You are on page 1of 2

NAME :_________________________

Grade 10 – St. Catherine of Siena

Araling Panlipunan 10
Lesson: Isyung Pang-ekonomiya
GLOBALISASYON
-Pagpapalawig, pagpaparami, at pagpapatatag ng mga koneksyon at ugnayan ng mga
bansa sa kapwa bansa, at bansa sa mga international organization sa aspekto ng
ekonomiya, politika, kultura at kapalaigiran
-Pagsusulong ng pandaigdigang kalakalan o nternational trade sa pamamagitan ng
pagbubukas ng mga pambansang hangganan at pagbabawas sa paghihigpit sa pag-angkat
ng mga produkto

Pinagmulan ng Globalisasyon
SUEZ CANAL
• Nagbukas noong 1869
• Nagsilbing short cut ng mga barko mula Europa at Asia.
• Transportation Revolution (Steam Engine, Steam Ships
• Dahil sa TR bumaba rin ang halaga ng pag- aangkat ng mga produkto.

Iba’t – ibang Konsepto at Pananaw sa Globalisasyon


• Nagkakaroon ng globalisasyon dahil kinikilala ng mga bansa na hindi sila mabubuhay
nang walang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
• Ayon sa WORLD BANK at INTERNATIONAL MONETARY FUND, lubos na mahalaga ang
pagtutulungan ng mga bansa upang umunlad. Ito raw ang pangunahing layunin ng
globalisasyon.
• Ayon naman kay IMMANUEL WALLERSTEIN, ang globalisasyon ay kumakatawan sa
tagumpay ng kapitalismo sa mundo. Ito raw ang pagkakahati-hati ng mga trabaho sa
mundo.
• Ayon kay ANTHONY GIDDENS, isang sosyolohista, ang globalisasyon ay hindi lamang
penomenong pang-ekonomiya kundi isang panlipunang ugnayan ng mga pamayanan sa iba
pang pamayamanan sa daigdig.

Iba’t-ibang katanginan ng Globalisasyon


INTEGRATION
• Tumutukoy sa pagsasam-sama ng iba’t-ibang elemento upang maging isang bagay. Ito ay
pagsasama ng mga bansang may nagkakaisang hangarin upang bumuo ng iisang pangkat
ng mga bansa na magsusulong makamit ang hangaring ito
• Halimbawa nito ay ang EUROPEAN UNION at ASEAN
DE-LOCALIZATION
• Ay ang pagbabawas ng mga gawaing lokal at pag-usbong ng mga gawaing pandaigdigan
bilang kapalit nito. Maraming mga gawain ang dati’y kailangan makaharap ng isang tao
upang maisagawa ang kailangan gawin, ngunit ngayon, higit na nabago ito habang
lumalawak at dumarami ang mga ugnayang pandaigdigan.
• Halimbawa nito ay ang mga BPO at pamimili ng mga produkto
PAGSULONG NG TEKNOLOHIYA
• Ang mga pagsulong sa teknolohiya sa larangan ng life science at digital technology ay
nagbubukas ng daan sa mas maraming posibilidad ng kalakan at paggawa.
• Mas napapadali ang globalisasyon sa pagkakaroon ng mga makabagong teknolohiya ng
komunikasyon sa mga malalayo at liblib na lugar.

1|Page
• Sa tulong na rin ng teknolohiya, lumaganap ang mga trabahong may kinalaman sa
kaalaman o knowledge. Umususbong ang “knowledge economy”.
PAG-USBONG NG MGA MULTINATIONAL CORPORATION
• Ito ay isang kompanyang nagmamamay-ari ng mga assets o capital sa mga bansa
maliban pa sa bansang pinagmulan nito.

OUTSOURCING
- sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang
bayad. Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang
mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga.
URI NG OUTSOURCING:
• Business Process Outsourcing (BPO) - na tumutugon sa prosesong pangnegosyo ng
isang kompanya
• Knowledge Process Outsourcing (KPO) - na nakatuon sa mga gawaing
nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik,
pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal.
• Kung gagawin namang batayan ang layo o distansya na pagmumulan ng kompanyang
siyang magbibigay ng serbisyo o produkto, maaaring uriin ito sa mga sumusunod:
• Offshoring - Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil
ng mas mababang bayad.
• Nearshoring - Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na
bansa.
• Onshoring - Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng
serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na
mababang gastusin sa operasyon.

MABILIS NA PAGHAHATID NG MGA PRODUKTO AT SERBISYO


• Isang katangian ng globalisasyon ay ang pagkakaroon ng mabilils na paghahatid ng mga
produkto at serbsyo sa mga tao.
• MAS MALAWAK NA MOBILITY
MOBILITY
- ay tumutukoy sa paraan ng paggalaw ng mga serbisyo, produkto, tao, komunikasyon at
transportasyon upang mas maging maginhawa at mabilis ang paggamit ng mga ito.
• Natutulungan ng mga ito ang pagpapabilis sa daloy ng komersyo sa isang pook.

Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon


• Hindi mapasusubalian ang impluwensiya ng globalisasyon sa buhay ng tao. Nagdala ito ng
mga pagbabagong nagpabuti sa ilang aspeto ng ating buhay ngunit kalakip din nito ang
mga suliraning kailangang harapin at bigyang katugunan • Narito ang ilang solusyon sa
pagharap ng hamon ng globalisasyon na isinasakatuparan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Guarded Globalization
• Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga
lokal na namumuhunan at bigyangproteksiyon ang mga ito upang makasabay sa
kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante.
HALIMBAWA:
1. pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa ibang
bansa.
2. pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunang lokal. Ang subsidiya ay
tulongpinansyal ng pamahalaan.

Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)


• Layunin nito na mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa
pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili upang sa
gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang interes ng mga negosyante kundi pati na rin
ang kanilang kalagayang ekolohikal at panlipunan.

2|Page

You might also like