Ang mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon ay ang mga sumusunod:
Forum, Lektyur, Seminar, Worksyap
Symposium at Kumperensya (halimbawa nito ay narito: brainly.ph/question/281792) Roundtable at Small Group Discussion Kondukta ng Pulong/Miting/Asembliya Pasalitang Paguulat sa Maliit at Malaking Pangkat Programa sa Radyo at Telebisyon Video Conferencing Komunikasyon sa Social Media
Ang tagalog ng salitang 'seminar' ay BINHISIPAN.
Ang salitang ito ay galing sa 2 salitang BINHI at ISIPAN. Ang ibig sabihin ng binhi ay buto ng itinatanim at kailangan mong alagaan upang ito'y lumaki at mamunga. Ang isipan naman ay ang parte ng katawan ng tao na ginagamit upang tayo ay makapag-isip ng tama at makapag desisyon. Kapag ang mga salitang ito ay pinagsama, ito ay magiging binhisipan o seminar. Ang ibigsabihin nito at lugar Kung saan mas pinalalalim nito ang iyong kaalaman upang ang isang tao ay lumago at magkaron ng karagdagan o bagong kaalaman upang ito ay magbunga ng magagandang resulta.
Halimbawa ay ang seminar sa trabaho. Ang seminar sa trabaho ay magbibigay ng karagdagan
at bagong kaalaman sa larangan na kaniyang napili.
Ang mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon gaya ng forum lektyur seminar ay
isang daluyan ng mga impormasyon mula sa isang tao o grupo patungo sa isang grupo ng mga tao. Ano ang kahulugan ng forum? Ang kahulugan ng forum ay ito ay isang pagtitipon o asembliya na bukas para sa publiko upang magkaroon ng talastasan o diskusyon kung saan ang pananaw o opinyon ng mga tao tungkol sa isang isyu ay maaaring maibahagi. Iyan ang kahulugan o meaning ng forum sa Tagalog.
Sa Roma, ang forum ay isang pampublikong pamilihan sa gitna ng lungsod.
Nahahati ang wika at salitain sa apat na uri. Una, ang balbal, na siyang pinakamababa. Halimbawa: "epal (mapapel), iskapo (takas), elib (bilib), istokwa (layas), haybol (bahay) at bomalabs (malabo)". Ikalawang uri naman ay ang lalawiganin. Kabilang sa antas na ito ang mga salitain ng mga katutubo sa lalawigan. Halimbawa, ang wikang Tagalog, may temang lalawiganin sa kani-kanilang dila ang mga Kabiteño, Batangueño, at taga-Quezon. Matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ang pagkakaroon ng punto. Ang ikatlong uri naman ang Pambansa. Sa Pilipinas, laman pa rin ng pagtatalo kung ano ang kasama sa antas na ito. Marami ang nagsasabing Wikang Filipino ang Wikang Pambansa, samantalang Tagalog naman ang sa iba. Kung mauunawaan na maunlad ang wikang Filipino at ang kaniyang alpabeto (simpleng alpabeto), at may mga hiram na titik. Maaaring ituring ang Filipino naman na kalipunan ng mga salitain ng lahat ng mga Filipino (tao) maging lalawiganin man o balbal, Tagalog man o banyaga. Sa kadahilanang ito, ang Tagalog ang siyang tinuturing na wikang Pambansa at hindi ang Filipino. Gayunpaman dahil kasulatan at kasaysayan, ang Filipino pa rin ang naitala at kinikilalang wikang pambansa. Ang ikapat na uri naman ng wika ay ang Pampanitikan. Sa apat na antas ng wika, ito ang may pinakamayamang uri. Madalas itong ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan. Ginagamit ang idioma, eskima, tayutay at iba't ibang tono, tema at punto sa pampanitikan. May isang bihasa sa wika ang nagsabi na ang panitikan ay "Kapatid na babae ng kasaysayan", dahil ang wikang pampanitikan ay makasaysayan at may kakayahang tumaliwas sa kasaysayan dahil sa kakayahang lumikha ng mga tauhang piksiyonal o hindi totoo. Malayang magamit sa pagkatha ng dula, palabas, at iba pang likhang-pampanitikan ay kadalasang nagaganap.