You are on page 1of 9

DE LA SALLE LIPA

INTEGRATED SCHOOL
LEARNING MODULE

TEACHER: Mrs. R. Beltran, Mrs.Ellen Tapalla, Mrs. Jelyn Bril YEAR: Baitang 7 SUBJECT: FILIPINO
UNIT Title: Mga Bulong, Awiting Bayan, Tulang Panudyo, Tugmang de gulong, Palaisipan, QUARTER: Una No. of Class Days:
Mito, Alamat, Kuwentong bayan at Gramatika

CONTENT STANDARD PERFORMANCE STANDARD RELATED LGPs


Naipamamalas ng mga mag-aaral Ang mga mag-aaral ay nakakukuha 1. Challenge the learners to realize their full potential.
ang pag-unawa at pagpapahalaga sa ng mga komprehensibong datos 2. Bring Christian perspective to bear human understanding, skills and values of the learners.
mga akdang pampanitikan ng mula sa estado ng iba’t ibang uri ng 3. Are dynamic and encourage differentiation, and synergy amongst learners that are fraternal, caring, and
Pilipinas gamit ang wastong enerhiya na ginagamit sa loob ng respectful.
gramatika. 4. Ensure that the learners translate knowledge into something useful in actual practice for the betterment of
paaralan.
society and the church.
5. Prepare the learners to participate responsibly in the work, family, community, nation and church.

CONTENT:
Ang mga bulong, awiting bayan, tulang panudyo, karunungang bayan, mito, alamat at kuwentong bayan ay mga katutubong panitikan na kinagigiliwan ng mga matatanda, at maging ng
mga bata na nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng paraang pasalita. Samantala, kaalinsabay ng makabagong teknolohiya, ang panitikan ay patuloy paring umuunlad at
ginagamit, gayundin ang pag-usbong ng iba pang uri nito tulad ng mga tugmang de-gulong. Ito ay pare- parehong nagtataglay ng mga mahahalagang kaisipang maaaring kapulutan ng ginintuang
aral sa buhay. Nakatutulong ito sa mga mag-aaral upang matamo ang mapanuring pag-iisip sa isang kritikal na pagbabasa at pag-unawa sa iba’t ibang genre ng panitikan. Ang iba’t ibang uri ng
panitikan ay makatutulong din upang makatugon sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-unawa, pagbasa, pagsasalita, pag-iisip at pagsulat upang matamo ang kahusayan sa
pagbibigay patunay, posibilidad, panghihikayat, paghahambing, paghihinuha at pagpapahalaga sa iba’t ibang antas ng wika . Naibibigay din ang kanilang pagpapasya sa iba’t ibang sitwasyon sa
buhay, kalinangan sa mga katangiang moral, ispiritwal at napapayaman ang kaalaman at karanasan na hahamon na mag-isip, magpasiya at lumikha ng makatotohanan sa pagsasabuhay ng isang
tunay na Lasalyano.

STAGE 1: ESTABLISHING DESIRED RESULTS


TRANSFER GOAL OVERARCHING ENDURING UNDERSTANDING (EU): OVERARCHING ESSENTIAL QUESTION(S):
Sa pagtatapos ng pag-aaral sa yunit na ito, ang Maunawaan ng mga mag-aaral na masasalamin sa mga bulong, awiting Bakit mahalagang pag-aralan ang mga panitikan tulad ng
mga mag-aaral ay inaasahang makabuo ng bayan, tulang panudyo, karunungang bayan, mito, alamat, kuwentong bayan, mga bulong, awiting bayan, tulang panudyo,
isang panghihikayat na nagpapakita ng at tugmang de-gulong ang pag-uugali, paniniwala at magagandang asal na karunungang bayan, mito, alamat, kuwentong bayan, at
kahalagahanng kultura, mamamayan at makatutulong sa paghubog ng pagkatao ng isang indibidwal. tugmang de-gulong?
relihiyon ng Mindanao at upang maiangat at Ang panitikan ay lunsaran ng isang pag-aaral sapagkat ito ay nagbibigay Bakit mahalaga ang paggamit ng tamang
maipagmalaki ang kultura ng rehiyon ng depinisyon, naglalahad sa anyo ng buhay; naglalarawan at nagtutunggali sa gramatika/retorika?
Mindanao at likas na yaman gamit ang angkop mga imahen ng tao sa relihiyong kinabibilangan. Nagbubukas ito ng
SY 2016-2017 1
na gramatika.(for revision) kaalaman kung paano umunlad at dumating sa yugtong kasalukuyan ng
buhay kaya’t nagkakaroon ng ugnayan ang panitikan at taong namumuhay
ditto. Kung walang teksto, walang daigdig, kung walang kaalaman at TOPIC EQ
mangyari pa, walang kabihasnan o sibilisasyon na matugunan ang mga salik Paano nakaaapekto sa panitikan ang pag-uugali,
sa pag-unlad ng bansa gamit ang wastong salita at sangkap sa pagsulat sa paniniwala at/o pamumuhay ng isang rehiyon/lugar?
pagpapayaman ng wikang Filipino.

TOPIC EU
Nakikita ang kultura at kasaysayan ng bawat lugar sa panitikan sa
pamamagitan ng masinsinang pag-unawa sa nilalaman nito at
paghihimay-himay sa bawat detalyeng nakapaloob dito.

KNOWLEDGE PROCESS ATTITUDES


1. Nabibigyang kahulugan ang sumusunod: 1. Mapahalagahan ang damdamin ng bawat isa.
a. bulong 2. Makatulong sa pag-angat ng kultura ng Mindanao.
b. awiting bayan 3. Maipagmalaki at mapahalagahan ang kultura ng iba’t
c. tulang panudyo ibang rehiyon.
d. karunungang bayan 4. Matutunan ang kahalagahan ng iba’t ibang uri ng
e. mito panitikan sa buhay ng tao at sa kanyang
f. alamat pakikipagkapwa.
g. kuwentong bayan 5. Mapahalagahan ang mga anyo ng panitikan
h. tugmang de-gulong alinsunod sa isang payak, ngunit malinaw na
2. Nakapagbibigay / nakapagpapahayag ng mga kasaysayang pampanitikan ng Pilipinas.
sumusunod:
a. patunay
b. posibilidad
c. paghahambing
d. iba’t ibang antas ng wika
3. Nakapag-uugnay /nakagagamit /ng mga sumusunod:
a. patunay
b. posibilidad
c. paghahambing
d. iba’t ibang antas ng wika

STAGE 2: ASSESSMENT EVIDENCE


SY 2016-2017 2
PRODUCT OR PERFORMANCE

GRASPS NARRATIVE OF PERFORMANCE OR TRANSFER TASK

ASSESSMENT TOOLS
Performance/Product Rubric
(see attached copy of the rubric criteria)

RELATED FACET(S) OF UNDERSTANDING


PAGPAPALIWANAG: Nakapagpapaliwanag ng mga kaisipan hinggil sa kwentong bayan, pabula, epiko, maikling kwento at dula
INTERPRETASYON: Nakapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa mga simbolismo at pangyayaring nakapaloob sa iba’t ibang uri ng panitikan
PAGLALAPAT: Nakagagawa ng isang promotional flyer gamit ang wastong gramatika alinsunod sa pamantayan
PAGBUO NG SARILING PANANAW: Nakapaglalahad ng saloobin hinggil sa isang sitwasyon
PAGDAMA AT PAG-UNAWA SA DAMDAMIN NG IBA: Nakapagpapahayag ng damdamin o emosyon batay sa iba’t ibang uri ng panitikan
PAGKILALA SA SARILI: Nakauugnay ang mga mag-aaral sa mga tauhan ng kwentong bayan, pabula, epiko, maikling kwento at dula at nakatutuklas sa sariling kalakasan at kahinaan
OTHER EVIDENCES
Markahang Pagsusulit, Resitasyon, Pagsasanay

STAGE 3: LEARNING PLAN FLOW


OBJECTIVES: (see KSA columns on stage 2)
Procedure Activities/Assessments
I. INTRODUCTION ORYENTASYON
A. Motivation Activity A. Ilalahad ang mga panuntunan sa pag-aaral ng asignaturang Filipino.  Pagsagot sa EQ
B. Introduction of Essential Question B. Maaaring magbahagi ng komento at suhestyon ang mga mag-aaral sa mga panuntunang  Pre Test (F)
C. Eliciting Prior Knowledge inilahad.
D. Presentation of the unit topic C. Pasasagutan sa mga mag-aaral ang tanong na “Paano nakaaapekto sa panitikan ang pag-
E. Explanation to the students that the knowledge uugali, paniniwala at pamumuhay ng isang rehiyon?”
and skills that they will acquire and understand D. Maiksing talakayan hinggil sa sagot ng mga mag-aaral.
will prepare them to do the transfer tasks at the E. Pagsagot sa Pretest
end of the unit. F. Presentasyon ng Unit Topic
G. Tatalakayin ang Learning Competencies/CAPSTONE.
II.
III. INTERACTION SELEBRASYON NG BUWAN NG WIKA
A. Discussion 1. Ang mga mag-aaral ay manonood ng bidyo tungkol sa kahalagahan ng wika (Wika ng Tres
B. Scaffolding of students’ progress on the Marias).
SY 2016-2017 3
following: Patnubay na tanong:
 Conceptual development and answer to the a. Ano ang napansin sa napanood hinggil sa wika?
EQ using A-M-T. b. Kayo ba ay naniniwala sa mensaheng nakapaloob dito? Patunayan.
 Progressive skills development and transfer c. Isa-isahin ang mga salitang tumatak sa inyong isipan mula sa napanood na
using GRR. bidyo.
2. Magkakaroon ng bahaginan ang mga mag-aaral (Think-Pair-Share)
3. Matapos ang maikling bahaginan sa pares, maaaring magbahagi ang mga mag-aaral ng
kanilang mga napag-usapan.
4. Magkakaroon ng pagpoproseso ang guro sa kahalagahan ng gamit ng wika.
5. #SEKSYONARYO
Ang gawaing ito ay isasagawa ng mga mag-aaral sa Baitang 7 bilang paggunita sa
selebrasyon ng Buwan ng Wika na may temang: “Wikang Filipino: Wikang Mapagbago. Ang
mga mag-aaral ay inaasahang
a. makagawa ng isang salitang naaayon sa kanilang henerasyon;
b. mabigyang buhay muli ang mga salitang hindi na gaanong nagagamit sa
kasalukuyan;at
c. mapahalagahan ang gamit ng wikang Filipino, sa anumang antas ito
nabibilang.
Sa gawaing ito, ang mga mag-aaral ay maaaring pumili ng gagawin mula sa mga
sumusunod:
a. bumuo ng isang salitang nais
bigyan ng sariling termino (hal. Pera – “aman”) at bibigyan ng kahulugan
batay sa sariling kagustuhan.
b. pumili ng isang salitang nais
paikliin at ibigay ang pinaikling anyo nito (hal. Aywan – ewan).
c. magbigay ng salitang
lalawiganin na madalas naririnig sa komunidad.
d. magsaliksik ng isang salita sa
disyunaryong Filipino na sa palagay mo’y di na nagagamit sa kasalukuyan
na nais bigyang buhay muli.
e. magbigay ng isang salitang
madalas mong naririnig na ginagamit ng isang mag-aaral/gurong taga-La
Salle.
Ilalagay ang kasagutan sa isang malinis na short white bond paper. Bawat awtput na nagawa
ng mag-aaral ay ipapaskil sa labas ng kanilang silid-aralan para sa paggunita ng Buwan ng
Wika.

SY 2016-2017 4
ANTAS NG WIKA
1. Magpaparinig/panood ng dalawang awitin ang guro na may parehong mensahe na may
magkaibang barayti ng wikang ginamit.(awiting bawal na gamot at bawal sa gamot)
2. Magkakaroon ng paghahambing sa dalawang awiting napakinggan.

Awit Wikang ginamit Mensahe ng awit

3. Pasasagutan ng guro ang mga katanungang nakalaan sa pamamagitan ng diad session:


Mga katanungan;
a. Nagkaroon ba ng pagkakaiba sa wikang ginamit? Tumukoy ng mga pagkakaiba.
b. Saan lugar o situation ninyo naririnig ang mga salitang nabanggit?
c. Nabibigyan ba natin ng lebel ang salita nating ginagamit sa uri ng lugar o situastyong
pinaggagamitan?
4. Pangkatang Gawain: Ang klase ay hahatiin sa apat. Bawat pangkat ay maghahanda ng isang
presentasyon batay sa paksang nakaatas sa kanila
Paghahati ng Gawain: Ang bawat pangkat ay magpapakita ibat ibang situation kung saan
madalas nagagamit ang wikang nakaatas sa kanilang pangkat.
Unang pangkat: wikang balbal
Ikalawang pangkat: wikang kolokyal
Ikatlong pangkat: wikang lalawiganin
Ika-apat na pangkat: wikang pambansa
Ikalimang pangkat wikang pampanitikan
5. Habang ang mga mag- aaral ay nakikinig sa paglalahad ng bawat pangkat, pupunan nila
ng mga salitang bago sa kanilang pandinig ang kolumn;

Balbal Kolokyal lalawiganin pambansa pampanitikan

KAHULUGAN/KAHALAGAHAN/URI NG PANITIKAN
1. Ang mga mag-aaral ay susulat ng isang pangungusap batay sa kung ano ang nararamdaman
nila sa araw na ito.
SY 2016-2017 5
2. Ibabahagi ang mga nabuong pangungusap sa mga kamag-aral.
Patnubay na katanungan:
a. Matapos mong ibahagi sa kamag-aral ang iyong pangungusap, ano-ano ang mga reaksiyong
iyong nakuha mula sa kanila?
b. Ano ang naging epekto ng kanilang mga reaksiyon sa iyo?
c. Maari bang mabago ang iyong isinulat batay sa kanilang mga reaksiyon? Bakit?
3. Bahaginan ng mga kasagutan.
4. Sa kani-kaniyang mga munting pisara, gagawa ang mga mag-aaral ng isang concept map
batay sa kanilang sariling kaalaman sa PANITIKAN.
5. Ipoproseso ng guro ang kasagutan ng mga mag-aaral.
6. Tatalakayin ang Kahulugan/Uri/Kahalagahan ng Panitikan.

BULONG
Magpapaskil ng mga larawan ng gamot.
1. Base sa inyong mga karanasan, nakatutulong ba ang mga nasa larawang ito sa inyo? Sa
paanong paraan.
2. Ang guro ay magbibigay ng sitwasyon: Kung sakaling napadpad kayo sa malayong lugar na
walang anumang botika o pagamutan at nakaramdam kayo ng masamang pakiramdam ano ang
inyong gagawin?
3. Magkakaaroon ng maikling talakayan hinggil sa kanilang kasagutan.
4.Susuriin ng mag-aaral ang ilang halimbawa ng bulong batay sa nilalaman at layunin nito.
Halimbawa:
Tabi-tabi po.

TULANG PANUDYO
“Nasubukan mo na bang mang-asar o asarin ng iyong kamag-aral?”
1. Mula sa katanungan, magbabahagi ang mga mag-aaral ng sariling karanasan.
2. Batay sa bahaginan, bibigyang kahulugan ang tulang panudyo.
3. Susuriin ng mga mag-aaral ang mga halimbawa nito at bibigyan ng sariling
interpretasyon.
4. Susulat ang mga mag-aaral ng sariling bersyon ng Tulang Panudyo.
5. Magbabahaginan ng tula.
6. Sa pagtatapos ng aralin, pag-uusapan sa klase ang kahalagahan ng tulang panudyo at
ng mabuting pakikipag-kapwa tao.

SY 2016-2017 6
TUGMANG DE GULONG

PALAISIPAN

AWITING BAYAN
Pakikikinggan ang awiting may pamagat na “Lumang Tugtugin”.
Sasagutin ang mga tanong/ gawin:
1. Pumili ng isang linya sa awit na napakinggan na iyong sinang- ayunan at isa din linya na di
mo sinang-ayunan.
2. Pumili ng kamag-aral na nais mong bahaginan ng iyong sagot.
3. Mula sa napag-usapan pipili ang guro ng magbabahagi sa klase/ habang ang iba naman ay
magtatanong ng mga bagay na di naging malinaw sa talakayan.

4. Pagtalakay sa ibat ibang uri ng Awiting Bayan:


Tatlong beses na pangkatan:
Unang beses:
Magkakaroon ngkanya kanyang talakayan ang 6 na pangkat ayon sa uri ng awiting bayan
Ikalawang beses:
Sa pangalawang pagkakataon ng pangkatan, ibabahagi naman ang nalaman sa pangkat na
pinagmulan.
Ikatlong beses:
sa pangatlong pagkakataon pipili ang mga mag-aaral ng nais makausap hingil sa mga nais
bigyang linaw sa mg naunang pangkatan.
5. Magkakaroon ng paglalahat ang guro sa katapusan ng aralin.
6. bilang paglalagom gawain ang 3-2-1 technique.
a. Tatlong bagay na aking nalaman_____________________.
b. Dalawang bagay na naging interesado ako________________.
c. Tanong na naiwan sa aking isipan_____________________.

PAHAYAG NA NAGBIBIGAY NG PATUNAY


1. Magpapaskil ng mga halimbawa ng awiting bayan at bulong.
*Batay sa mga halimbawa, sa inyong palagay, anong klaseng pag-uugali ang mga Pilipino
noon?
*Nakikita pa ba sa ngayon ang mga pag-uugaling ito? Patunayan.
2. Iisa-isahin ng mga mag-aaral ang pahayag na nagbibigay ng patunay na ginamit mula sa
SY 2016-2017 7
talakayan gamit ang mga uri ng pananda;
a. paghahalintulad
b. pagpapangkat ng mga aytem
c. pang-ugnay
3. Bilang paglalagom gamitin ang “ one minute paper technique” upang sagutin ang
katanungan; Sa anong pagkakataon mo madalas nagagamit ang mga pahayag na
pagpapatunay?

ALAMAT/KUWENTONG BAYAN/MITO
1. Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang ibahagi sa klase kung saan nagmula ang
kanilang pangalan.
*Naging Masaya ka ba sa iyong pangalan? Bakit?
Kung mabibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang iyong pangalan, ano ito at bakit?
2. Ang mga mag-aaral ay pipili sa mga sumusunod ng nais gawin (Tic/Tac/Toe technique):

Isulat ang buod ng Isulat ang buod ng alamat Isulat ang buod ng mito
kuwentong bayan
Paghambingin ang mga Paghambingin ang mga Paghambingin ang mga
alamat/kuwentong alamat/kuwentong alamat/kuwentong
bayan/mito batay sa tauhan bayan/mito batay sa paksa bayan/mito batay sa tagpuan
Gamit ang mga ekspresyon Ibigay ang kahalagahan ng Gumuhit ng isang bagay na
ng Posibilidad o mga mito/ kuwentong bayan/ maiuugnay mo sa mga mito/
Paghihinuha, gumawa ng alamat sa paghubog ng kuwentong bayan/ alamat
sariling pangungusap pagkatao
kaugnay sa paksang
nakapaloob sa mga binasang
akda

3. Ipapagkat ang mga mag-aaral batay sa kanilang napiling gawain.


4. Magkakaroon ng bahaginan sa loob ng 3 minuto, bawa t pangkat ay pipili ng isa o dalawang
magbabahagi sa klase.
5. Bilang paglalagom, ang mga mag-aaral ay pipili sa mga sumusunod ng na gawain:
a. sumulat ng isang alamat/kuwentong bayan/mito sa anyong” comic strip”
b. paghahambing ang mga napanood na alamat/kuwentong bayan/mito ayon sa mga elemento
nito.
c. gumawa ng isang Graphic Organizer na nagpapakita ng ugnayan ng tradisyon o paniniwala
SY 2016-2017 8
ng mga Pilipno at ng mga panitikan tulad ng alamat, kuwentong bayan at mito.

IV. INTEGRATION
A. Concept Mapping Post Test pagkatapos ng PT.  Post Test (S)
B. Reflecting on Big Ideas and Enduring
Understanding
C. Doing the Performance Task
D. Reflecting of Lasallian Guiding Principles

SANGGUNIAN: Julian, Aileen B. et. al. Pluma7. Phoenix Publishing House.2015. Print
Peña, Estrella L. et. Al. Sikhay I, EPHESIANS Publishing Inc.2012. Print
Marquez, Servillano T. Jr., PhD, Pintig ng Lahing Pilipino. Sibs Publishing House
INTERNET: www. google. com at www. yahoo. com

SY 2016-2017 9

You might also like