Professional Documents
Culture Documents
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik (research proposal) sa mga
penomenang kultural at panlipunan sa Mountain Province.
1. Ito ay isang Psycholinguistic Guessing Game”, kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli
ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binabasa (Goodman, 1967).
KAHALAGAHAN NG PAGBASA
1. Napalalawak ang kaalaman ng tao.
2. Nakaiimpluwensiya ng personalidad.
3. Nalalaman ang iba’t ibang pangyayari sa buong daigdig.
4. Nagbubukas ito ng daan upang matuto sa iba’t ibang disiplina katulad ng pilosopiya, sikolohiya,
humanidades, mga likas na agham, agham panlipunan, kasaysayan, matematika, panitikan at
iba pa.
5. Nakikilala ang mga bantog na tao tungkol sa mga karanasan at mithiin.
6. Nakapapawi ng kalungkutan at nakatutulong sa paglutas ng suliranin.
Basahin!
Formative Assessment 1:
Sagutin ang mga tanong bilang paglalapat sa naunawaan mong kahulugan ng pagbasa.
1.Batay sa tekstong binasa, anong mensahe ang maaari mong ibahagi sa mga Kabataan tungkol sa
Begnas di Bauko?
2. Dapat bang panatilihin ng mga Kabataan ang kaugalian ng kanilang mga ninuno? Bakit?
3. May pagdiriwang ba sa inyong lugar na katulad ng begnas na hanggang ngayon ay isinasagawa?
1.Teoryang Bottom-Up
Tinawag ni Smith (1983) ang bottom-up na teorya sa pagbasa na outside-in o data driven sa
dahilang ang impormasyon sap ag-unawa ay hindi nagmula sa mambabasa kundi sa teksto. Ang
pagpapakahulugan sa binasa ay nasa huling yugto. Sa teoryang ito ang pag-unawa sa teksto ay batay
sa mga nakikita tulad ng mga salita, pangungusap, larawan, dayagram, tsart, grap at iba pang simbolo.
3. Teoryang Interaktib
Binigyang diin ng teoryang interkatib ang pag-unawa bilang isang proseso at hindi isang produkto.
Kasama ang mambabasa sa pagbibigay ng kahulugan.
4.Teoryang Top-down
Ang pagbasa ay nagsisimula sa isipan ng tagabasa dahil ang dating kaalaman niya ang
magpapasimula ng pagkilala niya sa teksto at kung wala ito, hindi niya mabibigyang-kahulugan ang
anumang babasahin.
1. Pag-unawang Literal
Nakapokus sa mga ideya at impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto. Ang mga kasagutan
sa mga tanong na literal ay ang simpleng pag-alala sa mga impormasyong nakapaloob sa binasa.
(Mga tanong na nasasagot ng sino, ano, kailan at saan).
2. Interpretasyon
Ang pag-unawa ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng pag-iisip. Ilan sa mga
kasanayan sa pagbasa sa kategoryang ito ay ang mga sumusunod: pagbibigay-kahulugan sa
tulong ng pahiwatig; pagkuha ng pangunahing ideya; paghihinuha; pagbibigay ng kongklusyon;
pagbibigay ng paglalahat; pagkilala sa sanhi at bunga; pagkilala ng pagkakatulad at pagkakaiba.
3. Mapanuring Pagbasa
Sa kategoryang ito, napahahalagahan ang kaangkupan, katiyakan at pagkamakatotohanan ng
impormasyong nakalahad sa teksto. Naihahambing ang kaisipang ipinahahayag sa teksto sa
tulong ng pamatayang pansarili, pamantayang galing sa guro, sa ibang tao at sa ibang babasahin.
4. Malikhaing Pagbasa
Sa kategoryang ito, gumagamit ang mambabasa ng kakaibang kasanayan sa pag-iisip na lagpas
sa antas at pag-unawang literal, interpretasyon at mapanuring pagbasa. Sa malikhaing pagbasa,
sinisikap ng mambabasa na makabuo ng bago o pamalit na solusyon sa inihain ng awtor.
Ang ating bansang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang tribu na may sariling pagkakakilanlan.
Tulad ng rehiyong Cordillera, ito ay binubuo ng mga pangunahing tribu. Ang kaalaman sa tawag sa
mga tribu at lokasyong kanilang kinaroroonan ay mahalagang malaman bilang mamamayan ng bansa.
Unahin natin ang tribung matatagpuan sa Mountain Province. Ang tribung Applai ay
matatagpuan sa kanlurang bahagi ng lalawigan. Sila ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Bauko,
Besao, Sabangan, Sagada, at ilang bahagi ng Tadian.
Ang tribung Balangao o tinatawag ding Baliwon ay nasa Silangang bahagi tulad ng Barlig,
Natonin at ilang bahagi ng Paracelis samantalang ang tribung Bontoc ay matatagpuan sa Bontoc at
Sadanga.
Ang tribung Kalanguya naman ay matatagpuan sa ilang bahagi ng Buguias, Hilagang bahagi
ng Kabayan at sa lalawigan ng Ifugao na matatagpuan sa mga munisipalidad ng Tinoc at Asipulo.
Ang tribung Ifugao ay ang mga Tuwali, Ayangan at Kalanguya; ang tribung Isnag, Isneg o
Apayao ay matatagpuan sa lalawigan ng Apayao, at ang tribung Kalinga ay matatagpuan sa lalawigan
ng Kalinga.
Ang tribung Tingguian o kilala rin sa tawag na Itneg ay karamihang matatagpuan sa Silangang
bahagi tulad ng Tubo, Luba, Manabo, Sallapadan, Bucloc, Daguioman, Malibcong, Licuan-Baay,
Lacub, Tineg, Lagayan, Danglas, Pennarubia, Boliney, Villaviciosa, Lagangilang, San Juan, San
Quintin, Langiden, San Isidro, Dolores at Pilar.
Ang mga tribung ito sa Cordillera ay may kaniya-kaniyang wika, pagpapahalaga, kaugalian, at
paniniwala na kanilang pagkakakilanlan. Ang pagkakakilanlang ito ay pamana ng kanilang ninuno at
impluwensiya ng kanilang kapiligiran.
A. Tekstong Impormatibo
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay naglalayong magbigay
ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad
ng sa mga hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan,
panahon, at iba pa.
Basahin!
MGA SAYAW AT MUSIKA SA CORDILLERA
Ang rehiyon ng Cordillera ay maraming mga katutubong sayaw at awitin tulad ng ibang rehiyon
sa ating bansa. Ang mga katutubong sayaw ay mula sa iba’t ibang tribu na bumubuo sa rehiyon. Ating
isa-isahing talakayin ang ilan sa mga ito.
Ang mga Tinguian sa Abra ay may sayaw na tinatawag na tadek inlaud, tadek lablabaan, at
pallo-ok. Ang tadek inlaud ay sayaw sa pagdiriwang ng mga Tinguian na nasa kapatagan, samantalang
ang tadek lablabaan ay sayaw sa pagdiriwang at panliligaw ng mga Tinguian na naninirahan sa
kabundukan. Noong unang panahon, ang pallo-ok ay sayaw sa panliligaw, isinasayaw sa kasal,
inagurasyon, at iba pang kultural na pagtitipon.
Ang mga Isnag naman sa Apayao ay may dalawang pangunahing sayaw na isinasayaw tuwing
may kasal. Tinatawag nila itong addo at talip.
Sa lalawigan naman ng Benguet, ang mga Ibaloi, Kankanaey, Kalanguya, Ikarao, at I-owak ay
mayroon ding mga sayaw na isinasayaw sa iba’t ibang pagdiriwang. Isa rito ay ang tayao na ang
musika ay tinatawag na ginalding, sinampulo o kadaring, at ang bendiyan na sayaw sa tagumpay.
Sayaw naman sa pagdiriwang sa Bakun ang tayao, tinaktakyad, linoo, o ginambuyao, at tallak.
Ang sayaw ng unggoy (monkey dance) at ginatili ay sayaw ng mga Kalanguya. Ang mga sayaw na ito
ay isinasayaw gamit ang apat na mga gangsa, walang solibao at takik. Sayaw naman sa Karao, ang
taychek, alashog, yadyaran, at sayaw ng paruparo.
Sa lalawigan naman ng Ifugao, tinatawag nilang pagaddut ang sayaw sa kasal ng mga
kadangyan o mayayaman at sa Kiangan ito nagmula. Ang isa pang sayaw sa kasal ay tinatawag na
hinggatot na isinasayaw sa bahaging Ayangan. Ang tawag naman sa kanilang ritwal, seremonyal, at
sayaw sa pagdiriwang ay dinuy-a na posibleng nagmula sa Lagawe at naibahagi sa Kiangan, Hingyon,
Banaue at Hungduan. Mayroon din silang sayaw sa lamay na tinatawag na bagibang. Mga lalaki ang
mga mananayaw at kamag-anak ng namatay ang sumasali sa sayaw. Samantala, sa Asipulo,
isinasagawa ang kulitag, isang ritwal na sayaw upang mailayo sa peste ang mga tanim.
Ang ballangbang o tallibeng ay paboritong sayaw ng mga matatanda dahil sa banayad nitong
tempo. Isinasayaw ito tuwing begnas, bayas, o iba pang mahahalagang pagtitipon sa komunidad.
Samantalang ang takik ay karaniwang sayaw na isinasayaw sa mga ordinaryong okasyon at sa dap-
ay ginaganap ang sayawan.
Sa lalawigan pa rin ng Mountain Province, ang tribung Bontoc ay may pangunahing mga sayaw
na tinatawag na inan-aninit (an anito or fairy dance). Ito ay pampinid na sayaw sa mga sayawang
sosyal upang maiwasan ang pagdinig ng mga mananayaw sa tugtog ng gangsa pagkatapos ng
okasyon. Ang sayaw ay paborito rin ng mga matatanda dahil sa banayad nitong tempo, kaaya-aya
nitong galaw, at dahil hindi sila madaling mapagod.
Sa mga ordinaryo pa ring pagtitipon, isinasayaw ang pattong at mamakar (war dance). Ang
pattong ay isinasayaw na walang mga mandirigmang naglalaban samantalang ang mamakar ay
isinasayaw na may mga mandirigmang may hawak na kalasag at iwinawasiwas ang sibat, at palakol.
Ang sayaw ay isinasagawa sa Samoki at mga karatig na pook bago ang panahon ng pagtatanim para
sa pagkakaroon ng masaganang ani. Ang mga sayaw sa sentral Bontoc ay isinasagawa sa ato o ator,
na siyang sentro ng lahat ng gawaing pangkomunidad.
Sa Silangang bahagi pa rin ng Mountain Province ay matatagpuan ang mga Balangao, Baliwon,
Madukayon, at Gaddang. Mayroon din silang mga sayaw na tinatawag na Patanggok, Tongatong, at
Turayan. Ang patanggok ay mula sa musical na instrumenting kawayan at ito ay tinutugtog ng mga
kalalakihan habang sinasamahan ang lalaking malapit ikasal papunta sa bahay ng kaniyang magiging
asawa. Ito ay isinasayaw sa paghiling ng magandang kapalaran, masaganang ani, at palakasin ang
mabuting samahan ng mga tao.
Ang tongatong ay katutubong sayaw ng mga Baliwon sa Paracelis. Ang katawagan ay galing
sa tubong musical na tinutugtog habang isinasayaw sa mga selebrasyon ng kasal, sa pagtanggap ng
mga bisita at iba pang okasyon. Gayundin ang turayan, ito ay sayaw sa panliligaw o sayaw sa kasal,
at pagkakasundo (peace-pact).
a. Ang isang uri nito ay pagbibigay ng kasingkahulugan ng salita o parehong kahulugan ng salita
tulad ng agos na kasingkahulugan ng daloy.
Basahin!
Wika ng I-Bauko
Maraming pangkat etniko sa ating bansa. Isa ang tinatawag na tribung Applai sa Mountain
Province. Ito ang mga Kankanaey na matatagpuan sa mga munisipalidad ng Bauko, Besao,
Sabangan, Sagada at Tadian. Kankanaey ang tawag sa kanila na siya ring tawag sa kanilang wika.
Ang kanilang wika, intonasyon, at kaugalian ay kanilang pagkakakilanlan sa iba pang pangkat etniko
sa nasabing lalawigan. Mayroon silang katawagan na may katumbas sa iba pang rehiyonal na wika.
Unahin natin sa katawagan nila sa katawan. Siki ang tawag nila sap aa, dapan sa
talampakan, mukmukling sa bukong-bukong; mukud sa sakong; butoy sab inti; upu o puyung sa hita;
kimut, tallang, talalang o kulangat sa puwet; laday sa ari ng lalaki; pagulung sa tuhod; lepyak sa
singit; puseg sa pusod; eges sa tiyan; siket sa baywang; gitang sa balakang; takeb, pagew o pagaew
sa dibdib; puke sa balikat; yekyek o gayyayyek sa kilikili; adpa sa palad; ima sa kamay; edge sa
likod; ledeng sa daliri. Kaya ang ledeng di ima ay daliri ng kamay, at ang ledeng di siki ay daliri ng
paa. Bagang sa leeg; tengnged sa batok; tamung o tamil sa pisngi; padanga sa baba; eng o eleng
sa ilong; inga sa tainga; mata sa mata; kiday sa kilay; kitung sa noo; tuktuk sa ulo at patang sa
mukha.
May mga katawagan ding tumutukoy sa iba’t ibang galaw ng katawan at ekspresyon ng
mukha. Simulan natin sa ekspresyon ng mukha. Lamiing para sa simpleng ngiti na hindi nakikita ang
ngipin; siyek para sa ngiti na nakikita ang ngipin; mansaliliyek para sa humahalakhak; gigik para sa
hagikgik; miyay para sa mukhang malungkot; misuut para sa simangot; at ngis-it para sa ngisi.
Sa gamit naman ng kamay: egen para sa hawak; tedek para sa pagturo gamit ang hintuturo
na maaaring malayo sa tinutukoy o inilapit ang hintuturo sa tinutukoy; keme para sa pananakit na
mas matindi kaysa sa paglamukos; puwak para sa paghahati gamit ang daliri; at lidilid para sat iris;
sudpak sa sampal; tipak o lipak para sa pananakit gamit ang palad na sa ulo tatama; at dusnog sa
suntok, pananakit gamit ang kamay na nakatikom at sa anumang bahagi ng katawan tatami.
Sa paggamit naman sa paa, gatin para sa tapak; daytak para sa tadyak; at kudtal para sa
sipa.
Sa panlasa naman, mansipet para sa mapakla o lasang nag-iiwan ng lasang makapal ang
dila; mansiyagat sa maanghang; manpait sa mapait o maraming asin; mannangis sa matamis; mam-
is o man-imis sa masarap at makuwait sa maaskad o parang lasa ng suha na hindi masyado ang
pagkahinog.
Sa amoy naman, manseng-ew ang tawag sa mabangong amoy gaya ng nalulutong kanin na
jasmin at milagrosa; manbangateg sa lasang hindi kasiya-siya; mangbungtut ang tawag sa amoy ng
bigas na matagal na naani o amoy ng damit na matagal na hindi nagagamit, silid o lugar na matagal
na hindi nabubuksan; man akuu sa mabaho; man-angbeb o man-angisu sa masangsang o amoy ng
parang panis na ihi.
May katawagan din sila sa mga kulay. Mankilat ang tawag nila sa puti, manngete sa itim, at
mangngadda sa pula.
Ang rehiyon ng Cordillera ay kilalang pinanggagalingan ng mga hinabing produkto. Ang mga
produktong ito ay maaaring hinabi sa pamamagitan ng paghahabing backstrap at paghahabing loom.
Nagiging madali ang paghahabi sa habihang treader dahil ang nag-aangat sa baras na
kinalalagyan ng mga sinulid ay mga pedal ng paa kaya mabilis ang pag-ikot ng kahoy na gulong kung
saan nakapulupot ang mga lubid ng pahaba. Sa ganitong paraan, ang proseso ng paghahabi ay
mabilis hindi tulad ng sa backstrap na kamay ang nag-aangat sa gatingting (patpat) na kinalalagyan
ng mga lubid.
4. Sanhi at Bunga. Ang uring ito ay nagpapakita ng kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at
ang kaugnay na epekto nito. Ito ay gumagamit ng mga panandang tulad ng dahilan, sa
kadahilanan, dahil, kung kaya, at upang.
Basahin!
Pag-momomma o Pagnganganga
5. Kahinaan at Kalakasan. Ito ang tekstong naglalahad ng positibo at negatibong kaugnay ng mga
pangyayari. Ito ay gumagamit ng mga panandang gayunpaman, ang mga kahinaan, mga
positibong dulot, dahil sa, bung ana, sa kabilang banda, at iba pa.
Basahin!
Ang Basura
Mahigpit ngang ipinatutupad ngayon ang hindi paggamit ng cellophane, plastic bag, straw,
plastic bottle, styro foam, at iba pang mga kaugnay na bagay para makaiwas sa pagdami ng
basurang plastic. Ito ay matapos ipasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlong
pagbasa noong 2017 ang House Bill 4348 na naglalayong tuluyan nang ipagbawal ang paggamit
ng mga plastic bag. Gayunpaman, marami pa ring negosyante ang patuloy na gumagamit sa mga
ipinagbabawal na plastic sa kanilang pagtitinda. Sa kabilang banda naman, nakababawas nang
Basahin!
Daw-es
Ang daw-es ay isang uri ng ritwal ng paglilinis sa duming bumabalot sa katauhan ng isang
tao dulot ng mga pangyayaring hindi kanais-nais. Ang sinaunang ritwal na ito ay isinasagawa ng
mga katutubo sa Kanlurang bahagi ng Mountain Province hanggang sa kasalukuyan. Isinasagawa
ang ritwal na ito sa paniniwalang ang anumang maling gawain o masamang pangyayari sa buhay
ay matigil at hindi muling mangyayari. Ito rin ay isinasagawa upang mailayo sa anumang
kapahamakan ang isang taong sumasailalim sa ritwal ng daw-es.
Ang mga taong sumasailalim sa ritwal ng daw-es ay yaong mga nabilanggo na lumabas
sa bilangguan; nagkasakit nang Malala na lumabas sa ospital; nakagawa ng krimen, sinadya man
o hindi; nakaligtas sa anumang uri ng aksidente; at nag-uwi ng patay mula sa isang bayan na
hindi kanais-nais ang sanhi ng pagkamatay. Ang mga nabanggit ay sumasailalim sa ritwal ng daw-
es upang makaiwas sa anumang masamang pangyayari.
Ang namatay naman mula sa ibang bayan sanhi ng aksidente, sakit, o pinaslang na iuuwi
sa kaniyang bayan sanhi ng aksidente, sakit, o pinaslang na iuuwi sa kaniyang bayan ay
kailangang sumailalim din sa ritwal bago iuwi sa pamilya o sa kaniyang tahanan. Ang ritwal ay
isinasagawa sa hangganan (boundary) ng karatig na lugar ng namatay. Sa hangganan isasagawa
ang ritwal upang hindi maipasok sa bayan ang hindi kanais-nais na sanhi ng pagkamatay. Kaya
sa sitwasyong ito, ang namatay at ang nag-uwi sa bangkay ay parehong sasailalim sa ritwal.
Mahahalagang
Pagkatuto
Ang tekstong impormatibo ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa isang paksa. Ang kaalamang
ito ay maaaring mga hakbang sa pagsasagawa ng isang proseso, paliwanag na sumasagot sa mga
tanong na “bakit” at “paano” tungkol sa isang penomeno, paggunita sa sunod-sunod na kaganapan sa
isang pangyayari, ulat tungkol sa isang paksa, o paglalarawan ng isang paksa. Ang isang tekstong
impormatibo ay naglalaman ng panimula, katawan, at kongklusyon. Bahagi rin ng katawan ng teksto ang
mga sangguniang ginamit. Ang tekstong impormatibo ay tekstong di-piksyon. Ito ay bunga ng maingat
na pananaliksik at hindi nakabatay sa sariling pananaw lamang o sa kathang-isip.
B. Tekstong Deskriptibo
Ang tekstong deskriptibo ay nagbibigay ng mga katangian ng isang tao, bagay, lugar, karanasan, o
pangyayari upang makabuo ng isang “imahen” sa isip ng mga mambabasa. Gumagamit ito ng malinaw
na mga salitang naglalarawan upang “makita” o “maranasan” ng mambabasa ang mga detalyeng nais
isalin ng teksto. Sa pamamagitan ng mga detalyeng nais isalin ng teksto. Sa pamamagitan ng mga
detalyeng pumupukaw sa limang pandama (paningin, pang-amoy, pandinig, panlasa, at pansalat),
nararamdaman ng isang tao ang isang bagay na para bang ito ay buhay. Nabubuo ang hitsura nito sa
kaniyang isip at tila aktuwal niya itong nararanasan. Pumapaloob ito sa kaniyang kamalayan. Lumilikha
ito ng “impresyon”.
Nagbibigay lamang ito ng mga tiyak na impormasyon batay sa pisikal o kongkretong katangian. Madalas
na ang ginagamit sa ganitong uri ng paglalarawan ay ang karaniwang salitang panlarawan. Dahil dito,
napakadaling mag-iba-iba ang mga katangian ng mga bagay-bagay. Ang uring ito ay hindi dapat Haluan
ng opinyon o damdamin ng naglalarawan. Ginagamit dito ang karaniwang pang-uri at pang-abay.
Basahin!
Ang Gangsa
Habang naglalakad, biglang napako ang kaniyang mga mata sa isang bilog na bakal na
kawangis ng isang plato na nakasabit sa dingding. Habang nakatingin sa bilog na bakal, biglang nag-
iba ang timpla ng kaniyang mundo at may dumagundong sa dibdib. Nakabibingi ang lakas. Palakas
nang palakas. Sa isang saglit pa ay may nag-aalimpuyong hangin ang humahatak sa kaniya para
lumapit sa nakasabit na bilog na bakal. Paglapit dito, nakita niya ang isang pamalong biglang
nagkapakpak at lumipad sa kanang kamay. Hindi niya namalayan, dumapo sa sentro ng bakal na bilog
ang pamalo at umalingawngaw ang tunog nito sa buong paligid. Ang alingawngaw ng tunog ay kiliting
nagpapaindak sa kaniya. Habang umiindak, nag-uumapaw ang galak sa kaniyang puso. May
nagdidikta sa kaniyang isipan. Isang tinig ang nagpahinto sa kaniyang pag-indak. Sa paglingon, isang
nakangiting tindera ang nagtatanong, “Sir, bibilhin ba Ninyo ang gangsa?”
Bigla siyang nagising sa waring mahabang pagkakatulog. Iginala niya ang paningin sa paligid.
Siya pala ay nasa palengke. Nanlaki ang mga mata sapagkat hawak-hawak niya ang ipinagbibiling
gangsa. Sa pagkakahawak sa gangsa ay parang nakikita niya ang ama na buong pagmamahal na
pinatutunog ang gangsa habang buong galing namang umiindak ang mahal na ina. Muli niyang narinig
ang tindera. “Bibigyan ko po kayo ng discount Sir. Maganda po ito. Kayo po ang unang nagpatunog
nito.”
“Oo, maganda. Talagang Maganda itong gangsa. Ngunit may gangsa na kami. Napakaganda
ang gangsa ni ama,” tugon at muli niyang isinabit ang gangsa.
Maluha-luha siyang lumayo sa tindahan. Naalala niya ang mga magulang na nagpalaki sa
kaniya. Matagal siyang hindi umuwi. Matagal na hindi umuwi sa nayong pinananahanan ng
pagdadamayan at simpleng pamumuhay ng mga tao. Payak ang pamumuhay ngunit doon niya
naramdaman ang tunay na kapanatagan ng kalooban.
Bumilis ang paglakad. Parang hinihigop siya ng tunog ng gangsa ng ama. Iisa ang nasa puso,
uuwi siya sa nayong sinilangan. Sabik siya sa ama at ina. Humihiyaw ang diwa at puso. Ibig niyang
marinig ang tunog ng gangsa ng ama. Ibig niyang mayakap at makita ang salibi ng inang nagsilang sa
kaniya. Hindi pa huli ang lahat. Ibig niyang ibahagi sa mga magulang ang karangyaang nakamit sa
tagal ng panahong inilagi sa lungsod.
Formative Assessment 2
PANANALIKSIK: KABANATA 2
Ang mga kaugnay ng literatura ay hindi lamang tumutukoy sa mga nakaraang pag-aaral na
isinagawa, gayundin ay nadaragdag ito ng makabagong impormasyon.
Karaniwang ang mga dyornal, mga magasin at pahayagan ang nakapaglalaan ng higit na ma
-kabagong impormasyon kumpara sa ilang mga batayang aklat. Ang mga kagamitang ito ay
nakapagdaragdag ng iskolatikong halagang pananaliksik.
a. banyagang pag-aaral
b. banyagang literatura
c. lokal na pag-aaral
d. lokal na literatura
Sa loob ng teksto, isulat lamang ang huling pangalan ng may –akda. Sa pagkilala ng
magkaibang pinagkunan namay parehong huling pangalan, isama ang kanilang inisyal sa apelyido
para sa kaukulang banggit.
Ilalahad ng kabanatang ito ang pangkalahatang larawan ng paksang pampananaliksik. Layunin ditong
ipakita ang mga nagawa o hindi pa nagagawang pananaliksik ukol sa suliranin at bigyang linaw ang
rasyonaleng teoretikal ng problema.
Madalas ay napaghahalintulad ang nanghihikayat at argumentatibo, subalit may mga tiyak na kaibahan
ang dalawang teksto. Sa paraang pahikayat, inilalahad agad ng awtor ang kaniyang sariling pananaw
at tinatangkang hikayatin ang mambabasa sa pamamagitan ng paghahain ng argumento na
nagpapatunay na tama ang kaniyang pananaw.
Ayon kay Aristotle, isang Griyegong pilosopo, mayroong tatlong sangkap ang panghihikayat: ethos:
logos: at pathos
ETHOS:
Ang tiwala ay mahalaga sa anumang usapin. Ang kredibilidad ng isang indibiduwal ay
nakasalalay sa kaniyang pagiging mapagkakatiwalaan sa salita at gawa.
Sa isang pananaliksik, mahalagang mapagkakatiwalaan ang mga sangguniang gagamitin.
Mahalaga ring may tiwala sa nananaliksik ang awdyens o mambabasa. Ang ethos ay
tumutukoy sa kredibilidad na maghain ng argumento o ng katotohanan.
Halimbawa, sa paghahanap ng mga impormasyon sa Internet, higit na mapagkakatiwalaan ang mga
impormasyon mula sa mga online database o opisyal na website ng prestihiyosong institusyon kaysa
mga blog ng hindi kilalang personalidad o komentaryo sa mga message board. Maging sa mga produkto
sa merkado, napakahalaga ng kredibilidad ng endorser para makapanghikayat ng mamimili. Ito ang
dahilan kung bakit may mga personalidad na nagiging tanyag sap ag-eendorso ng iba’t ibang produkto
dahil nakilala na ang kanilang pangalan at pagkatao bilang mapagkakatiwalaan at nasubok na ito sa
ilang pagkakataon.
Hindi naman kailangang maging eksperto upang magkaroon ng kredibilidad sa pagsusulat. Kailangan
lamang ay wastong nakagagamit ng mga angkop na sanggunian at naisusulat ang mga nakalap na
impormasyon nang consistent at tama.
LOGOS
Ang logos naman ay tumutukoy sa hikayat sa lohika. Ang mga lohikal na kongklusyon mula
sa mga pagpapasya ay nagmumula sa maprosesong paninimbang ng mga katotohanan at
estadistika. Ang mga argumentong pang-akademiko ay nakasalalay sa logos.
Halimbawa, hindi magiging masyadong matimbang kung sasabihin lamang na “Ang mga
kabataan ay hindi kontento sa demokrasya sa Pilipinas ngayon.” Samantala, higit na
paniniwalaan ang ganitong pahayag: “Ayon sa SWS Survey noong 1996, 55 porsiyento ng kabataan
noon ang nagsasabi na sila ay kontento sa lagay ng demokrasya sa Pilipinas, samantalang 45 porsiyento
ang hindi kontento.”
Bilang isang mananaliksik, dapat na mangalap ng mga datos na magpapatibay ng iyong mga pananaw
at hinuha. Kung magiging ganito ang iyong pagpapahayag, ang paraan ng panghihikayat mo sa iyong
mambabasa ay sa paraan ng lohika o logos.
Basahin!
“Paglilibot sa Kyoto” Ni Romulo P. Baquiran
Masaya tumira sa Japan. May mga bagay na pangarap lamang sa Pilipinas pero dito, ordinaryo
lang. Halimbawa sa pagkain, masarap talaga. Huwag lang kuwentahin sa piso at baka ayaw mo nang
gumasta. Paano ba naman ang saging na P5.00 sa atin dito ay P50. O iyong mansanas mahal din
kumpara sa bagsak-presyo ng Divisoria.
Tiyak na mapapansin ng mga bagong salita ang koleksiyon ng basura dito sa Japan. Maayos
at laging nasa oras dalawang beses isang linggo. Sa Project 6 kasi, tuwing Miyerkules lang ang dating
ng mga trak ng basura. Kailangan alerto ka sa busina kundi matetengga ang basura mo nang isang
linggo, at malamang pagpiyestahan iyon ng mga uod.
Sa Sabado ng gabi naman, walang mintis ang karaoke ng mga kapitbahay. Durog ang mga
tutuli mo sa lakas ng patugtog. Walang ganyan sa mga kapitbahayan sa Japan. Magtataka ka nga
bakit napakatahimik ng mg kapitbahay mo at pati mga aso ayaw kumahol. Hahanapin ng tainga ang
mga nakakatuwang awayan at bungisngisan. Pero sa ngayon, enjoyin muna ang katiwasayan.
Sa ilang lugar na napasyalan ko, nagustuhan ko ang Kyoto. Ang japanophile na si Donald
Keene doon tumira nang matagal. Hindi raw nagbago ng pangalan ang mga kalye sa loob ng 800 taon,
kaya kapag binasa mo ang mga historya ng mga shogun, masusundan mo ang mga dinaanang ruta
ng mga Ashikaga sa lungsod. Talaga namang makikita ang sinauna at moderno sa Kyoto.
Napakaraming shrine, templo, hardin at museo. Napakarami ring izakaya (kainan) at mga club.
Mainam na galugarin ang Kyoto sa paglalakad lamang. Ginawa ko ito minsan mula sa istasyon ng
Kawaramachi papunta sa MoMAk o Museum of Modern Art. Beinte minutos na paspas na lakad lang
ito sa tabing ilog at kalye Kawabata. Mabuti na lang at tumpak ang mapa at natunton ko agad ang
museo. Itinatanghal noon ang koleksiyon ng Amerkanong pintor na si James McNeill Whistler, isang
kakontemporanyo ni Juan Luna sa huling bahagi ng siglo 19. Sa palagay ko, napili ng curator si
Whistler sa kaniyang pagka-japanophile. Ang daming manonood na nagbayad ng P700 (Y1500).
Pero sulit naman dahil napakaproduktibo nitong pintor. Nagustuhan ko ang kaniyang mga etching na
nagpapakita ng eksenang ilog Thames ng London. Pero kahit pinuri siya ni Monet, sa palagay ko,
mas magaling pa rin si Luna.
Napuntahan ko din ang Nijo Castle at napahanga ng humuhuning sahig. Tumutunog kasi ang
mga tabla sa bawat hakbang mo. Hindi pang-aliw ang mga ito kundi panghuli daw sa mga ninja na
pumupuslit sa kastilyo para saktan ang shogun. Nanghingi ng pasensiya ang voice over sa isang
seksiyon ng kastilyo na nagpapakita ng mga pintura. Biruin mo, kinagabihan, nakilala ko
sa izakaya ang isang pintor. Sabi niya, siya raw ang nagre-restore ng mga painting. Pagkakataon nga
naman. “Talaga?” na lang ang nasabi ko.
Mahahalagang Pagkatuto
Ang tekstong persuweysib ay nag-aanyaya sa isang tao na maniwala sa isang kaisipang
isinusulong, sumunod sa isang tiyak na pagkilos, maramdaman ang isang partikular na
damdamin, o gawin ang isang desisyon. Sinisimulan ito sa isang pahayag na nagpapakilala ng kaisipang
“ibinebenta” ng may-akda. Ito ay pumupukaw ng damdamin at lalong nagpapataas ng interes ng mga
mambabasa habang umuusad ang teksto. Direkta itong nangungusap sa mga mambabasa. Mahalaga
rin sa isang tekstong persuweysib na kilalanin ang mga mambabasang pinaglalaanan ng teksto upang
maiayon sa kanila ang isinusulat at lalong makuha ang kanilang loob.
Isang uri ng teksto na naglalahad o nagsasalaysay ng mga pangyayari o kaganapan ang tekstong
naratibo. Kaya naman, maituturing na tekstong naratibo ang maikling kuwento, kasaysayan, talambuhay,
at iba pang mga tekstong naglalahad ng mga kuwento.
Makikita sa isang tekstong naratibo ang sistematiko at maayos na paglalahad ng mga datos. Layunin
ng tesktong ito na magpahayag ng mga pangyayari nang may maayos na pagkakasunod-sunod at
kung maaari ay sa hindi kabagot-bagot na pamamaraan upang mahuli ang atensiyon ng mambabasa.
Layon din nitong makapaglinaw ng paksa sa pamamagitan ng pagdedetalye.
1. Impormal na Pagsasalaysay
- Maaaring ang nagsasalaysay ay iniisa-isa ang mga detalye sa paraang nagnanais na
makapagbigay ng sapat na detalye sa isang nagsusuri. Sa pagkukuwento, dalawang paraan
ang maaaring magamit.
b. Ikalawa, maaari ang paggamit ng panimula papunta sa wakas ng ikinukuwento. Ito ang
maaaring pinakasimpleng paraan ng pagkukuwento sapagkat nagsisimula sa kung saan
talaga ang panimula at magtatapos sa kung saan talaga ang katapusan. Tinatawag din itong
inductive.
2. Magaang Basahin
Sa tulong ng retorika o ang masining na paraan ng pagsusulat, nagiging magaan ang paraan ng
pag-intindi sa isang tekstong masasabing naratibo. Gumagamit ang tekstong ito ng mga salik sa
madaling nauunawaan ng mga bumabasa o sumusuri. Ilan sa mga salik na ito ng gramatiko, ang
pagpili ng mga wastong salita, estilo, o maging ang mga pagpapakahulugan ng mga simbolo.
3. Nagtataglay ito ng panimulang mga detalye na taglay ng isang paksa na nagsasaad kung anong
uri ito ng tekstong naratibo na nagbibigay rin ng isang matibay na pagwawakas o konklusyon.
May ilang estratehiyang magagamit upang makapaglahad nang mabisa sa tekstong naratibo. Una na
rito ang pagkukuwento nang may tamang pagkakasunod-sunod. Maaaring gumamit ng mga pahayag na
nagsasaad ng panahon at ng ugnayan ng mga ito, tulad ng mga pahayag na una, ikalawa, ikatlo…;
sunod, tapos; kahapon, ngayon, bukas; samantala; sa susunod, at iba pang katulad ng mga ito. Maaari
din namang magbanggit ng mga petsa upang maipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Isa pa ring estratehiya sa mabisang paglalahad ay ang pagpapakita ng ugnayan ng sanhi bunga. Sa
tekstong naratibo, inilalahad ang mga pangyayari at ang epekto o resulta nito. Kung sistematiko, malinaw
at may wastong ayos ang paglalahad ng mga pangyayari ay agad makikita ng bumabasa ang ibinunga
ng mga pangyayaring inilalahad. Gayundin, mababakas ng bumabasa ang sanhi ng isang pangyayari sa
pamamagitan ng mga inilahad na datos.
Basahin!
Sangbu
Salaysay ni Luis Badongen
Isinulat ni Janet B. Mede
Walang imik ang ina. Wala siyang naisagot sa katanungan ng umiiyak at kaawa-awang anak
na si Basut.
Sinabi niya na lamang kay Basut na huwag na huwag lalabas ng bahay para hindi siya nakikita.
Isang araw, habang ang mga magulang at kapatid ay nasa bukid, naisip ni Basut na maligo sa
ilog. Lumabas siya ng bahay at nagpunta sa ilog. Nakita niyang maraming taong naliligo at lumalangoy.
Nagtago muna sab utas na malapit sa malaking bato para hindi siya makita, pero bago siya
makapagtago ay nakita siya ng isang binata.
Dali-daling pumasok sa butas na malapit sa malaking bato si Basut kaya nakaligtas siya sa
mahabang itak ng binata.
Ganoon palagi ang buhay ni Basut. Palaging nagtatago dahil kung may nakakikita sa kaniya
ay hinahabol kaya maraming pagkakataon na muntik nang mapatay.
Isang gabi, kinausap niya ang kaniyang mga magulang at kakambal. Sinabing mas Mabuti
kung pumunta siya sa gubat at doon na manirahan at mamuhay kasama ang mga hayop na katulad
niya at magkaroon ng kalayaan.
Hindi sumang-ayon ang mga magulang ni Basut sa kagustuhan niyang mangyari, pero
pumayag na rin sila sa kundisyong madalas ang pag-uwi sa kanilang bahay.
Lumayo si Basut, nagtungo sa kagubatan. Ilang buwan ang lumipas ngunit hindi umuwi si Basut
kaya’t naisip ng amang puntahan siya sa gubat at sabik na sabik na silang makita si Basut.
Nagtungo nga ang mga magulang ni Basut sa gubat. Doon, nagpapalitan ang mga magulang
ni Basut sa pagtawag sa kaniya ngunit hindi pa rin nagpapakita si Basut.
Umuwi ang mga magulang ni Basut na labis ang kalungkutan. Nawalan na sila ng pag-asang
muling makita pa si Basut. Pinaniniwalaang baka pinatay siya ng kapwa-hayop o taong nakakita sa
kaniya.
Sa pangyayaring iyon, sinisi ni Allaniw ang kanilang mga magulang dahil sa pagpayag nila sa
kakambal na pumunta sa gubat.
Isang gabi, may kumatok sa pinto sa bahay nina Basut. Binuksan ng ama ni Basut ang pinto.
Labis ang tuwa ng kaniyang ama nang makita si Basut at may kasama. Masayang-masaya ang
pamilya dahil ang pinaniniwalaang patay na si Basut ay buhay pa pala at ang kasamang umuwi ay
kaniyang asawa.
Sinabi ni Basut na mayroon silang walong mga anak na sa lalong madaling panahon ay
papasyal din sa kanila. Ang magiging palatandaan para malamang sila nga ang mga anak nito ay
tutungo sila sa dap-uwan (fireplace) kung pumasok sila sa kanilang tahanan. Iyan nga ang
napagkasunduan nila bago nagbalik sa gubat sina Basut at ang asawa.
Maraming taon ang nakalipas mula noong umuwi sina Basut at ang kaniyang asawa sa
kanilang tahanan pero walang pumasyal na mga anak ni Basut sa kanila. Apat na rin ang mga anak ni
Allinaw.
Isang araw, may isang ahas na pumasok sa bahay nina Allinaw at diretso ito sa dap-uwan.
Naalala niya ang sinabi noon ng kakambal na si Basut na kung may papasok na ahas sa kanilang
bahay at nagtungo sa dap-uwan, iyon ay anak niya.
Masayang-masaya nga si Allinaw noong nakita niya ang ahas na tumungo sa dap-uwan.
Tinawag niya ang kanilang mga magulang.
Dumating ang kaniyang mga magulang at sabay-sabay silang lumapit sa ahas na nasa dap-
uwan. Ipinakilala ni Allinaw sa bunsong anak na pinsan niya ang ahas. Pagkatapos ng pagpapakilala,
hahawakan sana ng bata ang ahas nang biglang tuklawin ang kamay ng bunsong anak ni Allinaw.
Kinagabihan, namatay ang bunsong anak ni Allinaw dahil sa tuklaw ng ahas na inaakalang
anak ni Basut. Labis ang kanilang kalungkutan. Sinabi ni Allinaw na talagang ahas ang kapatid kaya
isinumpa niya sa sariling papatayin niya si Basut o maging sinuman sa kaniyang mga anak para
maipaghiganti ang bunsong anak na namatay.
Sa gubat, nagkasakit si Basut. Inutusan niya ang dalawa niyang anak na pumunta sa kanilang
tahanan para ipaalam ang kaniyang kalagayan. Ibinilin sa dalawang anak na kapag pumasok sila sa
kanilang bahay ay tutungo sila sa dap-uwan.
Iyon nga ang ginawa ng dalawang anak ni Basut. Nagtungo sila sa dap-uwan.
Hustong-husto naman na ang nadatnan nila sa bahay ay ang Tito nilang si Allinaw. Nagtaka
na lamang sila noong makita sila ng kanilang Tito ay nag-iba ang mukha niya. Dali-daling nagtungo sa
sugusugan at kinuha ang itak. Natakot ang magkapatid sa nakitang reaksyon ng Tito Allinaw nila.
Habang nilalapitan sila ng kanilang Tito na nanlilisik ang mga mata, naghahanda na rin silang
umalis palabas. Pero bago sila makalabas ng bahay, nataga ni Allinaw ang isang ahas samantalang
ang isa ay nakaligtas.
Umuwi sa gubat ang nakaligtas na anak ni Basut na takot na takot at hingal na hingal. Sa
nakitang hitsura ng anak ay parang nawala ang sakit ni Basut lalo na noong isinalaysay ng anak ang
nangyari.
Galit nag alit si Basut pagkatapos marinig ang salaysay ng anak. Tinawag ang asawa’t mga
anak at sinabing sasalakayin nila ang kaniyang kapatid. Sinabi niyang ipaghihiganti niya ang
pagkamatay ng isa niyang anak. Ang poot na naramdaman ni Basut sa pagkamatay ng anak ay katulad
din ng naramdaman ni Allinaw noong namatay ang kaniyang anak.
Hating-gabi nan ang makarating sina Basut sa bahay nila. Malakas ang pagkatok ni Basut sa
pinto. Ang dali-daling nagbukas ng pinto ay ang kanilang ina.
Si Basut ang unang nagsalita. Tinanong sa ina kung bakit pinatay ni Allinaw ang isa niyang
anak. Nanginginig ang boses ng kanilang ina at mangiyak-ngiyak na tinawag si Allinaw sa kanilang
silid.
Lumabas si Allinaw. Paglabas niya sa silid, nakita niya si Basut, ang asawa at mga anak nito.
Sumigaw siya. Sinabi niyang ahas talaga si Basut dahil pinapunta niya ang anak upang patayin ang
kaniyang bunsong anak.
Pagkarinig ni Basut sa pahayag ng anak, bumaling siya sa kakambal at sinabing siya ang tunay
na ahas. Nanginginig ang boses.
Nagsalita ang kanilang Ina. Sinabing totoong namatay ang bunsong anak ni Allinaw dahil
tinuklaw ng ahas na bumisita sa kanila.
Pagkarinig sa sinabi ng ina, sina Basut, ang asawa at mga anak ay nagtinginan.
“Iyan ang anak mong pumatay sa anak ko!” Sabay-turo ni Allinaw sa ahas na nasa dap-uwan.
“Hindi ko anak yan! Walo ang anak ko at kasama ko ngayon ang pito. Ang isa’y pinatay mo.”
Tugon ni Basut na gumagaraldal ang boses.
Ganoon nga ang nangyari. Isang pagkakamaling buhay ang kapalit. Buhay ng walang
kamuwang-muwang na mga anak.
Hindi anak ni Basut ang ahas na nagtungo sa dap-uwan na tumuklaw sa anak ni Allinaw. Sa
pangyayaring iyon, muli silang nagkaroon ng bagong kasunduan.
Kung may pupuntang ahas sa kanilang bahay ay kakatay sila ng manok o kaya ay baboy at
tatawagin nila itong sangbu. Kung naisagawa nila ang sangbu at pagkalipas ng mga araw o mga taon
ay may yayaman na kapamilya o kamag-anak ni Allinaw, ang bumisitang ahas ay kapamilya ni Basut.
Formative Assessment 3:
Mahahalagang Pagkatuto
Ang tekstong naratibo ay nagsasalaysay o naglalahad ng kuwento. Ang tekstong
naratibo at ang maikling kuwento ay may pagkakahawig sa mga sangkap nito – kapuwa may
mga tauhan, tagpuan, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, wakas, at kung minsan,
maging aral. Ang ipinagkaiba lamang ng dalawang ito ay di-piksyon ang una samantalang piksiyon
naman ang ikalawa. Sa pagsulat ng tekstong naratibo, dapat magsimula sa pagpukaw ng kawilihan ng
mga mambabasa, sunod ay paglatag ng mga sangkap ng kuwento, at pagkatapos ay pagbigay ng tesis
na pangungusap. Sa pagsulat ng mismong katawan, sa halip na gumamit ng mga pangkalahatang
paglalarawan ay dapat magbigay ng espesipikong mga detalye upang mas maiparanas sa mga
mambabasa ang mga pangyayari. Dapat ding magbigay ng mga karanasan bilang mga suportang
ebidenisiya. Dapat gumamit ng mga salitang nagpapahiwatig ng lohikal na pagdaloy o transisyon ng oras
at tiyakin ang maayos na transisyon ng talataan. Sa huli, dapat tapusin ang salaysay sa isang
magandang kongklusyon.
Ang Tekstong Argumentatibo ay uri ng tekstong naghahayag ng mga punto, kuro, saloobin, at opinyon
nang tahas at sa matalas na pamamaraan upang maiparating sa mambabasa ang paninindigan ng
manunulat. Ang paninindigang ito ay maaaring panig o hindi-panig sa isang isyu o paksa. Argumento
ang tawag sa mga pangangatuwirang ipinahahayag upang maipakita ang kamalian o kawastuan ng isang
ideya o kilos. Ang mga pahayag na tulad nito ang ginagamit sa tekstong agrumentatibo upang makatindig
sa isang panig ng isyu.
May himig na pangungumbinsi ang tekstong argumentatibo kaya’t naiuugnay ito nang madalas sa
tekstong nanghihikayat. Gayunman, ang tekstong argumentatibo ay naghahayag ng matitibay na mga
suportang detalye batay sa mapagkakatiwalaang sanggunian upang mabigyang-katuwiran ang
argumento o paninindigan ng teksto. Samantala ang tekstong nanghihikayat ay hindi nangangailangang
parating batay sa mapagkakatiwalaang sanggunian ang nilalaman. Halimbawa, ang mga detalye sa mga
materyal sa pangangampanya ng isang politico ay maaaring gawa-gawa lamang niya o kung mula man
sa tunay na pangyayari ay maaaring eksaherado niya itong ipinahahayag. Ginagawa niya ito dahil ang
tanging layunin niya ay himukin ang bumabasang botante na iboboto siya, Ang isang tekstong
argumentatibo ay hindi maaaring basta na lamang bumuo ng hindi tunay na datos sapagkat upang
maiparating ang panindigan, kailangang masuportahan ito ng mga mapagkakatiwalaan at matibay na
detalye. Layunin niyang maihayag ang kaniyang panig at kung possible ay pumanig din sa kaniya ang
mambabasa.
Hindi mo makikita si Ama Buldung sa kanilang bahay dahil sa num-a (bukid) siya nakatira mula
nang namatay ang kaniyang asawa. Kahit gabi ay ginagawa niyang araw para hindi magutom ang
kaniyang apat na mga anak na puro lalaki.
Dahil sa nakikita ng mga anak ni Ama Buldung na kasipagan ng kanilang ama, nagpakasipag din
sila sa kanilang pag-aaral. Bunga nito, lahat sila ay nakatapos ng kanilang kurso at nagkaroon ng
magandang trabaho.
Nagsisimula ang ganitong pangangatwiran sa isang panlahat na kaisipan patungo sa hihimaying maliliit
na detalye o katotohanan. Layunin nitong makabuo ng isang pangkalahatang pahayag sa tulong ng mga
impormasyong ibinabahagi.
1. Sapat na Katibayan – matibay ang panghihikayat kung may sapat na mga patunay at katibayan.
2. Pagsang-ayon sa Opinyon sa bagay na ipinagmamatuwid – ang tao bang nagbigay ng opinion
ay kilalang awtoridad sa lawak ng paksang ipinagmamatuwid.
3. Tiyak na Pangangatuwiran – hindi dapat maligoy at paulit-ulit ang pagmamatuwid. Ang isang
naghihikayat ay dapat na mag-angkin ng sumusunod na katangian, katapatan, pagtitiwala sa
sarili, paggalang, pagpapakumbaba, kahinaan, talas ng isip, kakayahang tumanggap o
nagpapahalaga sa malinis na biro.
Basahin!
Kilalanin
Ni Janet B. Mede
“Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo, iluluwa kapag napaso.” Ito ang salawikaing madalas
marinig sa mga matatanda. Ito ay para sa ating lahat upang pagpasiyahan kung kailan ba o hindi
kailangan ang mahabang panahon ng pagkikilala o ang sinasabi sa wikang Ingles na engagement
bago magpakasal ang dalawang taong nag-iibigan.
Talagang kailangan ang mahabang panahon ng pagkikilala bago magpakasal ang magkasintahan.
Una sa lahat, makikilala mo nang lubusan ang iyong nobya o nobyo habang tumatagal ang inyong
pagsasamahan. Mabibigyan ka nang sapat na panahon upang tuklasin ang tunay mong damdamin
kung tunay na pag-ibig ba ang iyong nadarama.
Ani kaya ang mangyayari kapag kasal na kayo at isang araw ay matutuklasan mong hindi mop ala siya
tunay iniibig? Ano kaya ang iyong gagawin kapag matuklasan mong may un apala siyang pinakasalan?
Na hindi ka niya tunay na minamahal at ikaw ay panakip-butas lamang? Ano kaya kung siya pala ay
isang drug addict, lasenggo, iresponsable o may itinatagong malubhang karamdaman? Kung kayo ay
may mga anak, hihiwalayan mo ba siya at magkakaroon ng trumatikong karanasan ang inyong mga
anak, o mananatili ka sa kaniyang piling at magdurusa habambuhay? Masasagot ang mga
katanungang ito at maliligtas ka sa mga nabanggit na mga sitwasyon kapag nakilala mong lubusan
ang iyong pakakasalan. Magkakaroon ng masayang tahanan ang mga anak kapag nagmamahalan,
may respeto at may tiwala sa isa’t isa ang kanilang mga magulang.
Hindi masama ang magkaroon ng kasintahan habang nag-aaral o habang nagtatrabaho at nag-iipon.
Ang sinasabi rito ay huwag magmadaling magpakasal. Bigyan ninyo ang mga sarili ninyo ng
pagkakataong makatapos ng pag-aaral, maghanda at magplano. Nagiging kalugod-lugod ang buhay-
dalaga o buhay-binata habang nag-iipon at pinaghahandaan ang pagkakaroon ng pamilya. Sabi nga
nila, ang tagumpay ay bunga ng mahusay na paghahanda.
F. Tekstong Prosidyural
Ang tekstong prosidyural ay isang anyo ng paglalahad na nagbibigay ng direksiyon o tuntunin upang
maisagawa ang isang bagay o gawain. Ito ay naglalayong makapagbigay ng sunod-sunod na hakbang
para sa tama at maayos na pagkompleto ng isang gawain. Mahalagang ang paggamit ng angkop na mga
salita sa pagsulat ng isang tekstong prosidyural. Kailangang tumpak ang paglalarawan ng mga hakbang
upang madaling maunawaan ng magsasagawa ang mga ito.
Maituturing na isang mabusising paraan ang pagbuo ng isang prosidyur, daan upang maging batayan
ito tungo sa pananaliksik. Sa pagbuo ng isang prosidyur, nangangailangan ito ng isang sistemang may
tiyak na layuning makabuo ng isang konsepto. Kailangang maging maingat sa pagbuo ng mga
panuntunan at dapat nakasandig sa layon ng katotohanan ang anumang prosidyur na ginagawa o
binubuo.
Basahin!
Bakkay
Mga Sangkap:
1. Ang karaniwang sangkap ay bigas na nabayo, bawang, tubig, at asin.
2. Maaari ring mais na nabayo sa halip na bigas at kung gusto nilang lagyan ng sili ng labuyo para
pampaanghang, karne at alimasag.
Paraan sa Paggawa:
Pagkalipas ng isang buwan, ang bakkay ay maaari nang gamitin sa pagluluto ng dinengdeng. Ang
bakkay na mas matagal na nagawa ay mas matapang kahit kaunti lang ang ihahalo sa dinengdeng.
PANANALIKSIK: KABANATA 3
METODOLOHIYA
Ang kabanatang ito ay naglalayon na maipaliwanag atmailahad ang mga paraang ginamit ng mga
mananaliksik upangmabigyang katuparan ang layunin ng pag-aaral.
Tinatalakay nito ang uri ng pananaliksik na ginamit (deskriptiv, analitik, eksperimental, case study,
comparative, evaluative at iba pa.)
II. Populasyon
Tinatalakay nito ang lawak o sakop ng bilang ng populasyon, ang sample size.
III. Respondante
Tinatalakay nito kung sino ang respondante – ang kanilang deskripsyon, profile, ilan, bakit at paano
sila napili.
Inilahad dito ang mga bahaging nakapaloob sa instrumento (talatanungan) maging ang
pakikipanayam na isinasagawa.
Inilahad dito ang hakbang na isinasagawa – kung paano at bakit ginawa ang bawat hakbang.
Inilahad ang mga istatistikal na paraan ng gamit sa paglalarawan ng mga numero o “figures” ay
ginagawa rito upang ang numerical na datos ay mailarawan. Kumukunsulta sa mga Statistician sa
bagay na ito upang matanto ang uri ng statistics na dapat gamitin sa pag-aaral.
Formative Assessment 4:
Sanggunian:
Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Manila
Philippines: REX Book Store.
Mede, J. (2020). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Sta. Ana,
Manila : Aklat at Dunong Publishing, Inc.
Reyes, A. (2019). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Legaspi
Village, Makati City, Philippines.