You are on page 1of 20

Pagkilala at Pagtukoy sa

Kailanan
(Isahan, Dalawahan,
Maramihan) ng Pang-Uri
Basahin ang mga pangungusap at
salungguhitan ang salitang
naglalarawan. Isulat sa patlang ang
isahan kung isa, dalawahan kung
dalawa o maramihan kung tatlo o
higit pa ang inilalarawan sa
pangungusap.
1. Mapagkatiwalaan si Mang Anton na
empleyado ng gobyerno.
2. Kapwa masipag ang mag-asawang
Mang– Anton at Aling Rhea.
3. Ang mga kasapi ng pamilya Santos ay
masisipag.
4. Magsingtangkad ang dalawang
magkaibigan na si Rosy at Jonalyn.
5. Masaya ako pag kasama ko ang aking
pamilya.
Tingnan nga natin kung
tama ang iyong sagot
pagkatapos pag-aralan ang
kailanan ng pang-uri.
Kailanan ng Pang-Uri
1. Isahan – tumutukoy sa iisang
inilalarawan.
Halimbawa:
Maputi ang kulay ng balat ni Sarah.
2. Dalawahan – dalawa ang inilalarawan.
Halimbawa:
Parehong maputi ang kulay ng balat nina Sarah
at Leila.
3. Maramihan – higit pa sa dalawa ang
inilalarawan.
Halimbawa:
Mapuputi ang kulay ng balat ng pamilya ni
Sarah.
Ang unang kailanan ng pang-uri ay Isahan.

Sa Isahan karaniwang payak ang pang-uri at


nagpapakilala sa tulong ng pamilang na isa,
mga panghalip na isahan at ng panandang
ang at si.

Halimbawa:
1.Mapagmahal na ama sa Esteban.
Basahin mo ang talata.
Piliin ang limang ginamit na
pang-uring isahan at isulat sa
tapat nito ang inilarawan
Masaya si Aling Mercy kasi makakauwi na
siya sa Pilipinas. Maliit pa si Princess, ang
kanyang anak nang siya’y umalis. Naging
matapang siya na nakipagsapalarang
magtrabaho sa ibang bansa para
matustusan ang pangangailangan ng
kanyang pamilya. Bilang isang OFW,
kailangang masipag at matiyaga siya upang
matapos niya ang kanyang kontrata.
1._________________________________
2._________________________________
3._________________________________
4._________________________________
5._________________________________
Ang ikalawang kailanan ng pang-uri ay
Dalawahan.
Nakikilala ito sa panguring pamilang na dalawa,
sa paggamit ng unlaping magsing-, magka-,
magkasing-, at ng iba pang unlaping kapwa,
kambal at iba pa.
Halimbawa:
Magkasimbait sina Janther at Reynante sa loob
ng silid aralan.
Basahin ang mga
pangungusap at kopyahin ang
ginamit na pang-uring nasa
dalawahan.
1. Kapwa maalalahanin ang anak niyang babae.
2. Sina Arvil at Arkin ay parehong magaling.
3. Magkasing tanyag si Jose Rizal at Andres
Bonifacio
4. Magsing halaga ang edukasyon at
kayamanan.
5. Parehong matamis ang prutas na galing sa
Davao at Pangasinan.
Ang ikatlong kailanan ng pang-uri ay Maramihan.

Higit sa dalawa ang inilalarawan. Ginagamitan ito


ng panandang pangmaramihan tulad ng: mga; ng
pang-uring pamilang na maramihan tulad ng tatlo,
sampu, sandaan at iba pa; at ng pang-uring
inuulit ang unang pantig ng salitang ugat tulad ng
magaganda; ang yayaman at iba pa.
Salungguhitan ang
ginamit na pang-uring
maramihan.
1. Maraming doctor ang nahawaan ng sakit na
COVID 19.
2. Apat kaming magkakapatid.
3. Lumampas na sa isang libo ang Pilipinong
namatay dahil sa COVID 19.
4. Malalaki na ang tinanim kong halaman
habang nakaquarantine sa bahay.
5. Ang mga kabataan ay malulungkot dahil hindi
muna sila makalabas sa kanikanilang bahay
Paglalahat
Ang pang-uri ay may tatlong
kailanan. Ito ay tumutukoy sa dami ng
pangngalang inilalarawan.

Ano ang tatlong kailanan ng Pang-


Uri?
Pagtataya
Panuto: Isulat sa patlang kung
ang ginamit na kailanan ng
pang-uri sa pangungusap ay
Isahan, Dalawahan, o
Maramihan.
1. Magkamukha ang dalawang alaga kong
pusa.
2. Ang gamot na ininom ni Leah ay mabisa.
3. Hindi sanay sa magiginaw na klima ang
mga hayop.
4. Magsinghusay mag-arte sina Jose at Paulo.
5. Ang mga tanawin sa Pilipinas ay
magaganda.
Takdang-Aralin
Gamitin sa pangungusap ang mga
pang-uri ayon sa mga kailanan nito.
1. Yaman (isahan)
2. Ganda (dalawahan)
3. Sipag (maramihan)

You might also like