You are on page 1of 17

Mga Salitang

Naglalarawan
Layunin:
Nakapaglalarawan ng mga tao,
hayop, bagay, lugar sa pamayanan
Balik-aral:
Bigkasin ang sumusunod na salita. Piliin
ang mga salitang magkatugma.
1. malayo kuhanan kabayo
2. labanos gulay alay
3. kilos kuneho pareho
4. sala kaloob pala
5. lata bata lolo
Basahin ang maikling talata.
Si Nanay
Si nanay ang ilaw ng tahanan.
Siya ay mapagmahal, mabait, matiisin at
maunawain. Siya ang aming gabay.
Tayong lahat ay may inang bukal kung
magmahal. Siya ang ating inspirasyon.
Lahat tayo ay may inang handang ibigay
ang buhay para sa mga anak.
Pang-uri ang tawag sa mga salitáng
naglalarawan. Kadalasan, ginagamit ito
upang mas bigyang linaw ang isang
pangngalan. Ang salitáng panlarawan ay mga
salitáng naglalarawan sa hitsura, hugis, laki,
kulay, amoy, at panlasa ng tao, hayop, bagay,
lugar, at maging pangyayari upang mas
pagandahin ang paglalarawan sa ngalang
inilahad.
May mga kategorya kung saan ginagamit ang mga
pang-uri o salitang naglalarawan. Ito ay ang mga
sumusunod.
hitsura - maganda, makinis
laki - malaki, maliit
hugis - bilog, tatsulok
kulay - pula, asul
timbang - mabigat, magaan
amoy - mabango, mabaho
panlasa - masarap, maasim
Pangkatang Gawain

Hahatiin ang klase sa tatlong


pangkat upang maisagawa ang
mga gawain.
KAHOLAMAN
Ano ang pang-uri?
Panuto: Bilugan ang pang-uri o salitang
naglalarawan sa bawat pangungusap.

1. Matamis ang mansanas.


2. Ang aking lola ay mapagmahal.
3. Si Anna ay isang batang mabait.
4. Mataba ang aming alagang aso.
5. Malamig sa Baguio.
Karagdagang Gawain:

Mag-isip ng limang salitang


naglalarawan sa mga kasapi ng inyong
pamilya. Isulat ito sa kuwaderno sa
Filipino.
Pangkat 1
Panuto: Bilugan ang pang-uri na ginamit sa
pangungusap.
1. Malamig ang simoy ng hangin.
2. Makulimlim ang panahon ngayong araw na ito.
3. Bumili si tatay ng matatamis na mangga.
4. Ang nakamamanghang tanawin ang nagpapagaan sa
aking kalooban.
5. Binigay niya ang kaniyang mga lumang damit at
laruan sa mga naapektuhan ng bagyo.
Pangkat 2
Panuto: Piliin ang angkop na pang-uri sa bawat larawan upang mabuo ang
pangungusap.
maasim maputik malawak maberde makulay

1. Nakabubuti sa ating kalusugan ang pagkain ng ____________ng pagkain.

2. _____________ ang mga aklat sa kabinet.

3. Araw-araw niyang tinatahak ang ______________ na daan.

4. ______________ ang lupang taniman sa probinsiya.

5. Ang suka ay ______________.


Pangkat 3
Panuto: Isulat sa ibaba ang pangalan ng bawat miyembro ng inyong pangkat. Sa tapat ng
inyong pangalan ay isulat kung ano-ano ang inyong katangian o kung paano ninyo ilalarawan
ang inyong sarili.

Pangalan Paglalarawan

You might also like