You are on page 1of 12

Aralin 4

Mga Anyong ng Panitikan


Layunin:
• Matukoy ang anyo ng panitikan batay sa umiiral na Lipunan;
• Mapahalagahan ang sariling tradisyon at Kultura;at
• Makapagkumpara ng mga kaibahan sa bawat anyo ng panitikan,
Anyo ng Panitikan
• Piksyon (kathang –Isip)
Ginagamit ng manunulat ang kanilang imahinasyon para sa
pagsulat ng mga akdang bunga ng isip lamang. Kathang –isip ng mga tauhan,
pangyayari,sakuna at pook na pinangyarihan sa kwento ng may akda.
Di-Piksyong (Di kathang –isip)
Paglalahad, pagsasalaysay, o kinatawan ng isang paksa na
iniharap ng isang may-akda bilang katotohanan aay bumabatay ang may-akda
sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan ayon sa kanyang mga kaalaman
hinggil sa paksa.Ang ganitong paghaharap o presentasyon ay maaring tumpak
po hindi: na ang ibig sabihin maaring magbigay ng tunay o hindi tunay na
paglalahad sa paksang tinutukoy
Tatlong uri ng Paghahalin
• Pasalin-Dila- Ang paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao
aypakikipagtalamitam at pakikisalamuha.At noong hindi pa marunong
magsulat ang mga tao ang panitikan ay binibigkas lamang.Paulit-ulit
nila itong pinapakinggan at kalimitang ginagawa ito sa mga pagtitipon-
tipon.Naisalin nila ang ganitong panitikan sa pamamagitan ng
palagiang pakikinig.
• Pasalinsulat- Ang dokomentasyon ay namayani nang isinatitik nang
isinatitik, isinulat, inukito iginuhit ng mga Pilipino ang kanilang
Panitikan.Naganap at nagsimula ito ng noong matutunan nila ang
sinaunang Abakada at kasali na din dito ang naunang baybayin.
• Pasalintroniko- Ang pagsasalin ng panitika sa pamamagitan ng mga
kamitang elektroniko na dulot ng teknolohiya elektronika ay nagging
ganap ang dokumentasyon.
Hal.
• Diskong kompakto
• Plaka
• Rekorder (DVD)
• Mga aklat elektroniko ( na hindi na binubuhat dahil di na yari sa papel,
bagkus nasa elektronikong anyo na)
• Kompyuter
Ayon sa Anyo at Genre
• Tuluyan- Maluwag na pagsasama –sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap.Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungausap
o pagpapahayag.
Hal.
• Anekdota
• Nobela
• Maikling Kuwento
• Sanaysay
• Talambuhay
• Balita
• Talumpati
• Anekdota- Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba
kakatwang pangyayari naganap sa buhay ng isang kilala o sikat o
tanyag na tao.
• Maikling sanaysay ng isang nakawiwiling insidente sa buhay ng isang
tao.
• Pangunahing layon nito ang makapaghatid ng isang Magandang
karanasan may may kapupulutang aral
• At ito ay magagawa kung ito ay ay makatotohanan ayon sa karanasan
pangyayari.
Mga Karagdagang Panulat

• Nobela – Isang mahabang salaysayin na kawing-kawing na pangyayari sa


na naganap sa mahabang saklaw ng panahon.Maraming tauhan at
nahahati sa mga kabanata.
• Maikling kwento – Isang salaysay ng isang mahalagang pangyayari
kinasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.
• Alamat – ito ay nauukol sa pinagmulan ng isng bagay at hubad na
katotohanan dahil sa ito ay likhang isip.
• Pabula – Ang mga tauhan dito ay mga hayop,halaman at maging ng mga
bagay na walang buhay kumikilos o nagsasalita na parang tunay na tao.
• Sanaysay- Nagpapahayag ng ng kuro-kuro ng isang may-akda hinggil
sa suliranin o akda.Ito ay maaring pormal at di- pormal.
• Talambuhay – Ito ay kasaysayan ng buhay ng isang tao.
• Balita- Paglalahad ng mga pang araw-araw na pangyayari sa Lipunan.
• Talumpati – Pagpapahayag na binigkas sa harap ng mga tagapakinig at
ito ay nauuri sa iba’t-ibang layunin.
Panulaan

• Pagbuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na


pantig sa taludtod na piagtugma-tugma.
• Ang bawat taludtod ay maaring may sukat at tugmaang pantig sa
hulihan o sadyang Malaya na ibig sabihin ay d alintana ang sukat at
tugma.
• Ang mga ito ay nauuwi sa tulang pasalaysay,liriko, tulang padula at
tulang patnigan.
Kung Ibig Mo akong Makilala
Ruth Elynia Mabango
Kung ibig mo akong makilala
Lampasan mo ang guhit ng mahugis na balat
Ang tinig kong dagat-
Yumayapos nang mahigpit sa bawat saglit
Ng kahapon ko’t bukas

Kung ibig mo akong makilala


Sunduin mo ako sa Himlayang dilim
At sa madlang pagsukol ng inunang hilahil
Ibangon ako at saka palayain
Isang pag-ibig ng lipos ng lingap,
Tahanang malaya sa pangamba at sumbat
May suhay ng tuwa’t kaluwalhatia’y
Walang takda---
Ialay mong lahat ito sa akin
Kung mahal mo ako’t ibig kilalanin.

Kung ibig mo akong kilalanin,


Sisirin mo ako hanggang buto,
Liparin mo ako hanggang kaluluwa----
Hubad ako roon mula ulo hanggang paa.
Patanghal(Dula)
• Ito ay itinatanghal sa entablado inilalabas sa may tanghalan.
• May dalawa itong anyo
• Dayalogo
• Yugto (isahan,dadadalawahin o tatatluhing yugto)
Ang mga katutubo noon ay may katawagang dula na ginagawa sa pamamgitan ng
pagtatanghal.At ito ay ginagawa nila sa pamagitang ng patula,paawit at pasayaw.
At ginagawa nila ito di lang sa tanghalan maging sa liwasan bayan,sa bahay ng kanilang
pinuno o Raha o sa bakuran ng kanilang kapitbahay maging sa sarili nilang
pataniman.Nagsisimula ito sa pamamagitan ng ritwal o seremonya tuwing may okasyon
tulad ng anihan o pagtatanim at maging sa kanilang pag araw-araw na gawain.Nakaugat
ang kanilang dula sa sa pagbibigay ng papuri sa kanilang anito,sa pamamanhikan din ay
ginagawa ang dula.Bugtungan at palaisipan ang pinagmulan ng dula.Ang isa pang
pinaka ugat ng ng dula ay Tagayan ayon kay J.C Balmaceda,1939 Ito ay isa sa mga
dulang panlipunan , na ayon kay E. Arsenio Manuel (Tayabas Tagalog Awit fragments
from from Quezon Province,(1958) ay isa ito sa pinakatampok sa awitan sa mga
pagtitipon sa Tayabas.

You might also like