You are on page 1of 1

GLOBALISASYON

-Ito ay ang konsepto ng mas malawak na pagkaka-ugnay-ugnay ng iba't ibang bansa sa mundo.
Ang globalisasyon ay ang pagkalat ng mga produkto, teknolohiya, impormasyon at trabaho sa
iba't ibang mga bansa at kultura. Ang globalisasyon ang dahilan ng patuloy na pagliit ng mundo
sa aspeto ng pangangalakal, komunikasyon at iba pa.

Ano ang Kahulugan ng Globalisasyon

Ang globalisasyon ay ang konsepto na pinagmulan ng pagliit ng mundo. Ang mundo ay patuloy
na lumiliit dahil mas nagiging madali para sa iba't ibang mga bansa na magpalitan ng mga
produkto, teknolohiya, impormasyon at trabaho sa iba't ibang mga bansa at kultura.

Ang globalisasyon din ang sanhi ng paglawak na pagkaka-ugnay-ugnay ng iba't ibang bansa sa
mundo.

Ito ay may epekto sa mga sumusunod na aspeto ng bawat bansa:

ekonomiya (Ito ay may kaugnayan sa pagkaka-ugnay ugnay ng mga ekonomiya sa buong


mundo.)

politikal (Ito ay may kaugnayan sa mga paksa ukol sa gobyerno at politikal na bagay ng mga
bansa sa mundo.)

sosyo-kultural (Ito ay may kaugnayan sa sosyal at kultural na aspeto ng mga bansa sa mundo.)

Mga halimbawa ng Epekto ng Globalisasyon sa mga Bansa

Dahil sa konsepto ng globalisasyon, tumataas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap o


umaangat na bansa dahil sa iba't ibang oportunidad na bukas para sa kanila - kagaya ng mga
trabaho, teknolohiya at pangangalakal.

Sa kabilang banda naman, maaari ring sirain ng globalisasyon ang oportunidad sa mga
mayayamang bansa dahil mas madali na para sa mga ito na kumuha ng mas murang mga
manggagawa mula sa mga mas mahihirap na bansa.

You might also like