You are on page 1of 3

inasabi bilang “ina ng lahat ng sangay ng karunungan,” ang pilosopiya ay itinuturing na

isang sistematikong pagsusuri ng mga prinsipyo at mga pala-palagay ng alinmang sangay


ng pagsisiyasat.

Ang salitang pilosopiya ay nagmula sa dalawang salitang Griego na (a) “philo” na


may ibig sabihin na “pag-ibig,” at (b) “sophia” na nangangahulugan namang
“karunungan” o “kaalaman.” Kung gayon, ang literal na kahulugan ng pilosopiya ay
“pag-ibig sa karunungan”.

Kung gayon, ang sabi nga ng Propesor ng Pilosopiya na si Ginoong Jensen DG.
Mañebog, masasabi natin na ang pamimilosopiya, kung gagamitin nang tama, ay isang
proseso ng pagmamahal sa karunungan.

Ang globalisasyon (Kastila: globalización; Ingles: globalization;


globalisation) ay isang pandaigdigang sistema na naglalarawan sa
pakikipag-ugnayan at mga pagbabagong nagbubuklod-buklod sa mga
tao, kompanya, gobyerno, at bansa sa buong mundo

ng kahulugan ng globalisasyon ay ito ang konsepto ng mas


malawak na pagkaka-ugnay-ugnay ng iba't ibang bansa sa
mundo. Ang globalisasyon ay ang pagkalat ng mga produkto,
teknolohiya, impormasyon at trabaho sa iba't ibang mga bansa
at kultura. Ang globalisasyon ang dahilan ng patuloy na pagliit
ng mundo sa aspeto ng pangangalakal, komunikasyon at iba
pa.
Ano ang Kahulugan ng Globalisasyon

 Ang globalisasyon ay ang konsepto na pinagmulan ng


pagliit ng mundo. Ang mundo ay patuloy na lumiliit dahil
mas nagiging madali para sa iba't ibang mga bansa na
magpalitan ng mga produkto, teknolohiya, impormasyon
at trabaho sa iba't ibang mga bansa at kultura.
 Ang globalisasyon din ang sanhi ng paglawak na
pagkaka-ugnay-ugnay ng iba't ibang bansa sa mundo.
 Ito ay may epekto sa mga sumusunod na aspeto ng bawat
bansa:
1. ekonomiya (Ito ay may kaugnayan sa pagkaka-ugnay
ugnay ng mga ekonomiya sa buong mundo.)
2. politikal (Ito ay may kaugnayan sa mga paksa ukol sa
gobyerno at politikal na bagay ng mga bansa sa mundo.)
3. sosyo-kultural (Ito ay may kaugnayan sa sosyal at kultural
na aspeto ng mga bansa sa mundo.)

Mga halimbawa ng Epekto ng Globalisasyon sa mga


Bansa

 Dahil sa konsepto ng globalisasyon, tumataas ang antas


ng pamumuhay ng mga mahihirap o umaangat na bansa
dahil sa iba't ibang oportunidad na bukas para sa kanila -
kagaya ng mga trabaho, teknolohiya at pangangalakal.
 Sa kabilang banda naman, maaari ring sirain ng
globalisasyon ang oportunidad sa mga mayayamang
bansa dahil mas madali na para sa mga ito na kumuha ng
mas murang mga manggagawa mula sa mga mas
mahihirap na bansa.

Ano ang kahulugan ng Globalisasyon?

Ito ay naglalarawan sa lumalawak na ugnayan ng mga


ekonomiya, kultura at populasyon ng mundo bunsod ng
mabilis na palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan
ng mga bansa, pag-unlad ng teknolohiya, daloy ng salapi,
migrasyon at mabilis na palitan ng impormasyon.

Ang globalisasyon ay ang pagiging magkakaugnay ng mga


bansa at tao sa mundo dulot ng mga pagbabago sa
teknolohiya sa komunikasyon at transportasyon na
nagdulot ng pagbilis ng palitan ng impormasyon at
produkto na nagreresulta sa pagbabago sa pamumuhay ng
tao.
Bakit mahalaga na aralin ang Globalisasyon?
 Dahil nagdudulot ito ng maraming epekto, karamihan ay komplikado at
politikal sa anyo.
 Tulad sa pag –usad ng teknolohiya, nagdudulot ng malaking tulong ang
globalisasyon sa kabuuan ng ating lipunan, habang nagdudulot din ito ng
problema sa ilang maliliit na pangkat ng tao.
 Ang pag-unawa sa mga benepisyo at mga masamang epekto nito ay
makakatulong upang mapagaan ang mga problema na maaaring idulot
nito habang napapanatili ang mga positibong dulot nito.

You might also like