You are on page 1of 15

MGA GAMIT NG WIKA

CONATIVE
Kung naiimpluwensiyahan natin ang isang tao
sa pamamagitan ng pakiusap at pag-uutos
Kung gusto nating humimok o manghikayat,
may gusto tayong mangyari o gusto nating
pakilusin ang isang tao.
TUWING DARATING ANG ELEKSIYON
Isa ang panahon ng eleksiyon sa maituturing na
mahalagang panahon sa ating bansa. Mahalaga ito
sapagkat sa panahong ito tayo pumipili ng mga taong
gusto nating maglingkod sa atin. Huwag nating
ipagkatiwala ang kinabukasan ng ating bayan sa mga
kandidatong hindi karapat-dapat na maglingkod sa atin.
Dapat na maging matalino tayo sa pagpili ng mga
kandidatong iboboto natin. Huwag tayong basta
maniwala sa kanilang sinasabi.
Gawain:
Pumasok ka sa awditoryum ng inyong paaralan.
Nakita mong okupado na ng mga estudyante ang
mga upuan maliban sa isa na walang nakaupo
pero may bag na nakalagay. Alam mo na ang may-
ari ng bag ay ang estudyanteng nakaupo sa tabing
upuang may bag. Ano ang sasabihin mo sa may-
ari ng bag para magamit mo ang bakanteng
upuan?
Gawain:
Mahilig manghiram ng mga gamit ang iyong
kaibigan. May mga gamit ka pa sa kanya na hindi
pa niya ibinabalik kahit sinabihan mo na siya.
Kangina, nanghihiram ulit siya ng bag at sinturon
pero ayaw mo na muna siyang pahiramin hangga’t
hindi pa niya ibinabalik ang mga gamit mong nasa
kaniya pa. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
INFORMATIVE
Kung may gusto tayong ipaalam sa isang
tao, nagbibigay ng mga datos at kaalaman,
at nagbabahagi sa iba ng mga
impormasyong nakuha o narinig natin.
Gawain:
Habang nakasakay ka sa dyip papasok sa paaralan,
napansin mong unti-unting bumagal ang takbo ng
sinasakyan mong dyip. Pagkatapos, nakakita ka ng
nagtatakbuhang mga tao na may dala-dalang mga
gamit sa bahay. Narinig mong may sumigaw ng “Sunog!
Sunog!”Nang tumingin ka sa labas ng dyip, nakita mo
ang makapal na usok at malaking apoy mula sa mga
nasusunog na bahay. Pagdating mo sa eskuwelahan,
hinanap mo kaagad ang mga kaklase mo para ibalita sa
kanila ang tungkol sa sunog. ANO ANG SASABIHIN MO
SA KANILA?
LABELING
Kung nagbibigay tayo ng bagong
tawag o pangalan sa isang tao o
bagay.
MGA HALIMBAWA:
1. King of Comedy
2. Fallen 44
3. Pambansang kamao
4. Pnoy
5. Iskolar ng Bayan
6. Bagong bayani
7. Asia’s song bird
8. Lasalista
9. Queen of all media
10. Mr. Pure Energy
Magagaling ang karamihan sa mga kaklase ko.
Umalis ka ngayon din.
Paborito ng kapatid ko ang Kathniel.
Pilipino ako.
Ako ang prinsesa ng selfie.
Huwag tayong magkopyahan ng sagot.
Adik ka!
Tulungan mo naman akong gumawa ng report ko.
Hindi ko po alam kung saan mag-aaral ng kolehiyo.
Jologs ka ba?
Ayaw akong palabasin ni Kuya Guard.
PHATIC
•Nagtatanong o nagbubukas ng isang
usapan
•Nagpapakita ng mabuting
pakikipagkapwa-tao o pakikipag-
ugnayan sa kapwa.
•Nagpapatibay ng relasyon sa kapwa
“Uy, napansin mo ba?”
“Kumusta ka? “
“Masama ba ang pakiramdam mo?”
“May problema ka ba”
“Baka makatulong kami”
“Mabuti naman, Sol, at okey ka lang.”
EMOTIVE
“Nalulungkot talaga ako sa nangyaring
iyon.”
“Natatakot ako na baka lumala pa ang
giyera.”
“Ako nga ay awang-awa sa mga
namamatayan ng mga mahal sa buhay”
EXPRESSIVE
• Kapag nababanggit natin ang ilang bagay
tungkol sa ating sariling paniniwala,
pangarap, mithiin, panuntunan sa buhay,
kagustuhan, mga bagay na katanggap-
tanggap sa atin, atbp.
• Nakakatulong upang mas maunawan at
makilala tayo ng ibang tao.
• “Paboritong-paborito ko pa naman sila.”
• “Kahit may pera akong pambili, hindi pa rin
ako manonood ng concert na iyan.”
• Hindi ako mahilig sa foreign artists.”
• Mas gusto kong tangkilikin ang mga kanta
at concerts ng local artists natin.”
• “Palagay ko, kanya-kanya namang hilig iyan.”

You might also like