You are on page 1of 14

Pagkilala at Pagtukoy sa

Pang-uri
(Tambalan at Inuulit) sa
Pangungusap
Balikan natin ang tekstong
“Sa Tabing-Dagat”.

Ano ang inilalarawan sa tabing-


dagat?
Pansinin ang mga salitang ginamit sa
tekstong binasa:
Alam niyo ba kung ano ang kayarian ng mga
pang-uri sa nabasa nating teksto noong
nakaaran?

Ito ay mga sumusunod:


1. Inuulit
2. Tambalan
Inuulit - Ang mga salitang naglalarawan na
nagkaroon ng pag-uulit sa pagbaybay ay nasa
anyong pang-uring inuulit. Ang halimbawa nito ay
ang salita sa Hanay C (puting-puti).
Iba pang halimbawa:
malayo-layo
buti-buti
masayang-masaya
liit-liit
May dalawang uri ng inuulit ito ay mga
sumusunod:
a. Inuulit na Ganap
- Pag-uulit ng buong-salita
Halimbawa:
Matabang-mataba
Malaking-malaki
Magandang-maganda
b. Inuulit na Di-Ganap
- Pag-uulit ng isang pantig o bahagi ng
salita.
Halimbawa:
Matataba
Malalaki
Magaganda
Tambalan – Dalawang salitang pinagsama na may
bagong kahulugan at magagamit na paglalarawan ang
pang-uring tambalan. Ang halimbawa nito ay ang mga
salita sa Hanay D (bukas-palad, buong-puso)
Iba pang halimbawa:
halik-hudas
dilang-anghel
patay-gutom
buong-puso
Isulat ang I kung ang pang-uring may
salungguhit ay inuulit at T ay tambalan.
1. Dapat nating tulungan ang mga kapus-palad
nating kababayan.
2. Magandang-ganda ang mga paliguan sa
Laguna.
3. Sa Benguet matatagpuan ang mga
masasarap na strawberry.
4. Agaw-pansin ang gown ni Catriona
Gray sa Miss Universe noong 2018.
5. Tanghaling-tapat na tinapos ang klase
nina Annie.
Salungguhitan ang mga pang-uri sa pangungusap at
tukuyin kung ito ay inuulit o tambalan.
1. Kaakit-akit ang ganda ni Lorena.
2. Magbubukang-liwayway na ay nakatulog pa rin si
Danny.
3. Malawak ang likas-yaman ng ating bansa.
4. Matatalino ang mga anak ni Aling Loreta.
5. Malalaki ang bahay sa Forbes Village sa Makati.
Paglalahat
• Ano ang inuulit?
• Ano ang dalawang uri ng
inuulit?
• Ano ang tambalan?
1. Masisinop ang mga tao sa barangay nina
Carding.
2. Sabik na sabik ang mga bata sa mga
aralin ngayong araw.
3. Hindi gawain ng isang mabuting anak
ang umuuwi ng madaling-araw.
4. Kapit-bisig tayo sa pagtulong sa kapwa.
5. Nagtatainga-kawali si Jett sa mga sermon
ng kanyang ina.
Takdang Aralin
Gamitin sa mga pangungusap ang mga
pang-uri.
1. Ganda (inuulit)
2. Pawis (tambalan)
3. Puti (inuulit)
4. Tamis (tambalan)
5. Saya (inuulit)

You might also like