You are on page 1of 41

5TH Grade

MUSIC 5
WEEK 1 – WEEK 8
Ang isang staff o limguhit ay may
limang parallel lines at apat na
puwang. Ang bawat linya at puwang
sa limguhit ay may partikular na
tono na may kaukulang
pangalan ng pitch.
Pitch Name ang tawag sa mga letter
names na galing sa unang pitong letra sa
alpabeto.

So-fa names ang tawag sa so-fa silaba na


nakasulat bilang do, re, mi, fa, so, la, ti,
do. Ang mga so-fa names na ito ay
nakaayos sa pataas o pababang
pagkakasunod-sunod.
WEEEK 1 - Ang Melodiya
● Sa nakaraang baitang, napag-aralan mo
ang kahulugan ng G clef o trebble clef.
● Ang G clef ang nagtatakda ng tono ng
mga nota sa itaas ng middle C.
G-CLEF- TREBLE CLEF at pitch names nito

F E
D
B C
G A
E F
Ano ang tawag natin sa larawan?

Ang larawan sa ibaba ay tinatawag na grand staff. Matatagpuan sa itaas na


bahagi nito ang G clef samantalang nasa ibabang bahagi naman nito ang F-clef.
Ano ang tawag natin sa larawan?
Ang F-clef

Ang F-clef ay nagtatakda na ang pitch name na f


ay matatagpuan sa ika apat na guhit ng limguhit
at nagpapahayag ng panlalaking boses gaya ng
tenor at bass.
F-CLEF O BASS CLEF at mga Pitch Names

A
G
F
E
D
B C
G A
Ang F-clef

Ang F-clef ay nagtatakda na ang pitch name na f ay matatagpuan


sa ika apat na guhit ng limguhit at nagpapahayag ng panlalaking
boses gaya ng tenor at bass.
PITCH NAMES
PITCH NAMES

DO RE MI FA SO LA TI DO

SO-FA NAMES
WEEEK 2 - Ang Mga
Pangalang Pantono ng mga Nota sa
Limguhit sa F-Clef
Ang bawat pitch name ay kumakatawan sa bawat tono ng ating nar-irinig
sa mga instrumentong pangkaraniwang tumutugtog ng melody tulad ng
piyano. Pagmasdan ang mga titik sa tklado ng piyano. Pag-aralan ang
relasyon o pag-uugnay ng mga titik sa grand staff at sa tiklado ng piyano.
Tandaan:

Ang bawat guhit at puwang sa staff o limguhit ay


may akmang pangalan na hango sa unang pitong
titik ng ating alpabeto. ( A, B, C, D, E, F, G). Ang
mga titik na ito ay ang ngalang pantono o pitch
name. Nakabatay sa uri ng clef ang tiyak na pitch
names ng bawat guhit at puwang na matatagpuan
sa unahan ng staff. Dapat nating tandaan na
simula sa ibaba ang pagbilang ng linya o guhit
gayundin ang pagbilang ng mga pu-wang.
WEEEK 3 -Mga
Simbolong Sharp, Flat at
Natural
Karaniwang ginagamit ang mga simbolong sharp, flat
at panauling sagisag sa pagtukoy sa mga pagbabago
ng tonong ginamit sa awit.

flat/ sharp/ natural/


panauling
bimol sustinido sagisag
Ang simbolong flat ay nagpapababa ng
kalahating hakbang sa tono ng isang natural na
tunog .
Halimbawa ang tonong do ay magiging de.
Ang simbolong sharp naman ay nagpapataas ng
kalahating hakbang ng isang natural na tunog.
Katulad halimbawa ang do ay magiging tu-nog na
ti.
Kapag naman nais ibalik ang orihinal na tono, ang
simbolo ng panauling sagisag ang gagamitin.
WEEEK 4 -
Melodic Intervals
Ang isang himig o melodiya ay binubuo ng mga
nota. Maaaring ang mga nota ay papataas,
pababa o pantay lang. Kung minsan ito ay
pahakbang ang pagtaas at pagbaba. May
pagkakataon namang palaktaw ang pagtaas at
pagbaba.

Ang interval ay ang pagitan ng dalawang tono.


Mga Uri ng Interval sa C Major Scale
Tukuyin ang interval.

PRIME 2ND INTERVAL 3RD INTERVAL

5TH INTERVAL OCTAVE


WEEEK 5 -
Mga Nota sa C Major Scale
C Major Scale
KODALY HAND SIGNALS
Ang senyas kamay na
Kodaly ay binuo ng
isang british music
educator na si
John Curwen noong
ika-labinsiyam na siglo.
Ang bawat posisyon ng
kamay ay
kumakatawan sa isang
scale tone. Mahalaga na
maipakita ng maayos
ang senyas
tuwing tumataas o
bumababa ang tono
Ang iskalang Mayor ay binubuo ng mga notang buo ang
mga pagitan maliban sa pagitan ng ikatlo at ikaapat na
nota gayundin ang ikapito at ikawalong nota.

Ang ganitong uri ng iskala ay tinatawag ring Diatonic.


Ang iskalang Diatonic ay binubuo ng buo at kalahating
tono.

W W ST W W W ST
(W=whole; ST=half)
WEEEK 6 -
Ang Agwat o Range ng Isang
Awitin
Ang Melodic Range ay tumutukoy sa layo o agwat ng mga nota sa
pagitan ng pinakamataas na tono at ng pinakamababang tono sa
isang awitin.

Malawak ang Range o Agwat ng piyesa kung malaki ang pagitan


ng mga tonong pinakamataas at tonong pinakamababa. Ganun
din naman, makipot ang Range kung maliit lamang ang pagitan ng
pinakamataas sa pinakamababang nota.

Kalimitan kapag “Narrow Range” kakaunti ang mga nota sa


pagitan ng pinakamataas sa pinakamababang tono. At “Wide
Range” kapag maraming nota sa pagitan ng pinakamataas na
tono at pinakamababang tono.
Tandaan:

Ang pinakamataas at pinakamababang tono s


awit ay makikilala sa pamamagitan ng range
o pagitan ng tono kung ito ay malawak o
maikli. Upang maihatid ang range sa
pinakamababa at pinakamataas na tono,
nararapat na maawit ng wastong tono.
TUKUYING ANG RANGE NG MGA NOTA

NARROW NARROW

WIDE NARROW WIDE


WEEEK 7 -
Ang Iskalang Pentatonic, C
Major Scale at G Major Scale
Ito ang Pentatonic Scale. Gaya ng isinasaad ng pangalan
nitong “penta” na may limang nota lamang. Oo, binubuo
ito ng limang “whole tones” na ang ibig sabihin ay
walang semi or half tone.
Kalimitan, ang himig na ito ay maririnig natin sa Chinese
music.

do –re– mi– so—la


Ito naman ang C Major Scale.
Natalakay na natin ang C Major scale sa
nakaraang aralin. Natatandaan mo pa ba?
Binubuo ito ng buo at kalahating tono (Whole
and half tones).
Ito ang G Major Scale. Tulad ng C Major Scale, binubuo ito ng whole
at half tones. Ang pagkakaiba nila ay sa ikalawang guhit
nagsisimula ang iskalang ito. G Major Scale ang tawag sa ikalawang
linya ng staff o ngalang tono G. Mapapansin mo na mayroon itong
tunugang bilin (key signature na isang sharp (picture ng sharp) na
makikita kalapit ng G clef. Ito ay nasa ibabaw ng ikalimang linya ng
staff. Ibig sabihin nito, lahat ng notang nasa ikalimang linya at nasa
unang puwang na may ngalang tonong F ay mayroong sharp o tataas
ng kalahating tono kapag inawit o tinugtog ito.
WEEEK 8 -
Paglikha ng Melody
May iba’t ibang uri ng time signature na maaring gamitin sa iba’t
ibang istilo ng musika. Ang simpleng time signature ay kinabibilangan
ng 2 , 3, at 4 na mga time signature.
4 4 4

May dalawang bilang na matatagpuan sa bawat time signature na


ginagamit na bantayan upang maipangkat ang mga note at rest. Ang
bilang na nasa itaas ay nagsasaad kung ilang beat mayroon ang bawat
measure. Samantala, ang bilang sa ibaba at tumutukoy sa note na
tatanggap ng isang beat.
Mga Dapat Tandaan sa Paglikha ng Melody:

1. Kailangang nakabatay sa palakumpasan.


2. Isaalang-alang ang tunugan.
3. Huwag masyadong malayo ang interval.
4. Gamitin ang quarter note at eight note.

You might also like