You are on page 1of 12

YUNIT 3

MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO

Ang mga sumusunod na paksa ay ilan sa mga karaniwang gawaing


pangkomunikasyon:
1. Tsismisan
2. Umpukan
3. Talakayan
4. Pagbabahay-bahay
5. Pulong-bayan
6. Komunikasyong di-berbal

I. TSISMISAN O PAGSAGAP NG ALIMUOM


Tagapag-ulat: Paul Andrei Zamudio
Bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang pakikipagtsismisan o ang
pakikipagkwentuhan sa buhay-buhay at mga pamumuhay ng ibang tao. Kadalasan na
makikita ang gawain ito ng dalawa o higit pang tao sa:
a.) tabi ng lansangan;
b.) palengke;
c.) tindahan; at
d.) tangganapan na pinapasukan ng mga manggagawa sa mga panahong sila ay libre o
walang ginagawa.
Tsismis

 may negatibong implikasyon sa taong gumagawa nito at maging sa taong paksa


ng tsismis
 tumatalakay sa isang akto ng pagsisinungaling, pag-imbento ng kwento,
pagmamalabis bagamat kung minsan ay halong katotohanan.
 kadalasang kaakibat ang pagyurak sa reputasyon ng ibang tao sa pamamagitan
ng walang batayang panghuhusga tulad ng:
a.) homosekswalidad;
b.) karahasan;
c.) paniningalang pugad;
d.) pagiging disgrasyada; at
e.) kung anu-ano pang negatibong paratang.
Tsismis Laban sa Katotohanan
 Ang tsismis ay naglevel up na sa kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng
information technology gamit ang social media tulad ng facebook, twitter
instagram atbp. kaya't higit na naging mahirap na ang pagtukoy kung alin ang
totoo at alin ang tsismis, alin ang balita at alin ang fake news.
 Ayon sa maraming pagtataya ang mga Pilipino ay tinuturing na isa sa may
pinakamahabang oras na inilalaan sa paggamit ng internet sa buong mundo na
ang pokus ay sa social media kaysa sa mga site na pang-akademiko.
 1st- Facebook, 2nd- Google, 3rd- YouTube, 4th- Yahoo, 5th- Twitter

Legal na Aksyon at mga Patakaran na Kaugnay Ng Tsismis


Tagapag-ulat: Keisha Mago
Marami ang nagsasabi na ang tsismis ay normal lamang sa mga Pilipino kaya
dapat magkaroon ng proteksyon sa batas gamit ang probisyon ng Saligang batas
tungkol sa kalayaang magpahayag at ng press bilang sanligan bagaman masasabi na
hindi naman ito isangdaang bahagdan na pinaboran.
Kinikilala ng ating Kodigo Sibil na ang karapatan ng bawat isa na
maproteksyonan ang kanyang dignidad, personalidad, pribadong buhay at kapayapaan
ng isip. Sinasabi sa Artikulo 26 na ang mga sumusunod na magkakatulad na akto,
bagamat hindi maituturing na krimen ay maaaring makabuo ng isang dahilan ng aksyon
para sa mga danyos, pagtutol at iba pang mga kaluwagan:
1. Panunubok sa pribadong buhay ng iba;
2. Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o ugnayang pampamilya ng
iba;
3. Pag-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iniiwasan ng kanyang
mga kaibigan;
4. Pang-aasar o pamamahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang pangrelihiyon,
mababang antas ng pamumuhay, lugar ng kapanganakan, pisikal na depekto at
iba pang personal na kondisyon.
Sa ilalim ng Kodigo Penal ng Pilipinas, ang tsismis ay maaaring maituring na
krimen lalo na't higit kung malalampasan ng isang indibidwal ang limitasyon ng kanyang
kalayaan sa pagpapahayag at mauwi ito sa paninirang puri na maaaring
makapagpahamak sa paksa ng kanyang mga pahayag, pasalita man o pasulat.
Ayon sa Artikulo 353, ang libelo ay isang pampubliko at malisyosong mga
paratang sa isang krimen, isang bisyo, depekto na maaaring makatotohanan o kaya'y
haka-haka, o anomang kilos, pagkukulang, kondisyon, katayuan o kalagayan na naging
dahilan ng kasiraang-puri.
 Libelo - paninira sa paraang pasulat o broadcast.
 Oral defamation - gumagamit ng midyum na pasalita.

Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura hinggil sa Tsismis

1. Liam(2016)
Ang tsismis ay isang anyo ng talumpati kung saan ang kaalaman sa kasanayang
superbasyon ay umiinog sa kontekstong pang-akademiko.
2. Akyon, Yozgat at Ayas(2015)
Ang tsismis o tsismisan ay kilala bilang mga di opisyal na pagpapalitan mg mensahe ng
mga manggagawa.
3. Nwogbaga, Nwanko at Onwa(2015)
Hindi nangangahulugang ang pormal na proseso ng komunikasyon ay hindi nagdudulot
ng usapin o krisis ngunit sa kabilang dako, higit na makabubuti ang pormal na
komunikasyon.
4. Ting-Toomey(1979)
Ang tsismis ay isang proseso ng komunikasyon hinggil sa mga aktibidad ng isang tao
ay inilalahad at pinaiikot sa ekslusibong paraan sa dalawa o higit pang tao.
Ayon sa Social Exchange Theory, ang tsismis ay naglalabas ng tatlong papel:
 Magbigay kaalaman
 Magpataas ng moral
 Libangan
5. Klinghoffer(1994)
Ang tsismis ay hindi naman mali, ang ordinaryong tsismis ay hindi masama.
6. Guerin at Miyazaki(2006)
Ang pangunahing layunin ng tsismis ay hindi ang magbigay ng impormasyon kundi
magbigay mg aliw o kuhanin ang atensyon ng mga tagapakinig upang mapaganda ang
ugnayang panlipunan.
II. UMPUKAN
Tagapag-ulat: Marienella S. Marollano
Ang umpukan ay:

 tumutukoy sa maliit na pangkat o grupo ng mga tao na nag-uusap tungkol sa


isang isyu na may interes ang bawat kasama sa grupo o pangkat.
 ang pinag-uusapan ay maaaring may kabuluhan sa kanilang personal na buhay,
sa buhay ng ibang tao o sa mga kaganapan sa lipunan sa loob man o labas ng
bansa.
 maituturing na impormal dahil sa:
a. kawalan ng tiyak na direksyon ng talakayan;
b. bawat kasama sa grupo ay malayang maghayag ng kanilang saloobin o
opinyon;
c. walang pinuno sa loob ng pagtatalakay; at
d. ang pagtitipon ay hindi planado o nagaganap na lamang sa bugso ng
pagkakataon.
 may mga pagkakataon na may mga kalahok na kusang lumalapit para
makiumpok at sa mga panahong hindi kilala ang lumalapit, siya'y masasabihan
na USISERO/USISERA.
Halimbawa:
a. Mga kababaihan sa harap ng tindahan
b. Mga parlorista sa parlor
c. Grupo ng kalalakihan sa loob ng sabunga
Modelong Interaktibo ng Komunikasyon

Kung titingnan ang daloy ng komunikasyon na namamagitan sa mga kasangkot sa


umpukan, maaring sabihin na angkop gamitin ang modelong interaktibo ng
komunikasyon

Tagapaghatid Kilos/Gawi Mensahe Pagtanggap Tagatanggap

Tagatanggap Pagtanggap Mensahe Kilos/Gawi Tagapaghatid


III. TALAKAYAN
Tagapag-ulat: Chyna Gumamela

Ang talakayan ay:

 tumutukoy sa proseso ng pag-uusap o pagpapalitan ng ideya para sa isang


nararapat o mahalagang desisyon.
 higit itong pormal kung ihahalintulad sa komunikasyong nagaganap sa umpukan
sapagkat mayroong nakatalagang tagapangasiwa sa daloy ng komunikasyon sa
talakayan.
 Mayroong tatlong dimensyon ang talakayan:
a. Nilalaman
b. Proseso
c. Mga kasangkot

Katangian ng Mabuting Pagtalakay

1. Aksesibilidad - ito ay ang pagiging komportable ng mga mag-aaral sa kanilang


partisipasyon sa talakayan.

2. Hindi palaban - mainit ang pagtalakay subalit nananatili ang paggalang.

3. Baryasyon ng ideya - pagkakaiba-iba ng pananaw ng mg pahayag upang matamo


ang higit na malalim na pagtalakay.

4. Kaisahan at pokus - hindi mawawala sa punto ng usapin.

Katangian ng Hindi Magandang Talakayan

1. Limitado o bilang lamang ang mga mag-aaral na nakikibahagi sa talakayan.

2. Kung inuulit lamang ng mag-aaral ang sinabi ng dalubguro dahilan kung bakit hindi
natatamo ang baryasyon ng ideya ng mga kasali sa talakayan.

3. Kung ang maraming ideya na ibinibigay ng mga mag-aaral ay hindi napag-iisa ng


tagapamagitan dahilan kung bakit lumalayo ang punto ng talakay sa totoong pokus ng
Talakayan.
Mga Kaugnay na Pag-Aaral At Literatura

Pinaniniwalaan ng mga edukador ng Araling Panlipunan ang mahalagang papel na


ginagampanan ng talakayan bilang metodo ng pagtuturo na makatutulong sa mga mag-
aaral upang magkaroon ng mataas na antas ng pag-iisip (higher-order-thinking) at pag-
unawa.

Artikulo ni Wilen (2004): Higit na angkop at epektibong metodo ang talakayan.

Karaniwang Pagkakamali sa Konsepto Ng Talakayan

1. Ang talakayan ay kinabibilangan ng dalubguro na nagbibigay bg katanungan sa mga


mag-aaral.

2. Sapat ang oras na ibinibigay ng mga dalubguro sa kanyang mag-aaral upang


magmuni-muni, bumuo ng tugon, at ipahayag ito.

3. Walang kakayahan ang dalubguro na isama sa talakayan ang mga mag-aaral kung
hindi nila nais na magbigay ng kooperasyon.

4. Ang mga dalubguro ay walang kinikilingan sa tuwing hinihikayat nila ang mga mag-
aaral na magbigay ng bahagi sa talakayan.

5. Hindi kaya ng dalubguro na maging obhektibo sa pagbibigay ng puntos sa kanyang


mga mag-aaral king talakayan ang gagamitin na metodo ng pagtuturo sa klase.

IV. PAGBABAHAY-BAHAY
Tagapag-ulat: Charlie Lunas
Ang Pagbabahay-bahay ay:

 Kinasasangkutan ng indibidwal o higit pang maraming indibidwal na tumutungo


sa dalawa o higit pang maraming bahay upang isakatuparan ang kanilang
layunin.
 Mga halimbawa ng layunin:
a. pangungumusta sa mga kaibigan o kamag-anak na matagal nang hindi
nakita;
b. pagbibigay galang o pugay sa mga nakatatanda;
c. paghingi ng pabor para sa isang proyekto o solicitation
d. at marami pang iba.
 Sa patuloy na paglakad ng panahon ay kasama nitong nagbago ang mukha ng
konsepto ng pagbabahay-bahay. Malayo man o hindi nakikita ang mga kamag-
anak ay maaari nang magkumustahan sa pamamagitan lamang ng facebook,
Instagram, messenger at iba pang plataporma ng social media.
 Ang pagbabahay-bahay ay tradisyong nagpapamalas ng mabuting pagpapakilala
at pagtanggap ng mga panauhin na pinatutunayan sa mahahalagang okasyon sa
buhay nating mga Pilipino, katulad ng Pasko at Araw ng mga Kaluluwa.

V. PULONG-BAYAN
Tagapag-ulat: Dianne B. Lontac
Ang pagpupulong bayan ay:

 Isang mahalagang pangkomunikasyon ng mga Pilipino.


 Karaniwang isinasagawa bilang isang anyo ng konsultasyon sa mga
mamamayan o partikular na pangkat upang tugunan o paghandaan ang isang
napakahalagang usapin.
 Mahalaga ang papel na ginagampanan nito upang mabigyan ng katwiran o
ngipin ang lahat ng regulasyon at batas na nais nilang ipatupad lalong higit kung
ito ay may direktang epekto sa kanila bilang mga mamamayang nagbabayad ng
buwis.
Saligang Batas ng 1987

 Isinasaad na ang kapangyarihang lehislatibo ay iginawad sa itaas (Senado) at


Mababang Kapulungan (House of Representatives) ng Pilipinas.
 Dalawampu’t apat (24) ang kabuuang bilang ng dapat na ihalal na Senador.
 Dalawandaan at limampo (250) naman para sa mga Kongresista.
Dalawampung bahagi (20%) nito ay kinatawan ng Party-list.

Proseso sa Pagbuo ng Batas

 Kaakibat ng tungkulin ng Kongreso sa pagbuo ng batas ay ang pagtiyak na


mapapahalagahan ang Saligang Batas ng Pilipinas sa bawat isasagawang
pagtalakay.
 Dalawang pangunahing dokumento:
a. Panukalang batas (bills)
b. Resolusyon (Resolution)
 Tinutukoy ng resolusyon ang mga prinsipyo at pananaw ng parehong Mataas at
Mababang Kapulungan. Ito ay maaaring alinman sa sumusunod:
a. Pinagsamang mga Resolusyon (Joint Resolution)
b. Simpleng Resolusyon (Simple Resolution)
c. Magkakasabay na Resolusyon (Concurrent Resolutions)
 Bago maging batas ang isang batas ay kailangan muna itong dumaan sa
prosesong pagpapanukala o bill. Mahalaga sa pagbuo nito ang pangsang-ayon
ng mga sumusunod:
a. Mababang Kapulungan (House of Representatives)
b. Mataas na Kapulungan (Senado)
c. Pangulo ng Republika ng Pilipinas
 Tinatawag na Veto Power ang diskresyon ng Pangulo ng Pilipinas na di sang-
ayunan ang mga panukala ng parehong Mataas at Mababang Kapulungan.
 Maaari namang kontrahin ng Mababang Kapulungan ang kapangyarihan ng
Pangulong ito sa pamamagitan ng 2/3 na boto sa kanilang mga kasapi o
miyembro.

Tiyak na Proseso sa Pagbuo ng Batas sa Pilipinas


Tagapag-ulat: Reinalyn Manamtam
1. Paghahanda ng Panukalang Batas (Bill)
Ang Kapulungan o Bill Drafting Division ng Reference and Research Bureau ay
ang gumagawa ng balangkas ng Panukalang Batas.

2. Pagssagawa ng Unang Pagbasa ng Panukalang Batas


a. Isusumite ang bill sa Bills and Index Service
b. Bibigyan ng tatlong araw upang isama sa Order of Business for First
Reading
c. Babasahin ng Secretary General ang panukalang batas (bill). Itatala ang
Panukalang Batas sa naaangkop na komite ang Speaker of the House of
Representatives.
3. Pagkilos ng Komite
a. Susuriin ang panukala upang malaman kung magsasagawa ng
pampublikong pandinig
b. Maaaring isagawa ang mga sumusunod:
(1) Modipikasyon sa panukala
(2) Pagsasama-sama ng mga panukalang magkakapareho ang paksa
(3) Magbigay ng panghaliling panukalang batas o Substitute Bill
c. Ipapadala sa Plenary Affairs Bureau ang naaprubahang bersyon ng
Komite.
4. Ikalawang Pagbasa
A. Irerehistro ang ulat ng komite at pagkatapos isasama sa Order of Business at
pagtatalaga sa Committee on Rules.
B. Gagawa ng iskedyul ang Committee on Rules para sa ikalawang pagbasa
C. Pagbabasa ng Secretary General at Pagtawag sa Bawat myembro para sa
kanilang boto.
5. Ikatlong pagbasa
Kapag naaprubahan na ang Panukalang Batas ay ipapadala ito sa Archieves o
Koleksyon ng mga Dokumento.
6. Paghahatid ng Bill sa Senado
Bubusisiin ang inaprubahang panukalang batas ng Kongreso. Magbibigay ng
pagsang-ayon ang senado kung ito ay aprubado.
7. Pagkilos ng Senado
Ang Panukalang Batas ay dadaan sa lehislatibong proseso sa Senado.
8. Komite ng Pagpupulong
a. Binubuo ng mga myembro na mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso
b. Magbibigay ng bagong probisyon kung nararapat
c. Maghahanda ng Ulat ng komite na may lagda bg mga dumalo at chairman
d. Ang ulat ay kailangan maaprubahan na walang pagbabago pa ang
papayagan.
9. Paghahatid ng Panukalang Batas sa Pangulo
Ang bill ay pipirmahan ng Senate President at ng House Speaker. Sinertipika
din ito ng kalihim ng senado ay Secretary General bago ipadala sa Pangulo.

VI. KOMUNIKASYONG DI-BERBAL NG MGA PILIPINO


Ang komunikasyong di-berbal ay kinasasangkutan naman ng mga kilos o
galaw ng katawan. Karaniwang binibigyan ng interpretasyon ang mga sensyas upang
maisakayuparan ang proseso ng komunikasyon. May mga paham na naniniwala na ang
komunikasyong di-berbal ay kinasasangkutan ng mga detalyado at lihim na kodigo na
hindi nakasulat subalit nauunawaan ng lahat.
Ayon kay Albert Mehrabian (1971) sa kanyang pag-aaral na ang siyamnapu't
tatlong porsyento (93%) ng gawaing pakikipagtalastasan ng tao ay kinasasangkutan ng
di-berbal na komunikasyon.
Iba’t Ibang Anyo ng Komunikasyong Di-Berbal
Tagapag-ulat: Maribeth J. Haye
1. KINESIKA (Kinesics)

 Pinatutunayan sa anyong ito ng komunikasyon na ang bawat galaw ng tao ay


may kaakibat na kahulugan na maaaring bigyan ng interpretasyon ng mga taong
nasa kaniyang kapaligiran.
a. Ekspresyon ng mukha ng tao ay may kakayahang magpangiti, manghalina,
manakot, at kung anu-ano pa depende sa nais ipahiwatig ng taong nagpapakita
nito.
b. Ang mata bilang bahagi ng katawan ng tao ay may malaki ring papel ma
ginagampanan sa gawaing komunikasyon ng mga Pilipino.
c. Ang galaw ng katawan ng tao katulad ng pagkumpas ay mga salik na
nakakaapekto sa interpretasyon ng tao sa mga pahayag ng iba pang indibidwal.
d. Tindig o postura ng isang tao sa kaniyang pakikipagtalastasan. Ito ay kakikitaan
ng kaniyang paninindigan at tiwala sa sarili.
2. PROKSIMIKA (Proximics)

 Pinahahalagahan ng pag-aaral na ito ang espasyo bilang makabuluhang


sangkap ng di-berbal na komunikasyon.
 Pinaniniwalaan dito ang agwat o proximity ng tao sa kapwa tao ay may
karampatang kahulugan na maaaring mabuo sa pananaw ng taong tumingtingin
dito.

Pampubliko
Kilalang-kilala

Per
sonal Pang sosyal
Minodipikang bersyon ng modelo ni Hall na may pagsasaalang-alang sa espasyo bilang
sanligan:
a. Kilalang-kilala espasyo (intimate distance) - kinabibilangan ng pag-akap,
paghawak, pagbulong.
b. Personal na distansya - makikita sa interaksyon sa pagitan ng magkakaibigan o
kamag-anak.
c. Sosyal na distansya - interaksyon sa mga kakilala.
d. Pampublikong distansya - ginagamit sa mga pampublikong pagtatalakay.
3. ORAS (Chronemics)
 tumutukoy sa interdependente at integratibong antas ng karanasan sa paggamit
ng oras.
 ang paggamit ng tao sa oras bilang bahagi ng kanyang buhay at maaaring
lumikha ng pananaw sa ibang tao na tinitingnan ito bilang akto ng komunikasyon.
Halimbawa ng mga oras na isinasaalang-alang sa komunikasyon:
a. Teknikal o siyentipiko - tumutukoy sa eksaktong oras na napagkasunduan.
b. Pormal na oras - ito ang oras na ginagamit upang ipakita ang kahulugan ng oras
bilang kultura (hal. kultura ng oras na hinahati sa minuto, oras, araw, lingo,
buwan o tao)
c. Impormal na oras - oras na walang katiyakan.
d. Sikolohikal na oras - ang bawat depinisyon ng tao ay nakabatay sa kanyang
estado sa lipunan at mga personal na karanasan.
4. PAGHAPLOS (Haptics)
 isang uri ng komunikasyon na karaniwang kinabibilangan ng paghaplos o
pagdampi.
Halimbawa: Ang dimpling pagtapik sa balikat ay pagpapakita ng pakikiramay at
pagbati sa kapwa pero kung hahaluan ng diin ay maaaring bigyan ng malisya ng taong
tumatanggap ng mensahe
5. PARALANGUAGE
 tumutukoy sa dialing a is timing tunog na may kaugnayan sa pagsasalita tulad
ng intonasyon, bilis at bagal ng pagsasalita, at kalidad ng tinig.
 Intonasyon tulad ng pagbaba at pagtaas ng tinig ay sirkumstansyang
nakakaapekto sa pagpapakahulugan ng taong tumatanggap dito bilang
mensahe.
a. mababang tinig - pagpapakumbaba o pagtitimpi
b. mataas na tinig - may masidhing damdamin tulad ng galit, poot, takot, o
pagkabigla
 Bilis ng pagsasalita ay maaaring tumutukoy sa pagkakataon na mataas ang
antas ng kaalaman ng isang indibidwal sa larangan ng kanyang tinatalakay.
Samantala, ang bagal ng salita naman ay maaaring tumutukoy sa kawalan ng
kumpiyansa o tiwala sa paksa ng kaniyang isinasagawang pagtalakay.

 Magandang tinig ay maaaring naglalarawan ng kapanatagan ng damdamin


samantalang ang garalgal ay takot at pangamba ang maaaring ipakita.
6. KATAHIMIKAN
 ang katahimikan tulad ng pagsasawalang kibo, pagbibigay ng blangkong sagot
sa isang text message ay maituturing na mga mensahe sa isang komunikasyon.
 ang mga ito ay mga di-berbal na komunikasyon na ang kahulugan ay nakabatay
sa pananaw ng taong tumatanggap nito.
7. KAPALIGIRAN
 anumang kaganapan sa kapaligiran at maaaring bigyan ng pagpapakahulugan
ng taong tumitingin dito.
Halimbawa: ang pisikal na anyo ng palihan ay nagpapakita kung paano pinaghandaan
ng mga tagapangasiwa ang mahalagang okasyon sa araw na iyon.

You might also like