Nakapagpapakita ng pagmamalasakit sa kasapi ng pamayanan sa Iba’t ibang
paraan EsP2P- IIg – 12 Sino ang ating kapwa? Paano maipapakita ang ating malasakit? Sa araw na ito ay lubos na mauunawaan ang pagpapakita ng malasakit sa mga kasapi ng paaralan at pamayanan. Tuwing mayroong pulubi na nanghihingi sa daan, sumagi ba sa iyong isipan na tumulong? Ano ang naramdaman ninyo habang ginagawa ang gawain? Paano ipinakita ang pagmamalasakit sa larawang nabuo? Paano ipinakita ang pagmamalasakit sa bulag? Ano ang mga bagay na nais ninyong ibigay? Bakit? Ang pagkakaroon ng pagmamalasakit sa kapwa ay isang mabuting gawain na dapat nating pagyamanin. Ito ay paggawa ng mabuti at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa. Ang pagmamalasakit sa kapwa ay isa sa magagandang katangian nating mga Pilipino. Sa pamamagitan nito, tayo ay natututong magpahalaga sa ating sarili at kapwa na siyang nagpapatibay ng ating ugnayan. Ang kaisipang “Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili” ay kinikilala sa lahat ng dako ng daigdig. Ang kapwa ay ang mga taong labas sa sarili. Isa sa pinaka-importante sa pagiging tao ang pakikipag-kapwa tao. Dahil marami kang matututunan sa pakikisalamuha sa kanila. Lahat ng tao sa paligid tulad ng iyong kapitbahay, kaklase, kaibigan at maging ang iyong kaaway ay iyong kapwa. Kasama sa iyong kapwa ang mga guro, kapulisan, tindera, tricycle driver at iba pa. Kailangan ng tao ang maikipag-ugnayan sa kapwa upang mahubog niya ang mga aspektong naghihintay ng pagtuklas at kaganapan. Magbigay ng tatlong kilala ninyong tao na nagpakita ng pagmamalasakit sa kapwa. Sabihin kung paano niya ito ginawa. Dugtungan ang mga pangungusap na tumutukoy sa iyong pagmamalasakit sa mga kasapi ng paaralan at pamayanan. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. 1.Nadapa ang kamag- aral kong si Red kaya nilapitan ko siya upang _____________ 2.Nahihirapang tumawid ang isang lolo sa kalsadakaya____________ ________________ 3.Darating na ang trak nahihirapang magdala ng maraming sako ng basura ang dyanitor ng paaralan kaya_______________________________ _______________________ Bakit mahalaga ang pakikipagkapwa? Paano mo maipakikita ang iyong pagmamalasakit sa mga kasapi ng barangay?