You are on page 1of 24

BOHOL WISDOM SCHOOL

TAGBILARAN CITY
CURRICULUM MAP
FILIPINO 8
GNG. MA. WINDA T. LIM
(Guro)
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
UNANG MARKAHAN

PALIPAT NA TUNGUHIN
Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan ay inaasahang makagawa ng isang “mini newsletter” bilang proyektong panturismo.

G –Makagawa ng mini newsletter


R - Kasapi ng Municipal Youth Council
A – Provincial/ Municipal Tourism Office
S – Ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Oriental Mindoro
P – Mini newsletter
S – Kayarian, Nilalaman, Kaayusan at Kalinisan, Pagkakalahad

NARRATIVE:

Ang PTO ay naglunsad ng isang programang panturismo na naglalayong ipalaganap ang Panitikang Pilipino. Ikaw ay kasapi ng Municipal Youth Council at
kayo ay inatasan na gumawa ng mini newsletter at ito ay itatampok sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Oriental Mindoro. Ito ay mamarkahan batay sa
sumusunod na pamantayan: Kayarian, Nilalaman, Kaayusan at Kalinisan, Pagkakalahad

MUNGKAHING GAWAIN:

1. Flyers
2. Photo Collage
3. Photo Exhibit/Photo Gallery
4. Komiks
IKALAWANG MARKAHAN
PALIPAT NA TUNGUHIN

Ang mga mag – aaral sa kanilang sariling kakayahan ay inaasahang makalikha ng orihinal na awit upang maipahayag ang pag-ibig sa sariling bayan.

G – Makalikha ng sariling awit


R - Kasapi ng Teatro Realismo
A – Mga mag-aaral ng iba’t ibang paaralan
S – Ika-25 taon ng ABS-CBN
P – Sariling Awit
S – Orihinalidad, Nilalaman, Musicality, Kaangkupan sa Tema
NARRATIVE:
Bilang pagdiriwang ng ika-25 taon ng ABS-CBN, ang pamunuan ay nag-aanyaya sa mga kabataang manunulat na magsumite ng sariling awit para sa
kanilang Station ID na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan. Ang mapipiling komposisyon ay huhusgahan batay sa:
Orihinalidad, Nilalaman, Musicality, Kaangkupan sa Tema.

MUNGKAHING GAWAIN:
1. Sabayang Pagbigkas
2. Madulang Pagtatanghal
3. Pagsasagawa ng fliptop
4. Pagbuo ng Biopoem
IKATLONG MARKAHAN

PALIPAT NA TUNGUHIN

Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan ay inaasahang makabuo ng isang MTV na may kinalaman sa mga akdang popular sa Pilipinas.

G – Makabuo ng isang MTV


R - OPM Artists
A – PMI Board of Directors and Officers
S – Ika-50 taon ng pagkakatatag ng PMI
P – MTV
S – Kaangkupan ng Musika, Kalinawan ng Mensahe, Orihinalidad, Kahusayan sa Pagganap
NARRATIVE:

Ang Philippine Music Industry ay magdaraos ng ika-50 taon ng pagkakatatag. Kayo ay kabilang sa OPM Artists na lilikha ng sariling MTV na tatalakay sa
kamalayang panlipunan. Ito ay huhusgahan sa mga sumusunod na pamantayan: Kaangkupan ng Musika, Kalinawan ng Mensahe, Orihinalidad, Kahusayan
sa Pagganap

MUNGKAHING GAWAIN:
1. Pagbuo ng awitin
2. Pagtatanghal ng dula
3. Infomercial
IKAAPAT NA MARKAHAN
PALIPAT NA TUNGUHIN

Ang mga mag-aaral sa kaniyang sariling kakayahan ay inaasahang makabuo ng isang radio broadcasting hinggil sa pagkakaiba ng panitikan sa Panahon ni
Balagtas at sa kasalukuyan.

G – Makabuo ng isang radio broadcasting


R - Radio Broadcaster
A – National Historical Commission, Tagapakinig
S – Ika-100 taong kaarawan ni Francisco Balagtas
P – Radio Broadcast
S – Nilalaman, Presentasyon, Organisasyon at Mekaniks

NARRATIVE:

Sa pagdiriwang ng ika-100 taong kaarawan ni Francisco Balagtas, ang National Historical Commission ay naglunsad ng isang programa sa radio na
naglalayong gunitain ang kanyang kahusayan sa larangan ng panitikan. Bilang radio broadcaster, ikaw ay nakatalagang magsahimpapawid ng balita hinggil
sa pagkakaiba ng panitikan sa Panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan. Ito ay huhusgahan gamit ang sumusunod na mga pamantayan: Nilalaman,
Presentasyon, Organisasyon at Mekaniks.

MUNGKAHING GAWAIN:

1. Pakikipanayam
2. Pananaliksik
3. Masining na Pagkukuwento
4. Pagsulat ng Iskrip
UNANG MARKAHAN

PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAMANTAYAN SA PALIPAT NA MGA KASANAYAN SA PAGKATOTO


NILALAMAN PANGNILALAMAN PAGGANAP PAGPAPAHALAGA TUNGUHIN

YUNIT I Ang mga mag-aaral ay… Ang mga mag-aaral ay Ang mga mag-aaral ay Ang mga mag- Ang mga mag-aaral ay…
SALAMIN NG KAHAPON inaasahang… magiging… aaral sa
Pang-unawa sa napakinggan:
BAKASIN NATIN Naipamamalas ang mag-aaral kanilang
NGAYON ng pag-unawa sa mga akdang Makabubuo ng isang Responsable at sariling  Nahuhulaan ang mahahalagang kaisipan
pampanitikan sa Panahon ng makatotohanang proyektong makatotohanang manunulat kakayahan at sagot sa mga karunungang-bayan.
PANITIKAN: mga Katutubo, Espanyol at panturismo. (writer). ay…  Nailalahad ang sariling pananaw sa
Hapon. pagiging makatotohanan/di
 Karunungang- Makagawa ng makatotohanan ng mga puntong
bayan(Salawikain, isang “Mini binibigyang-diin sa napakinggan.
Sawikain, Kasabihan) Newsletter.”  Nakikinig nang may pag-unawa upang:
 Alamat  Mailahad ang layunin ng napakinggan
 Epiko  Maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay
 Tula (kabilang ang ng mga pangyayari.
Haiku/Senryu ng Hapon)  Naibabahagi ang sariling opinyon o
 pananaw batay sa napakinggang pag-ulat.
GRAMATIKA:
 Paghahambing Pag-unawa sa Binasa:
 Pang-abay na  Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang
Pamanahon at Panlunan nakapaloob sa mga karunungang-bayan
 Mga Eupemistikong sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
Pahayag kasalukuyan.
 Mga Hudyat ng Sanhi at  Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat batay
Bunga ng mga Pangyayari sa mga element nito.
 Mga Pahayag sa pag-  Napauunlad ang kakayahang umunawa sa
aayos ng Datos binasa sa pamamagitan ng paghihinuha
batay sa mga ideya o pangyayari sa akda
at dating kaalaman kaugnay sa binasa.
 Naipaliliwanag ang mga hakbang sa
paggawa ng pananaliksik ayon sa
binasang datos.

Paglinang ng Talasalitaan:
 Nabibigyang kahulugan ang mga
talinhagang ginamit.
 Nakikilala ang kahulugan ng mga piling
salita/pariralang ginamit sa akdang epiko
ayon sa: - kasingkahulugan at kasalungat
na kahulugan-talinhaga.
 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang
di maunawaan kaugnay ng mga hakbang
sa pananaliksik.

Panonood:
 Nakikilala ang bugtong, salawikain,
sawikain o kasabihan na ginamit sa
napanood na pelikula o programang
pantelebisyon.
 Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng napanood na alamat sa napanood na
akda.
 Nauuri ang mga pangyayaring may sanhi
at bunga mula sa napanood na video clip
ng isang balita.
 Naiisa-isa ang mga hakbang ng
pananaliksik mula video clip na napanood
sa youtube o iba pang pahatid pangmadla.

Pagsasalita:
 Naibabahagi ang sariling kuro-kuro sa
mga detalye at kaisipang nakapaloob sa
akda batay sa – pagiging totoo o hindi
totoo – may batayan o kathang isip
lamang.
 Nabubuo ang angkop na pagpapasiya sa
isang sitwasyon gamit ang: - pamantayang
pansarili at –pamantayang itinakda
 Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa
pagpapalawak ng paksa: - paghahawig o
pagtutulad – pagbibigay depisnisyon –
pagsusuri.
 Nakagagawa ng sariling pananaliksik nang
naaayon sa lugar at panahon ng
pananaliksik.
Pagsulat:
 Naisusulat ang sariling bugtong,
salawikain, sawikain o kasabihan na
angkop sa kasalukuyang kalagayan.
 Nakasusulat ng sariling alamat tungkol sa
mga bagay na maaaring ihambing sa
sarili.
 Naisusulat ang talatang: - binubuo ng
magkakaugnay at maayos na mga
pangungusap – nagpapahayag ng sariling
palagay o kaisipan – nagpapakita ng
simula, gitna, at wakas.
 Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng
pananaliksik ang awtentikong datos na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa
katutubong kulturang Pilipino.
Wika at Gramatika:
 Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo
ng alinman sa bugtong, salawikain,
sawikain o kasabihan (eupemistikong
pahayag)
 Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman
sa pang-abay na pamanahon at panlunan
sa pagsulat ng sariling alamat
 Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at
bunga ng mga pangyayari
(dahil,sapagkat,kaya,bunga nito, at iba pa)
IKALAWANG MARKAHAN
PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAMANTAYAN SA PALIPAT NA TUNGUHIN
NILALAMAN PANGNILALAMAN PAGGANAP PAGPAPAHALAGA KASANAYAN
YUNIT 2 Ang mga mag-aaral ay… Ang mga mag-aaral ay Ang mga mag-aaral ay Ang mga mag – aaral sa Ang mga mag-aaral ay…
SANDIGAN NG LAHI… inaasahang… magiging… kanilang sariling kakayahan ay…
IKARANGAL NATIN Pag-unawa sa Napakinggan:
Nakapagpapamalas ng pag- Nakasusulat ng sariling tula sa Matapat at makabayang Makalikha ng isang orihinal na  Naihahambing ang sariling
PANITIKAN: unawa sa mga akdang alinmang anyong tinalakay manunulat-kompositor (writer- awit. saloobin at damdamin ng
 Tula pampanititikang lumaganap sa tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan composer). nagsasalita
 Balagtasan panahon ng Amerikano, o kalikasan.  Nabubuo ang mga
 Sarswela Komonwelt, at sa Kasalakuyan makabuluhang tanong
 Sanaysay batay sa napakinggan
 Maikling Kuwento  Naisasalaysay ang
magkaugnay na
GRAMATIKA: pangyayari sa
 Mga Hudyat ng Pagsang- napakinggan
ayon at Pagsalungat  Nahihinuha ang nais
(Wastong Anyo ng Pandiwa ipahiwatig ng sanaysay sa
sa Iba’t ibang Aspekto) napakinggan.
 Kaantasan ng Pang – uri  Nabibigyang-katangian
 Iba’t ibang Paraan ng ang mga tauhan batay sa
Pagpapahayag napakinggang paraan ng
kanilang pananalita.
 Nabibigyang
interpretasyon ang tulang
napakinggang.

Pag-unawa sa Binasa:
 Napipili ang mga
pangunahin at pantulong
na kaisipang nakasaad sa
binasa.
 Naibibigay ang opinyon at
katuwiran tungkol sa
paksa ng balagtasan.
 Naipahahayag ang
pangangatuwiran sa
napiling alternatibong
solusyon o proposisyon sa
suliraning inilahad sa
tekstong binasa.
 Naipaliliwanag ang tema
at mahahalagang
kaisipang nakapaloob sa
. akda
 Naiuugnay ang mga
kaisipan sa akda sa mga
kaganapan sa sarili,
lipunan, at daigdig.
 Naihahambing ang mga
anyo at mga elemnento ng
tulang binasa sa iba pang
anyo ng tula.

Paglinang ng Talasalitaan:
 Natutukoy ang payak na
salita mula sa salitang
maylapi.
 Naipaliliwanag ang mga
masining na pahayag na
ginamit sa balagtasan.
 Naibibigay ang kasing-
kahulugan at kasalungat
na kahulugan ng
mahihirap na salitang
ginamit sa akada.
 Naikiklino (clining) ang
mga piling salitang ginamit
sa akda.
 Nabibigyang-kahulugan
ang mga simbolo at
pahiwatig na ginamit sa
akda.
 Natutukoy ang
nakakubling kahulugan sa
mga talinhaga sa tula.

Panonood:
 Nassusuri ang paraan ng
pagbigkas ng tula ng
mga kabataan sa
kasalukuyan batay sa
napanood(maaaring sa
youtube o sa klase).
 Naipaliliwanag ang papel
na ginagampanan ng
bawat kalahok sa
napanood na balagtasan.
 Napapahalagan ang
kulturang Pilipino na
masasalamin sa
pinanood na sarsuwela.
 Naiuugnay ang tema ng
napanood na
programang
pantelebisyon sa akdang
tinatalakay.
 Nasusuri ang katangian
ng tauhan batay sa
itinanghal na monologo
na nakabatay sa ilang
bahagi ng maikling
kuwento.
 Nasusuri ang tono at
damdamin ng tula batay
sa napanood at narinig
na paraan ng pagbigkas.

Pagsasalita:
 Nabibigkas nang wasto
at may damdamin ang
tula.
 Napangangatwiranan
nang maayos at mabisa
tungkol sa iba’t ibang
sitwasyon.
 Naitatanghal ang ilang
bahagi ng alinmang
sarsuwelang nabasa,
napanood o
napakinggan.
 Nailalahad nang maayos
ang pansariling pananaw,
opinion, at saloobin
kaugnay ng akdang
tinatalakay.
 Naipaliliwanag ang
sariling kaisipan at
pananaw nang malinaw
at makabuluhan.
 Nabibigkas ng
madamdamin ang tulang
isinulat.

Pagsulat:
 Naisusulat ang dalawa o
higit pang saknong ng
tulang may paksang
katulad sa paksang
tinalakay.
 Naipakikita ang
kasanayan sa pagsulat
ng isang tiyak na uri ng
paglalahad na may
pagsang-ayon at
pagsalungat.
 Napipili ang isang
napapanahong paksa sa
pagsulat ng sanaysay.
 Pasulat na wawakasan
ang maikling kuwento sa
– pagbubuod o
pagbibigay ng
makabuluhang
obserbasyon.
 Naisusulat ang isang
orihinal na tulang may
apat o higit pang
saknong sa alinmang
anyong tinalakay, gamit
ang paksang pag-ibig sa
kapwa, bayan o
kalikasan.

Wika at Gramatika:
 Nagagamit ang mga
angkop na salita sa
pagbuo ng orihinal na tula.
 Nagagamit ang mga
hudyat ng pagsang-ayon
at pagsalungat sa
pagpapahayag ng opinion.
 Nagagamit ang iba’t ibang
aspekto ng pandiwa sa
isinasagawang pagsusuri
ng sarsuwela.
 Nagagamit ang iba;t ibang
paaran ng pagpapayahag.
 Nabibigyang-katangian
ang piling tauhan sa
maikling kuwento gamit
ang mga kaantasan ng
pang-uri.

IKATLONG MARKAHAN
PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAMANTAYAN SA PALIPAT NA TUNGUHIN
NILALAMAN KASANAYAN
PANGNILALAMAN PAGGANAP PAGPAPAHALAGA

YUNIT III Ang mga mag-aaral ay… Ang mga mag-aaral ay Ang mga mag-aaral ay Ang mga mag – aaral sa Ang mga mag-aaral ay…
KONTEMPORARYONG inaasahang… magiging… kanilang sariling kakayahan ay…
PANITIKAN TUNGO SA Pag-unawa sa Napakinggan:
KULTURA AT Nakapagpapamalas ng pag- Makabubuo ng kampanya tungo Maingat at Makabuo ng isang “MTV”.  Nabibigyang-reaksiyon
PANITIKANG POPULAR unawa sa kaugnayan ng sa panlipunang kamalayan mapagkakatiwalaang ang narinig na opinyon ng
panitikang popular sa sa pamamagitan ng multimedia practitioners. kausap tungkol sa isang
PANITIKAN kulturang Pilipino. multimedia (social media isyu.
 Popular na awareness campaign).  napag-iiba-iba ang
babasahin( pahayagan, katotohanan(facts) sa
komiks, at magasin) hinuha (inferences),
 Opinyon at talakayang opinion at personal na
panradyo interpretasyon ng kausap.
 Dokumentaryong  Nailalahad sa sariling
pantelebisyon pamamaraan ang mga
 Pelikula napakinggang pahayag o
mensahe.
WIKA  Nailalahad ang sariling
 Mga salitang gamit sa bayas o pagkiling tungkol
komunikasyong impormal sa interes at pananaw na
 Mga hudyat ng konsepto ng nagsasalita.
pananaw Pag-unawa sa Binasa:
 Mga hudyat ng kaugnayang  Naihahambing ang
lohikal tekstong binasa sa iba
 Tamang gamit ng mga pang teksto batay sa:
komunikatibong pahayag paksa, layon, tono,
pananaw, paraan ng
pagkakasulat, pagbuo ng
salita, pagbuo ng talata, at
pagbuo ng pangungusap.
 Naiisa-isa ang mga
positibo at negatibong
pahayag.
 Nahihinuha ang paksa,
layon, at tono ng akdang
nabasa.
 Nasusuri ang napanood
na pelikula batay sa
paksa/tema, layon, gamit
ng mga salita, at tauhan.
Paglinang ng Talasalitaan:
 Nabibigyang-kahulugan
. ang mga lingo na
ginagamit sa mundo n
multimedia
 Nabibigyang-kahulugan
ang mga salitang
ginagamit sa radio
broadcasting.
 Nahihinuha ang paksa,
layon, at tono ng akdang
nabasa.

Panonood:
 Naiuugnay ang tema ng
tinalakay na panitikang
popular sa temang
tinalakay sa napanood na
programang pantelebisyon
o video clip.
 Nasusuri ang isang
program\ang napanood sa
telebisyon ayon sa
itinakdang mga
pamantayan.
 Naihahayag ang sariling
pananaw tungkol sa
mahahalagang isyung
mahihinuha sa napanood
na pelikula.

Pagsasalita:
 Nailalahad nang wasto at
maayos ang pansariling
pananaw, opinion, at
saloobin.
 Naipaliliwanag ng pasulat
ang mga kontradiksyon sa
napanood na pelikula sa
pamamagitan ng
komunikatibong pahayag.
Pagsulat:
 Naisusulat ang dalawa o
higit pang saknong ng
tulang may paksang
katulad sa paksang
tinalakay.
 Naipakikita ang
kasanayan sa pagsulat ng
isang tiyak na uri ng
paglalahad na may
pagsang-ayon at
pagsalungat.
 Napipili ang isang
napapanahong paksa sa
pagsulat ng sanaysay.
 Pasulat na wawakasan
ang maikling kuwento sa
– pagbubuod o
pagbibigay ng
makabuluhang
obserbasyon.
 Naisusulat ang isang
orihinal na tulang may
apat o higit pang
saknong sa alinmang
anyong tinalakay, gamit
ang paksang pag-ibig sa
kapwa, bayan o
kalikasan.

Wika at Gramatika:
 Nagagamit sa iba’t ibang
sitwasyon ang mga
salitang ginagamit sa
impormal na
komunikasyon
 Nagagamit nang wasto
ang mga ekspresyong
hudyat ng kaugnayang
lohikal (dahilan, bunga,
paraan, resulta)
.

IKAAPAT NA MARKAHAN
PAMANTAYANG PAMANTAYAN SA PAMANTAYAN SA PALIPAT NA TUNGUHIN
NILALAMAN PANGNILALAMAN PAGGANAP PAGPAPAHALAGA KASANAYAN
YUNIT IV Ang mga mag-aaral ay… Ang mga mag-aaral ay Ang mga mag-aaral ay Ang mga mag-aaral sa kanilang Ang mga mag-aaral:
inaasahang… magiging… sariling kakayahan ay…
FLORANTE AT LAURA: ISANG Pag-unawa sa Napakinggan:
OBRA MAESTRANG Makabuo ng isang Radio
PAMPANITIKAN NG PILIPINAS Nakapagpapamalas ng pag- Makabubuo ng isang Makatotohanan at tapat na Broadcast.  Nahihinuha ang
unawa sa isang dakilang makatotohang radio broadcast mass media practitioners. kahalagahan ng pag-
akdang pampanitikan na na maghahambing sa lipunang aaral ng Florante at
FLORANTE AT LAURA mapagkukunan ng Pilipino sa panahon ni Balagtas Laura batay sa
mahahalagang kaisipang at sa kasalukuyan. napakinggang mga
magagamit sa paglutas ng pahiwatig sa akda.
ilang suliranin sa lipunang  Nailalahad ang
Pilipino sa kasalukuyan. mahahalagang
pangyayari sa
napakinggang aralin.
 Nasusuri ang mga
katangian at tono ng
akda batay sa
napakinggang mga
bahagi.
 Nailalarawan ang
tagpuan ng akda batay
sa napakinggan.
 Nailalahad ang
damdaming
namamayani sa mga
tauhan batay sa
napakinggan.
 Mapanuring nakikinig
upang matalinong
makalahok sa mga
diskusyon sa klase.

Pag-unawa sa Binasa:
 Natitiyak ang Kaligirang
Pangkasaysayan ng
akda sa pamamagitan
ng:
- Pagtukoy sa
kalagayan ng
lipunan sa
panahong nasulat
ito
- Pagtukoy sa
layunin ng pagsulat
ng akda.
- Pagsusuri sa
epekto ng akda
pagkatapos nitong
isulat.
 Nasusuri ang mga
pangunahing kaisipan
ng bawat kabanatang
binasa.
 Naipaliliwanag ang
sariilng
saloobin/impresyon
tungkol sa
mahahalagang
mensahe at damdaming
hatid ng akda.
 Nailalahad ang
mahahalagang
pangyayari sa aralin.
 Nasusuri ang mga
sitwasyong nagpapakita
ng iba’t ibang damdamin
at motibo ng mga
tauhan.
 Natutukoy ang mga
hakbang sa
pagsasagawa ng isang
kawili-wiling radio
broadcast batay sa
nasaliksik na
impormasyon tungkol
ditto.

Paglinang ng Talasalitaan:
 Nabibigyang-kahulugan
ang matatalinhagang
pahayag sa binasa.
 Nabibigyang-kahulugan
ang:
- matatalinhagang
ekspresyon
- tayutay
- simbolo
 nabibigyang-kahulugan
ang mahihirap na
salitang mula sa aralin
batay sa denotatibo at
konotatibong kahulugan.
 Nabibigyang-kahulugan
ang mga piling salita na
di-lantad ang kahulugan
batay sa pagkakagamit
ng pangungusap.
 Naibibigay ang
kahulugan ng salitang
di-pamilyar gamit ang
kontekswal na pahiwatig
 Nabibigyang-pansin ang
mga angkop na salitang
dapat gamitin sa isang
radio broadcast.

Panonood:
 Napaghahambing ang
mga pangyayari sa
napanood na teleserye
at ang kaugnay na mga
pangyayari sa binasang
bahagi ng akda.
 Nailalahad ang sariling
karanasan o karanasan
ng iba na maitutulad sa
napanood na palabas
sa telebisyon na may
temang pag-ibig gaya
ng sa akda.
 Naibabahagi ang
nadarama matapos
mapanood ang isang
music video na may
temang katulad ng
akda.
 Nagbibigay reaksyon sa
isang programang
pantelebisyon na may
paksang katulad ng
araling binasa.
 Naibabahagi ang isang
senaryo mula sa
napaonood na
teleserye, pelikula, o
balita na tumatalakay sa
kasalukuyang
kalagayan ng bayan.
 Nailalapata sa isang
radio broadcast ang
mga kaalamang
natutunan sa napanood
sa telebisyon na
programang
nagbabalita.

Pagsasalita:
 Naipahahayag ang
sariling pananaw at
damdamin sa ilang
pangyayari sa binasa.
 Nabibigkas nang
madamdamin ang
isinulat na monologo
tungkol sa iba’t ibang
damdamin.
 Nabibigkas nang
madamdamin ang mga
sauladong berso ng
Florante at Laura.
 Natatalakay ang aralin
gamit ang estratehiya
ng:
- Simula
- Pataas na aksyon
- Kasukdulan
- Kakalasan
- Wakas
 Pasalitang
naihahambing ang mga
pangyayari sa lipunang
Pilipino sa
kasalukuyang.
 Matalinong makilahok
sa mga talakayan sa
klase.

Pagsulat:
 Naibibigay ang sariling
puna sa kahusayan ng
may akda sa paggamit
ng mga salita at
pagpapakahulugan
 Naisusulat sa isang
monologo ang mg
pansariling damdamin:
- Pagkapoot
- Pagkatakot
- Iba pang damdamin
 Naisusulat ang isang
saknong tungkol sa pag-
ibig sa anyo ng isang
makabuluhang tula.
 Nakasusulat ng sariling
talumpating
naghihikayat tungkol sa
isyung pinapaksa sa
binasa.
 Nasusulat ang isang
islogan na tumatalakay
sa paksa ng aralin.
 Naipahahayag ang
pansariling paniniwala
at pagpapahalaga gamit
ang mga salitang
naghahayag ng
pagsang-ayon at
pagsalungat (hal. :totoo-
ngunit)
Wika at Gramatika:
 Nailalahad ang
damdamin o saloobin ng
may akda, gamit ang
wika ng kabataan.
 Nagagamit ang ilang
tayutay at talinghaga sa
isang simpleng tulang
tradisyunal na may
temang pag-ibig.
 Nalalapatan ng himig
ang isinulat na orihinal
na tula na may tamang
anyo at kaisahan.
 Nagagamit nang wasto
ang mga salitang
nanghihikayat
 Nagagamit ang mga
hudyat na pagsusunud-
sunod ng mga hakbang
na maisasagawa upang
magbago ang isang
bayan.
 Naisusulat at
naisasagawa ang isang
makatotohanag radio
broadcast na
naghahambing sa
lipunang Pilipino sa
panahong naisulat ang
Florante at Laura at sa
kasalukuyan.

You might also like