You are on page 1of 62

ARALING

PANLIPUNAN
MAPEH
2
MUSIC 2
WEEK 1 - DAY 1
Pagtaas at
Pagbaba ng Tono
Tumingin ka sa paligid. Makikita
mo ang iba’t ibang mga bagay,
halimbawa, kahoy, kutsara, latang may
laman, at electric fan.
Alin sa mga ito ang nagbibigay o
lumilikha ng tunog. Subukan mong
patunugin ito sa pamamagitan ng
pagpalo, pag-alog o pagbuhay dito.
Napansin mo ba na may iba’t ibang
tunog ito?
Gaya ito ng mga nota na
sumisimbolo sa bawat tunog.
Tingnan ang larawan sa ibaba. Ilang bata ang
nakikita mo? Anong napansin mo sa kanila?
Tama! Nagsimula sa
pinakamababa pataas ang mga bata.
Tawagin nating do ang
pinakamababa sundan ng re, mi, fa
so, la, at ti.
Awitin ang mga so-fa silaba ayon sa
pagkakasunud-sunod. Maging gabay
larawan sa ibaba. Ang taas ng mga
batang ang sumisimbolo ng pagtaas ng
tono.
Ang melodiya ay ang sunud-sunod na
pahalang na pagkakaayos ng mga nota sa
limguhit. Tinutukoy din nito ang tono o himig ng
isang tugtugin o awitin. Ito ay maingat at maayos
na ginawa upang makapagbigay ng kaaya-aya at
magandang tunog.
Ang melodiya ay binubuo ng
mataas at mababang tono o pitch.
Mayroon ding katamtamang taas at
katamtamang baba ng tono.
Paghambingin ang dalawang nota sa
bawat sukat (measure). Isulat ang MT
kung ang nota ay sumisimbolo sa
mataas na tono at MB naman kung ang
nota ay sumisimbolo ng mababang
tono.
Lagyan ng ang mataas na bílog at
mababang bílog. Gawing gabay ang
halimbawa sa unang sukat (measure).
Paghambingin ang apat na nota sa
bawat sukat (measure). Isulat kung
mababa, o mas mababa, mataas, o mas
mataas. Tingnan ang halimbawa sa
ibaba.
Mag-isip ng 4 na uri ng hayop o bagay na makapagbibigay ng
tunog na mataas, mas mataas, mababa at mas mababa. Gawing
gabay ang halimbawa sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

Halimbawa:
Mataas - tahol ng aso
Mas mataas - huni ng ibon
Mababa - tunog ng palaka
Mas mababa - unga ng kalabaw
Buoin ang talata sa ibaba.

Ang _______________ ay ang sunud-sunod na


pahalang na pag-kakaayos ng mga nota sa limguhit.
Tinutukoy din nito ang __________ o himig ng isang
tugtugin o awitin. Ito ay maingat at maayos na ginawa
upang makapagbigay ng kaaya-aya at magandang
tunog.
Ang melodiya ay binubuo ng
mataas at mababang tono o
_____________. Mayroon ding
katamtamang taas at katamtamang
baba ng tono.
Tingnan ang limguhit (larawan ng iskala o
scale) Basahin ang mga so-fa silaba sa
ilalim ng Limguhit. Do, re, mi, fa, so, la,
ti, do. Gumawa ng limguhit sa kuwaderno.
Iguhit ang mga nota sa tapat ng so-fa
silaba.
Takdang-aralin:
Kunwari ay sasali ka sa isang “Fashion Show.” Mag-isip
ka ng mga posisyon/pose na nagpapakita ng mababa,
mas mababa, mataas, at mas mataas. Magpa-picture ka
sa kasama mo sa bahay. Idikit ang mga retrato sa
kuwaderno at lagyan ng label ang bawat retrato kung
mas mababa (RE), mababa (Mi), mataas, (SO) at mas
mataas (LA).
THANK YOU
FOR
LISTENING!
ARALING
PANLIPUNAN
MAPEH
2
ARTS 2
WEEK 1 - DAY 2
Guhit, Hugis,
Tekstura, at
Disenyo
Panuto: Pagtapat-tapatin ang
hayop at katangian ng balat nito.
Isulat ang letra ng tamang sagot.
A. balahibo

B. kaliskis

C. balat
Suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba.
Mga tanong:
1. Ano-ano ang mga hayop na makikita sa
unang larawan at sa ikalawang larawan.
2. Ano-ano ang mga hayop na makikita
sa ikalawang larawan.
3. Ano-ano ang mga dapat na kulay sa mga bagay
na nasa dalawang larawan?
4. Ano’ng mga hugis na iyong napansin sa
dalawang larawan?
5. Ilarawan mo ang testúra ng balát ng mga hayop
sa dagat at mga hayop sa kagubatan.
Ang mga linya ay mabubuo sa
pamamagitan ng pagdudugtong ng mga
tuldok, maaaring tuwid, pakurba, at
pasigsag. Ang hugis ay nabubuo kapag ang
mga dulo ng linya ay pinagtagpo, tulad ng
bilóg, parisukat, at tatsulok.
Ang mga kulay naman ay bagay na
nakikita ng mga mata ng tao na maaaring
matingkad o mapusyaw. Ang mga
pangunahing kulay ay makikita mo sa
bahaghari tulad ng red, orange, yellow,
green, violet, at blue.
Ang testúra naman ay tumutukoy sa
elementong pangunahing umaapila sa
pandama o panghipo o katangian ito ng
ibabaw ng anumang bagay na maaaring
makinis o magaspang, madulas o mabako,
manipis, o makapal.
Panuto: Gumuhit ng 2 hayop na
makikita sa dagat at 2 hayop na
makikita sa kagubatan.
Sa iyong ginawa, ilarawan mo ang kulay,
hugis, linya, at testúra ng kanilang balát.
Tingnan sa kasunod na pahina ang
paglalagyan mo ng sagot. Kopyahin ang
tsart sa iyong kuwaderno.
Ngayon naman ay gagawa ka ng sarili mong
disenyo ng akwaryum. Gumuhit ng 3 klase
ng hayop na puwedeng tumira dito. Sa ilalim
ng inyong akwaryum, ilarawan ang kulay,
hugis, at testúra ng mga ito. Gawin ito sa
kuwaderno.
Punan ng tamang sagot ang
patlang sa pangungusap upang
makabuo ng angkop na konsepto
o ideya tungkol sa aralin.
1. Ang ______ay mabubuo sa pamamagitan ng
pagdudugtong ng mga tuldok, maaaring tuwid, pakurba,
at pasigsag.
2. Ang mga ________ naman ay bagay na nakikita ng
mga mata ng tao.
3. Ang _______ naman ay tumutukoy sa katangian ng
ibabaw ng anumang bagay na maaaring makinis o
magaspang, madulas o mabako, manipis o makapal.
Panuto: Isulat sa patlang ang letrang T kung tama ang
pangungusap at M kung mali ang pangungusap.

_______1. Ang ibon ay may balahibo.


_______2. Ang isda ay may iba’t ibang kulay.
_______3. Ang aso ay may kaliskis.
_______4. Ang kabayo ay may puti, itim, at
kayumangging kulay.
_______5. Ang hipon ay may balahibo.
Karagdagang Gawain:
Ilarawan ang katangian (tamang kulay, hugis,
tesktura, linya) ng hayop sa ibaba.
THANK YOU
FOR
LISTENING!
ARALING
PANLIPUNAN
MAPEH
2
HEALTH 2
WEEK 1 - DAY 3
Mga Pandama
Panuto: Piliin ang
tamang sagot.
1. ilong mata

2. tainga dila
3. ilong kamay

4. mata dila

5. kamay tainga
Awitin ang “Limang Pandama”.

https://youtu.be/l84yRzIp6Xc?
si=6hFcoXe8eUe3-Nc0
Mga tanong:
1. Ano-ano ang mga pandama na
nabanggit sa awit?
2. Ilan ang ating mata? Ilong? tainga?
dila? At kamay?
3. Ilan ang ating pandama?
Ang Mata
(Paningin)
Dalawa ang mata natin. Ginagamit natin ito
upang Makita ang mga bagay-bagay. Nakikita
natin ang magagandang tanawin, mga kaibigan at
mga mahal natin sa buhay. Nagagawa natin ang
mga dapat nating gawin gamit ang ating paningin.
Mga Paraan ng Pangangalaga ng ating Mata
1. Kumain ng masustsiyang pagkain.
2. Huwag direktang tumingin sa araw upang hindi
masilaw.
3. Punasan ang mga mata nang malinis na panyo.
4. Manood nang malayo mula sa telebisyon.
5. Magbasa ng may sapat na liwanag.
6. Ipahinga ang mata kapag ito ay pagod na.
Iláng Sakit na Dulot sa Ating mga Mata

Paglabo ng mata, pagkaduling at pagkabulag


ang karaniwang sakit ng mga batà sa mata kung
ito ay hindi mapangangalagaan. Ang sobrang
pagbabad ng ating mata sa TV, cellphone o
anumang gadgets ay nakakalabo nito.
Panuto: Lagyan ng tsek ang kolum
batay sa dalas ng iyong pagsasagawa
ng mga angkop na pamamaraan sa
pangangalaga ng mga mata.
Pangangalaga ng Mata
Palagi Minsan Hindi
1. Kumakain ako ng masustansiyang pagkain.

2. Hindi ko direktang tumitingin sa araw upang hindi masilaw.

3. Pinupunasan ko ang mga mata nang malinis na panyo.

4. Nagbabasa ako nang may sapat na liwanag.

5. Ipinapahinga ko ang aking mata kapag ito ay pagod na.


Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba tungkol
mga naranasan mong karamdaman sa paningin.

Pandama Mga Inilapat na Resulta


Karamda- Lunas
man
Mata
Punan ang patlang ng wastong salita/konsepto
upang mabuo ang diwa ng mga talata tungkol sa
aralin.

Ang mga ang aking


g a m i t u p a n g ___________________ ang
paligid at ang taglay nitong ganda.
Panuto: Iguhit ang iyong mga mata. Isulat sa ibaba kung
paano mo ito mapapangalagaan.

Ang Aking Mga Mata

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Takdang-aralin:
Gumupit ng mga larawan na
nagpapakita ng pangangalaga sa
mga mata. Idikit ito sa iyong
kuwaderno.
THANK YOU
FOR
LISTENING!

You might also like