob ng mga buhay na
sihay ng isang organismo.

Distance learning -kung saan hindi pisikal na magkasama o magkaharap ang guro at
estudyante. Sa ilalim nito, maaaring matuto ang mga bata sa pamamagitan ng online
platform, printed module na ibibigay ng paaralan, at lesson na mapapanood sa
telebisyon o mapapakinggan sa radyo.
Covid 19 Virus-(COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong
coronavirus.
Face to Face Learning- ito ay ang nakasanayang paraan kung saan nagaganap ang
pagtuturo sa eskwelahan ng mga guro sa kanilang mga estudyante.
Online Class- Makabagong paraan ng pagtuturo kung saan natututo ang mga
estudyante sa pamamagitan ng mga materyales at mga gawain na binibigay ng mga
guro sa pamamagitan ng Internet.
Internet-isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang
mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng
telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang
komunikasyon na hindi gumagamit ng kable na kung saan ang mga iba’t-ibang
impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko.
Modular Learning - Isang paraan ng pag-aaral sa pamamagitan ng mga binibigay na
modyul ng mga guro sa estudyante upang sagutan sa bahay.Nakapaloob sa isang
pangkat ng maraming papel ang mga dapat matutunan ng mga estudyante

Kahalagahan ng paksa
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan
upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sapagkakaroon ng isang masaganang
ekonomiya. Mahalaga ang edukasyon sapagkat ito ang magiging sandata mo sa
kahirapan, ito ang iyong magiging susi patungo sa pag asenso ng iyong buhay, ito ang
panglaban mo sa kahirapan upang maiangat sa kahirapan ang iyong pamilya, ito ang
magiging dahilan para maibigay mo ang pangangailangan ng iyong mga mahal sa
buhay.
Mahalaga din ito sapagkat ito rin ang magiging sandata mo sa mga taong nais
magsamantala sa iyo, dahil sa panahon ngayon marami ng mga tao ang mahilig mang
loko at nananammantala ng kanilang kapuwa lalo na kung kulang sa kaalaman, kaya
kung ikaw ay may edukasyon at may kaalaman tiyak na maiilang sa iyo ang mga taong
mang loloko dahil alam nilang ang taong edukado ay hindi ganun kadaling maloko.

Pag uugnay sa totoong buhay


Marami ang nahihirapan sa mga gastohin sa skwela lalo na kong ang mga
magulang ay nahihirapan sa pag hahanap ng trabaho. Lalo na at nandito tayo sa gitna
ng pandemya. Kagaya ng ibang mag-aaral, hindi lahat ng lugar ay may malakas na
signal at saka may pang load para internet para lang makasali sa klase. Kinakaya lahat
ng hirap para lang makamit ang mga pangarap at para umahon sa kahirapan.

Pagbibigay ng Halimbawa
Ang mga studyante sa bagong normal na pamamaraan ng pag-aaral sa gitna
nang pandemya ay nahihirapan sa pagsagot sa mga binigay na mga lesson dahil hindi
lahat ay mabilis makaintindi sa mga lesson lalo na at sariling pag-aaral lang ang
magagawa sa ngayon.
KALAGAYAN NG MGA MANGGAGAWA
Ang manggagawa ay mahalaga sa pag-unlad ng ekonomiya. Sila ay may
malaking bahaging ginagampanan sa industriya. Ang lupa at kapital bilang salik ng
produksiyon ay hindi malilinang kung walang mangagagawa. Ang pagkonsumo at
produksiyon ay patuloy na nagaganap dahil sa pagpupunyagi ng mga manggagawa.
Sila ang buhay at sandigan ng pag-unlad ng Industriya.
Dahil sa pagsulpot ng COVID-19 sa ating bansa, maraming mga mamamayang
Pilipino ang nawalan ng mga kanya-kanyang trabaho at kabilang na rito ang mga OFW
na manggagawa na pinauwi sa Pilipinas. Ang epekto ng coronavirus pandemic ay hindi
nagtatapos sa mga pasyenteng napupunta sa mga ospital. Ito ay makikita rin sa
kabuhayan ng mga Pilipino. Abot 5 milyong Pilipino ang mawawalan ng trabaho dahil sa
coronavirus pandemic, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ang
bilang na ito ay maaaring tumaas, depende kung gaano kalakas ang impact ng
pandemic sa ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na buwan.
Sa ngayon, bilang pagtugon sa kawalan ng trabaho dahil pandemya ay mayroon
ng mga kompanya ang pinayagang magbukas at mga manggagawang pinabalik ulit
alinsunod sa mga alituntunin na dapat sundin. Ang DOLE at DTI ang nagpalabas ng
alituntuning ito para proteksyonan ang mga manggagawa laban sa COVID-19. Mayroon
man na mga manggagawang nakabalik sa kanilang trabaho subalit marami parin ang
hindi dahil sa paglimita ng pwede lang makapasok. Peru meron namang inilunsad na
programa ang gobyerno para sa mga wala pang trabaho.
Mga Terminolohiya:
Manggagawa- Ang isang manggagawa ay isang taong nagtatrabaho sa mga manu-
manong uri ng paggawa, lalo na sa lakas ng konstruksyon at industriya ng pabrika. Ang
mga manggagawa ay nasa isang uri ng mga kumikita sa sahod kung saan ang kanilang
pagmamay-ari lamang ng makabuluhang materyal na halaga ay ang kanilang paggawa,
ito ang proletariat.
Paggawa- Ang paggawa ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod: trabaho, empleo,
pinagkakakitaan , o negosyo. gawain, pinagkakaabalahan.
Ekonomiya- Ang ekonomiya ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa
o ibang area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang
pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at konsumpsiyon ng
mga kalakal at serbisyo ng areang ito.
Industriya- Ang industriya ay sektor ng ekonomiya na nagpoproseso ng mga hilaw na
materyales upang makagawa ng bagong produkto. Nakakabuo ng bagong produkto ang
sektor na ito sa pamamagitan ng lakas-paggawa at aplikasyon ng teknolohiya o
makinarya.
Trabaho- Ito ay tinatawag na hanapbuhay kung saan dito ka kumukuha at kumikita ng
pinansyal para sa pangangailangan ng tao.
Sahod- Kabayaran sa manggagawa ayon sa oras ng pagtatrabaho, piraso o pakyawang
produkto, kontrata, arawan o lingguhan na sinusuri sa pamamagitan ng wage rate.
Industriya- Ang industriya ay ang produksiyon ng isang kalakal na pangkabuhayan o
paglilingkod na nasa loob ng isang ekonomiya. Maraming mga uri ng iba't ibang mga
industriya, katulad ng pagmimina, pagsasaka, at pagtotroso.
OFW- Ang Overseas Filipino Worker (OFW) ay isang term na madalas na ginagamit
upang tumukoy sa mga migranteng manggagawang Pilipino, mga taong may
pagkamamamayang Pilipino na naninirahan sa ibang bansa para sa isang limitadong
panahon ng trabaho.
DOLE- Ang Kagawaran ng Paggawa at Empleo ng Pilipinas (Ingles: Department of
Labor and Employment o DOLE) ay isang departamentong tagapagpatupad ng
Pamahalaan ng Pilipinas na responsable na gumawa ng mga polisya, magsagawa ng
mga program at serbisyo, at maging ugnayan ng pamahalaan sa paggawa at empleyo.
DTI- Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas o Department of Trade and
Industry, DTI ay isang kagawa ran ng sangay tagapagpaganap ng Pamahalaan ng
Pilipinas na inaatasang palawigin ang kalakalan at industriya sa Pilipinas sa
pamamagitan ng paggawa ng mga bagong hanapbuhay at magtaas sa kinikita ng mga
Pilipino.
COVID-19- Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot
ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay
makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling.
Kahalagahan Ng Paksa:
Ang bawat bansa ay nangangailagan ng mga manggagawang magbibigay
serbisyo para magawa ang nga bagay na kailgan ng tao. Sila ang nagsisilbing
instrumento para matugunan ang pangangailangan ng tao. Sila din ang nagbibigay ng
mga walang katapusang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang sweldo o sahod na
tinatanggap ng ating manggagawa ay nakakaapekto sa magiging lagay ng pamumuhay
ng kanilang pamilyang kinasasangkutan. Kadalasan sa ating mga Pilipino ang
manggagawa sa atin ay ang ating mga ama. Sila ay tinuturing bilang isang haligi ng
tahanan sapagkat sila ang nagtatrabaho upang mabigyan ng masaganang pamumuhay
ang kaniyang pamilya.
Mahalaga din na malaman natin ang kalagayan ng mga manggagawa lalo na sila
ang dahilan ng pag-unlad sa ating ekonomiya at para din matugunan ang mga
pangangailangan nila sa kanilang pamilya.

Pag-uugnay sa Totoong Buhay:


Maiuugnay natin ito sa totoong buhay lalo na sa mga magulang na mas pinili ang
malayo sa kanilang pamilya para magtrabaho sa ibang bansa. Sa kadahilang malaki
ang sweldo doon kaysa sa ating bansa, bagamam hindi madali ang trabaho nila ay
kinakaya parin nila para sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya.
Pagbibigay ng Halimbawa:
Bilang isang halimbawa ay ang kinakaharap natin ngayon na problema dulot ng
COVID-19. Maraming mga manggagawa ang nawalan ng kanya-kanyang trabaho at
naghirap na tugunan ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw na buhay.

\
KORAPSYON

Ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korupsiyon sa


pamahalaan nito. Kabilang sa mga paraan ng korupsiyon na isinasagawa sa Pilipinas
ang graft, panunuhol, paglustay ng salapi, mga kasunduan sa likurang
pintuan, nepotismo, padrino. Ito ay mula sa mga nakaraang Pangulo ng
Pilipinas hanggang sa mga lokal na unit ng pamahalaan. 
Ang pitong mga korupsiyon na isinasagawa sa Pilipinas ang pagtakas sa
pagbabayad ng buwis, mga ghost projects at payroll, pagtakas o pag-iwas sa subasta
sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata, pagpasa ng mga kontrata, nepotismo at
paboritismo, pangingikli, salaping proteksiyon at panunuhol.
Pagtakas sa pagbabayad ng buwis
Ito ay talamak partikular na sa pribadong sektor dahil sa pagtanggi ng mga
nagnenegosyong pribado na dapat na ideklara ang kanilang taunang kinita at
magbayad ng mga angkop na buwis sa pamahalaan.
Mga ghost project at pasahod
Ito ay ginagawa ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kung saan ang
mga hindi umiiral na proyekto ay pinpondohan ng pamahalaan samantalang ang mga
hindi umiiral na tauhan ng pamahalaan o mga pensiyonado ay binabayaran ng mga
sahod at allowance. Ang katiwaliang ito ay talamak sa mga ahensiya ng pamahalaan na
nasasangkot sa pormulasyon at pagpapatupad ng mga programa at proyekto partikular
na sa imprastruktura at sa pagbibigay ng mga sahod, mga allowance at mga
benepisyong pensiyon.
Pag-iwas sa pagsusubasta sa publiko sa pagkakaloob ng mga kontrata
Ang paglisan ng mga mga opisina ng pamahalaan partikular na ang mga komite
ng mga subasta at pagkakaloob ng mga kontrata sa pamamagitan ng subasta sa
publiko o pagkakaloob ng mga kontrata sa mga pinaborang mga negosyo o kontraktor
na makapagbibigay sa kanila ng mga personal na benepisyo. Upang legal na maiwasan
ang pagsusubasta sa publiko ng mga kontrata, ang mga ahensiya ng pamahalaan ng
bumibili ay magsasagawa ng isang pira-pirasong stratehiya ng pagbili kung saan ang
maliit na halaga ng mga suplay at materyal ay bibilhin sa isang tuloy tuloy na proseo.
Sa kasong ito, ang mga kasunduan sa pagitan ng bumibili at suplayer ay ginagawa
kung saan ang isang persentage ng halagang presyo ay ibibigay sa namimili na
minsang nagreresulta sa sobrang presyo at pagbili ng mga mababang uring mga suplay
at materyal.
Pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor sa isa pa
Sa pagtatayo ng mga proyekto ng imprastruktura, ang mga kontraktor ay may
kasanayan ng pagpasa ng mga trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa isa pa. Sa
prosesong ito, ang isang persentahe ng halaga ng proyekto ay napapanatili ng bawat
kontraktor at subkontraktor na nagreresulta sa paggamit ng mga mababang uring
materyal o hindi natapos na proyekto.
Nepotismo at paboritismo
Ang mga matataas na opisyal ay maaaring maglagay o humirang mga kamag-
anak at kaibigan sa mga posisyon ng pamahlaan kahit pa hindi kwalipikado. Ito ay isa
sa mga ugat ng kawalang kaigihan at pagdami ng mga empleyado sa byurokrasya.
Pangingikil
Ito ay ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan laban sa kanilang mga kliyente
sa pamamagitan ng paghingi ng salapi, mahahalagang mga bagay o mga serbisyo
mula sa mga ordinaryong mamamayan na nakikipagtransaksiyon sa kanila o sa
kanilang opisina. Ito ay talamak sa mga ahensiyang nag-iisyu ng mga clearance at
ibang mga dokumento, mga nasasangkot sa pagrerecruit ng mga tauhan o mga
nagsasagawa ng mga serbisyon na direktang pumapabor sa mga ordinaryong
mamamayan.
Suhol o Lagay
Ang sistemang lagay o suhol na akto na ang mga mamamayan ay nanunuhol o
naglalagay sa mga opisyal ng pamahalaan ay tumatagal dahil sa byurokratikong red
tape. Ang labis na mga kailangang papeles, matagal na pagpoproseso ng mga
dokumento, hindi epektibo at hindi maiging pangangasiwa ng mga tauhan at kawalan
ng propesyonalismo sa paglilingkod sa publiko ay nagtutulak sa mga ordinaryong
mamamayan na maglagay para sa mabilis na pagpoproseso at pag-iisyu ng mga
personal na dokumento. Ang karaniwang paraan nito ang pagaalok ng malaking halaga
ng salapi sa isang opisyal ng pamahalaan na makakatulong sa pag-iisyu ng mga nais
na dokumento sa mga ahensiyang nag-iisyu ng mga lisensiya, permit, mga clearance at
mga ahensiyang nagpapasya sa mga partikular na isyu. Ang isa pang paraan nito ang
paggamit ng mga fixer kung saan ang mga tao ay nagbabayad sa ilang mga indbidwal
na maaari o hindi maaaring mga empleyado ng pamahalaan na magproseso o
magtamo ng mga kinakailangang dokumento para sa kanila.
Terminolohiya:
Korapsyon- ay sistemang pagnanakaw ng indibidwal na nasa posisyon ng pera ng
kinasasakupan niya para sa sariling kapakanan.
Buwis- Isang sapilitang kontribusyon sa kita ng estado, na ipinapataw ng gobyerno sa
kita ng negosyo o idinagdag sa halaga ng ilang mga kalakal, serbisyo, at transaksyon.
Ghost project- Ito ay ginagawa ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kung saan
ang mga hindi umiiral na proyekto ay pinpondohan ng pamahalaan samantalang ang
mga hindi umiiral na tauhan ng pamahalaan o mga pensiyonado ay binabayaran ng
mga sahod at allowance.
Sahod- o pasahod (Ingles: salary), na tinatawag ding gana (literal na gain sa Ingles).
Ang sahod ay tinatawag ding perang pinagpaguran, upa, paupa, bayad, o pabuya
Kontrata- ay isang pangako o kasunduang legal sa pagitan ng dalawa o mahigit pang
mga partido at maaaring ipatupad ng batas. Ipapatupad ng batas ang ilang mga
kasunduan subalit hindi ang iba.
Proyekto- ay mga balak, panukala o planong dapat isagawa para makatulong sa bawat
kinauukulan.
Pangingikil- Ang akto o gawain ng pagkuha o pagtatamo ng anumang bagay mula sa
isang tao nang laban sa kaniyang kalooban sa pamamagitan ng ilegal na paggamit ng
pananakot, sa pamamagitan man ng pamimilit, pagbabanta, o anupamang di-matuwid
na paggamit ng kapangyarihan. 
Suhol- Ang suhol ay isang salitang tumutukoy sa isang gamit o maaring salapi na
ibinibigay bilang kapalit sa hinihinging pabor. Kalimitan itong ginagamit upang mapabilis
ang isang proseso o mapasakatuparan ang isang hiling.
Pamahalaan-  isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at magpatupad ng
batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay ng
mga pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo. 

Kahalagahan ng paksa:
Napakahalaga talaga na talakayin ang korapsyon sapagkat ito’y napapanahon
na isyu sa ating bansa maging sa ating kanya-kanyang lipunan. Tayo’y kabilang at
bahagi ng pag-unlad ng bansa kaya’t nagbibigay lamang ito ng karapatan na mas lalo
tayong mangialam sa mga nangyayari at mangyayari sa ating pamahalaan. Kailangan
nating pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagpapabagal ng usad upang tayo’y
umunlad, at numero uno na dito ang korapsyon. Kailangan nating alamin at pag aralan
ang korapsyon upang makahanap tayo ng konkretong solusyon para maibsan man lang
ang ganitong pamamalakad o di kaya’y tuluyan ng mawala ang ganitong bulok na
sistema.

Pag-uugnay sa totoong-buhay:
Tayong mga taong napapaloob sa isang bansa ay lubos na apektado sa
korapsyon. Lalo na kapag tumataas lang ang buwis na binabayaran pero madalang
lang ang proyektong nagagawa para sa mga tao. Pagtaas ng mga bilihin na
nagpapahirap sa lahat ng karaniwang indibidwal.

PAGSUSUMA SA PAKSA
(Kalagayan ng edukasyon, manggagawa at korapsyon)

Ang mga paksang naibigay sa amin para sa pag-uulat na ito ay talaga namang
napapanahon. Kami din mismo ay nagugulat at nadaragdagan ang mga karunungan at
kamalayan sa mga paksa na aming binigyan ng diin. Nalaman namin na ang estado
ating edukasyon ay humihirap ngunit nahanapan naman ito ng mabilisang aksyon ng
mga tagapamahala sa gobyerno upang hindi maitigil at maituloy parin ang pasok sa
lahat ng antas ng paaralan. Talaga namang ginagawan ng paraan ng ating pamahalaan
upang hindi tumigil ang pagbibigay ng karunungan sa mga mag-aaral.
Ayon naman sa kasulukuyang estado ng ating manggagawa ay naapektuhan din
sila sa kinakaharap nating pandemya ngayon. Marami ang pansamantalang nawalan ng
trabaho. Naapektuhan na din ang kanilang pamumuhay na kung saan nahihirapan na
sila kung saan sila makakahanap ng pang-gastos sa kanilang pang-araw araw na
gastusin. Pero unti-unti namang natutugunan ng ating pamahalaan ang mga
problemang dulot ng pandemya. Sinisiguro ng ating pamahalaan na hindi tayo
mahihirapan sa mga sakunang ating kinakaharap ngayon.
Ang panghuling paksa na aming binigyang diin ay napakamahalagang talakayin.
Hindi dapat mamumutawi ang ganitong sistema lalong-lalo na tayoy humaharap sa mas
nakakatakot na problema ngayon. Nakakalungkot mang isipin na talamak parin ang
ganitong sistema sa ating bansa. Nawa’y magtulungan tayo na harapin ang lahat ng
pagsubok ng sa gayo’y ating itong malampasan ng sama-sama.

“KAHIRAPAN”

KATUTURAN NG TERMINOLOHIYA
Ang kahirapan ay pangkalahatang kasalatan o kakulangan, o ang estado ng isa
na walang isang tiyak na halaga ng materyal na mga ari-arian o pera. Ito ay may
maraming tapyas, kung saan kabilang ang mga panlipunan, pang-ekonomiya,
pampulitika at mga elemento. Ang kahirapan ay talamak o pansamantala, at karamihan
nito ay malapit na nauugnay sa hindi pagkakapareho. Ang kahirapan ay dinamiko. Ito
ay may pagbabago at minsa’y nakikibagay ayon sa paraan ng pagaggamit, dinamikong
panlipunan at teknolohikal na pagbabago. Ang lubos na kahirapan ay tumutukoy sa
kawalan ng pangunahing pangangailangan ng tao, na karaniwang kabilang ang
pagkain, tubig, sanitasyon, damit, tirahan at pangkalusugang pag-aalaga. Ang
magkaugnay na kahirapan ay tinutukoy bilang pang-ekonomiyang mga hindi
pagkakapareho sa mga lokasyon o lipunan kung saan ang mga tao nakatira.

Kahirapan an gang pangunahing problemang hindi masugpo sa ating lipunan.


Ang mga taong nakakaranas ng kahirapan ay paminsan umaasa na lamang sa
gobyerno dahil sila ay nawawalan na ng pag asa at inaasahan nila na magagawan ng
solusyon ang kanilang kinakalagayan, ngunit ang inaasahan nilang tulong ay paminsan
nagiging sanhi ng korupsyon. At ang iba naman ay hinahayaan nalang na kainin sila ng
kahirapan. Ano nga ba ang permanenteng solusyon para dito? May solusyon nga ba
talaga?.

KAHALAGAHAN NG PAKSA

-Ito ay mahalagang maibahagi sa mga taong nakakaranas ng kahirapan lalo na sa


kabataan upang magkaroon sila ng kaalaman tungkol sa mga responsibilidad na batid
nito at upang maiwasan narin ang pagdagdag ng mga nabubuntis na isa sa mga nag
dudulot ng kahirapan. Dagdag pa, Ito ang dapat pagtuunan ng pansin bago magisip na
magsimula ng pamilya. Ito ay importante dahil ang pagplaplano ng pamilya ay
nakakapag-iwas sa kahirapan. Dito nagkakaroon ng kaalaman kung ilang anak ang
kaya nilang suportahan sa pang araw-araw. 

PAG-UUGNAY SA TOTOONG BUHAY

-Isa sa pinaka malaking problema ng mga tao mapa local o nasyonal ay ang kahirapan.
 Kadalasan nating sinasabi na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Ngunit ano
ang mang-yayari sa ating kinabukasan kung ang kabataan sa mga hirap na bayan ay
tila hindi nakapag-tatapos?  Dahil sa kahirapan, hindi sila nakakatanggap na sapat na
kaalaman upang matulungan ang kanilang pamilya.

-Edukasyon ay importante dahil ito ay ang tanging yaman na hindi kailanman


mananakaw. Ito ang nakakapag-hulma sa ating kaisipan at kakayahang maging
matagumpay sa buhay. Ang kawalan ng edukasyon ay nakakapagdulot ng
kamangmangan sa mga kabataan.Naiuugnay ang kahirapan sa kawalan ng sapat na
edukasyon sa kadahilanan na Ito ang nakakapag-hulma sa ating kaisipan at
kakayahang maging matagumpay sa buhay at matakasan ang kahirapan.

PAGBIBIGAY NG HALIMBAWA

KAGUTUMAN AT HINDI PAYAK NA KALUSUGAN


-Dahil karamihan sa kanila ay hindi nakakatanggap ng paksang pangunahing
pangkalusugan, ito ay nagdudulot ng mga iba’t ibang sakit. Ang malnutrisyon ay ang
pinaka-karaniwang sakit sa mga taong nakakaranas ng kahirapan, ito ay dahil sila ay
may kakulangan sa wasto at masustansyang pagkain. 

MAAGANG PAGBUBUNTIS
-Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nakakaranas ng maagang pagbubuntis dahil
hindi sila nabibigyan ng sapat na impormasyon ukol sa pagbubuo ng pamilya at kung
ano ang mga responsibilidad at kahihinatnan nito. Ito rin ay isa sa mga pinagmumulan
ng pagtaas ng populasyon sa bansa dahil mas lalong nadadagdagan ang
nanganganak .

“KAWALAN NG SEGURIDAD SA PAGKAIN”

KATUTURAN NG TERMINOLOHIYA

-Ang kakulangan ng seguridad sa pagkain sa bansa ay nakabatay sa mataas na antas


ng kahirapan at mababang produksyon sa sektor ng agrikultura. Hadlang ang kawalan
ng sariling lupang sinasaka at kakulangan ng mga serbisyong agraryo sa pagiging
produktibo ng mga magsasaka.
-Isa pa kaya hindi umuunlad ang ating ekonomiya sa kadahilanang imbis na tangkilikin
ang sariling atin ay nag iimport pa ng bigas ang mga negosyante kaya hindi makasabay
sa presyo ang ating magsasaka dahil mahal na ang punla at mga pataba wala pang
sapat na irigasyon at fertilizer tapos bibilhin pa ng mura, sa aking nabalitaan ay nasa 14
ang kada kilo ng palay kaya hindi na nakapag tataka na mas lalong hihirap ang tang
magsasaka at ang ating bansa ay isa sa mga walang seguridad sa pagkain sapagkat
ang iba sa atin ay umaasa sa ani ng ibang bansa.

KAHALAGAHAN NG PAKSA
-Mahalaga ang seguridad sa pagkain dahil ito ay nagbibigay ng sukatan sa ekonomiya
ng isang bayan. Dahil kung walang seguridad ng pagkain maaaring lumobo ang presyo
ng mga karaniwang bilihin.
PAG-UUGNAY SA TOTOONG BUHAY

-Ang mga magsasaka na silang nagtatanim ng palay at produktong pang agrikultura ay


sila pa ang walang makain at walang kakahayang bumili ng sarili nilang ani. Bakit?
Dahil sa pag ibenenta nila ang lahat ng sarili nilang ani sa murang halaga sa mga
pinagkakautangan nila sa panahon ng pagtatanim at pagsasaka.

PAGBIBIGAY NG HALIMBAWA

-Halimbawa tayo ay nagbenta ng palay sa murang halaga tuwing anihan, at pagdating


ng tayo ay mangangailangan at bibili ng bigas napakataas na ng presyo nito.
-ang mga magsasaka na nag tatanim ng ibat ibang prodfuktong pagkain, pinag
kukunan ng sangkap ng mga gamut dahil sa kanilang panananim ay sila ring walang
makain at mahina ang kalusugan sapagkat walang pambili ng gamut dahil sa murang
halaga lang ibinebenta ang kanilang mga ani.

“MALAWAKANG PAGKASIRA NG KALIKASAN”

KATUTURAN NG TERMINOLOHIYA

Ice berg- ito ay yelo nabubuo sa lupa na kadalasan lumulutang sa dagat o sa


lawa,kadalasan itong nakikita sa mga malalamig na lugar tulad ng Antartica.
Global warming- ang abnormal na pagtaas ng temperatura sa buong mundo.
Kalikasan- ito ay lahat ng bagay na natural dito sa mundo tulad ng kahoy, hangin at iba
pa.

KAHALAGAHAN NG PAKSA

-Mahalaga ang paksa na ito dahil pinag-uusapan dito ang tungkol sa kalikasan at alam
nating lahat na kaya tayo nabubuhay dito sa mundo ng dahil sa kalikasan. Dapat nating
malaman kung ano at bakit nasisira ang ating kalikasan upang makagawa ng mga
epektibong hakbang upang sa gayon ay kahit hindi diritsong malutas ay ma-aagapan
ang problemang ito.
PAG-UUGNAY SA TOTOONG BUHAY

-Ang kalikasan ang pinakamahalagang bagay dito sa ating mundo dahil dito natin
kinukuha ang ating pagkain, tirahan, damit at iba pa na importante sa ating
pamumuhay. Nakakalungkot lang na isipin na maraming mga tao ang ina-abuso ang
ating kalikasan na nagdudulot ng malawakang pagkasira nito. Kahit simpleng pagtapon
lang ng basura sa ilog na akala natin ay wala lang pero hindi natin alam na malaki ang
epekto nito sa ating kalikasan.

PAGBIBIGAY NG HALIMBAWA
- Isang halimbawa ng malawakang pagkasira ng kalikasan ay ang pagkatunaw ng mga
naglalakihang "ice berg" sa Antartica na ayon sa scientist ay dahil sa Global warming,
kapag nagpatuloy ang pagkatunaw nito ay posibleng tataas ang tubig sa ating dagat na
pinangagamba ng mga scientist dahil posibleng may mga isla na maabot na ng dagat o
di kayay nakakadulot ng mga malalakas na bagyo.

PAGSUSUMA SA PAKSA

Kung ating susumahin ay napakaraming problema ng ating bansa ngunit nasa


ating mga kamay ang kapangyarihan upang tayo ay magtagumpay, maka alis sa
kahirapan at pagandahin ang ating kalikasan imbis na itoy sirain dahil kung atin lamang
gugustuhin ay maraming paraan upang tayo ay makaahon sa kahirapan at matugunan
ang lahat na ating problemang kinaharap sa panahong ito. Nararapat lamang na tayo ay
magkaroon ng disiplina, tiyaga at magpursigi sa lahat ng ginagawa at mga oportunidad.
Nararapat din na ay maging responsable sa lahat ng ating gawain na hindi tayo
makakasira sa ating kalikasan datapwat pangalagaan natin ito ng sa gayon ay magiging
matiwasay ang atung pamumuhay.Sa ganitong paraan maaaring mabawasan ang mga
bilang ng mga mahihirap sa Pilipinas.

National Heroes Committee


~> EXECUTIVE ORDER NO. 75

EXECUTIVE ORDER NO. 75 - CREATING THE NATIONAL HEROES COMMITTEE


UNDER THE OFFICE OF THE PRESIDENT.

~> Article II Section 13 and 17


~>Article XIV, Sec. 3 (2)

Katangian ng isang bayani


batay sa National Heroes Committee:

1. Ang mga may konsepto ng bansa at pagkatapos ay naghahangad at nakikibaka


para sa kalayaan ng bansa.
2. Ang mga nagtatakda at nagbibigay ng kontribusyon sa isang sistema o buhay
para sa kalayaan at kaayusan ng isang bansa.
3. Iniisip ng bayani ang hinaharap, lalo na ang mga susunod na henerasyon.
4. Ang pagpili ng isang bayani ay nagsasangkot hindi lamang sa pagsasalaysay ng
isang kaganapan sa kasaysayan, ngunit sa buong proseso na ginawa ng
partikular na tao na isang bayani.
Mga Bayani: Noon At Ngayon

Noon

1. Dr. Jose Rizal


Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng
kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng
pananakop ng Espanya sa bansa.
2. Andres Bonifacio
Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan
Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim
na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas.
3. Heneral Antonio Luna
Itinuturing na isa sa pinakamatapang at pinakamagaling na heneral sa panahon ng
rebolusyonaryong Pilipino. Isa siya sa pinakahinahangaang bayani ng Pilipinas.
4. Apolinario Mabini
Siya ay kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon. Isa siya sa mga
bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma.
5. Emilio Aguinaldo
Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga
huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa Digmaang
Espanyol-Amerikano (1898), at sa laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang
Pilipino-Amerikano (1899-1901).

6. Emilio Jacinto
Isa siya sa mga pinakamataas na opisyal ng Rebolusyong Pilipino at isa sa
pinakamataas na opisyal ng Katipunan. Kilala siya sa mga aklat-aralin sa kasaysayan
ng Pilipinas bilang Utak ng Katipunan.
7. Francisco Balagtas Baltazar
Siya ay kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at itinuturing na William
Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensya sa panitikang
Pilipino. Ang sikat na romantikong pag-iibigan ng ika-19 na siglo, ang Florante at Laura,
ay ang kanyang pinamainam na likha.
8. Gabriela Silang
Ang matapang na asawa ng lider ng Ilokanong maghihimagsik na si Diego Silang.
Kasunod ng pagkamatay ng kanyang asawa, pinamunuan niya ang grupo sa
himagsikan laban sa mga Kastila.

Ngayon

1. Ninoy Aquino
Si Benigno “Ninoy” Aquino ay ginawaran ding isang bayani sa kasalukuyang panahon
dahil sa kanyang ginawang paglaban sa dektatorya ni Marcos. Matapang niyang
hinarap ito sa kabila ng panganib sa kanyang buhay sa pagbalik nya sa Pilipinas upang
ipagpatuloy ang kanyang laban.
2. Corazon Aquino
Si Corazon Aquino ay itinuturing makabagong bayani ngayon sapagkat binuksan niya
ang pintuan para sa atin na yakapin ang tunay na demokrasya sa Pilipinas.
3. Efren Penaflorida
At ang pinakabagong tinanghal na bayani na nagkamit ng titulong CNN Hero of the year
na si Efren Penaflorida. Tumutulong siya sa mga tao lalo na sa mga batang gustong
mag-aral pero hindi makapag-aral dahil sa kahirapan. Nagtutulak siya ng karitong
punong-puno ng mga gamit pang-eskwela at pinupuntahan niya ang mga ito para
turuang magbasa at magsulat.
4. Efren Bata Reyes at Manny Pacquiao
Itinuturing na mga makabagong bayani ang mga taong nagbibigay karangalan sa ating
bansa tulad nila Manny Pacquiao at Efren “Bata” Reyes dahil sa kanilang magandang
kontribusyon sa larangan ng isports.
5. Mga OFW's
Ang mga OFW (Overseas Filipino Workers) na nagsasakrispisyo sa ibang bansa para
sa kapakanan ng kanilang pamilya ay itinuturing ding mga makabagong bayani.
Nakakatulong sila hindi sa kanilang pamilya kundi maging sa gobyerno din. Tumatatag
ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang mga pinapadalang pera o
remitanses.
6. Ang mga Guro
Marami sa mga guro ang nagtitiis sa init, pagod at kayod upang maibigay lang ang
estudyante nila ng magandang hinaharap. Iniwan nila ang prestihiyosong pagkakataon
na makapunta sa ibang bansa para lang matulungan ang bata dito na magkaroon ng
maayos na buhay. Ang isa pang kabutihan dito ay ginagawa nila ito para sa ikabubuti
ng bayan, kahit inderektang ninanais nila

Si Francisco Dagohoy ang bayani ng Bohol na namunò ng pag-aalsa laban sa mga


Español mula 1744 hanggang 1829, ang pinakamatagal na himagsik sa kasaysayan ng
Filipinas. Isinilang si Dagohoy sa Inabangan, Bohol. Walang malinaw na ulat tungkol sa
kaniyang búhay noong batà pa. Naging cabeza de barangay siyá ng kaniyang bayan
paglaki. Isinilang siyáng Francisco Sendrijas ngunit nakuha ang pangalang “Dagohoy”
mula sa pinaikling “Dagon sa huyuhoy” sa wikang Boholano.

Ang isa sa dalawang kapatid ni Dagohoy, si Sagarino, ay naging sundalo sa hukbong


Español, at namatay ito sa pakikipaglaban sa mga rebeldeng ipinahuhúli ng kura ng
Inabangan. Nang dalhin ni Dagohoy ang bangkay ng kapatid sa simbahan upang
mabasbasan, tumanggi ang kura. Ayon daw sa batas ng simbahan, hindi
binibendisyunan ang namatay sa duwelo. Dahil dito, tinalikuran niya ang simbahan at
nagtatag ng kilusan laban sa mga Español. Nagkuta siyá sa bundok ng Inabangan
Dahil sa nagtagumpay sa maraming pagsalakay sa kampo ng mga Español ay lalong
dumami ang mga mamamayang sumáma sa kaniyang kilusan.

Napaslang din ni Dagohoy ang kurang tumangging magbasbas sa kaniyang kapatid.


Nagtayò siyá ng mga pamahalaan sa mga bayang napalaya sa mga Español. Sa mga
kabundukan sa labas ng bayan, nagtayò siyá ng maliliit na pamayanan.
Walang makatiyak kung paano at kailan siyá namatay. Pero kahit wala na siyá’y
nagpatuloy pa rin ang kaniyang kilusan na tumagal nang 85 taon at 20 gobernador-
heneral ang nakapanungkulan. Itinatag at ipinangalan sa kaniya ang isang bayan sa
Bohol noong 1956.

Si Lapu-Lapu ay itinuturing na isa sa pinakadakilang pigura ng sinaunang kasaysayan


ng Pilipinas. Si Lapu-Lapu (1491-1542) ay kilala rin sa pangalan na Kolipulako. Ang
bayani ng Mactan at manlulupig ni Magellan, ay inilarawan bilang strikto, matalino, at
hindi nagpapatinag. Siya ay tuluy-tuloy na nakipagdigma laban sa makapangyarihang
pinuno ng Cebu, na noon ay mas higit na malaking kaharian kaysa sa kanyang maliit na
isla ng Maktan.

Ayon sa kasaysayan, ang Isla ng Maktan bagaman maliit ay isang maunlad na


komunidad nang ang dakilang si Magellan ay dumating sa Cebu. Bilang isang
matapang na manlalayag at sundalo ng Espanya, sinunog ni Magellan ang isang nayon
nang malaman na ang ilang mga naninirahan sa maliliit na isla ng Cebu ay tumangging
kilalanin ang Hari ng Espanya. Si Lapu-Lapu ay isa sa mga katutubong lider na
tumangging kilalanin ang kapangyarihan ng Espanya sa mga isla.

Nang maglakbay si Magellan papunta sa isang pinuno ng isla dala ang tatlong barkong
puno ng mga Kastila at dalawampung barko ng mga Cebuano, sinalubong sila ni Lapu-
Lapu at ng kanyang mga tauhan na armado ng mga katutubong elemento ng
pakikipaglaban gaya ng kahoy na kalasag, mga pana at mga sibat. Ang mga
mananakop na mga Espanyol at ang mga Cebuanong kasama nila ay napabalik sa
kanilang mga bangka, subalit ang kanilang pinuno na si Magellan ay nakatagpo ng
kamatayan sa kamay ni Lapu-Lapu.
Katuturan ng mga Terminolohiya

Bayani – Siya ay hindi lang tumulong sa kanyang sariling kababayan kundi ang
tumutulong sa kapakanan ng kanyang Inang Bayan. Ang bayani ay isang tao na
gumawa ng isang dakilang gawain. Layunin nila na makatulong sa iba upang maging
maayos ang buhay ng kanilang mga kababayan. Sila ang mga taong naaalala dahil sa
laki ng kontribusyon nila upang mabago ang kalagayan ng isang bansa.

National Heroes Committee – Ito ay nilikha sa pamamagitan nito, binubuo ng Kalihim ng


Edukasyon, Kultura at Palakasan bilang Tagapangulo, at ang Kalihim ng Ugnayang
Panlabas at ang Kalihim ng Pambansang Depensa bilang mga Kasapi, upang pag-
aralan at irekomenda ang pagpapahayag ng mga Pambansang Bayani.

Kahalagahan ng Paksa

Ang mga bayani ng ating bansa ang nagbigay kalayaan sa buong Pilipinas laban sa
mga dayuhan. Handang lumaban ng walang pag-aalinlangan. Buong pusong
ipaglalaban ang ating bayan. Sa bawat sakuna at trahedya na ating narasan noon ay
hindi sila nawalan ng pag-asa para makamit ang ipinaglalaban para sa bayan at sa
bawat Pilipino. Sila ang nagpatunay at nagpahiwatig na ang bawat Pilipino ay
matapang, may lakas ng loob at higit sa lahat ipinakita nila ang pagmamahal sa ating
bayan. Gaya ng kanilang ipinakita ay dapat ring manatiling nasa ating puso at gawa ang
dugong bughaw ng bawat Pilipino. Tangkilikin ang atin.

Pag-uugnay sa Totoong Buhay/Pagbibigay Halimbawa

Gaya ng ating mga magigiting bayani, kailangan nating mahalin ang ating sariling
bayan. Ipagmalaki natin ang sariling atin tulad ng ating wikang tagalog na dapat ay
manatili sa ating puso, pagiging kayumanggi ang kulay, mga produktong gawa ng ating
kapwa Pilipino. Huwag nating isanay ang ating sarili sa mga produkto galing sa ibang
bansa. Ang dugong Pilipino na nananalaytay sa ating katawan ay dapat pagkaingatan.
Dapat nating mahalin ng taos puso ang ating mahal na bayan. Sa panahon ngayon,
hindi pa huli ang lahat para magbago na dapat nating pangalagaan ang ating kalikasan
dahil isa ito sa bumubuhay sa atin, hindi dapat ito inaabuso. Huwag din nating
lamangan ang ating kapwa Pilipino. Sa kalamidad na ating nararanasan, dapat tayong
tulong tulong harapin ang problema. Huwag mawalan ng pag-asa. Handang harapin
ang bawat problema ng bukas palad na walang pag iimbot. Maging handa sa bawat
araw na darating.

You might also like