You are on page 1of 29

Pangako o Pinagkasunduan

Pananatili ng Mabuting Pakikipagkaibigan


Pagiging Matapat

Dwayne Mark D. Balmes


GT-6
Ma’am Patricia
ANO NGA BA ANG PANGAKO?
Ang isang pangako ay isang bagay kung saan mayroon kayong
pagkakasunduan ngunit maaari itong masira , ang pangako ay
maaaring isang bagay na gagawin mo at ng kapangako mo , o isang
bagay na hindi maaaring gawin.
ANO ANG MARARAMDAMAN MO
KAPAG ANG PANGAKO SA IYO AY
HINDI NATUPAD?
ANO ANG MANGYAYARI KAPAG
HINDI NATUPAD NG ISANG TAO ANG
PANGAKO NIYA?

Ang hindi pagtupad sa ipinangako ay nakakasira ng relasyon


sa ibang kapwa
Kaya naman huwag mong gawin sa iba ang mga bagay na
ayaw mong gawin sayo

Matutong tumupad ng
pangako!
Ngayon naman ay magbabasa kayo ng
isang kwento na ang pamagat ay
Pangako : Hindi dapat mapako
PANGAKO HINDI DAPAT MAPAKO
Isa si Luis sa mga mag aaral sa ika - 6 na baitang habang ang mga magulang
ni Luis ay masipag at may isang salita.Laging sinasabihan ng kanyang maga
mga magulang si Luis “kapag ika’y nangako o nagbigay ng isang salita,
dapat mo itong tuparin malaki ang pananagutan ng tao sa bawat salitang
sinasambit niya.”

Nagkaroon ng isang paligsahan sa paaralan. Isa si Luis sa mga napili bilang


kinatawan ng kanyang seksyion upang magsalita sa paligsahan sa
pagtatalumpati . Mahirap lang ang pamilya ni Luis ngunit maayos sa gamit .
Pero nais ni Luis na maging sa entablado ay maging maayos din siyang
tingnan.
Ang puting polo at itim na pantalon niya ay maayos pa ngunit ang
mga sapatos na itim niya ay sira na.
Sinabihan ng kanyang ina si Luis na manghiram muna siya ng
sapatos sa kanyang pinsan.nakahiram si Luis at sinabi niya na
ibabalik din ito pagkatapos ng paligsahan.Dumating ang araw na
itinakda upang magtalumpati sa kaniyang paaralan.Si Luis ay
nanalo bilang pangalawa ngunit nagustuhan ng mga hurado ang
kaniyang talumpati at nais siyang isama sa pang - rehiyon na
patimpalak.
Nagagalak si Luis ngunit nangako siya na isasauli agad ang
hiniram niyang sapatos.Payo ng kaniyang mga magulang na
kapag nangako , dapat tuparin mo kahit na kailangan mo pa
ito.Ang salita mo ay dapat mo pangatawanan.Dahil yan ang
nagsasabi kung anong klase at may pananagutan ka lagi.Kahit
mahilap lamang , may dangal , at pananagutan ka.Isinauli ni
Luis ang hiniram niyang sapatos.
Nalaman ng gurong tagapayo ni Luis at sinabi niya ito sa mga
hurado . Bilang premyo , binigyan si Luis ng bagong sapatos.
Mga Gabay na Tanong:

1.Ano ang hiniram ni Luis sa kaniyang pinsan?


2.Isanauli niya ba ito kaagad? Bakit?
3Ano ang kaubutihang maidudulot ng pagtupad sa pangako?
Pananatili ng mabuting
pakikipagkaibigan
Tuklasin natin

Ano - ano ang iyong


kakayahan o talento
Tuklasin natin

Dapat mo bang itago ang iyong mga


kakayahan o talento na mayroon ka?
Tuklasin natin

Binigyan tayo ng kakayahan o talento


upang maibahagi o maitulong sa iba.
Tuklasin natin

Kaya naman ‘wag mong itago ang


iyong kakayahan , bagkus ito ay iyong
pagyamanin upang maibahagi at
maitulong sa iba.
Tuklasin natin
Dahilang pagtulong sa iba gamit ang
iyong kakayahan ay tanda ng
pagmamalasakit sa kapwa at
nagpapatibay sa inyong samahan o
pakikipagkaibigan
TALAKAYIN NATIN
Ngayon naman ay talakayin natin ang
isang kwentong pinamagatang:
Isang Kapuri-puring Proyekto
Malalim ang iniisip ni ate nang dumating sina Carly at Daisy.”Ano
ang iniisip mo?”taonong ng magkaibigan.”Nag - iisip ako ng isang
magandang proyekto para sa ating club ngayung taon . Nasa
ikaanim na baitang na tayo at malapit nang
mag - hayiskul. Nais kong magkaroon tayo ng isang malaking
proyekto bago tayo magtapos,” paliwanag ni Karen
“Mayroon ba kayong mungkahi?” tanong ni Karen.
“Mas mabuting magpatawag ka ng pulong,” sagot ng dalawa.
Nagsagawa nga sila ng pagpupulong nang sumusunod na lunes.
Nagtipon lahat ng mga miyembro ng NeedleCraft Club pati ang kanilang
tagapayo , si Gng. Ramirez . Ang pangulo ng club na si Karen ang nagigay ng
pambungad na pananalita.
“Marahil , alam na ninyo kung ano ang pinag usapan natin natin dito.
Nais naming malaman ang inyong mga mungkahi para sa proyekto natin
ngayong taon,” sabi ni Karen.
“May kilala ang tiyahin ko sa Department of Social Welfare and Developement
(DSWD). Sinasabi niya sa akin noong isang araw na kailangan nila ng mga
boluntaryo upang magturo ng pag buburda sa mga batang lansangan.
Maaari ba tayong magboluntaryo?” tanong ni Tina.
“Magandang Mungkahi iyan Tina. Mahalaga sa mga batang lansangan na
matuto ng mga kasaysayan panlibangan at panghanapbuhay ,” sabi ni Gng.
Ramirez.
Nakipag - ugnayan sila sa tagapamahala ng DSWD upang malaman ang
kanilang dapat gawin . magiliw naman silang tinanggap at inaprubahan ang
kanilang proyekto . Nagsimula ang unang araw ng kanilang pagtuturo nang
sumunod na Sabado.
Ipinakilala sila ng tauhan ng DWSD at inilahad ang kanilang layunin s
pagpunta.
Masayang binati ng mga batang lansangan ang mga miyembro ng club. Mga
baba ang karamihan sa kanila.
Bago nagsimula ang sesyon ,
naghahandog ng espesyal na palabas ang mga batang lansangan na
ikinagulat ng pangkat.

Ilan sa mga bata ang kumanta at sumayaw habang ang iba naman ay
tumula at nagpakita ng dula.
Sa sunod na sesyon , matiyagang tinuruan ng NeedleCraft Club
ang mga batang lansangan.Pagkaraan ng isang buwan , maraming
bata ang nakabuburda na . Nagpaligsahan pa sila para sa
pinakamagandang disenyo.

“tila nawiwili ang mga mag - aaral.Masaya sila sa kanilang ginagawa .


Cross - Stiching naman ang isunod nating leksyon ,” mungkahi ni Tina.
Ibat’t - ibang kasanayan ang itinuro ng NeedleCraft Club sa mga bata . Ibang
klaseng kasiyahan ang nadama ng mga miyembro ng club sa bawat leksyion na
ibinigay nila . Hindi lamang sila mga tagapagturo sa mga bata naging mga kalar
at kaibigan din sila . Habang nagbuburd , Nakikipagkuwentuhan sila sa mga
bata . Marami silang nalaman tungkol sa kanilang mga buhay . Napakarami
nilang natutuhan sa mga batang kanilang tinuruan

Isang araw , nagulat ang mga miyembro ng club nang nakatanggap sila
ng isang imbitasyon sa Mayor ng bayan . iniimbita sila upang tanggapin
ang isang plake ng pagkilala sa kanilang kapuri - puring proyekto
Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang proyektong napagkasunduan isagawa ng


NeedleCraft Club?
2. Paano nila nagawang tulungan ang mga batang
lansangan?
3. Paano ba tayo maaaring makatulong ? sa paanong paraan
ito magiging daan sa pakikipagkaibigan?
Pagiging Matapat
Tuklasin Natin
Sang - ayon ba kayo sa kasabihang...

“Honesty is the Best


Policy”?
Tuklasin Natin
Kung tapat ka sa iyong kapwa
pinatutunayan mo sa kanila na
mapagkakatiwalaan ka.
Tuklasin Natin
Nagustuhan nyo ba an kuwento?

Ano ang mga natutunan nyo?


Tuklasin Natin
Ano ang ipinakita sa kuwento?
SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like