You are on page 1of 12

PAMAYANAN

Pang – uri
- ay salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip.
Maaari nitong ilarawan ang isang tao, bagay, lugar, o pangyayari.
May tatlong uri ng pang – uri:

1. Pang – uring panlarawan


2. Pang – uring pantangi
3. Pang – uring pamilang
Pang – uring panlarawan
• Ito ang mga pang – uring naglalarawan sa kulay, hugis, laki, ugali, at
iba pang katangian ng pangngalan o pangahalip.

Halimbawa: Tahimik na lugar ang Malobago.


Pang – uring pantangi
• Ito ang mga pang – uring nasa anyo ng pangngalang pantangi at
naglalarawan ng pangngalan. Nagsisimula ito sa malaking letra.
Halimbawa: Magaling si Steven Miel sa larong volleyball.
Pang – uring pamilang
• Ito ang mga pang – uring naglalarawan sa bilang o dami ng
pangngalan o panghalip.

Halimbawa: Mayroon si Anica dalawang Kuya at isang Ate.


Buuin ang talata sa pamamagitan ng paglalagay ng angkop na pang-uri.Piliin ang
sagot sa kahon.

sementado 134
magaganda malungkot abala
tahimik nagkakaisa

Ang Aming Pamayanan

Ang aming pamayanan ay binubuo ng humigit- kumulang 1.


__________ pamilya. Mayroon itong mga kalsadang 2. ____________
at mga bahay na 3. ____________. Ang aming lugar ay 4.
_____________ sa umaga at 5. _______________ sa gabi. Gusto ko
ang aming pamayanan dahil ito ay 6. ______________. Kapag narito
ako , nararamdaman ko na ako ay kabilang.
Takdang Aralin:

Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pang-uri.


1. masaya
2. marami
3. maliit
4. madulas
5. matapang

You might also like