You are on page 1of 14

PANITIKAN

SUBUKING PUNAN ANG GRAPHIC ORGANIZER NG SALITA O MGA SALITA NA MAIUUGNAY MO SA


SALITANG
PANITIKAN.

PANITIKAN
• Ayon sa iba’t ibang manunulat ang panitikan ay siyang lakas
na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Ito ay ang
kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Sa panitikan
nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa,
hinaing at guniguni ng mga mamamayan o nasusulat o
binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan,
matalinghaga at masining na pahayag.
• Ang panitikan ay hindi lamang humuhubog ng nasyonalismo
kung hindi ito'y nag-iingat ng mga karanasan, tradisyon at mga
mithiin ng bawat bansa.
• Ang panitikan ay hindi lamang mga kwentong nababasa natin o
nakalimbag sa mga aklat, kabilang sa ating panitikan ang mga
kwentong nagpasalin-salin pa mula sa bibig ng ating mga ninuno
noon na napasa sa kasalukuyang henerasyon. Ito ang tinatawag
nating pasalitang tradisyon o oral tradition.
• Ang mga panitikang nakalimbag sa mga pahina ng aklat
ay nahahati sa dalawang pangkalahatang uri. Ito ay ang
prosa o tuluyan at ang patula. Pag-aralan ang mga
sumusunod na teksto.
• 1. Tuluyan o Prosa- ang mga akdang ito ay yaong
nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap.
• a) Alamat e) Maikling Kwento i) Sanaysay
• b) Anekdota f) Nobela j) Talambuhay
• c) Balita g) Pabula k) Talumpati
d) Dula h) Parabula
• 2. Patula- ay ang mga pahayag na may sukat o bilang
ng mga pantig, tugma at aliw-iw. Ang buong tula ay
nahahati sa mga taludturan (saknong). Ang bawat
taludturan ay binubuo ng taludtod o linya ng tula.
MGA URI NG AKDANG PATULA

a. Tulang Pasalaysay - ay kwento ng mga pangyayari at


nasusulat nang patula may sukat at tugma.
HAL.
i. Awit ii. Kurido iii. Epiko
• Tulang Liriko o Pandamdamin – ito naman ay mga tulang
tumatalakay sa marubdob na damdamin ng may- akda o
ibang tao.
• Awit iv. Dalit
• Soneto v. Elihiya
• Oda
• Tulang Dula o Dramatiko – ito ang mga tulang isinasadula sa
entablado o iba pang tanghalan.
• Melodrama iv. Trahedya
• Komedya v. Saynete
• Parsa
• Tulang Sagutan o Patnigan - mga tulang nilalaro o ginagawang
paligsahang patula na noo’y ginagawa sa bakuran ng namatayan.
• i. Karagatan ii. Duplo iii. Balagtasan
• Ilan sa mga uri ng panitikan sa ating bansa ay buhay na sa
panahong hindi pa nasasakop ng mga
• Kastila ang ating bayan gaya na lamang nga alamat, epiko,
mga salawikain at kawikaan, at ang bugtong. Ito ay
patunay lamang na ang ating lahi ay likas nang malikhain
at mayaman hindi lamang sa likas na yaman ng ating
kapaligiran kundi maging sa ating kultura, tradisyon at
paniniwala.
GAWAIN:

• I. Mangalap ng sampung (10) kahulugan o


depinisyon ng PANITIKAN ayon sa mga dalubhasa
o eksperto sa larangang ito. Huwag kalimutang
kilalanin ang tao/mga taong nagbigay ng
pagpapakahulugan. (20pts.)
• II. Punan ng dalawa o tatlong pangungusap ng kahulugan
ang pangkalahatang katangian ng panitikan sa mga anyong
tuluyan ayon sa inyong sariling pang-unawa.(20pts)
1. Alamat
2. Anekdota
3. Dula
4. Maikling Kwento
5. Nobela
6. Pabula
7. Parabula
8. Sanaysay
9. Talambuhay
10. Talumpati

You might also like