You are on page 1of 19

5th Grade

SINING 5
QUARTER 3 – WEEK 5
SINING NG
PAGLILIMBAG

ARTS 5 – WEEK 5-8


BALIKAN

X
ALAMI
N
Ang paglilimbag o printmaking ay isang uri ng
sining. Madalas, ito ay nagpapakita ng mga dibuho
na maaaring gawing paulit-ulit. Ang ilan sa mga
halimbawa ng paglilimbag sa pamamagitan ng
paglalagay ng papel sa ibabaw ng limbagang plato
at pagkukuskos sa likod ng papel na ang dibuhong
gagawin ay nagpapakita ng mito o alamat galing sa
ating mga ninuno.
Ang mitolohiya o mito ay isang halos magkakabit-
kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kwento o
mito, mga kwento na binubuo ng isang partikular na
tao, relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay
ng mga kwentong mito ang mga anito, diyos at
diyosa na nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa
mga likas na kaganapan. Halimbawa at kung paano
nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May
kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kwentong-
bayan.
Ang ilan sa mga kilalang-kilala
na mitolohiya sa Pilipinas ay Si
Malakas at si Maganda, Maria
Makiling, Bernardo Carpio,
Duwende, Kapre, Sirena, Ibong
Adarna at marami pang iba.
SURIIN
Pagmasdan ang mga iba’t ibang larawan ng kwentong bayan o alamat na
maaari ninyong gamitin sa paglilimbag gamit ang iba’t ibang proseso.
SUBUKIN
Pumili ng isang larawan na ipinakita sa aralin na ito. Ihanda ang mga kagamitan upang magsagawa ng
Cardboard Printing.

Mga kagamitan:
➢ 2 piraso ng cardboard (8.5 X 11 inches)
➢ Gunting, pandikit o glue, puting papel
➢ Acrycolor o cray pas color

Hakbang sa paggawa:
1. Pag-isipan ang larawan na napili ayon sa iyong imahinasyon.
2. Sa isang cardboard, gupitin ang mga hugis na bubuo sa larawan na iyong napili.
3. Idikit ito sa isang pirasong cardboard at ayusin ang larawan ayon sa iyong nais.
4. Lagyan ng acrycolor ang bahagi ng nakaumbok sa cardboard sa pamamagitan ng maliit na paint brush.
5. Ipatong ang puting papel sa bahaging may kulay at dahan dahang iangat.
6. Patuyuin.
7. Linisin at ayusin ang lugar na pinaggawaan.
TUKLASIN
Ang paglilimbag ay isang gawaing pansining na
magbibigay ng pagkakataon upang lalong malinang
ang iyong pagiging malikhain at maging
kapakipakinabang ang iyong kakayahan sa
paggawa ng mga disenyo. Maraming bagay ang
maaaring ilimbag at gamitin sa paglilimbag tulad ng
bungang gulay at mga patapong bagay. Ang mga
disenyong inilimbag ay ginagamitan ng iba’t ibang
linya, tekstura at kulay upang mas mapaganda pa
ito.
ART EXHIBIT

ARTS 5 – WEEK 6-8


PAGYAMANIN

Isa sa mga katangian ng Pilipino ay ang pagiging mapagmahal sa


nakagisnang kultura na tulad ng mito o alamat. Sa paglilimbag ng iisa
lamang ang disenyo ngunit kailangan isaalang –alang upang maging
matagumapay kung ang isang katulad ninyo ay papasok sa isang
negosyo.

Ang paglilimbag ng maramihan ay kinakailangan nang masuri at


maayos na paggawa. Maraming tiknik ang kinakailangan dito. Ang
paglilimbag ay isa sa nakalilimbag at napagkakakitaan na gawain.
Ang mga Pilipino ay likas na malikhain at mapagmahal.
Upang maipapakita ang nilikhang obra o produkto, ginagawa
ang pagtatanghal. Ginagawa ito sa mga paaralan lalong-lao na
sa asignaturang sining o art. Mapapayaman ang ganda ng mga
limbag na sining sa pamamagitan ng kulay dahil sa
pagpapahayag ng damdamin at imahinasyon ng gumagawa.
Ang uri ng eksibisyon ay mayroon sa pampaaralan, pangklase
at pangkagawaran. Upang maayos ang pagsasagawa ng eksibit
dapat ayusin ang lahat ng bagay na nais ipakita o itanghal at
maayos din ang lugar na pagtatanghalan.
ISAGAWA

Saguting ang mga tanong:


1. Bakit ginagawa ang eksibit?
2. Ano ang naitutulong nito sa mga batang katulad ninyo?
3. Saan maaaring isagawa ang eksibit?
4. Dapat bang pahalagahan ang mga bagay na nagawa
o nalikha mo? Bakit?
5. Paano mo maipagmamalaki ang iyong mga outputs na
pinaghirapan mo sa buong taon?
Sabihin ang tsek (/) ang patlang kung ang mga
sumusunod ay mga bantog na Pilipinong
pintor.
_________ 1. Fernando Amorsolo
_________ 2. Bernardo Carpio
_________ 3. Ferdinand Magellan
_________ 4. Apolinario Mabini
_________ 5. Botong Francisco
Maghanap ng isang obra sa mga lumang magazine o
internet na gawa ng mga sikat na pintor sa ating bansa.
Gupitin o kopyahin ito at idikit sa bondpaper.

Maaari ring ipresent/ gawin ito gamit ang powerpoint


presentation.
SALAMAT
SA
PAKIKINIG

You might also like