You are on page 1of 20

Pagpapakita ng

Pagiging
Responsableng
Tagapangalaga ng
Kapaligiran
EsP 5
Quarter 3 - Week 4
Alamin

Bawat tao ay may tungkulin at


responsibilidad na nakaatang sa
kaniyang mga balikat na kailangan
niyang gawin at isakatuparan. Isa sa
mga responsibilidad na ito ay ang
pangalagaan ang kapaligiran
Alamin
Sa nakaraang aralin, iyong natutuhan ang mga paraan upang
makasunod sa mga paalala at alituntunin na dapat sundin nang may
masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan ng bawat isa.
Ngayon naman ay iyong matututuhan ang mga paraan ng
pagpapakita ng mga magagandang halimbawa ng pagiging
responsableng tagapangalaga ng kapaligiran, pagkakaroon ng
malasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga
programang pangkapaligiran, at pagiging vigilant o mapanuri sa mga
ilegal na gawaing nakasisira sa kapaligiran.
Suriin
Pag-aralan ang
mga larawan sa
ibaba. Tungkol
saan kaya ang
ipinakikita sa
bawat larawan?
Ipinapakita nila ang mga responsibilidad na dapat
mong ginagampanan bilang bata at mamamayan.
Sa kabilang banda, anong pananagutan o
responsibilidad na ba ang ginagawa mo upang
mapangalagaan ang kapaligiran? Paano mo ba
mapapangalagaan ang kapaligiran? Ano-ano ba ang
mga dahilan kung bakit patuloy na nasisira ang ating
kalikisan?
Subukin
Kawawang mga Nilalang sa Dagat

Palubog na ang araw. Tahimik ang lahat ng mga nilalang sa


Kaharian ni Haring Neptuno. Bigla, dumating si Pating, ang
lider ng puwersang militar ng mga nilalang sa dagat.
“Haring Neptuno, nakakita ako ng dalawang bangka na
maraming lulang mangingisda. May dala silang mga dinamita!
Papunta sila sa gawing ito,” pag-uulat ni Pating.
“Ano? Dali! Iipunin lahat ng nilalang sa dagat at dalhin sa
ligtas na lugar!” utos ni Haring Neptuno.
Tinipon ni Pating ang lahat at dinala sa kanilang taguan.
“Kawawang mga nilalang ng dagat! Mawawalan na
sila ng pagtataguan pagdating ng panahon kung
magpapatuloy ang mga mangingingisda sa paggamit ng
dinamita. Baka mamatay tayong lahat,” pagdadalamhati
ni Pating.
Samantala sa di kalayuan, naliligo si Tulingan at ang
kaniyang anak. Wala silang malay sa nakaambang
panganib. Nasalubong nila si Talakitok.
“O, pinsang Tulingan, mukhang masaya kayong
lumalangoy. ‘Yan na ba si Tuling? Ang laki mo na!” pagbati
ni Talakitok.“Oo, pinsang Talakitok. Dadalhin ko ang anak
kong si Tuling sa ilang magagandang lugar kung saan maaari
siyang lumangoy. O, sige, pinsang Talakitok. Magkita na lang
tayo uli,” tugon ni Tulingan.
“Sige, pinsang Tulingan. Mag-iingat ka,” paalala ni
Talakitok.
“Salamat, pinsang Talakitok. Dali ka, Tuling. Pumunta
tayo roon,” sabi ni Tulingan.
Ilang saglit pa, may napansin si Tuling.
“Inang, tingnan mo po! May mga nalalaglag na mga
bagay, ano po ang mga iyon?” tanong ni Tuling.
“Huwag na huwag mong lalapitan ang mga iyon. Dali
ka, Tuling. Basta sumunod ka sa akin,” babala ni
Tulingan.
Hindi kaagad sumunod ni Tuling sa kaniyang nanay.
Hindi niya mapigilang lapitan ang bumabagsak na mga
bagay.
“Ano ito? Para saan kaya ang taling ito?” sabi ni
Tuling sa sarili.
Napansin ni Tulingan na wala na sa likuran niya si
Tuling. “Nawawala si Tuling! Saan siya nagpunta? Dapat
akong bumalik at hanapin siya,” sabi ni Tulingan sa sarili.
Pabalik na si Tulingan nang magulat siya sa isang
malakas na pagsabog.
“Naku! Doon nagmula sa pinanggalingan namin ang
pagsabog. Baka doon naiwan si Tuling! Tuling! Anak ko!”
paiyak na sabi ni Tulingan.
Tuklasin

Paggamit ng Pagkasira ng
Haring Neptuno
dinamita karagatan
Pating
Talakitok Pagkasira ng
tahanan ng mga
Tulingan
isda/ lamang
Tuling dagat.
Tuklasin

Ang pagiging vigilant o mapanuri sa mga


pangyayaring illegal sa ating kapaligiran ay isa rin sa
mga responsibilidad natin bilang tagapangalaga ng
mundo. Ang pagiging sakim ng tao sa pag-angkin ng
mga bagay na sobra sa kanyang pangangailangan ang
nagdudulot ng kasamaan at pang-aabuso sa mga likas na
yaman ng mundo.
Pagyamanin
Ilan sa mga responsibilidad o pananagutan ng mga Filipino sa
kapaligiran ay ang mga sumusunod:

1. Pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan


2. Pagpapanatiling malinis ng daluyan ng tubig
3. Pagtatanim ng mga puno minsan sa isang taon
4. Pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran sa pamayanan
5. Pagpapanatiling malinis ng paligid
6. Pagiging mapanuri sa mga nangyayari sa kapaligiran
Isagawa

Ayusin ang mga titik sa bawat bilang upang makabuo ng salita o


parirala na tumutukoy sa mga gawaing may masamang naidudulot sa
kapaligiran.
PAGGAMIT NG
1. TPGAGMI GN MIANTADI _______________________________
PAGTOTROSO DINAMITA
2. SOPAGTROTO ________________________________
PAGMIMIN
3. ANIMIMGAP ________________________________
A
4. MUNGIMAR OSKU SA PABKIRA ________________________
MARUMING USOK SA PABRIKA
PAGKAKAINGI
5. NGINKAIPAGKA _______________________
N
LINANGIN
Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Sabihin ang TAMA kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng pagiging vigilant o mapanuri sa mga illegal na gawain sa kapaligiran at MALI
naman kung hindi.

____1. Titingnan ko lamang ang mga nagtatapon ng basura sa ilog.


____2. Bibigyan ko ng halaga ang ikabubuti ng nakararami kaya
iiwasan kong sumali sa mga ilegal na gawain.
____3. Bilang isang mamamayan, responsibilidad kong pangalagaan
ang aking kapaligiran.
____4. Ipagbibigay alam ko sa mga kinauukulan ang mga taong
lumalabag sa batas na pangkalikasan.
____5.Makikiisa ako sa programang pangkapaligiran sa aming
barangay.
LINANGIN
Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Sabihin ang TAMA kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng pagiging vigilant o mapanuri sa mga
illegal na gawain sa kapaligiran at MALI naman kung hindi.

____1.
MALI Titingnan ko lamang ang mga nagtatapon ng basura sa ilog.
____2.
TAMA
Bibigyan ko ng halaga ang ikabubuti ng nakararami kaya iiwasan
kong sumali sa mga ilegal na gawain.
TAMA
____3. Bilang isang mamamayan, responsibilidad kong pangalagaan ang
aking kapaligiran.
____4.
TAMA Ipagbibigay alam ko sa mga kinauukulan ang mga taong lumalabag
sa batas na pangkalikasan.
____5.Makikiisa ako sa programang pangkapaligiran sa aming barangay.
TAMA
Kompletuhin ang graphic organizer. Buuin ang mga pangungusap na
IANGKOP nagsasaad ng pamamaraan ng pagpapakita ng responsableng pangangalaga sa
kapaligiran.
vigilant pakikiisa pagmamalasakit responsableng

pagmamahal alerto

Bilang isang bata, ako ay isang


responsableng
__________________ tagapangalaga ng kapaligiran.
pagmamalasakit
Ipakita ang __________________ sa pamamagitan ng
pakikiisa
__________________ sa mga programang
vigilant
pangkapaligiran. Ang pagiging _________________ o
mapanuri sa mga nangyayari sa paligid ay isa rin sa
mahalagang responsibilidad ko bilang
tagapagbantay ng mga likas na yaman sa mundo.
ISIPIN AT Punan ng tamang salita mula sa kahon ang bawat
TAYAHIN Patlang upang mabuo ang isang mahalagang kaisipan.

vigilant pakikiisa pagmamalasakit responsableng

pagmamahal alerto
Salamat sa
Pakikinig!

You might also like