You are on page 1of 4

Ang Critical Analysis Paper na ito ay naglalaman ng pagaaral tungkol sa globalisasyon.

ito ay
pagbibigay linaw kung ano ang globalisasyon. mula sa kung paano umusbong hanggang sa pag tugon sa
suliranin. nakapaloob dito ang iba’t ibang katangian at konsepto ng globalisasyon. kalakip na din nito ang
mabuti at di-mabuting epekto ng globalisasyon. marapat na pagaralan natin ang globalisasyon upang nang sa
ganon ay may alam tayo tungkol dito at mas mapalawak pa ang ating kaalaman.

GLOBALISASYON

Ang globalisasyon ay ang pagpapatatag, pagpapalawak ng koneksyon at ugnayan ng mga bansa at kapwa
bansa. Magkakaiba ang pananaw at damdamin ng mga tao ukol sa globalisasyon. Ang pananaw ng ibang tao ay
ang globalisasyon ay nakatutulong ngunit sa kabilang banda, may iba pa din na ang pananaw ay nakakapinsala
ito. Sa pamamagitan ng globalisasyon, nagkakaroon ang mga tao na magkaroon ng interaksyon sa bawat isa. Isa
pang pagbibigay linaw kung ano ang globalisasyon ay ito ang pagtutulungan ng mga bansa upang mas
mapadali ang pakikipagkalakan at pagbibigay ng produkto at serbisyo ng bawat isa. Ang globalisasyon ay
mahalagang proseso ng pagtaas ng mga koneksyon sa pagitan ng mga merkado at negosyo sa mundo. Sa aking
pagsusuri, ang pinagmulan ng globalisasyon ay sa suez canal na eto ay nagbukas noong 1869 at ito ang
nagsilbing daan ng mga barko mula Europa papuntang asia. Ayon kay Immanuel Wallerstein na ang
globalisasyon ay kumakatawan sa tagumpay ng kapitalismo sa mundo. Si Wallerstein ay isang retiradong
propesor at dalubhasa sa mga pangyayari sa daigdig. Saad nya na ang globalisasyon ay ang paghahati hati ng
trabaho sa mundo. Ayon naman kay Anthony Giddens, isang sosyolohista, ang globalisasyon ay hindi lamang
penomenong pang-ekonomiya kundi isang panlipunang ugnayan ng mga pamayanan sa iba pang pamayanan sa
daigdig.

Iba’t ibang katangian ng globalisyasyon;

 Integration, ito ay tumutukoy sa pagsasama-sama ng iba’t ibang elemento upang maging isang bagay.
 De-localization, pagbabawas ng mga gawaing local at pag-usbong ng mga gawaing pandaigdigan
bilang kapalit nito.
 Pagsulong ng teknolohiya, mas napapadali ang globalisasyon sa pagkakaroon ng mga makabagong
teknolohiya ng komunikasyon sa mga malalayo at liblib na lugar
 Malawak na mobility, paggalaw ng mga prdukto o serbisyo at pagusbong ng komunikasyon upang mas
mapagaan ang buhay ng mga tao.
 Multinational Corporation, kompanyang nagmamayari ng mga capital sa mga bansa bukod sa
pinagmulang bansa. Nakapaloob dito ang;
 Outsourcing - pagkuha ng isang kompanya na may kaukulang bayad.
 Offshoring - pagkuha ng mga gawang produkto o pwersang manggagawa mula sa ibang bansa.
 Nearshoring - paraan ng outsourcing kung saan ang pinagkukunan ay nasa loob din ng bansa o
isang karatig na bansa.
 Onshoring - pagkakaroon ng pabrika o pwersang manggagawa sa ibang parte ng bansa.
 Produkto at serbisyo, pagkakaroon ng mabilis na paghatid ng mga produkto at serbisyo sa mga tao.
Tatlong konsepto ng globalisasyon;

 Privalization – pagsasapribado ng mga negosyo na hawak at pagma may-ari ng gobyerno.


 Deregulation - proseso ng pag-aalis ng mga reglamento, kontrol, at restriksiyon, ng pamahalaan sa
pamilihan upang pasiglahin ang kompetisyon.
 Liberalisasyon – kailangang baguhin upang maging Malaya ang kalakalan sa bansa.

Mabuti at di-mabuting dulot ng globalisasyon;

Mabuting dulot ng globalisasyon

 -Nakakatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng isang bansa


 -Pagdami ng trabaho
 -Pag-taas ng antas ng pamumuhay

Masamang dulot ng globalisasyon

 -Pinahihina nito ang pambansang soberanya ng isang banasa


 -Pinapalaki ang agwat ng mga mayayaman sa mga mahihirap.
 -Kumakaunti ang bilang ng mga middle class

Mahalagang malaman ng bawat tao na hindi lamang ang panahon ang patuloy na nagbabago kundi maging
takbo ng ating lipunan na kung saaan tayo ay nabibilang. Ito ay tinatawag na Globalisasyon. Sinasalamin nito
ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa. Ang globalisasyon ay
tinitignan bilang isang pangmalawakang integrasyon o pagsasanid ng ibat ibang prosesong pandaigdig. Ayon sa
article n aking nabasa ukol kay Thomas Friedman, kung ihahambing ang nagdaang panahon, ang globalisasyon
sa kasalukuyan ay higit na ‘malawak, mabilis, mur, at malalim’. Ayon sa kanyang aklat na pinamagatang “The
World is flat” na nailathala noong taong 2006, ‘any job-blue or white- collar that can be broken down into a
routine and transformed into bite and bytes can now be exported to other countries where there is a rapidly
increasing number of highly educated knowledge workers who will work for a small fraction of the salary of a
comparable American workers.
CRITICAL ANALYSIS
PAPER

IPINASA NI: MICHAELLA GARCIA RAYRAY

10-LAUREL

IPINASA KAY: TIFFANY AGON

You might also like