You are on page 1of 4

WORKSHEETS IN MAPEH 2

3rd Quarter, 4th Week


April 12 - 16, 2021

Pangalan: _______________________________________________ Baitang: _________________

MUSIC: performs songs with appropriate vocal or sound quality (from available instruments)
(MU2TB-lllc-5)

Wastong Pag-awit

Sa araling ito, matututuhan mo ang wastong paraan ng pag-awit. Kaya makatatanghal ka


rin ng awitin sa tamang paraan gamit ang wastong kalidad ng tinig.

Narito ang iba’t ibang paraan ng wastong pag-awit.

1. Tumayo ng tuwid at komportable. Ang tinig ay mas malinaw na lalabas mula sa iyong
lalamunan kung ikaw ay nakatayo, sapagkat maluwag na nakaunat ang iba’t ibang
panloob na bahagi ng katawan.

2. Huminga nang sapat. Ang paglikha ng himig ay nangangailangan ng mas maraming


hangin mula sa baga upang mapahaba ang hininga at mapanatiling konektado ang mga
tono.

3. Ikondisyon ang boses. Sa pamamagitan ng vocalization o pag-ehersisyo ng voice box,


mapananatiling nasa wastong kalagayan ang boses. Huwag biglain ang pag-awit.
Simulan muna sa mahina at mababang tinig, at unti-unti itong ilakas at itaas.

4. Laging makinig ng iba’t ibang awitin. Makatutulong ito upang masanay ang pandinig sa
wastong tono at tiyempo ng isang himig, at matutuhan ang iba’t ibang pamamaraan o
estilo ng pag-awit. Ang iyong pandinig ang gabay upang tamaan ang wastong nota ng
isang awitin.

5. Subukan ang iba’t ibang uri ng tinig. Ang bawat tao ay may kaniya-kaniyang kalidad ng
boses, tulad ng buo, mahangin, matinis, o malalim. Subukan ang mga ito upang
mapagtanto ang timbreng naaayon sa iyong likas na tinig.

6. Piliin ang awit na bagay sa iyong tinig. Alamin ang hangganan ng taas at baba ng iyong
tinig, upang makapili ng awiting mapananagutan ng iyong kakayahan. Subukang
kumanta ng iba’t ibang awitin at pakinggan ang sarili.

7. Ensayuhin ang awitin. Bago magtanghal, seguraduhing may sapat na pagsasanay sa


pag-awit ng napiling kanta. Planuhin ang paghinga, mga pagbabago sa lakas at hina ng
tinig, at higit sa lahat ay ang pag-akyat-baba ng tono nito.

8. Alagaan ang iyong pangangatawan. Ang pagkanta ay nangangailangan din ng


malusog na pangangatawan upang makalikha ng kaaya-ayang tinig, at makatanghal
nang walang sagabal na sakit. Iwasan ang inuming malalamig at pagkaing matatamis at
malalapot bago at pagkatapos umawit.

Gawain 1: Sagutin ang mga sumusunod na tanong

1. Bakit kailangang tumayo nang matuwid habang umaawit?

1
A. upang magising ang natutulog mong voice box

B. upang malinaw na lumabas ang iyong tinig

2. Ano ang naitutulong ng paghikab bago umawit?

A. Nakatutulong ito upang mag-imbak ng hangin sa baga.

B. Nakatutulong ito upang maging komportable.

3. Sa paanong paraan ikinokondisyon ang boses?

A. sa biglaang pag-abot ng matataas na tono

B. sa vocalization o pag-eehersisyo ng voice box

Gawain 2: Pumili ng isang awitin na natutunan mo simula noong nasa unang baitang ka pa
lamang hanggang ngayon. Sundin ang wastong paraan ng pag-awit. Videohan ang
pagtatanghal at ipasa sa guro.

Rubrics:

Kaalaman 5 4 3 2 1
1. Nasa tono ang boses sa ginawang pag-awit?
2. Naiparinig ang awit na may tamang taas at baba
ng tinig?
3. Nakaawit ng may damdamin?

5 – Buong Husay
4 – Mas Mahusay
3 – Mahusay
2 – Hindi Gaanong Mahusay
1 – Hindi Nakapagsagawa

ARTS: carves a shape or letter on an eraser or kamote, which can be painted and printed
several times (A2PR-lllf)

Muling pag-aralan ang mga aralin (Aralin 5: Pag-uukit ng mga Hugis; Aralin 6: Pag-uukit ng
mga Letra A-M; Aralin 7: Pag-uukit ng mga Letra N-Z) sa pahina 244 – 248.

Sundan ang larawan upang maisagawa mo ito nang maayos. Gawin ito ng may patnubay
ng magulang o nakatatanda.

2
Gawain 1: Gumawa ng 2 pangtatak na letra (ang isa ay unang letra ng iyong unang
pangalan at ang isa pa ay unang letra ng iyong apelyido) gamit ang lumang pambura o
kamote, patatas o kaya ay gabi. Kunan ng larawan ang ginawang likhang sining at i-send
sa email ng inyong adviser.

PE. Moves at slow, slowest/fast faster, fastest pace using light, lighter, lightest/ strong,
stronger, strongest force with smoothness (PE2BM-lllc-h-19)

Gawain 1: Gawin ang mga sumusunod na panuto at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Mga Panuto:
1. Humanap ng kasama sa paggawa ng aktibidad na ito. Maaaring imbitahan ang iyong
magulang, ate, kuya, o kung sino man na nakatatanda na puwede kang samahan at ala-
layan sa pagawa ng mga gawain.
2. Humanap ng puwesto sa loob ng bahay na maaari kang makakilos tulad ng pagtakbo,
paglalakad, at iba pang mga kilos lokomotor.
3. Magtakda ng dalawang lugar o puwesto at markahan ito bilang A at B. Seguraduhin na
may malayong espasyo sa distansiya ng A at B. Ito ang gagamitin nating simula at dulo ng
tatahakin nating mga pagkilos.
4.Gawin ang sumusunod na kilos mula A papunta sa B habang inoorasan ng ating
kasamang nakatatanda ang bawat nating pagkilos.
A. Paglalakad
B. Pagtakbo
C. Paglukso o Pagtalon
Mga Katanungan:
1. Ilang segundo ang inabot ng iyong paglalakad mula A hanggang B?
______________________________________________________________________________________
2. Ilang segundo ang inabot ng iyong pagtakbo mula A hanggang B?
______________________________________________________________________________________
3. Ilang segundo ang inabot ng iyong paglukso o pagtalon mula A hanggang B?
______________________________________________________________________________________
4. Kung titignan o susuriin ang bawat kilos, alin sa mga ito ang pinakamabilis na uri ng kilos
base sa kanilang bilis?
______________________________________________________________________________________
3
5. Kung titingnan o susuriin ang bawat kilos, alin sa mga ito ang pinakamabagal na uri ng
kilos base sa kanilang bilis?
______________________________________________________________________________________

HEALTH: Demonstrates good family health habits and practices (H2FH-lllcd-12)


Malusog na Gawi, Malusog na Pamilya
Mahalaga na ang bawat kasapi ng pamilya ay nagsasagawa ng malusog na gawi.
Ito ay upang mapanatili na malusog ang pangangatawan at mabuti ang kalusugan ng
bawat isa. Tandaan na ang sama-samang pagpapanatili ng mabuting kalusugan ay
paraan para maiwasan ang pagkakasakit na nagiging dagdag alalahanin ng pamilya.

Mga Tamang Gawi ng Pamilya upang Maitaguyod ang Kalusugan.

1. Paghahain ng pagkain na may tamang nutrisyon para sa pamilya.


2. Pagsasangguni sa pinagkakatiwalaang doctor
3. Pageehersisyo ng Pamilya .
4. Paglalaro at Paglilibang kasama ang buong Pamilya.
5. Pagkakaroon ng mga Alagang Hayop o mga Halaman bilang Libangan.

Ang pagpapabuti ng kalusugan ng buong pamilya ay lubos na kailangan at


mahalaga. Ang sama-samang paggawa ng malusog na gawi ay sama-samang
pagpapanatili ng kalusugan ng pamilya.

Gawain 1: Bilugan ang numero ng larawan na nagpapakita ng malusog na gawi ng


pamilya.

You might also like