You are on page 1of 3

Ikalawang Markahang Pagsusulit

sa Filipino 3

Name: ____________________________ Grade & Sec.: Grade 3 - Aphrodite


Teacher: Ms. Sheryl B. Dalaga Parent’s Signature: _____________

Pasulit I. Basahin ang kuwento at ibigay ang hinihiling ng bawat katanungan sa ibaba.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.

Ang Robot ni Elmer


Miyerkules ng umaga ay malakas ang ulan kaya nawalan ng pasok. Naisip ng
magkaibigang sina Elmer, Cesar, at Dino na maglaro na lang sa loob ng bahay nina Elmer.
Pagpasok sa bahay, nag-unahan sila sa pagkuha ng bagong robot na padala ng tatay ni
Elmer. Bigla itong bumagsak sa sahig.
Natigilan ang lahat. Nang damputin ito ni Elmer, nakahinga siya ng maluwag dahil hindi naman
pala ito nasira.

1. Ano ang pamagat ng kuwento na iyong binasa?


A. Ang Robot ni Elmer C. Ang Robot ni Cesar
B. Ang Robot n Dino D. Ang Robot ni Lee

2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


A. si nanay, tatay at ate C. si Elmer, Cesar at Dino
B. si kuya, ate, at kaibigan D. si Liam, Ana, at Aida

3. Saan naganap ang kuwento?


A. sa bahay ni Dino C. sa bahay ni Cesar
B. sa bahay ni Elmer D. sa bahay niyo

4. Kailan nangyari ang kuwento?


A. Lunes ng madaling araw C. Sabado ng tanghali
B. Biyernes ng gabi D. Miyerkules ng umaga

5. Ano ang suliranin sa kuwentong binasa?


A. lumipad ang robot na laruan Dino
B. nahulog ang laruang robot ni Elmer
C. nawala ang laruang robot ni Cesar
D. wala sa nabanggit

6. Ano ang wakas ng kuwento?


A. hindi nakapaglaro ang mga bata
B. malungkot ang mga bata
C. hindi nasira ang laruan at nagpatuloy sila sa paglalaro
D. umiyak si Elmer

Pasulit II. Buuin ang pangungusap gamit ang mga panghalip panao. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

7. Charlie ang pangalan ko. _____________ ay anim nataong gulang.


A. ako B. siya C. sila D. niya

8. Ikaw, si Larry, at ako ang kakanta sa Linggo. Dapat na ___________________ ay magsanay.


A. ikaw B. kami C. kayo D. tayo

9. Si Tita Glenda ang nag-aalaga sa akin. _____________ ang lagi kong kasama.
A. ako B. siya C. sila D. niya

10. Ako at si Sam ay sasama sa hiking. Magdadala ____________ ng tent at pagkain.


A. ikaw B. kami C. kayo D. tayo

11. Naglala sina Marc at Romeo sa parke. Napagod na _________ at umuwi.


A. ako B. kami C. sila D. kanya

12. Malayo pa po ang inyung pinanggalingan Tito Mike at Tita Perla, uminom po muna
__________ ng tubig.
A. ikaw B. kami C. kayo D. tayo

13. Zach, pakikuha mo yung libro sa lamesa. _______________ ang susunod na magbabasa.
A. ikaw B. kami C. kayo D. tayo

Pasulit III. Tingnan ang mga larawan at punan ng angkop na panghalip pamatlig ang mga
pangungusap. Gamitin ang ito, iyan, at iyon. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

14. __________________ ay mga prutas.

15. __________________ ba ang mga bago mong laruan?


16. Akin ang pulang bag na _______________.

17. _______________ ang bahay naming.

18. Regalo sa akin ang payong na ______________.


Pasulit IV. Pagpantigin ang mga sumusunod na mga salita at pagkatapos ay bilangin kung ilang
pantig mayroon ito.
19. nakakapagpabagabag - _________________________________________________ ( )
20. pamayanan - ____________________________________________________________ ( )
21. pangangailangan - _______________________________________________________ ( )
Pasulit V. Basahin ang mga salita sa loob ng kahon. Piliin at bilugan ang mga salitang hiram.p
masaya paaralan hamburger
pizza wala damit
dukha swimsuit salawal
Pasulit V. basahin ang mga salita sa loob ng kahon. Piliin at bilugan ang mga salitang may kambal
katinig o klaster.
paraan paaralan kwarto nanay
mahirap prutas lapis dragon
blusa araw papel mahimbing
Pasulit VI. Basahin ang mga sumusunod na mga salita at isulat ang tamang pagbabaybay nito.
1. dyaryo - __________________________________________________________________________
2. bahay- ___________________________________________________________________________
3. kuwaderno - ______________________________________________________________________
4. matamis - ________________________________________________________________________

You might also like