You are on page 1of 3

ANGELA MAE D PERION

I BSHM-A
KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

YUNIT III
“MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO”

 Tsismisan: Istoryahan ng Buhay-Buhay ng mga Kababayan


Sa karaniwang diskurso, ang tsismisan ay itinuturing na isang pagbabahaginan ng impormasyong ang
katotohanan ay di-tiyak. Ito ay isang uri ng pa-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang magkakilala o
magkapalagayang loob.
3 uri ng mauuring tsismis:
1. Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig ng itsinitsismis;
2. Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-uri sa kapuwa; o
3. Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo o sa madla.

Intrega
- ay isang uri ng tsismis na nakasisira sa reputasyon o pagkakaibigan.
Umpukan: Usapan, Katuwaan, at Iba pa sa Malapitang Salamuhaan
Umpukan
-impormal na pagpapalit ng tao o higit pang mga magkakakilala, para makapag-usap ng magkakaharap.
Ang umpukan ay impormal na paglalapit ng tatlo o higit pang mga magkakakilala para mag-usap nang
magkaharap. Sa pangkalahatan, ito ay hindi planado o nagaganap na lang sa bugso ng pagkakataon. Ang
mga nagiging kalahok sa umpukan ay iyong mga kusang lumapit para makiumpok, mga si-sadyang
nagkalapit-lapit, o mga niyayang lumapit.
Ang paksa ng usapan sa umpukan ay hindi rin planado o pinag-isipang mabuti maaaring tungkol sa
buhay-buhay ng mga tao sa komunidad, magkakaparehong interes ng mga nag-uumpukan o mga bagong
mukha at pangyayari sa paligid.
Halimbawa:
* nag-uumpukan ang mga mambabatas bago ang simula o pagkatapos ng isang sesyon, at kapag break.
Madalas matampok sa telebisyon at sa diyaryo ang umpukan ng mga magkakaalyadong senador at
kongresista.
Ub-Ufon – isang halimbawa ng komunikasyong pang-komunidad.
- mula sa tubong kadaclan sa Borlig, Bonto Mt. Province.

 Talakayan: Masisinang Palitan at Talaban ng Kaalaman

Talakayan - Pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok na nakatuon sa tukoy na
paksa.
2 uri ng Talakayan

 Pormal – ay karaniwang nagaganap sa mga itinakdang pagpupulong at sa mga palabas sa


telebisyon at sa programa sa radio kung saan pinipili ang mga kalahok.
 Impormal – ay madalas nangyayari sa umpukan, at minsan sa tsismisan o di-sinasadyang
pagkikita kaya may posibilidad na hindi lahat ng kalahok ay mapipili.
Facilitator – taga pagkontrol ng asal ng mga kalahok upang maging maayos ang ang talakayan.
Neutralizer – nagsisilbing taga-awat o taga-palamig.
 Pagbabahay-bahay: Pakikipag-kapuwa sa Kanyang Tahana’t Kaligiran
Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o grupo sa mga bahay sa isang
pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon, magturo ng isang teknolohiya, kumonsulta sa
mga miyembro ng pamilya hinggil sa isyu o programa, mangumbinsi sa pagsali sa isang paligsahan o
samahan, o maghimok na tumangkilik sa isang produkto, kaisipan, Gawain o adbokasiya.

Halimbawa ng kanilang layon ang sumusunod:

 Mga politiko para mangampanya tuwing eleksiyon;


 Mga grupong relihiyon na nagsasagawa ng katekismo o nangangaral ng salita ng diyos;
 Mga mananaliksik na nagpapasagot ng mga talatanungan, nakikipagpanayam o
nakikipagkuwentuhan.
Ang pagbahay-bahay ay isa rin sa estratehiya ng mga boluntir ng UP/OC ng UPLB upang
maengganyo ang mga magsasaka na makilahok at ipagpatuloy ang paglahok sa mga programang
pangkaunlaran.

 Pulong-bayan: Marubdob ng Usapang Pampamayanan


Ang pulong-bayan ay pagtitipon ng isang grupo ng mga mamamayan sa itinakdang oras at
lunan upang pag-usapan nang masinsinan at pagdesisyonan kung maaari ang mga isyu,
kabahalaan, problema, programa, at iba pang usaping pangpamayanan.
Halimbawa ng nagpapatawag ng pulong-bayan ang sumusunod:
* hala na lider (konsehal,kapitan, punong-bayan, bokal, gobernador, kongresman, senador) na
nagsasagawa ng konsultasyon hinggil sa isang programa o panukalang batas, ahensiya ng
gobyerno na may programang pangkaunlaran; people’s o nongovernment organization na may
isinulong na proyekto at adbokasiya.

 Komunikasyong Di-berbal: Pagpapahiwatig sa Mayamang Kalinangan


Ang komunikasyong Di-berbal ay paraan ng pagbabatid ng kahulugan o minsahe sa
pamamagitan ng samot-saringbagay maliban sa mga salita. Malaking bahagi ng anumang
komunikasyon ng mga tao ay mga Di-berbal na pahiwatig.

Ang Komunikasyong di-berbal ay naisasagawavsa pamamagitan ng mga sumusunod:


1. Paggalaw ng kahit ng isang bahagi lang ng katawan
2. Kombinasyon ng mga galaw ng ilang bahagi ng katawan
3. Panahon ng pagsasalamuha, lalo na ng bilis o bagal, kawalan o daals, at oras o
araw ng interaksyon
4. Pook at kaligiran ng pagsaalamuha
5. Kasuotan at borloloy sa katawan
6. Iba pang simbolismo gaya ng kulay

 Ang Ekspresyong Lokal: Tanda ng Matingkad, Masigla, at Makulay na Ugnaya’t


Kuwentuhan
Ang mga ekspresyong lokal ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil
sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot,
dismaya, tuwa, o galak.
May mga ekspresyon din ng pagbati, pagpapasasalamat o pagpapaalam sa iba’t-ibang
lugar sa Pilipinas. Sa talastasang Pilipino, ang mga lokal na ekspresyon ang nagpapaigting at
nagbibigay-kulay sa mga kuwento ng buhay at sumasalamin, sa kamalayan at damdamin ng mga
Pilipino.

Sab inga ni Walter Fisher, ang tao ay isang makuwentong nilalang at anumang anyo ng
komunikasyon ng mga tao ay dapat tignan bilang naratibo o kuwento (Griffin, p. 308).

Ang buhay ay mga kuwento at ang kuwento ay tungkol sa buhay. Ang buhay ng mga
Pilipino ay mga kuwentong nakalapat at sumasalamin sa kasaysayan, kultura, ekonomiya, pulitika,
at kaligiran ng lipunang Pilipino. Bahagi ng mga mga kuwentong ito ang mga lokal na ekspresyon.

 Iba pang Kagawian: Pang-unawa sa Hitik na Kalinangan

May mga kagawian sa pagbati ang mga Pilipino bukod sa pagsasabi ng “Magandang
(umaga, tanghali, hapon, gabi o araw) “Bumabati rin tayo sa pamamagitan ng di-berbal na
ekspresyon (mabilisang pagtango o pagtungo, pagtaas o pagkaway ng isang kamay) na
sinasabayan pa madalas ng pagsambit ng “Uy” o “Kamusta”.

Di-tuwiran din ang pagpapahayag natin ng ekspresyon ng mga biro at pagpapatotoo kaya
mayroon tayong birong totoo, birong may halong ilang hibla ng katotohanan, at birong halos
walang katotohanan pero nanghahamon, nang uuyam, o fishing.

Halimbawa:
 “Joke lang” at “charot”
Charotism - ang libro na ginawa ni Ethel Booba
 Komunikasyon at Wikang Filipino: Magkatahing Puwersa ng Pag-uugnayan,
Pagkakaunawaan, at Kaunlaran.
Ang pag-iral ng iba’t ibang gawing pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino ay tanda ng
mayamang tradisyon ng malalim na pakikipag-ugnayan at marub-dob na pakikisalamuha ng mga
Pilipino sa kapuwa. Walang nag-iisa o natatanging kagawian na pinakamainam sa lahat dahil
bawat isa may silbi sa halaga sa kulturang Pilipino.

You might also like