You are on page 1of 2

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY

STO. CRISTO ELEMENTARY SCHOOL


Ilocos Sur St. Bago Bantay, Quezon City
MTB-MLE2 (Ikatlong Markahan_Ikaapat na Linggo)
Inihanda ni: Gng. Shirley R. Marco

Pangalan: _______________________________________ Baitang/Seksyon: ______________

Pagtukoy at Paggamit ng Aspekto ng Pandiwa (Nagaganap na)

Layunin: Natutukoy at nagagamit nang wasto ang iba’t ibang aspekto ng


pandiwa/salitang kilos sa tulong ng mga salitang nagpapahiwatig ng oras o panahon.
(NAGAGANAP NA ) MT2GA-IIIa- c-2.3.2
GAWAIN 1
Panuto: : Buuin ang pangungusap. Piliin ang pandiwang nasa aspektong naganap
sa loob ng kahon.
Bumili Nagsgsulat Namalengke Natulog Kumain

1. ______ kami ni Nanay sa Jollibee noong Linggo.


2. ______ kami sa Pamilihang Novaliches kahapon ng umaga.
3. ______ ako ng pangalan ko sa isang buong papel kanina.
4. ______ ng maaga kagabi si Gabriel.
5. ______ ng bagong bisikleta si Tatay noong isang buwan.

GAWAIN 2
Panuto: Piliin ang pandiwang nasa aspektong nagaganap upang mabuo ang
pangungusap.

1. Araw araw (nagsasanay, magsasanay) ang mga kalahok sa laro.


2. (Inabangan, Inaabangan) ko tuwing Sabado ng umaga ang paborito kong palabas sa
telebisyon.
3. Gabi-gabing (tumatahol, tatahol) ang aso pag may taong dumaraan.
4. (Hinahakot, Humakot) ng trak ang mga basura tuwing Lunes at Miyerkoles.
5. Parating (inaalis, naalis) ni Lola ang mga tuyong dahon sa halaman niya.

Nagaganap - aspektong nagsasabi na ang kilos ng pandiwa ay kasalukuyang


ginagawa o nangyayari o palagiang ginagawa. May mga salitang pamanahon na
ginagamit para malamang nagaganap ang kilos tulad ng: ngayon, sa oras na ito, sa
sandaling ito, palagi, araw-araw, orasoras, tuwina at iba pa.
Halimbawa: naglalakad, kumakain, binabasa
Nagluluto ng itlog ang nanay tuwing umaga.
GAWAIN 3
Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap. Piliin ang tamang pandiwa na nasa
aspektong nagaganap sa loob ng kahon.

a.inaabangan b. nagkukuwentuhan c. nagtatawanan


d.naghahanda e. nagluluto

Halimbawa: Dumadaan sa tindahan ang magkapatid tuwing hapon.


1. Lagi kaming ___________ tungkol sa mga pangyayari sa aming buhay.
2. __________ ang magkaibigan ngayon.
3. __________ ang nanay ng hapunan tuwing gabi.
4. Palaging ____________ ng aso ang kanyang amo sa gate.
5. Taon-taong ____________ ang kuya sa kaarawan niya.

Gawain 4 Panuto: Pag-aralan ang mga pangungusap at tukuyin ang pandiwang


nagaganap. Guhitan ang salitang nagpapahiwatig ng panahon o oras kung kailan
ginawa ang kilos.

Halimbawa:
nagpapadala 1. Buwan-buwang nagpapadala ng pera ang aking ama mula Saudi
Arabia.

__________1. Palagi akong nagdarasal bago matulog.


__________2. Nililinis ko ang aking kuwarto ngayon.
__________3. Si Rafael ay nag-aaral ngayon.
__________4. Tuwing siya’y dadaan, binabati niya ako.
__________5. Nagbibigay ng baon ang tatay tuwing umaga.

You might also like