You are on page 1of 3

Magandang Umaga sa inyong lahat! Kami ang ikatlong grupo ng 10 SMM.

1. Ano ang globalisasyon? (Cesca)

Ito ay isang pandaigdigang sistema na naglalarawan sa pakikipag-ugnayan at mga


pagbabagong nagbubuklod-buklod sa mga tao, kompanya, gobyerno, at bansa sa buong
mundo dahil sa mga pagbabago sa teknolohiya ng komunikasyon at transportasyon na
nagpalakas sa pagpapalitan ng impormasyon at mga produkto na nagdudulot ng mga
pagbabago sa buhay ng tao. Ang mga resulta ng panlipunan at pang-ekonomiyang pag-unlad
ay kasama rin sa saklaw na globalisasyon.

2. Ano-ano ang mga nakikita mong pagbabago sa inyong pamayanan o bansa na dala
ng Globalisasyon?
Vanessa: Isa sa mga ito ay ….
● Mas nahahasa ang ating kaalaman sa iba’t ibang uri ng kultura at paniniwala.
● Ang pag-unlad ng teknolohiya dahil sa globalisasyon.
● Naging madali ang palitan ng mga produkto sa iba’t ibang bansa.
● Malaki din ang naging pagbabago dahil sa impluwensya nito sa ating pamahalaan,
ekonomiya, at teknolohiya.

Narito ang mga Positibong epekto: (Betina and Tatum)

1. Nagkakaroon ng trabaho ang mga mamamayan dahil maraming mga negosyante ang
pumupunta sa Pilipinas. (Betina)

2. Ang pagpapalaganap ng mga kasanayan at kaalaman sa iba't ibang bahagi ng mundo


gamit ang mabilis na transportasyon at komunikasyon. (Betina)

3. Ginagawang mas madali ng globalisasyon na ma-access ang dayuhang kultura,


kabilang ang pagkain, pelikula, musika, at sining. (Betina)

4. Nagpapataas ng paglago ng ekonomiya. Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng


pandaigdigang pagpapalitan ng mga kalakal, pagsulong ng teknolohikal at
impormasyon, pinatataas ng globalisasyon ang kaunlarang pang-ekonomiya para sa
anumang bansa na lumalahok sa pandaigdigang ekonomiya. (Tatum)

5. Napabuti din nito ang ugnayan ng ibang bansa. (Tatum)

6. Pagbutihin ang kapakanan sa pamamagitan ng pag-aalok ng mas maraming


pagkakataon na magtrabaho sa ibang bansa. (Tatum)
Narito ang mga Negatibong epekto: (Dane, Vanessa, Khalia)

1. Karamihan sa atin ay mas pinipiling tangkilikin ang mga produktong galing sa ibang
bansa kesa sa sariling atin. Ang dahilan dito ay mas kilala natin ang produkto ng mga
dayuhan at hindi natin nakikita ang mga produkto ng ating bansa. (Dane)

2. Lumalawak ang agwat sa pagitan ng sweldo ng mga tao sa iba’t ibang antas ng
lipunan na nagdudulot ng income inequality. Dahil sa pamamagitan ng pagtaas ng
mga pag-import ng mga manufactured goods gamit ang karamihan sa mga
manggagawang may mababang kasanayan mula sa mga developing countries.
(Vanessa)

3. Sa modernong panahon ngayon maraming trabahador ang naaapela sa pagtatrabaho sa


ibang bansa. Imbis na sila ang nagsisilbing yaman sa ating bayan, sila ay nagiging
yaman ng ibang bansa dahil ginagamit ang kanilang kaalaman, karanasan at talento
dito. (Khalia)

4. Kakulangan ng mga lokal na negosyo. Ang mga patakaran na nagpapahintulot sa


globalisasyon ay may posibilidad na samantalahin ang mga kumpanya na mayroong
mga mapagkukunan at imprastraktura upang mapatakbo ang kanilang mga supply
chain o distribution sa iba’t ibang bansa. (Dane)

5. Madalas nating nakakalimutan ang ating kultura. Mas pinipili ng maraming tao na
mag-aral ng wikang banyaga kaysa sa kanilang sariling wika. Mas tinatangkilik natin
ang mga produkto ng mga banyaga at mas nahuhumaling tayo dito pero hindi natin
alam ay naglalaho ang ating kultura at wika. (Khalia)

3. Ano ang nararapat gawin upang masolusyunan o mabawasan ang mga isyung dulot
ng Globalisasyon? (Alexa)

- Maraming maaaring maging tugon sa hamon ng mas tumitindi at lumalawak pang


globalisasyon. Maliban sa may mga magandang dulot nito, hindi maiiwasan na
magkaroon ng mga di-magandang dulot na maaaring makasira pa lalo sa pampulitika,
pang-ekonomiya, at sosyo-kultural na aspeto ng bansa. Ang ilan sa mga solusyon nito
ay ang mga sumusunod:

Vanessa:

1. Pagsuporta sa mga lokal na produkto at maliliit na mga negosyanteng Pilipino.


2. Pagkakaroon ng mga regulasyon sa pagpasok at paggamit ng mga makabagong
teknolohiya na nakakaapekto sa pagiging produktibo ng mga mamamayan.
3. Ang mga gumagawa ng patakaran sa mga maunlad na ekonomiya ay makakatulong sa
kanilang mga lipunan na umangkop sa mga panggigipit ng globalisasyon at pagsulong
ng teknolohiya.

You might also like