You are on page 1of 43

Dimensyon ng

Globalisasyon

Presenter: Aubrie Joy Dave


Ano ang Dimensyon ng Globalisasyon?
Ang globalisasyon ay ang pagpapalawig, pagpaparami, at
pagpapatatag ng mga koneksyon at ugnayan ng mga bansa sa
kapwa bansa, at bansa sa mga aspekto ng ekonomiya, politika,
kultura, at kapaligiran.

Ito ay ang pagsusulong ng pandaigdigang kalakalan sa


pamamagitan ng pagbubukas ng mga pambansang hangganan at
pagbabawas sa paghihigpit sa pag-angkat ng mga produkto.
5 positibong epekto ng globalisasyon:
Pagtangkilik sa produktong tatak kanluranin,
kulturang asyano.
Pagbabago at pag-unlad ng isang bansa.
Natututunan ng mga Pilipino ang iba't ibang
wikang banyaga.
Gumagaling ang mga Pilipino sa larangan ng
teknolohiya.
Malakas na pakikipag-ugnayan sa iba't ibang
bansa.
5 negatibong epekto ng globalisasyon:
Humina at nabura ang pambansang
pagkakakilanlan.
Nagiging pamantayan ang wikang Ingles.
Nalulugi ang lokal na namumuhunan.
Mas napapaboran at kinikilala ang mga hindi
lokal na produkto.
Palagiang paggalaw at pagtaas ng mga presyo
ng produkto at serbisyo na nagdudulot ng
kahirapan sa mamamayang Pilipino.
Iba pang epekto ng globalisasyon:
Pag-unlad mg kalakalan ng mga iba't ibang bansa.
Palago ng pandaigdig transaksiyon sa pananalapi.
Paglaki ng pamumuhunan ng mga dayuhang
mangangalakal.
Pagkakaroon ng pandaigdig na pamilihan (World Market).
Pagtatag ng demokrasya sa mga dating komunistang
bansa.
Pagbilis ng pagbibigay tugon at tulong.
Mga Dahilan ng Globalisasyon:

Cultural Integration Economic Network Technollogical Global Power


o o Advancement Emergence
kultural na Pankalakalang o o
Integrasyon Ugnayan Kaunlarang Paglitaw ng
Teknolohikal Pandaigdigang
Dahil ang mga tao ay Ang pakikipagkalakalan Kapangyarihan
patuloy ang pakikipag- sa iba't-ibang bansa ay Ang teknolohiya ay
ugnayan at nagbibigay sa mga tao maaaring ituring na
pakikipamuhay kasama pangunahing dahilan sa Dahil nga sa pakikipag-
ang maraming sangay ng pag-usbong at paglago ugnayan ng mga tao mula
ang ibang mga tao na pakikipag-ugnayan. Sila sa iba't-ibang bansa at
nagmula sa iba't-ibang ay nagkakaroon ng ng globalisasyon lalo't
panig ng daigdig, sila ay higit ang mga kultura, nagkakaroon ng
palitan ng produkto at teknolohiyang may tinatawag na "power
nagkakaroon ng serbisyo ayon sa hinihingi allegiance" at "power
pagtanggap sa kultura ng ng pangangailangan ng kinalaman sa
ibang tao o lahi, na komunikasyon. resistance".
bawat isa.
nagiging bahagi na ng
kanilang pamumuhay.
Globalisasyon Teknolohikal

Political

Presenter is: Quervin Cedrix Satsatin


Political/Politika
Ang politika (mula sa Griegong πολιτικός politikos,
nangangahulugang “mula, para, o may kinalaman sa mga
mamamayan”) ay ang proseso o pamamaraan ng paggawa ng
pasiya sa antas pandaigdigan, sibiko, o indibiduwal.

Bagaman kadalasang iniuugnay ang politika sa pamahalaan,


maaari ding pagmasdan ito sa lahat ng pakikipag-ugnayan ng
mga pangkat pantao kabilang ang pangkalakal, akademiko, at
relihiyoso.
What is Politics?
Ang Politika ay ang pag-aaral o pagsasanay ng pamamahagi ng
kapangyarihan at kayamanan sa loob ng isang pamayanan(isang
organisadong populasyong may antas) pati na rin ang ugnayan sa
pagitan ng mga mamamayan.

Maraming paraan na pagsasabuhay ang pagsasapolitika, kasama na


ang pagpapalaganap ng mga pampolitikong pananaw sa mga tao o
samahan, pakikipag-usap sa iba pang kasapi ng politika, paggawa
ng mga batas & paggamit ng dahas laban sa mga katunggali.
Bilateral at
Multilateral
Nagbibigay daan sa epektibong ugnayan ng mga bansa na
nagdudulot ng mabilis na palitan ng mga Produkto, ideya,
kahusayang teknikal at maging migrasyon ng mga bansa.

Bilateral ay nangangahulugang koordinasyon sa isa pang


solong bansa samantalang ang multilateralism ay
koordinasyon sa higit sa 3 bansa.
Ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South
Korea, Thailand, US at iba pang mga bansa ay nagdala ng mga oportunidad
pang-ekonomiko at pangkultural sa magkabilang panig. Halimbawa nito ang
economic and technical aid na ibinibigay ng ilang bansa sa aPilipinas.
Nariyan and JICA Project ng Japan, BEST Project ng Australia, military
assistance ng US, at mga tulad nito.

Sa Timog-Silangang Asya naman halimbawa, kinakitaan ang mga bansang


miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng mas
maigting na ugnayan sa nagdaang mga taon na isa sa nagbigay daan sa
mabilis na pag-angat ng ekonomiya ng rehiyon.

Kasalukuyang pinaghahandaan ng mga bansang kaanib nito ang ASEAN


Integration sa taong 2030 na naglalayong mapaigting ang koordinasyon ng
bawat isa upang higit na maging maayos ang pamumuhunan, kalakalan, at
pagtutulungang politikal.
Kahalagahan ng
Politika
Mahalaga sa isang indibidwal ang malaman ang tama at mali sa politika.
Lalong lalo na sa local na pamahalaan. Sapagkat ito ay kanyang
responsibilidad na makiisa o makipagtulungan sa mga opisyales nito. Ang
local na pamahalaan ay maaaring makaranas ng higit na kalayaan o
awtonomiya.

Sa pamamagitan ng mga ito madaling naipaparating ang mga mamamayan


ang kanilang mga naisin, maging ang kanilang adhikain at mga kalayaan sa
mga kinauukulan. Sa mas pinalawak na pananaliksik ukol dito mas madami pa
ang dapat na maintindihan at malaman ng mamamayan kaya't atin ng alamin
ang iba't-ibang detalye ng tungkol sa politikang local.
Ang pang-limang bahagi ng
dimensyon ng
globalisasyon ay...
Globalisasyong

Teknolohikal

Presenter is: Navarro, Judito D.


Ano ang Globalisasyong Teknolohikal ?

Ang paglago ng impormasyon at mga kaalamang siyentipiko ay


nagdudulot ng marming pagbabago sa teknolohiyang ginagamit sa iba't
ibang panig ng daigdig.

Sa salitang "teknolohiya", gaano ba kahalaga ito sa mga tao?

Napakamahalaga ang teknolohiya sapagkat parte o nakatutulong ito sa


pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa iba't-ibang panig ng
mundo.
Nakakatulong ang teknolohiya sa:
AGRIKULTURA
EDUKASYON
TRANSPORTASYON
at sa iba pang may kaugnayan sa teknolohiya
AGRIKULTURA
Isa ang agrikultura sa gumagamit ng teknolohiya upang mapadali
ang kanilang gawain sa pagsasaka, pag-aani at pag-aalaga sa
pananim.

Hal. kinakailangan ng mga magsasaka na gumamit ng rice harvester


upang mapadali ang kanilang pag-aani imbes na gumamit sila ng
panabas at kamay upang hindi sila maabutan ng tag-ulan o bago mag
bagyo.
EDUKASYON
Ang teknolohiya ay nakatutulong sa edukasyon sapagkat nagiging malawak ang
kaalaman ng mga mag-aaral sa mga bagay na kailangang alamin at tuklasin.

Nagiging madali ang pag-aaral ng isang mag-aaral dahil sa gadgets na


ginagamit nila sa pag r-research, gayundin sa pag alam ng mga pangyayari sa
kanilang paligid.

MGA HALIMBAWA NG TEKNOLOHIYANG GINAGAMIT SA EDUKASYON:

Cellphone - isa ito sa gadget na ginagamit sa pag-aaral.


Laptop - ginagamit ito sa pag r-research at paggawa ng reports/presentation.
TRANSPORTASYON
Isa ito sa pinakamalaking bagay na gumagamit ng teknolohiya. Dahil sa
teknolohiya, naimbento ang mga sasakyang pang-transportasyon. Malaking
tulong ito sa mga mamamayan upang mapabilis ang kanilang pagpunta sa
iba't-ibang panig ng mundo.

Nagagamit din ang transportasyon hindi lang sa mga ordinaryong


mamamayan kundi pati na rin sa pag t-trabaho, para sa mga estudyante, sa
negosyo at sa marami pang kailangan ng sasakyang transportasyon.
Sa madaling salita hindi magiging madali ang lahat ng
mga ginagawa natin sa pang araw-araw nating
pamumuhay sapagkat naging malaking bagay na ang
teknolohiya sa atin.

Hindi maitatanggi na ang teknolohiya ay may


malaking ambag sa mundo.

You might also like