You are on page 1of 2

Kea D.

Ramos 10-SPA ARALING PANLIPUNAN Q2 WEEK 8 ISAGAWA

Ano ang globalisasyon?


Ang globalisasyon ay ugnayan ng mga bansa upang magkaroon ng maayos at
mabilisang paghahatid ng mga produkto at serbisyo sa mga tao. Ang globalisasyon
ay nakakatulong upang mapabilis ang daloy ng komersiyo sa isang bansa. Sa
pamamagitan din ng globalisasyon napapatatag, napapalawig ang koneksyon ng
mga bansa sa kapwa nito bansa. Ang globalisasyon din ang sumusulong sa
international trade sa pamamagitan ng pagbukas ng mga pambansang
hangganan.
Nakakabuti o nakakasama ba ang globalisasyon sa pamumuhay? Nakakabuti
ang globalisasyon sa pamumuhay ng mga tao sa isang lugar sapagkat nagkakaroon
ng oportunidad na madala ang kanilang produkto sa mga karatig bansa nito. Sa
pamamagitan din ng globalisasyon ay nagkakaroon ng oportunidad na magkaroon
ng trabaho ang mga mamamayan ng isang bansa na kung saan makakatulong ito
sa pag-unlad ng pamumuhay ng isang tao. Sa tulong ng teknolohiya
nagkakaroonnarin ng chance ang mga mamamayan na magtrabaho sa mga
trabahong may kinalaman sa kaalaman o knowledge. Dahil sa pagpasok ng
produkto mula sa ibang bansa ay nagkakaroon ng taxes at sa pamamagitan ng
pagpataw ng buwis ng pamahaan ay makakatulong ito sa proyekto ng pamahalan
gaya ng mga pangkabuhayan na makakatulong din sa pagpapaunlad ng
pamumuhay. Nararaapat lamang na bigyang pansin ng pamahaan ang pantay na
pagpapatupad ng batas upang hindi malubog ang mga negosyo ng mga
negosyante sa lokal. Nakakabuti ang pagkakaroon ng globalisasyon dahil mas
madaling mapapaunlad ang ating bansa at madali na lamang ang pagkakaroon ng
kumonikasyon ng mga tao sa mundo. Nakabubuti dahil makakapamili ng mura
ang mga mamimili. Nagkakaroon ang mga Pilipino ng trabaho dahil sa mga
dayuhan. Ito'y nagpapalawak ng sakop na isang negosyo.Nakabubuti para sa mas
malaking kita at bilang ng mga produktong matataas ang kalidad. Dahil ito'y
nakatutulong sa papagpapalawak ng ating relasyon sa ibang bansa. Nakabubuti
para sa mga manggagawa ang pag progreso o pagasenso ng mga negosyo. Isa sa
mga mabuting epekto ng globalisasyon ay ang pagtulong ng ibang bansa lalo na sa
panahon ng sakuna. Maaari silang magpadala ng tulong pinansyal o kaya naman
mga armas at iba pang kagamitan. Maaari din makipagkalakalan sa ibang nasyon
sa mga murang halaga.
Makakatulong ang globalisasyon sa mamamayang Pilipino na malaman ang
katayuan sa buong mundo at mga karapatan ng bawat bansa sa buong bansa.
Naging palakaibigan din ang Pilipinas sa dayuhang bansa at nananatili silang
konektado sa mga tuntunin ng pagpapalitan ng produkto at ilang pamumuhunan.
Malaki ang bahagi ng Globalisasyon sa pagpapabuti ng lokal at kulturang
panlipunan sa Pilipinas. Nag-uugnay din ito ng relasyon sa ibang mga bansa sa
pamamagitan ng pamumuhunan at ilang mga oportunidad sa negosyo.
Naging bahagi na ng buhay ng sangkatauhan ang globalisasyon. Mayroon itong
mabuting dulot sa nakararami ngunit kaakibat din nito ang masasamang epekto
na nararanasan ng lahat. Ang hindi magagandang epekto nito ang nararapat na
harapin at bigyan ng katugunan upang makatulong sa mga taong lubhang
naaapektuhan ng mga ito.
Isa sa may mga pangunahing tungkulin na harapin ang mga hamong dulot ng
globalisasyon ay ang pamahalaan sa iba't ibang panig ng mundo. Ang epekto ng
globalisasyon ay sumasaklaw sa ekonomikal, politikal at sosyo-kultural na aspekto
ng buhay nating mga tao.

You might also like