Professional Documents
Culture Documents
Globalisasyon
Globalisasyon
○ Ito ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba' tibang direksyon na nararanasan sa iba' t ibang panig ng daigdig. (Ritzer, 2011)
○ Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa.
○ Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinapabilis ng kalakalang panlabas
at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.
○ Ang globalisasyon ay isa sa mga isyung nagkakaroon ng malaking epekto sa ating pamumuhay sa ngayon.
○ Globalisasyon rin ang tawag sa malaya at malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig sa mga gawaing pampulitika, pang-ekonomiya, panlipunan, panteknolohiya, at
pangkultural.