You are on page 1of 2

5WORKSHEETS IN FILIPINO 2

Quarter 3, Week 5

Pangalan:_____________________________________ Petsa_______________ Seksyon:_________


Layunin : Nailalarawan ang mga tauhan sa napakinggang teksto batay sa kilos, sinabi o pahayag .
Pagsasanay 1 PANUTO: Basahin ang mga sitwasyong nasa ibaba. Ilarawan ang
katangian ng mga tauhan dito. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Nalaglag ang hawak na pera ng bata. Agad iyong pinulot ni Dan at inabot sa may -
ari. Si Dan ay isang batang ______.
A.masipag B .masunurin C.matulungin D.matapat
2. May bagong pantalon si Sito. Nalaman niyang kailangan ni Fred ng isusuot sa kanilang
programa. Ipinahiram niya iyon kay Fred.
A.masipag B.masayahin C.matulungin D.matapat
3. May uwing pagkain ang Nanay. Sinabi ng Nanay na hatian ni Dina ang kanyang
kapatid na si Nena. Hinati ni Dina nang magkasinlaki at binigay niya kay Nena ang parte
nito.
A.marunong B.maalalahanin C.mapagbigay D.masinop
4. Si Ruffa ay laging tinutukso ni Lina. Pinagtatawanan ni Lina si Ruffa sa harap ng ibang
tao sabay sabi na luma na ang damit ni Ruffa at siya ang pinakamaganda.
A.mayabang B.mabait C.sinungaling D.kulang sa pansin
5. Gustung-gusto ni Bench na makipaglaro kay Rhian. Tinawag niya ito upang sumama sa
bukid. Hindi pumayag si Rhian dahil bilin ng kanyang Tatay na bantayan ang kanilang
mga alagang hayop.
A.magalang B.mapagmahal C.matalino D.masunurin
Pagsasanay 2 Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Ikahon ang letra ng
iyong sagot.
1.Wala ang Nanay mo. Ikaw lamang ang naiwan sa bunso mong kapatid. Maya-maya
niyaya ka ng kaibigan mong maglaro sa kanilang bahay. Ano ang gagawin mo?
A.Sasama sa kaibigan upang maglaro.
B. Hihingi ng pasensiya dahil walang maiiwan sa bunsong kapatid.
C.Iiwan ang kapatid at makikipaglaro.
D.Ihahabilin sa kapitbahay ang kapatid.
2.May batang nadapa. Umiiyak siya dahil nagkabutas ang kanyang pantalon at
nasugatan pa ang kanyang tuhod. Ano ang iyong gagawin?
A. Tutulungan ang batang makatayo at sabihan na mag-ingat.
B. Hayaan siyang tumayo mag-isa dahil hindi siya nag iingat.
C.Pagalitan ang bata dahil hindi siya nag-iingat.
D.Tulungan siya at pagkatapos ay pagalitan.
3. Nagtatanim sa bakuran ang Nanay mo. Kailangan niya ng tagahawak sa paso at
tinawag ka niya. Ano ang iyong isasagot?
A. Nakakainis naman eh! Naglalaro pa ako!
B. Nariyan na po Inay!
C.Kaya na po ninyong mag-isa yan!
D.Mamaya na po! May ginagawa pa po ako!
4. Naglalaro isang araw ang magkaibigan na sina Jack at Jill. Dahil si Jill ay minsan
lamang naibibili ng laruan ng kanyang mga magulang ay sabik siyang malaro ang
laruan ni Jack. Ano sa tingin mo ang dapat sabihin ni Jack kay Jill?
A. “Jill! sa iyo na ang laruang ito. Pahiramin mo ang kapatid mo na si Leon.”
B. “Jill! bawal mong hawakan ang mga laruan ko.”
C.”Jill! tingnan mo lamang ang mga laruan ko baka kasi masira mo.”
D.”Jill!kawawa ka naman hindi ka mabibilhan ng tatay mo ng ganitong laruan.”
5. Naglalaba ang iyong Nanay. Nakita mo na hindi pa nahuhugasan ang mga
pinagkainan ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Hintayin ang Nanay na hugasan ang mga pinagkainan.
B. Huhugasan na ang mga ito upang hindi na gawin ng Nanay.
C.Utusan ang kapatid na hugasan ang mga ito.
D.Magkunwaring nag-aaral upang hindi maghugas ng mga pinagkainan.
Pagsasanay 3 PANUTO: Tukuyin ang damdamin ng tauhan batay sa kanyang pahayag
kilos. Isulat ang letra lamang. Piliin ang iyong sagot sa kahon at isulat mo ito sa patlang.

A.pagkahiya B.pagkagalit C.pagtatampo D.pagkainip E.pagkatakot

_______1. Hindi na lang ako sasama! Hindi ninyo naman talaga ako gustong kasama.
_______2. Walang gustong dumaan sa kalye Rizal dahil sa malaki at matapang na aso
na gumagala.
_______3. Walang magawa sa bahay kaya maghapon na lang gumagamit ng cellphone
ang mga bata.
_______4.Bakit mo sinulatan ang dingding? Ayan! Hindi na maaalis yan at kailangang
papinturahan muli!
_______5.Ayaw kumanta ni Alex sa harap kaya siya ay napayuko nang tawagin siya
ng guro.

Inihanda ni: Gng. Leonora J. Fuerzas

You might also like