You are on page 1of 19

Good morning

Grade-7 Students!
Prayer
O Jesus,
through the Immaculate heart of Mary,
I offer you my prayer, works, joys, and sufferings of this day
For all the intentions of Your sacred heart in union with the Holy Sacrifice of the mass
throughout the world and the reparation for my sins,
for the intentions of all my associates and in particular, for the intensions of the Holy
father for this month.
Amen
Lesson 3
Ang Konsepto ng Kabihasnan at ang
mga Katangian Nito
Ang sinaunang pamumuhay ng mga tao noon ay
payak lamang.
Ito ay dahil sa kanilang pamumuhay na nakadepende
sa kapaligiran kung saan sila naninirahan.
Ngunit hindi naglaon, habang ang mga tao ay may
mga natututunan mula sa kapaligirang kanilang
ginagalawan ay sumibol ang mga pamayanan na
naging sanhi ng unting-unti pag-unlad nito.
Isa sa mga natutunan ng mga sinaunang tao noon ay
ang makapagtanim ng sarili nilang pagkain.
Kaalinsabay ng pagkatuto na ito ay ang pagdami ng
bilang ng populasyon sa mga lugar kung saan mataba
ang lupa upang mapagtamnan ng mga makakain.
Kalimitan sa mga pamayanang sumibol ay nahulma sa
lambak-ilog dahil malaki ang kapakinabangan ng
tubig-tabang upang makapag-alaga ng mga hayop,
makapagtanim, makapagsaka, at makapag-ani ng
mga pananim.
Nang dahil dito, mas lumawak at mas umunlad pa
ang pamumuhay ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang
aspekto.
Konsepto ng Kabihasnan

Sa pag-unlad ng tao sa iba’t ibang aspekto, nagdulot ito ng mga


pagbabago.
Mula sa payak na pamayanan ay naging mga lungsod ito.
Mas naging komplikado ang pamamaraan ng pamumuhay ng mga
tao at hindi naglaon ay mas naging nakaaangat ang lipunan na
kanilang ginagalawan.
Ang mga sinaunang kabihasnan ay umusbong dahil sa pag-unlad
ng pamumuhay ng mga pamayanan.
Ang kabihasnan ay nagmula sa salitang-ugat na bihasa, na ang
ibig sabihin ay, “mayroong sapat na kasanayan.”
Ang kabihasnan ay tumutukoy sa mataas na uri ng pamumuhay
bunga ng pagiging bihasa ng mga mamamayan nito sa maraming
bagay.
Ibig sabihin, mayroon nang sapat na kasanayan ang mga
mamamayan sa pakikipag-ugnayan sa kanilang kapaligiran,
pagtatanim, at pag-aalaga ng hayop kung kaya’t hindi na nila
problema ang pagkain. Mayroon na ring sapat na kasanayan ang
ilang miyembro ng pamayanan sa pagkuha, paggawa, at paggamit
ng kasangkapang kahoy, tela, bato, palayok, at metal.
Samu’t sari ang naging kagamitan dahil sa kasanayang ito.
Katangian ng Kabihasnan
Karamihan sa mga iskolar ay sumasang-ayon na ang isang lipunan ay
maituturing na isang kabihasnan kung ang walong katangian sa ibaba ay
tinataglay nito.
1. may mga mauunlad na siyudad
Ang isang pamayanan o lipunan ay maituturing na kabihasnan kung ito ay
kinapalolooban ng mga mauunlad na siyudad. Ito ay ang lugar na may
malaking bilang ng tao, mga kabahayan, gusali, kalye o kalsada, at iba
pa.
Noon, ang kakayahang makapagtanim at makapag-alaga ng mga hayop
ay ang nagbigay-raan upang dumami ang suplay ng pagkain. Dahil may
alam na silang hanapbuhay at pagkukuhanan ng pagkain, ito ay
nagresulta ng paglobo ng bilang ng tao patungo sa mga mauunlad na
siyudad.
Katangian ng Kabihasnan
2. may sentralisadong pamahalaan
Ang lumalaking populasyon ng bawat lungsod ay bumuo ng
pamahalaan o ng isang sistema ng pagpapasiya para sa mga
pangangailangan ng mga mamamayan nito. Nagkaroon sila ng mga
pinuno na nagpapanatili ng kaayusan. Ang pamahalaan ay
nagsimulang mangasiwa ng mga negosyo o sa pagpapatakbo ng
mga lungsod.
Ang lahat ng kabihasnan ay may sistema ng pamahalaan na
tumutugon sa problema ng mga tao at gawing maayos ang
kanilang buhay. Sila ang gumagawa at nagpapatupad ng mga
batas, nangongolekta ng buwis, at nagpoprotekta sa mga
mamamayan nito.
Katangian ng Kabihasnan
3. may sistematikong relihiyon

Ang mga pinuno ng bawat relihiyon ay nagsasagawa ng mga


masalimuot na seremonyas o ritwal upang maging mapayapa ang
mga diyos na kanilang pinaniniwalaan at makasiguro ng
masaganang ani.

Nagsasagawa ang mga pari o pinuno ng mga ritwal sa mga templo


kapag nakararanas sila ng mga hindi magagandang pangyayari sa
kapaligiran.
Katangian ng Kabihasnan
4. may trabahong nangangailangan ng dalubhasang kasanayan
Habang lumalaki ang mga lungsod, tumataas naman ang
pangangailangan para sa mga dalubhasang manggagawa.

Ang pagpapakadalubhasa ay nakatutulong sa mga manggagawa


upang lalo pang mahasa ang kanilang mga kasanayan at maging
eksperto sa tiyak na gawain.
Katangian ng Kabihasnan
5. may antas o uri ng tao sa lipunan
Nang ang mga tao ay naging dalubhasa sa kani-kanilang trabaho,
tumaas ang kanilang antas sa lipunan at ang mga
pangangailangan nila.
Halimbawa, ang pangangailangan para sa isang may kaalaman o
may pinag-aralan na pinuno ng relihiyon ay mas iginagalang kaysa
sa isang walang alam na trabahador.
Ang mga tagapagpastol ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa pagpaparami ng suplay ng pagkain, gayundin
ang mga mason na kinakailangan sa pagpapatayo ng mga
impraestruktura.
Katangian ng Kabihasnan
6. may sistema ng pagsulat

Kinakailangan ang mga talaan upang mapanatili ang ulat sa mga


binibili at ibinebentang kalakal at ulat ukol sa pag-iimbak ng
pagkain.

Kailangan din ang sistema ng pagsusulat upang maitala ang mga


mahahalagang pangyayari sa bawat lungsod.
Katangian ng Kabihasnan
7. may mataas na kaalaman sa sining at arkitektura
Lahat ng kabihasnan ay may nahulmang kultura o mga
pamamaraan ng pamumuhay.
Ang isa sa mga ito ay ang pagkakaroon ng sopistikadong kaalaman
sa sining.
Ang sining ay paraan ng pagpapahayag sa anumang malikhaing
anyo katulad ng pagpipinta, arkitektura, panitikan, musika, at
iba pa.
Katangian ng Kabihasnan
8. may kahusayan sa paggawa ng pampublikong impraestruktura
Ang mga pampublikong impraestruktura ay tumutukoy sa mga
kalsada, dam, at iba pang estruktura na ipinagagawa gamit ang
pondo ng pamahaalan. Ang mga ito ay para sa publiko.

Bagama’t ang mga ito ay magastos, mapakikinabangan naman ng


pamayanan sa loob ng mahabang panahon.
Please answer all your
activities in Lesson 1.
.
Dominican Blessing
May God the Father bless us
May God the Son heal us
May God the Holy Spirit enlighten us
And give us eyes to see with,
Ears to hear with,
Hands to do the work of God with,
Feet to walk with and mouth to preach the word of salvation with
And may the angel of peace watch over us
And lead us at last by the Lord’s gift of the kingdom. Amen.

You might also like