You are on page 1of 6

Ulat Tungkol sa Globalisasyon

Isang Ulat ni Jennifer Lou Porras


Ano ang Globalisasyon?
Sinasabing ang globalisasyon ay isa sa mga pangyayaring lubusan
nakapagbabago sa mga pamumuhay ng tao sa kasalukuyan mgunit kailan, o paano
nga ba nagsimula ang globalisasyon? At paano ba nito binago ang ating
pamumuhay?

Ang Globalisasyon ang prosesso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga


tao, bagay, impormasyon, at produkto sa iba’t-ibang direksyon nanararanasan sa
iba’t-ibang panig ng daigdig. Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang
higit na mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa. Itinuturing din ito bilang
proseso ng interaksiyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, companya, bansa, o
maging ng mga samahang pandaigdig, na pinabibilis ng kalakalang panlabas at
pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon. Sa mga kaisipang
nabanggit ang Globalisasyon ay tinitingnan bilang isang pangmalawakang
integrasyon o pagsasanib ng iba’t-ibang prosesong pandaigdig. Ngunit hindi ito
nangyayari sa lahat pagkakataon sapagkat may mga pangyayaring nakapagbagal
nito.
Tingnan natin ang terrorismo na isang hamong pandaigdig. Dahil sa
mabilisang ugnayan at migrasyon ng mga tao sa iba’t-ibang panig ng daigdig. Ang
terrorismo ay mabilis ding nakakapagdulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian,
at institusyong panlipunan.

Pinagmulan ng Globalisasyon

Suez Canal
Ito ay isang artipisyal na daanang tubig sa
Ehipto noong pang panahon ng lumang
Ehipto at palagiang muling itinayo. Isa sa
mga muling nagpatayo nito ay si
Ferdinand de Lesseps, isang Pranses.
Ang Suez Canal ay may habang
172KM. Ito ay Nagdurugtong sa dagat
Mediteranyo, Gulpo ng Suez, Dagat Pula,
at karagatang Indiyan. Sinimulan itong
ipinatayo noong Abril, 18 1859 at
natapus noong Nobyembre 17, 1869. Dahil sa Suez Canal napagdugtong ang
Europa at Asya at nagkaroon ang Transportation Revolution.
 Gunboat Diplomancy– ang paghihikayat sa isang estado na sumunod sa isa pang
estado sa pamamagitan ng pananakot gamit ang barkong pandirigma.

Ekonomiyang Pinagmulan ng Globalisasyon

 Naganap sa Gran Britanya ang Agricultural Revolution noong ika-18


hanggang 19 na siglo.
 Naganap din sa panahong ito ang Industrial Revolution bunga ng pag-unlad
sa agrikultura mula sa Inglatera na kumalat sa buong Europa.

Iba’t-ibang Pananaw at Konsepto


Sa Globalisasyon
Nagkaroon ng globalisasyon dahil kinilala ng mga bansa na hindi
sila mabubuhay nang walang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.

 Ayon sa World Bank at International Monetary Fund, lubos na mahalaga


ang pagtutulungan ng mga bansa upang umunlad. At ito raw ang pangunahing
layunin ng Globalisasyon.
 Ayon kay Immanuel Wallerstein ang Globalisasyon ay kumakatawan sa
tagumpay ng kapitalismo sa mundo.
 Ayon naman kay Anthony Giddens ang Globalisasyon ay hindi lamang
penomenong pang-ekonomiya kundi isang panlipunang ugnayan ng mga
pamayanan sa iba pang pamayanan sa daigdig.
 Integrasyon–pagsasama ng mga bansang may nagkakaisang hangarin upang
bumuo ng iisang pangkat ng mga bansa na magsusulon makamit ang
hangaring ito.
Mga halimbawa ng Intregrasyon;
 BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa)
 North America Free Trade Agreement (NAFTA)
—Canada, US, Mexico
 Union of South American Nations
 European Union
 ASEAN (Association of South East Asian Nations)

 De-localization–pagbabawas ng mga gawaing lokal at pagusbong ng mga


gawaing pandaigdigan bilang kapalit nito.

 Pag-sulong ng Teknolohiya–ito ay nagbukas ng daan sa mas maraming


possibilidad ng kalakalan at paggawa. Mas napapadali ang Globalisasyon sa
pagkakaroon ng mga makabagong teknolohiya na komunikasyon sa mga
malalayo at liblib na lugar. Sa tulong nadin ng teknolohiya, lumaganap ang
mga trabahong may kinalaman sa kaalaman o knowledge. At dito na
umusbong ang "Knowledge Economy.”
 Pagusbong ng mga Multinational na mga Corporation—isang kompanyang
nagmamay-ari ng mga assets o capital sa mga bansa maliban pa sa bansang
pinagmulan nito.
 Outsourcing—panhunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang
kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na
mahalaga.
2 Uri ng Outsourcing

1. Business Processing Outsourcing (BPO)—ay tumutogun sa processong


pangnegosyo ng kompanya.
2. Knowledge Processing Outsourcing (KPO)—nakatuon sa mga gawaing
nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng
pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon, at serbisyong legal.

Kung gagawin namang batayan ang layo ng distansya na pagmumulan ng


kompanyang siyang magbibigay serbisyo o produkto maaarong uriin ito sa
sumusunod:

 Offshoring—pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa isang bansa na


naniningil ng mas mababang bayad.
 Nearshoring—tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kumpanya sa
kalapit na bansa.
 Onshoring—tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan na
pagkuha ng serbisyo sa isang kompanya mula din sa loob ng bansa na
nagbubunga ng mahigit na mababang gastusin sa operasyon.

You might also like